Wala siyang maramdaman kahit anong awa matapos patayin ang biktima sa gabing ito. Sandali siyang bumuntunghinga bago tumalikod. Ngumisi siya ng nakakaloko at deritsong tinungo ang sasakyan. Saglit niyang sinulyapan ang bahay at parang walang nangyari na pinaharurot ang sasakyan.
Bukas, pipilitin niyang dumaan sa bahay-ampunan. Hindi dahil bibisitahin niya ang mga kabataan, kundi para silipin ang kagandahan taglay ni Sister Blessy. Hindi niya pa matukoy kung ano itong nararamdaman niya para sa babaeng maglilingkod sa Diyos; kung meron man Diyos. Dahil para sa kaniya, walang Diyos. Isang malaking kasinungalingan lang ‘yan na itinanim sa bawat utak ng tao. Pero nirerespito pa rin niya ang paniniwala ng mga taong nasa kaniyang paligid.
Napangiti siya nang masilayan ang kagandahan ng babae. Masaya itong nakipaglaro sa mga bata sa maluwang na bakuran at sa guhit ng ngiti nito, may ginintuang puso ito.
Napakuyom siya ng kamao. Hindi pwede itong nara-ramdaman niya. Humugot siya ng malalim na buntunghinga at muling sinulyapan ang babaeng tinandaan niya sa pangalang Blessy. Mali itong nararamdaman niya para rito at alam niyang magiging hadlang ito balang-araw sa kaniyang daraanan.
Kaya sa araw na iyon, nagpasya siyang kalimutan ang kakaibang emosyon na bumalot sa kaniyang puso. Isa lang ang alam niya kung bakit nandito siya mundo, ang pumatay para sa pera.
Nakipagkita siya kay Don. Rokassowskij. Ang matandang Finnish. May binigay ito sa kaniyang deal, ang bantayan ang apo nitong si Jaakkina Rokassowskij. Mabilis lang sa kaniya ang bantayan ang dalaga. Hindi ito masakit sa ulo kaya malaya niya pa rin nagagawa ang ibang assignment na gusto niyang gawin.
Mabilis na lumipas ang mga buwan at taon. Hinayaan niyang takasan siya ni Jaakkina. Isa siya sa rason kung bakit nakaalis ito ng mansyon. Hinayaan niya kung hanggang saan ang kaya nitong lumayo. Pinagbigyan niya itong tumakbo at umalis sa poder ni Don. Rokassowskij.
Hindi uso sa kaniya ang awa pero nang mga panahong iyon, nakapa niya sa puso ang pagkahabag sa dalagita. Maliit na babae lang ito at maputlang-maputla. Mapayat ang katawan at mahinhin ang galaw. Isa sa rason, na hinayaan niyang mamukadkad ito, masyado pa itong bata. At kung magaling ito magtago... Swerte ng dalagang Rokassowskij. Pero ‘pag hindi, wala siyang magagawa kundi ang batiin ito sa dulo ng kaniyang baril.
Nawala rin sa isip ni Zerus ang babaeng Madre na ilang linggong ‘di nagpatulog sa kaniya. Kung hindi siya paulit-ulit na binalikan ni Ramona at binantaan na papatayin nito ang kung sino man ang babaeng kaniyang seryusong magugustuhan, hindi pa siya makakalimot.
Kung isa siyang demonyo, mas masahol sa demonyo ang kaniyang kapatid. Pumapatay ito kahit bata, isa sa pinag-aawayan nilang magkapatid. Wala itong pili nang pinapatay.
Masyadong halang ang kaluluwa nitong walang natirang konsensya sa katawan.
May panibagong deal siyang tinanggap. Ito ay manmanan ang Doctor na nagngangalang Hudson Herrence Hayes. Nakilala niya ang binatang Doctor nung minsan nakasama niya ito sa isang gatherings. Madulas ito. Nasasabi niya ang bagay na ito nung minsan pinasabog niya ang sinasakyan nitong yacht at nabuhay pa.
Hindi niya alam kung bakit gusto itong ipatumba ng kaniyang kliyente. Wala siyang panahon para magtanong sa bagay na iyon. Mahalaga sa kaniya ang pera.
