Jessica Quinn’s POV
Tulad ng sabi ni K kagabi, binayaran niya nga ang driver. Ang laki pa ng pera na binigay niya dahil lang sa na cancel booking ko at dahil na rin sa abala na nagawa ko sa driver. Hinatid din ako ni K sa mismong bahay namin at nang ihatid niya ko, hindi na rin siya sumisigaw.
Pero ang hindi ko alam ay kung talagang titigil na ba siya sa paglapit pa sa akin. Hindi ko alam kung ano na ang gagawin niya pero sana tumigil na lang siya…
“Here’s your coffee, ma’am.”
“Oh, thank you!” nakangiting sambit ko sa waitress na nagdala ng order ko.
Tapos na ang klase ko at hindi ko pa nakikita sila Cristhian. Mukhang hindi sila pumasok dahil expected ko naman na may mga hang-over pa sila dahil sa dami nilang nainom na alak kagabi. Baka nga mga tulog pa sila dahil hindi pa sila nag-me-message sa group chat.
Dahan-dahan kong kinuha ang cup ko at napatingin sa pinto ng coffee shop. Hindi ko natuloy ang pag-inom ko ng kape nang matagpuan ko si Klaus na kapapasok lang ng coffee shop.
Umiwas agad ako ng tingin at inilapag ko ang cup ko, “Bakit nandito siya?” bulong ko sa sarili ko.
Kinabahan ako dahil gusto ko na nga na maiwasan siya dahil hindi na maganda ‘to. Ayoko sa taong sumisigaw at hindi ko nagustuhan ang pagsapak niya sa kaibigan ko. Hindi ‘yon tama pero hindi ko rin naman kayang magalit sa kanya. Nakakatakot siya at hindi ko kaya ang ginagawa niya na nagtataas ng boses sa harapan ko.
Kinuha ko ang bag ko sa silya at napatayo na. Wala na kong balak pang manatili rito lalo na’t nandito si K. Hindi maganda na nakikita ko siya dahil ito na naman ang dibdib ko na sobrang bilis ng t***k.
Naglakad ako papunta sa pinto ng shop habang si K naman ay naglalakad papunta sa akin. Hindi ko siya nagawang tignan sa mga mata dahil gusto ko siyang iwasan. Habang palapit kami nang palapit sa isa’t isa mas lalo rin tumitindi ang kaba na nararamdaman ko.
Akala ko malalagpasan ko siya pero humarang siya sa harapan ko at pilit hinahanap ang mga tingin ko kaya hindi ko na siya naiwasan.
“Uhm… Hi,” awkward na bati ko.
“Let’s talk.”
Kalmado na ang boses niya ngayon. Mas kalmadong-kalmado hindi tulad kagabi na galit na galit siya. Hindi talaga maganda na magalit ang tulad niya. At mas lalong hindi maganda na kasama ko siya dahil baka magalit na naman siya.
“Sorry pero may gagawin pa ko,” nag-aalangan na sambit ko. “Marami pa kong gagawin kaya sa susunod na lang. Sige, alis na ko, K,” mabilis na saad ko.
Hindi ko na siya inantay na magsalita at naglakad na ko sa gilid niya. Malalaki ang hakbang na ginawa ko para lang mabilis na marating ang pinto palabas. Kung kailangan kong gawin ang lahat para maiwasan siya, gagawin ko. Ayokong nasisigawan lalo na’t hindi naman ako sanay. Kaya nga si Kuya, iniiwasan ko rin na magalit sa akin dahil mas nakakatakot siyang sumigaw.
Mahigpit ang hawak ko sa bag ko habang papalapit ako sa sasakyan kong pinarada ko sa tapat ng coffee shop. Paglapit ko sa pinto, hahawakan ko pa lang ang door handle pero may nauna nang humawak sa pinto ng sasakyan ko.
Sinundan ko ang kamay na ‘yon at nakita ko si K na sinundan pala ko. Napahakbang ako paatras sa pinto ng kotse ko at binuksan niya ‘yon.
“Uhm…” Para na naman akong naputulan ng dila dahil wala akong masabi na kahit na ano sa kanya ngayon.
"When are you free?" he asked. Blank emotion, but that's enough for me.
I don't care, even though he doesn't want to show emotion. I don't care if K won't smile in front of me. Wala akong pakialam sa kahit na ano basta h’wag niya lang akong sisigawan dahil doon na talaga hindi okay sa akin. Hindi ba niya alam na nakakatakot siya kapag sumisigaw na siya?
“I don’t know…” I replied.
