Chapter 4

2310 Words
  MARAHANG napabuntunghinga si Blessy nang bumalik sa simbahan. Mukhang hindi niya makakausap ng matino ang lalaking nagngangalang Fender Hearst. Malungkot siyang napabuntunghinga para sa lalaki. Alam niyang hindi basta-basta ang dinanas nito lalo at bumagsak ito sa tubig gaya ng kwento ni Manong Ben. “Ano raw sabi?” bungad sa kaniya ni Sister Pearl. Katulad niya, isa rin itong Juniorate at nasa Second Stage. Sa katunayan nasa First Stage ng Juniorate na siya at isa sa sinumpaan niya, ang magsilbi sa mga nangangailangan at tumulong sa may mga sakit. Hindi sila nagtatagal sa isang lugar, palipat-lipat sila bilang Medical Mission Sister. Ngayon lang sila nagtagal ni Sister Pearl sa baryo Felopina ayon na rin sa pakiusap ni Mother Jean sa nakakataas. “Mukhang ayaw niyang makausap sa ngayon...” “Kawawa naman ang taong iyon. Mukhang mabait naman tingnan kahit maraming tattoo sa katawan at maraming hikaw sa teynga.” Hindi siya kumibo. Hindi nababasi sa panlabas na anyo kung gaano kabuti ang puso ng isang tao. Hindi ibig sabihin na marumi ang katawan ng isang tao dahil sa tinta, masama na ito. “Sister Pearl, nakausap mo ba si Mother Jean?” pag-iiba niya sa usapan. Kasabay niya itong maglakad pabalik. “Ah, oo. Nakausap ko na. Sa totoo niyan, apat na linggo lang tayo manatili rito. Babalik tayo ng Manila gaya ng utos ni Mother Jean.” Nalungkot siya. Sa ilang buwan niyang pananatili sa lugar na ito, napamahal na siya sa mga bata. Lumabas sila pero hanggang bayan lang and mostly, namimili lang ng mga pagkain at mga kailangan ng mga batang nasa pangangalaga nila. “Mamimiss ko ang mga bata, Sister. Ang lugar na ito. Ang mga tao. Ang simbahan at pati na si Mother.” “Ganiyan talaga. Alam mo naman ang pagiging Madre, maraming pagsubok ang kailangan gawin.” Tumango siya. Alam niya ang bagay na iyon. Pero hindi hadlang iyon sa puso ni Blessy ang napiling bokasyon. Simula bata pa lang siya, pangarap niya ng maging Mother Superior balang araw. Sa simbahan siya lumaki. Ang tanging nag-aalaga at nagpalaki sa kaniya ay ang kaniyang tiyuhing Pari na sa Manila naka-destino. “Sister Blessy!” “Sister Pearl!” Napangiti siya nang sumalubong sa kaniya ang mga bata. Kaniya-kaniyang pakita ang mga ito ng mga ginuguhit  at kinukulayan sa papel. Kahit papaano, may buwan-buwan nag-papadala sa kanila ng donation para sa mga bata at sa simbahan. Isa sa pinagpasalamat niya sa Diyos na may mabubuting tao pa rin sa mundo. “Tingnan mo ang ginuhit namin po!” Napatingin siya sa kay Lea. Ang batang kinupkop nang simbahang ito simula nung iwan ito sa labas ng simbahan. Bumaha ang lungkot sa kaniyang mga mata pero ‘di niya pinahalata sa bata.  Ang nasa papel na ginuhit nito ay isang masayang pamilya. Ito ang parating ginuguhit ng mga bata na nasa pangangalaga nila: isang masayang pamilya. “Sa tingin niyo po, babalikan pa kaya ako ni Nanay rito sa simbahan po?” Nagkatinginan sila ni Sister Pearl at matagal bago nakasagot. Ito ang unang pagkakataon na nagtanong sa kanila ang isang musmos na bata. Ngumiti na lamang siya at marahang hinaplos ang buhok nito. “Naman! Mabait kang bata at balang-araw iibibigay ng Diyos ang hinihiling mo.” “Talaga po?” Hinaplos na lamang niya ang buhok nito at sinamahan ang mga bata sa kanilang ginagawa. Oras na umalis sila sa Baryo Felopina, mamimis niya ang mga bata. Napamahal na ang mga ito sa kaniya. Kung pwede lang sana, siya