Mas lalo siyang nasabik na makipaglaro ng p*****n sa binatang Doctor nang lumitaw ang pribadong bodyguard nitong nagngangalang Abhaya at Jackylyn. Masaya siya sa isiping bumalik ang apo ni Don. Rokassowskij na ibang-iba at handang humarap sa demonyo. Ang sabi nga niya, hayaan itong mamukadkad na parang rosas at maging handa sa pagbati sa dulo ng kaniyang baril. Hindi siya binigo ng babae, bumalik ito sa mas nakakapanghamon na katauhan.
Tulad nung nasa cruise sila kung saan ginanap ang birthday celebration ng kasosyo niya sa trabaho, si Theon Willoughby. Nagbigay siya ng warning shot kay Dr. Hayes at kahit papaano, ang saya paglaruan ng emosyon nito. Kaya nagpasya siya sa gabing iyon na paglaruan ang kamatayan nito sa kaniyang kamay. Kung paano paglaruan ang puso nito at paano ilayo ang katotohanang, ang hinahanap ng Doctor ay ang mismong bodyguard nitong si Abhaya.
Tama, siya ang may pakana sa mga mislead information na binibigay niya rito. Nakakatawa isipin na ang pagiging magaling nito sa Cyber, tumataob dahil puso nito ang ginagamit. Kahit kailan, walang kwenta ang puso. Kaya tama rin na puso ang pinakamagandang target sa lahat ng parte ng katawan.
Ang pagbigay niya ng pekeng detalye sa babaeng hinahanap nito sa Russia. Ang pagsunod ng mga tauhan niya sa binatang Doctor papuntang Airport. Ang pagpatay ni Jaakkina sa mga kasamahan niya at ang pinaka-mas magandang nangyari sa lahat, ay ‘yong sundan niya si Abhaya Sahada at Theon Willoughby sa Mississippi. Dinukot ang babae, ayon sa utos at dinala ito sa New Orleans.
Bahagya siyang napangiti sa alaalang iyon. Madugong labanan ang nangyari pero hindi niya napatay ang kaniyang biktima. Sumalungat si Fortocarrero sa kaniyang plano at nabaril siya sa balikat. Dahilan para mauna siyang tumakas at isinantabi muna ang pagpatay sa Doctor.
Kaya ang ginawa ni Zerus, nag-lie low siya Pinas pero dahil utak ang labanan ng pagitan nila ng isang Hayes, na-track siya nito at nagkaroon sila ng matinding sagupaan. Harap-harapan silang nagpaligsahan sa kanilang mga baril na hawak kung sino ang maunang sunduin ni Satanas.
Pero dahil wala yatang planong singilin ng demonyo ang kaniyang kaluluwang sinangla, kaya malalang tama ang kaniyang nakuha sa parte ng kaniyang katawan. Kung hindi pa siya nakatalon sa talon, malamang nasa ilalim ng lupa ang kaniyang katawan at pinaglalamayan ng mga uod.
Kaya ngayon, nasa isang kweba siya at namimilipit sa sakit. Tinitiis niyang ‘wag sumigaw at halos namanhid na rin ang kaniyang katawan.
Damn it! I’ll kill you, Hayes. Pinanigan ka lang ni Satanas pero sa susunod, si Satanas mismo magtatraydor sa ‘yo.
“Huwag kang magalaw masyado, Hijo.”
Mula sa kaniyang kinasasandalang malaking tipak na bato, nakita niyang pumasok ang matandang lalaking siyang tumulong sa kaniya. Matandang-matanda na ito at puting-puti ang buhok pero matikas pa rin gumalaw. May sakbit na itak sa beywang at may dalang supot na tingin niya ay naglalaman ng pagkain at mga gamit na pinakiusap niya.
“K-kayo pala, Manong,” nahihirapan siyang magsalita. May tama siya sa gilid ng kaniyang tiyan at kanang hita kaya nahihirapan siyang maglakad. Nagdudugo rin ang sugat niya sa balikat na binigay sa kaniya ni Fortocarrero.