Pero habang nakatitig ako ngayon sa mga mata ni K, hindi ko mapigilan na umasa na may makikita akong kahit anong emosyon. Parang walang kasiyahan sa buhay ang mga tao na kagaya niya… Mga tao na kagaya nila ni Kuya na pumapatay. Kaya hanggang ngayon iniisip ko pa rin ang ginawa niya kay Cristhian. Alam kong may mas malala pa siya na kayang gawin do’n.
"How about tonight?" he asked.
Does he have patience in asking me this kind of question? I don't want K to be with me, but right now, something might change. Kung magiging mahinahon siya ng ganito baka bumigay ako…
“Sorry pero busy talaga ko, K,” sagot ko.
Binuksan ko ang back seat ng sasakyan ko at ipinasok ko sa loob ang bag na dala ko. Isinara ko rin agad ang pinto at napatingin kay K. Nasa loob ng back seat ang mga mata niya. Nakatingin siya sa bag na binigay niya sa akin…
“Uhm… Thank you pala ulit sa bag na binigay mo sa akin, Klaus…” Pumasok na ko sa loob ng kotse ko at napatingala kay K na hawak pa rin ang pinto ng sasakyan. “Mauna na ko.”
Hinawakan ko ang pinto ng kotse ko at isasara na sana pero bigla siyang nagsalita na kinatigil ko, “Sorry.”
Para kong nanigas dahil sa narinig ko na alam kong kahit kailan ay hindi niya kayang sabihin. He’s a mafia boss. A dangerous man. Kaya para kong nabalutan ng yelo sa katawan ko at nanigas sa narinig ko.
Nabingi ba ko?
“I’m sorry,” ulit niya.
Kaya napatingala na ko sa kanya at sinalubong ko ang mga tingin ni Klaus. Wala pa rin kahit na anong mababakas na emosyon sa mga mata ni K pero ang marinig siya na humingi ng tawad sa akin, alam kong iba na.
Ito na naman ako at parang nalunok ang dila ko. Hindi makasagot at nakatitig na lang kay K. Wala na… Alam kong ngayon, nagsisimula ng magbago ang isip ko kung dapat ko pa ba siyang iwasan.
"I'm sorry for shouting, but I will not say sorry for punching that f*cking boy in the club." Still the bad*ss.
Hindi ko na napigilan na mahinang matawa sa sinabi niya. Akala ko ibang tao na ang kaharap ko dahil bigla siyang nang hingi ng tawad pero siya pa rin pala si K.
“Uhm…” Tumigil ako sa pagtawa pero hindi ko pa rin mapigilan na ngumiti. “Okay pero sana hindi ka na ulit sumigaw sa harapan ko,” nahihiyang saan ko dahil sino ba naman ako para mag-request.
Tumango siya sa akin at binitawan na ang pinto ng sasakyan ko. Kaya naman hinatak ko na ‘yon pasara. Napakagat ako sa ibabang labi ko para pigilan ang ngiti ko.
Hindi ko na napigilan at binaba ko na ang bintana sa gilid ko at tumingala ako kay K na nakatayo pa rin sa gilid ng sasakyan ko. Bakit ba ang hirap niyang tiisin? Sabi ko sa sarili ko, lalayo na ko sa kanya pero nag-sorry lang siya, okay na ulit.
“Uhm, pwede ako bukas, K.”
Tumaas ang isang sulok ng labi ni K sa akin, “Good. Drive safe, Quinn.”
Tumango ako at inangat na muli ang bintana ng sasakyan ko. Dahan-dahan kong inatras ang sasakyan ko para makaalis sa parking space. Hindi ko maiwasan na tumingin muli kay K. Kumaway pa ko sa kanya bago ko tuluyang naiatras ang sasakyan ko.
Hanggang makauwi ako, good mood ako at hindi ko alam kung bakit. Basta hindi ako mapakali at hindi ko na naman mapigilan na isipin si K. Normal pa ba ‘to? Napailing na lang ako sa sarili ko habang pangiti-ngiti.
“Good afternoon, manong,” masayang bati ko sa guard ng bahay namin.
“Good afternoon din, ma’am. May bisita ka!”
Tumango ako kay manong at diniretso ko na papasok ng gate ang sasakyan ko. Wala akong inaasahang bisita ngayon kaya sino naman kaya ang dumating?
Bumaba ako ng kotse ko at kinuha ko ang bag ko sa back seat ng sasakyan. Naglakad ako papasok ng bahay pero napatigil agad ako ng sinalubong ako ni Jeremiah.
“Jeremy!” Napayakap agad ako sa kaibigan ko dahil sa sobrang tuwa ko.