ang umampon sa mga ito at mag-alaga pero hindi pwede. “Bakit po hindi namin nakikita si kuya Fender? Umuwi na ho ba siya?” Nakangiting umiling siya sa tanong na iyon ni Raiza. Nakaupo ito sa may kalumaang wheel chair. “Ando’n kina Manong Ben.” Sabay-sabay na nagsitanguan naman ang mga ito habang siya ay marahang napabuntunghinga. Gusto niyang makausap ang lalaki pero tinutulak siya nito lagi papalayo. Hindi na ordinaryo sa kanila ang may mapadpad sa simbahan at humihingi ng tulong. Kahit papaano, masaya siya sa alaalang walang masamang nangyari sa lalaki. Bilang juniorate, nasa panunumpa nila ang tumulong sa may mga sakit at nangangailangan ng tulong. Delikado ang ginawa ng lalaki. Isang maling galaw lang nito, maari itong mamatay. Hindi madali ang mag-opera sa sariling sugat na natamo kaya halos panay ang dasal niya nang mga sandaling iyon sa kweba ‘wag lang ito mamatay. “Ang lalim yata ng isip mo, Sister Blessy.” Napasulyap siya sa kaibigang Madre. Tama ito, malalim nga ang iniisip niya pero hindi pwede niyang sabihin dito kung ano iyon. Tiyak na hindi lang pagtatanong ang kaniyang makukuha rito, pati na rin sermon. “Sister pupunta muna ako sa silid ko. Sandali ko muna kayong maiiwan ng mga bata.” Tumango ito at tumayo siya. Inayos niya ang kaniyang suot na na damit at belong nakasuot sa ulo. Maayos din siyang nagpaalam sa mga bata at kaniya-kaniyang tanguan ang mga ito. Nakasalubong pa niya si Mother Jean sa pasilyo at tulad nga ng sabi ni Sister Pearl, babalik sila sa Manila pagkatapos ng ilang linggo pa nilang pananatili rito sa simbahan at kumbento kasama ang mga bata.   NAPAKISLOT si Blessy nang makita niya si Mr. Hearst na nakaupo ulit sa ilalim ng malaking kahoy kinabukasan at malayang natutulog. Hindi ang lalaki ang kaniyang pasya sa lugar na iyon kung bakit siya nagpunta. Nakasanayan niya ng pumunta ro’n tuwing sabado at manguha ng mga nagagandahang bulaklak para sa simbahan at halamang gamot. Mga ilang dipa ang layo niya sa lalaki at kitang-kita niya ang banayad na pagkakatulog May tinatago ang lalaki, ramdam niya ito. Pero bilang isang babaeng magiging ganap na Madre balang-araw, hinayaan niya na lamang ito kung kailan ito gustong magkwento. Kahit gusto niya itong tulungan at ibalik ang pananampalataya sa Diyos. Dahil ang totoo, ramdam niya ang malaking galit na nanahan sa puso nito. “Nakakaawa siya...” halos pabulong iyon na lumabas sa kaniyang bibig. Totoong naaawa siya sa lalaki at tanging dasal na lamang ang kaniyang magagawa para rito. “Hindi ako nakakaawa.” Bahagya siyang nagulat nang magsalita ang lalaki. Ang alam ni Blessy, tulog ito at halos pabulong lang ang katagang iyon na lumabas sa kaniyang bibig. “Pasensya ka na kung nadisturbo ko ang pagpapahinga mo,” humingi siya ng pasensya at bahagyang yumukod. Nakasanayan niya na ang gesture na iyon. “Hindi ba, ang mga Madreng tulad mo ay nasa simbahan at kombento lang? Bakit ka napadpad dito mag-isa?” “Nandito ako Mr. Hearst para kumuha ng mga naggagandahang bulaklak para sa altar.” “May mga pananim sa tabi ng simbahan. Bakit ‘di ka ro’n kumuha?” Marahan siyang napabuntunghinga. Hindi niya nakukuha ang gusto nitong iparating sa kaniya. Isa siyang Madre at hindi manghuhula, “Ano ba ang gusto mong mangyari, Mr. Hearst?” napakunot ang kaniyang noo. “Huwag kang pakalat-kalat, Sister.” Mas lalo siyang napakunot ng noo, “Hindi kita maintindihan.” Hindi ito sumagot. Padarang