“Hijo, kasama ko si Sister. May alam siya kung paano gumamot dahil marami na rin ang dumating sa simbahan, na parehas sa sitwasyon mo na ayaw magpadala sa Hospital. Si Sister ang tutulong sa ‘yo.”
Tumango siya sa sinabi ng matanda. Wala siyang pakialam sa sinasabi nitong Madre o sinong babae. Ang sa kaniya, matanggal ang balang nakalibing sa parte ng kaniyang katawan.
Lumapit ito sa kaniya at tinulungan siyang makaupo ng maayos. Nagsuhestiyon ito sa kaniya na dalhin siya sa Hospital nung nakita siya nito sa damuhan at naghihingalo pero mabilis siyang umayaw. Mapapabilis ang kaniyang kamatayan kapag nagkataon. At pinagpasalamatan niya iyon sa matanda dahil hindi ito nagpumilit. Marahil, naiintindihan nito ang kaniyang sitwasyon kung bakit. Kaya ang ginawa ng matanda, dinala siya nito malapit sa isang kweba at nagmamadaling umalis para makahingi ng tulong. Hindi niya na magawang umayaw dahil nakaalis na ito pero bago iyon, nakapaghabilin siya rito na dalhan siya ng maraming bimpo at alcohol.
“M-manong, dala niyo ba ang pinakiusap ko sa inyo?”
Mabilis itong tumango at pinakita sa kaniya ang kaniyang hiningi: bulak, malinis na mga bimpo, maliit na plangganita, alcohol at tubig. Mula sa lamparang tanging nagbibigay ng ilaw sa loob ng kwebang iyon, malaya niyang inabot ang dala nito.
“Mister, ako na ho ang gumamot sa inyo.”
“K-kaya ko ang sarili ko! Hindi ko kailangan ang tulong mo, Sister,” asik niya rito, “Manong. Iwan niyo muna ako. A-ako na ang bahala rito.” Hindi siya nag-abalang tingnan ang mukha ng babae. Ang sa kaniya, gusto niyang mapag-isa.
“Pero Hijo—”
“Sige na. Ako na ang bahala. Kaya ko ang sarili ko,” mabilis na putol niya sa anumang sasabihin ni Manong Ben.
“Pero Mister, baka maimpeksyon ang sugat mo kapag ikaw ang—”
“I said, get out! Out!”
Nagmadaling tumayo ang mga ito at tumalikod. Nanghihinang napasandal siya at naghahabol ng hininga. Nagbibilang siya sa isip ng hanggang sampo bago niya unang tinanggalan ng bala ang hitang natamaan.
“Argh! f**k this! Fuckkk thiss!” Kinagat niya ng mahigpit ang bimpo sa bibig habang sinimulang buksan sa pamamagitan ng kaniyang kutsilyo ang hitang may tama ng baril. Halos naligo na siya ng pawis at magsilabasan ang ugat sa buo niyang mukha.
Nahigit ni Zerus ang kaniyang hininga nang simulan niyang tanggalin ang bala. Sa tabi niya, ang plangganitang may lamang tubig at alcohol.
Damn!
Napapikit siya ng mariin nang matanggal niya ang balang nakabaon sa kaniyang hita. Halos mapugto ang kaniyang hininga sa sakit pero ininda niya iyon. Sunod na kaniyang ginawa, binuhusan ang sugat ng maraming alcohol. Putangina! Hindi niya mapigilang magmura sa isip.
Agad niyang pinunit ang suot na tshirt at tinali sa kaniyang hitang may sugat para maampat ang pagdugo. Sisiw lang ito kung tutuusin pero baka makalimutan ni Satanas ang kontrata nila at bigla siya nitong sunduin nang wala sa oras.
Napasandal siya sandali sa malamig na tipak na bato nang tanggalin niya ang towel sa bibig. Pinipilit niyang habulin ang kaniyang hininga. May isang bala pa siyang tatanggalin sa gilid ng kaniyang tiyan.
Sandali niyang pinikit ang mata at ilang beses na napahugot ng malalim na hangin. Nanghihina na ang kaniyang katawan pero pinipilit niyang labanan. Hindi siya mamatay na ganito. Babalik siya at maniningil ng buhay.
Ang isang kamay niya ay nasa gilid ng kaniyang tiyan at pinipigilan ang muling pagsidaloy ng mga dugo.
“Mister...”
Hindi niya magawang magbukas ng mata para tingnan ang mukha ng Madreng nasa kaniyang harapan ngayon. Nanghihina siya at gusto niyang magpahinga at sandaling bawiin ang lakas. Hindi rin basta ang talon na kaniyang tinalunan kanina. Mabuti at hindi siya nawalan ng malay pero kapalit ang lakas niyang dahan-dahang ninakaw ni Satanas.
“Mister kailangan na ho natin dalhin kayo sa Ospital. Mauubusan kayo ng dugo at—”
“G-go away...” pabulong na anas niya.
Pero naramdaman niyang lumapit ito sa kaniyang kina-roroonan at dinama ang kaniyang tagilirang dumudugo. Napilitan si Zerus na magmulat ng mata. Eksaktong nagtama ang mata nila ng Madreng nasa kaniyang harapan ngayon at puno ng pag-alala ang mukhang nakatunghay sa kaniya.
“Y-you?”
Kumunot ang noo nito, “Kilala niyo ako?”
Hindi siya sumagot. Pinili niyang tumahimik nung sunod-sunod ang pagsugod ng kirot sa kaniyang sugat. Sandali niyang pinikit ang mata at huminga ng malalim. Damn it! Kailangan niya ng matanggal ang balang nasa kaniyang tagiliran. Inabot niya ang kutsilyong nilagay niya sa maliit na plangganita, na ang lamang tubig ay halos nagkulay dugo na.
“Anong gagawin niyo?!”
Napatingin siya sa kaniyang sugat. Mula sa liwanag na nagmumula sa lampara, nakikita niyang marami ng dugo sa kaniyang kamay. Sa ikalawang pagkakataon, muli niyang idiniin ang dulo ng kutsilyo sa sugat ng kaniyang tagiliran.
“Mister, delikado ang ginagawa niyo. Ako na ho,” alalang saad nito. Pilit nitong agawin ang kutsilyong hawak niya.
Tiningnan niya lang ito at sinenyasan na ‘wag itong makialam sa kaniyang gagawin. Pwede itong manood pero bawal siya nitong pangunahan. Kapag sinabi niyang kaya niya, alam niyang kaya niya.
“Mauubusan kayo ng dugo sa ginagawa niyo!”
“W-will you please shut up?”
Natahimk naman ito at hindi alam ang gagawin habang habol niya ang kaniyang hininga. Masakit ang kaniyang ginawang pag-opera sa sarili pero mas mainan na ito. Sanay na siyang masaktan at manhid na rin ang kaniyang pagkatao.
Binigay niya sa babae ang kutsilyo matapos niyang hiwain ng maliit ang tagiliran para makapasok ang kaniyang daliri at makuha ang bala. Napa-sign of the cross ang Madreng nasa tabi niya at ito na mismo ang nagpunas ng mga pawis na tumagaktak sa kaniyang mukha. Nagpipigil siyang huwag sumigaw sa sakit. Halos mapugto ang hininga ni Zerus habang kagat niya ngayon ang bimpo. Nanghihina na siya pero konti na lang, matatanggal niya na ang bala.
“Diyos ko!”
Napapikit siya. Naririnig niya ang paulit-ulit na pagsambit ng babae sa Diyos nito. Walang Diyos na makakapagligtas sa kaniyang kaluluwa ngayon, kundi siya lang.
Napasigaw siya sa sobrang sakit nang matanggal niya ang balang bumaon. Nanginginig ang kaniyang kamay na nilagay niya ang bala sa plangganita. Naliligo ng dugo ang kaniyang kamay at sa ikalawang pagkakataon, nanginginig ang kaniyang kamay na inabot ang alcohol. Agad niyang binuhos ang lahat ng laman sa kaniyang sugat at napahiyaw siya. Tiniis niya ang sakit hanggang sa talian niya iyon ng para matigil ang pagdaloy ng dugo.
Nakahinga siya ng maluwang at nakaramdam ng ginhawa matapos niyang talian ang bewyang. Dahan-dahan siyang sumandal sa malaking tipak na bato at hinila ng kadiliman hanggang sa hindi niya na namalayang nawalan siya ng malay. Ang huli lang marinig ni Zerus ay ang malakas na sigaw ng babaeng dalawang taon niya ng matagal na kinalimutan.
PUTING kapaligiran ang nabungaran ni Zerus nang magmulat siya ng mata. Malakas siyang napamura sa isiping nasa loob siya ng Hospital. Agad siyang napabangon at hinablot ang swerong nakakabit sa kaniyang kamay. Nag-ikot siya ng tingin at napakunot ng noo nang tumama ang kaniyang tingin sa labas ng bintana.
“Masaya ako na makitang gising ka na.”
Agad niyang iniumang ang kamay sa taong biglang pumasok. Doon niya nalamang wala siyang baril na hawak. Nasanay siyang hawak lagi ang nag-iisang kaibigan niya. Binaba niya ang kamay at deritsong tiningnan ang panauhin. Isa itong matandang Madre. Saglit siyang kumalma at matagal itong tiningnan. Binabasa niya kung malinis ang intensyon nito at walang masamang gawin. Hindi siya nagpapakampante sa tabas ng mukha at suot ng isang tao. Dahil kahit siya, nagbabalat-kayo.
“Where am I?”
“Andito ka Hijo sa simbahan. Huwag ka masyadong maggagalaw at—” natigilan ito nang makitang wala ng swerong nakakabit sa kaniyang kamay. Napailing-iling ito nang bumaling ng tingin sa kaniya, “Tawagin ko lang si Sister Blessy, Hijo. Maiiwan muna kita saglit.”
Hindi siya tumango. Hinayaan niya ang matandang Madre na hindi niya alam ang pangalan. Napabaling ang kaniyang tingin sa bintana. Tinatantiya niya kung totoong nasa simbahan siya at hindi sa kulungan. Napahugot siya ng malalim na buntunghinga nang matantiyang nasa isang simbahan nga siya nang makita ang mga babaeng naglalakad sa labas at may puting belo sa ulo.
“Mister! Tinanggal niyo raw ang ang—”
Tumalim ang mata ni Zerus sa humahangos na panauhin. Nasilayan niya ulit ang kagandahan ng Madreng hindi niya kailanman nakakalimutan ang pangalan.
Blessy...
Agad naman itong tumahimik nang magtama ang kanilang tingin. Nauna siyang nagbawi at pinilit bumangon. Mabilis itong lumapit sa kaniya at pinigilan siya sa kaniyang gagawin pero hinawi niya ang kamay ng dalaga. Hindi siya baldado para manatili sa matigas na kamang ito.
“Presko pa ang sugat niyo at kailangan niyo pa ang mahabang pahinga. Nakakasama sa inyo ang gumalaw at baka mainpeksyon ang sugat niyo sa tagiliran.”
“I need to get out of here. Saan ba ako?”
“Pero—”
“Bingi ka ba? Ang sabi ko kailangan kong makaalis. The more I stay here means death. Hindi ako tanga para manatili sa simbahang ito!” asik niya.
Hindi ito kumibo. Nakonsensya siya sa kaniyang inasta nang magbaba ito ng tingin at hindi na muling nagsalita. Napahugot siya ng malalim na hangin.
“I’m... I’m sorry.” f**k! I said, what?
Nagtaas ito ng tingin at kiming ngumiti. Ayon na naman ang ligaw niyang damdamin para sa dalaga.
“Okay lang ho. Sa ilang buwan ko sa simbahang ito, nasanay na ako lalo na at normal na rito ang may tulad niyo na napupunta rito. Kaya ho sana, Mister, ‘wag na kayo makulit. Hayaan niyo ang katawan niyo magpahinga.”
Hindi niya alam kung ano ang nasa boses nito at napapayag siya ng babaeng Madre. Marahan siyang tumango at bumalik sa pagkakahiga. Hindi na siya nag-insist pa na umalis sa lugar na iyon at hinayaan ito na iturok ulit sa kaniya ang swerong pinakaayaw niya sa buong-buhay.