He’s been my friend since then. Bata pa ko kilala ko na siya dahil anak siya ng kaibigan ni Daddy. Hindi kami gano’n kadalas na nag-uusap at nagkikita pero wala pa rin nagbabago.
“I miss you, honey…” Niyakap niya rin ako nang mahigpit pabalik.
“Hindi ko alam na bibisita ka.” Pinakawalan ko si Jeremiah kasabay nang pagbitaw niya sa akin. “Halika sa sala,” anyaya ko pa sa kanya.
Sabay kaming naglakad papunta sa living area namin. Alam ko na busy si Jeremy dahil siya na ang humahawak ng negosyo nila ng pamilya niya. Kaya nakakagulat na nandito siya ngayon.
“I want to surprise you,” he said. “Gusto ko nga sana na puntahan ka na sa university pero hindi ko naman alam ang schedule mo kaya inantay na kita rito.”
Naupo kami sa couch at napansin ko agad na may drinks at pagkain sa center table. Mabuti naman naasikaso siya ni Manang. Kilala rin naman siya at alam na kaibigan ko.
“Kanina ka pa rito?” nakangiting tanong ko.
“Nah.” Umangat ang kamay ni Jeremiah at dahan-dahan niyang inilagay sa likod ng tenga ko ang buhok ko na humaharang sa pisngi ko. “Kararating ko lang din. Yayayain sana kitang kumain sa labas.”
“Sure! Doon tayo sa samgyupsal! I miss kimchi!”
Bumaba ang tingin ko sa suit na suot niya. Sigurado ako na mangangamoy nga lang ‘yong suot niya kung doon kami kakain.
“Kaya lang may pupuntahan ka pa ba pagtapos natin kumain? Kasi baka maamoy ka nila,” natatawang sambit ko.
"I just want to eat with you, and then I plan to stay here until tomorrow."
“Sige! Tama para makanood din tayo mamaya ng movie o kaya mag-swimming tayo kung gusto mo.”
Ngumiti ng matamis si Jeremiah sa akin kaya tumayo na ko, “Okay, wait me here. May kukunin lang ako sa taas.”
Tumango naman si Jeremiah sa akin kaya tumalikod na ko at naglakad papunta sa hagdanan. Gusto ko lang naman kunin ‘yong ibibigay ko sa kanya na hindi ko naibigay dahil hindi naman kami madalas magkita. Galing ‘yon kay Mom kaya ayokong kalimutan ibigay.
Pagkakuha ko sa kwarto ng maliit na paper bag para kay Jeremiah, bumaba na rin agad ako para balikan siya. Palapit pa lang ako sa sala pero naririnig ko na siyang may kausap.
“Who are you?” Jeremiah asked.
Nanliit ang mga mata ko nang makita ko na hawak niya ang phone ko at nakadikit ito sa tenga niya. Mukhang may tumawag habang nasa taas ako.
“Sino ‘yan?” tanong ko kay Jeremiah at ipinatong ko sa center table ang paper bag.
“I don’t know, babe.” Binaba niya ang cellphone ko at pinatay ang tawag.
Kunot ang noo ni Jeremiah habang may pinipindot doon. Hinayaan ko na lang siya dahil nasanay naman na ko sa kanya. Hindi na siya iba sa akin.
“Jeremiah, ayan pala ‘yong gift ni Mom sa’yo.”
“Auntie?” Masayang nag-angat ng tingin sa akin si Jeremiah.
Tumango agad ako at pinanood ko siya na ibaba ang phone ko sa ibabaw ng couch. Kinuha niya paper bag sa ibabaw ng center table at binuksan agad ‘yon.
“Wait! Vi-video-han kita para makita ni mommy!”
Bigla niyang sinara ang paper bag at tumingin muli sa akin. Kaya naman dinampot ko agad ang phone ko at binuksan para video-han siya.
“Okay, one, two—” Pero naputol ang sasabihin ko dahil sa pag-ring ng phone ko.
Nakita ko na si K ang tumatawag kaya napatigil ako. Hindi ko na naman mapigilan na ngumiti dahil lang sa nakita ko ang pangalan niya sa screen ng phone ko.
“Sorry, wait.”
Tumalikod ako kay Jeremiah at sinagot ko agad ang tawag. Idinikit ko sa tenga ko ang cellphone ko, "F*ck you! Who the hell are you to end the call?! I'm going to kill you, sh*t head!”
Pero nawala agad ang ngiti ko dahil sa galit na galit na boses ni K. Sumisigaw na naman siya…
“K…” mahinang sambit ko. “A-Anong problema? B-Bakit ga—”
“D*mn, I’m sorry for shouting, baby.”