lang itong tumayo at tinapunan siya ng malamig na tingin. Ang mga mata nito... Ang mata nitong  nababasa niya ay poot, galit at puro paghihiganti ang bawat kislap. Walang salitang tumalikod ito at paika-ikang naglakad. Isang lumang sandong puti at kupasing pantalon ang suot nito. Mula sa balikat ng lalaki, nakikita niya ang malaking mandala tattoo nito simula sa leeg hanggang sa buong kanang kamay. May mga suot itong itim na singsing sa daliri at iisipin ng kahit sinong tao, addict ito kung hitsura at mga kulay sa katawan ang pagbabasihan. “Mr. Hearst,” panimulang tawag niya. Sandali lang itong tumigil at agad din nagpatuloy sa paghakbang papalayo. Malaya niyang sinundan ito ng tingin at nagpasyang mamitas ng mga bulaklak na lamang para makabalik agad sa simbahan. Marahang napahugot ng malalim na buntunghinga si Zerus nang marating niya ang kubo ng matandang si Manong Ben. Siya ang umiiwas sa sitwasyon na kung saan, nahibirapan siya ngayon. Hangga’t kaya niyang pigilan ang nararamdamang kakaiba, pipigilan niya. “Hijo!” Napalingon siya sa matandang puro putik ang kalahating katawan at mga kamay. May dala itong mga tilapia at hito na buhay pa at nakasabit sa balat ng abaka. “May nakuha akong pang-ulam natin mamaya! Anong gusto mong luto nito? Aba, matutuwa si Sister Blessy at Mother Jean nito. Paborito nila ang ginataang hito na maraming sili.” Biglang nakuha ng matanda ang kaniyang atensyon. Napasulyap siya sa hitong dala nito at matataba ang mga ito. Napangiti siya at nagpresintang siya ang magluto. “Teka, sigurado ka ba? Hindi pa naghilom ‘yang mga sugat mo.” “Wala sa kamay ko ang sugat, Manong. Sige na, ako na ang magluto at nang makapagpahinga kayo.” Napakamot ito sa ulo at napakibit ng balikat. “Kung mapilit ka, ay, wala akong magawa. Teka, ilalagay ko lang itong mga nakuha ko sa plangganita.” Tumango lang siya at lihim na napangiti. Kung ganitong usapan na, paborito ito ng babae, siya na ang maghanda at ipatikim dito kung gaano siya kasarap magluto. Hindi naging hadlang kay Zerus ang sugat niya sa hita at tiyan para hindi niya mahanda ang rekado na kakailanganin. Simula sa gata ng niyog na siya ang nagbunot, at paglinis sa mga isda. Hinayaan niyang matulog at makapagpahinga si Manong Ben sa labas kung saan may duyang yari sa rattan. Magluluto siya ng ginataang hito para sa babae. Alam niyang naging masama ang kaniyang pakikitungo rito at hindi niya masisisi ang sarili. Dalawang taon siyang nagpasyang kalimutan ang babaeng pag-aari ng kung sinong Diyos pero heto siya ngayon, heto siya, malapit sa reyalisasyong nanganganib hindi lang ang kaniyang buhay... Pati na kaniyang puso. Sa sobrang sarap ng luto ko, makakalimutan niyang isa siyang Madre. Natawa siya sa sariling biro. Wala siyang planong agawin ang babae. Itong nararamdaman niyang kahibangan, mawawala ito kapag nakaalis na siya sa lugar na ito. Pansamantala lang ang lahat. “Hindi ko akalain masarap ka magluto, Hijo.” Hindi siya sumagot. Una niyang pinatikim sa kaniyang luto ang matanda na nagising aa mabangong amoy. Lumarawan ang saya sa mukha nitong maraming sakit na tinatago nang umupo sa upuang kahoy. Nakahanda na ang kanin at special na ginataang hito na kaniyang luto. “Magugustuhan ‘to ni Sister Blessy.” Napatigil siya sa paghakbang pabalik sa loob ng bahay para kumuha ng lumang pitsel at baso. “Talaga ho?” Ngumiti ito at nagpatuloy sa pagkain. Nagpasya siyang magpatuloy sa pagkuha ng pitsel at baso sa loob ng kubo. “Sister Pearl, kayo pala.” Mayamaya’y narinig ni Zerus ang katagang iyon mula sa matanda. Napasilip siya sa siwang ng dingding na yari ng kawayan. Nakita niya ang babaeng Madre at may dalang bulaklak. Hindi niya iyon pinansin. Nagpatuloy siya sa pagsalok ng tubig sa lumang banga. “Napagawi ba si Sister Blessy dito, Manong Ben?” “Hindi. Bakit mo naitanong, Sister?” Sandali siyang natigilan at muling napasilip sa siwang. Naghihintay siya ng sasabihin ng babae. “Dapat kamo, kanina pa siya nakabalik sa simbahan. Wala pa siya ro’n at hindi ko siya mahagilap kung nasaan siya. Sige ho, Manong. Alis na ako. Nga po pala, hinahanap kayo ni Father Alex. May ipapagawa ho yata.” “Sige Sister, susunod ako pagkatapos kung kumain.” Tumango lang ang babaeng Madre at tumalikod. Habang si Zerus ay napaisip. Nagmadali siyang bumalik kay Manong Ben habang bitbit ang pitsel at baso. “Manong dalhin mo ang niluto kong ginataang hito sa simbahan at ibigay sa Madre. Pupunta lang ako sa may talon.” Hindi niya na hinayaan magsalita ang matanda. Nagmadali na siyang magtungo sa talon kahit paika-ika siyang naglakad. Malayo ang sugat niya sa hita at hindi natamaan ang kaniyang buto kaya walang problema. Ang malapit lang sa bitukang tama ng baril ay ang kaniyang tagiliran na muntik bumawi sa buhay niya. Panay linga ang kaniyang ginawa at nagbabakasakaling makita niya ang babae. Malakas ang kaniyang pakiramdam at ‘di pa siya pumapalya pagdating sa kaniyang instincts. Dito niya sinanay ang sarili para makawala sa mundong minsan siya ginawang alipin. “The hell! Where is she?” Hindi niya ininda ang sugat. Gusto niyang masigurado na okay lang ang babaeng Madre at baka may masamang nangyari rito. Panay ang kaniyang tingin sa bawat kahoy at nagtataasang halaman na nadadaanan. “Blessy!” naglakas loob na siyang tawagin ang pangalan nito pero walang sumagot. Halos hindi niya kayang sambitin ang pangalang iyon ng babae. Masyadong pinaparamdam sa kaniya na magkasalungat sila ng mundo. At ang magustuhan ito ay isang malaking kahibangan para sa nag-iisang Fender Hearst na nagtatago sa katauhang Zerus Craige. Napatigil siya sa paglalakad nang may mahagip ang kaniyang mata. Ilan sa tangkay ng mga bulaklak na nagkalat sa lupa. Mabilis siyang lumapit do’n at dinampot ito. Sinamyo niya ang bulaklak at ilang segundong napatitig sa bulaklak na hawak. “But where the f**k she is?!” Nilamukos niya ang kawawang bulaklak at tinapon sa isang tabi. Kalmado siyang tao. But this time, the hell he care! Nag-uunahan sa paghabulan ang kaniyang puso sa paghahanap sa babae. Iisiping may masamang nangyari rito, makakapatay siya ng tao! “Blessy!” Naghintay siya ng ilang minutong may sumagot sa kaniyang tawag pero wala. Malayo-layo na rin ang kaniyang napuntahan. Nasa kanang dulo na siya ng talon kung saan, maraming mga damo  at may bangin sa tabi. Ang hindi pamilyar sa lugar na iyon, pwedeng madisgrasya. “Blessy! Saan ka ba?!” Fuck! This is not good. This is f*****g not good! Napamura siya nang sunod-sunod pumatak ang ulan. Ang langit pa ang may ganang magalit kung siya itong gustong pumatay ng buhay ngayon! Putangina! Saan ka ba talaga? May masama ba nangyari sa ‘yo? Dapat kanina, ‘di na ako umalis kung gano’n at hinayaan ka na lang sa paligid at sa gano’n paraan mabantayan kita. Damn it!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD