K5
Jessica Quinn’s POV
Hindi ko na alam at para kong masisiraan ng ulo ngayon dahil parang ang dami masyadong nangyayari sa paligid ko. Hindi ko magawang alisin si K sa utak ko kahit nasa maingay na lugar na ko ngayon. Talagang binili niya ko ng bagong bag kanina.
“Bakit parang ikaw pa ‘yong problemado?” natatawang bulong ni Cristhian sa tenga ko sa gitna nang maingay na tugtog dito sa club.
Mahina akong natawa at bahagya kong inilayo ang mukha ko sa kanya bago ko siya hinarap. Masyado na siyang malapit at konti na lang mahahalikan na niya ko. Cristhian is my friend. I have known him for more than a year. He's one of the guy friends that I have at university. Matanda lang siya sa akin ng isang taon at Electrical Engineering ang program niya.
"Are you the broken hearted?" he asked playfully.
Napailing ako sa kanya at inilagay ko ang palad ko sa balikat niya. Marahan ko siyang tinulak palayo sa akin dahil mukhang marami na siyang naiinom.
“Tapos ka na ba sa mga babae mo kaya ako naman ang ginagambala mo?” natatawang tanong ko sa kaibigan ko.
Kaya naman ‘yan sumama rito para mambabae at hindi para i-comfort ang kaibigan namin na si Sharon. Dahil sigurado rin ako na sinapak n ani Cristhian ‘yong lalaki na nagpaiyak sa kaibigan namin. Hindi lang siya babaero dahil mahilig din siyang pumasok sa gulo.
“Bumalik ka na nga lang sa mga babae mo,” saad ko at may tonong pagtataboy.
“Nagseselos ka na naman ba, sweety honey bunch ko.” At nag-puppy eyes pa!
Kaya hindi ko na napigilan ang sarili ko na humalakhak nang malakas habang nakatitig kay Cristhian na halatang lasing na.
“Mag-isa kasi rito ang honey bunch ko kaya binalikan ko,” nakanguso pang saad niya.
Napailing na lang ako habang patuloy sa pagtawa. Sinipat ko rin ang couch na pwesto namin at wala na nga sila Yeri. Mukhang nagsisayawan na sila sa dance floor. Hindi ko man lang napansin na umalis siya dahil sa masyado akong okupado.
“I miss you, honey bunch ko.” Bigla pa kong niyakap ni Cristhian kaya sa tingin ko lasing na nga talaga siya. Para kasi siyang isip bata sa tuwing nalalasing kaya hindi na nakakagulat na ganito na siya umakto ngayon sa harapan ko.
“Lasing ka na, Cristhian. Ihahatid na lang kita. Alas-dos na rin kaya kukunin ko na rin sila Sharon.”
Palagi naman ganito. Ako ang palaging taga-hatid sa kanila dahil ako lang naman ang hindi nalalasing dahil hindi rin ako masyadong umiinom lalo na’t alam ko na ako ang taga-drive. Mahirap na kung maaaksidente ako at amoy alak pa ko. Lagot ako.
“Okay, honey bunch ko…”
Dahan-dahan ko siyang tinulak palayo sa akin at tumayo na ko. Inayos ko ang dress na suot ko at sinukbit ko na ang bag ko.
“Kaya mo pa naman maglakad palabas ‘di ba?” medyo malakas na tanong ko para marinig niya ko.
“Of course!”
Tumayo siya at umakbay pa sa akin. Amoy na amoy ko ang alak pero hindi ko na initindi ‘yon at naglakad na kami palabas. Iiwan ko muna siya sa kotse at tsaka ko babalikan sila Yeri. Mahirap kung isasabay ko si Cristhian sa girls kaya maigi nang mauna ko siyang isakay sa kotse.
“Alam mo, honey bunch ko parang mas lalo kang gumaganda,” ani ni Cristhian.
Natawa na lang ako sa sinabi niya at nagsimula na siyang dumaldal nang dumaldal habang papalabas kami. At nang makalabas kami at nakalayo ng ilang hakbang sa club, tsaka naman ako napahinto dahil sa nakita ko.
Mga mata na sumalubong sa akin at sobrang lamig ng titig. Para kong magiging yelo sa sobrang lamig ng titig sa akin ni K na bigla na lang sumulpot sa harapan ko— na ilang hakbang lang ang layo sa amin.
“Kung hindi lang kita kaibigan baka matagal na kitang niligawan!” malakas na saad ni Cristhian at naramdaman kong tumingin pa siya sa akin. “Bakit ka huminto, honey bunch ko? Natauhan ka ba bigla na gusto mo rin ako?”
Inalis niya ang pagkakaakbay niya sa balikat ko at kasunod no’n ay ang malakas na tawa ni Cristhian pero hindi ko na siya kayang sabayan dahil kay Klaus. Ito na naman ang dibdib ko na ang likot-likot at mas lalo pa kong nakaramdam ng kaba nang humakbang si Klaus palapit sa amin.
“Aminin mo na, honey bunch ko. Kung gusto mo ko, gagawin agad kitang girlfriend ko. Hindi na ko mambababae at sa’yo lang a—”
“Cristhian!” sigaw ko dahil bigla na lang siyang sinuntok ni K!
Lalapitan ko pa lang si Cristhian para tulungan na tumayo pero hinawakan agad ni K ang braso ko. Napatingin ako sa kanya at kitang-kita ko kung gaano kadilim ang tingin niya kay Cristhian.
"Stay away from her, sh*thead."
At bigla na lang akong hinatak ni K palayo kay Cristhian. Hindi ko mapigilan na lingunin si Cristhian at kitang-kita ko kung gaano siya kahirap na bumangon mula sa pagkakasalampak sa lupa dahil sa lakas ng suntok sa kanya ni K.
“Is he the f*cking reason why you want me to stop?"
Napatingin ako sa harapan ko at sakto na narating namin ang sasakyan niya. Binuksan niya ang kotse niya para sa akin pero hindi ko magawang pumasok. Napatingin ako sa malayo kung saan naiwan si Cristhian na tinutulungan na ngayon ng ibang tao.
“F*ck! Get in!” he shouted.
Nataranta agad ako dahil sa sigaw ni K kaya wala akong nagawa kundi ang pumasok na sa loob ng sasakyan niya. Kinakabahan akong naupo at napaigtad pa nang isara niya nang malakas ang pinto ng kotse.
Hindi ko alam kung bakit ba siya nandito sa club pero hindi maganda na nagagalit siya ngayon. Hindi ko rin alam kung lasing ba siya o ano. Bakit ba siya nagagalit?
Pagpasok ni K sa sasakyan niya basta na lang niyang pinaharurot ang kotse ng hindi pa ko nakakapag-seat belt. Sobrang bilis ng takbo ng sasakyan niya na mas kinabahala ko.
“K, dahan-dahan lang. G-Gabi na. Tsaka p-pwede bang ibalik mo na lang ako roon. Kawawa naman si Cristhian tsaka wala naman siyang ginagawang masama sa’yo.”
“F*ck! May gusto sa’yo ‘yong lalaking ‘yon!”
Nagagalit siya dahil iniisip niya na may gusto sa akin si Cristhian? Kahit wala naman talaga dahil matagal ko ng kilala ang kaibigan ko.
“Lasing lang siya,” mahinahon na sambit ko. “Kaya ibalik mo na lang ako doon, please—”
“So, you like that f*cking guy, Jessica?” he asked coldly. “I can kill him.”
“Klaus!” hindi ko na napigilan na magtaas ng boses dahil sa sinabi niya.
"Now you are shouting because you like that f*cking sh*t head! I f*cking know now why you don't want me around you! Doon ka pa talaga nagkagusto sa hanggang talampakan ko lang! Tang*na.”
Napaawang ang labi ko gulat na napatingin sa kanya dahil sa mga lumalabas sa bibig niya na hindi ko inaasahan.
“Kaibigan ko si Cristhian, K. Nag-aalala ko sa kanya at hindi porket nag-aalala ko sa kanya, gusto ko na agad siya. Concern lang ako sa taong sinapak mo na wala namang kasalanan sa’yo.”
"And why did you give my phone number to your f*cking friend?!"
Natahimik ako bigla sa tanong niya. Lumingon siya sa akin saglit at agad kong iniwasan ang tingin niya. Wala akong masagot sa sinabi niya lalo na’t alam kong mali ako sa part na ‘to.
"How many times do I need to tell you that I don't f*cking care to your f*cking friend?! Pinipilit mo pa rin ako sa kanya!”
Wala na. Hindi ko na kayang sumagot pero isa lang ang sigurado ako. Hindi ko maramdaman na totoong gusto ako ni Klaus. Hindi ako komportableng kasama siya at hindi ko gugustuhin na magkaroon ng isang tao sa tabi ko na mas madalas magalit. Ayoko sa mga sumisigaw…
Napatingin na lang ako sa labas ng bintana at mas pinili na lang na hindi kumibo. Hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag kay Cristhian ‘yong nangyari. Bahala na kung hanapin nila ko. I-te-text ko na lang sila pag-uwi ko para hindi na sila mag-alala.
“Tang*na talaga.”
Biglang prumeno sa gilid ng kalsada si K at mabuti na lang napahawak ako sa dashboard dahil kung hindi baka nasubsob na ko. Talagang wala siyang pakialam sa paligid niya.
Lumabas ng sasakyan si Klaus at dahil sa liwanag ng head light, nakita kong naglabas siya ng sigarilyo at lighter. Hindi ko kakayanin kung siya ang magiging boyfriend ko. Ni hindi ko nakikita ang sarili ko na boyfriend ko siya. Sa tuwing nakikita ko rin siya, kinakabahan ako.
Nilabas ko ang phone ko at nag-book agad ako ng grab para makauwi. Hindi naman ako nahirapan dahil may nakuha agad akong sasakyan. Nag-message na rin ako sa group chat namin para ipaalam na umuwi na ko. ‘Yon lang ang sinabi ko at bahala na kapag nagkita-kita kami.
Ipinasok ko na sa bag ko ang cellphone ko at bumaba na ko ng sasakyan. Hindi ko na kayang magtagal na kasama si K. Para kong sinasakal.
“Where are you going?” malamig na tanong niya at hindi na pasigaw.
Humithit siya sa sigarilyo niya at kitang-kita ko ang usok na ibinuga niya na naiilawan ng head light ng sasakyan niya.
“Nag-book na ko ng sasakyan ko, K. Uuwi na ko. Ayokong makaabala pa sa’yo,” mababang boses na saad ko.
“Bumalik ka sa sasakyan. Ihahatid na kita,” aniya pa.
“H-Hindi na…” mabilis na sagot ko at kailangan ko ng maglakas ng loob para sa sarili kong kapayapaan.
Ayokong galit siya sa susunod na magkita kami kaya gusto kong sabihin sa kanya ‘to nang maayos. Malaking parte rin ng pamilya naming si K kaya ayokong magkaroon ng kahit na anong bahid ang pagitan naming dalawa.
“Sorry kung hindi ko kaya na magustuhan ka pabalik, K. Sa ti-tingin ko rin, ‘yong nararamdaman mo para sa’kin… hindi pagkagusto. Dahil paano mo m-magugustuhan ang isang babae na hindi mo naman masyadong kinakausap noon? At a-ayoko rin naman pilitin ang sarili ko na magustuhan ka dahil lang sa gusto mo ko. Pasensya ka na, Klaus, pero pwede bang tumigil ka na?”
Napatitig lang siya sa akin kaya mas lalong dumoble ang kaba sa dibdib ko. Hindi ko alam kung ano ang magiging reaction niya pero hinahanda ko na ang sarili ko sa pwede niyang sabihin.
“Bumalik ka na sa kotse,” kalmado pero malamig na saad niya.
Itinapon niya sa sahig ang sigarilyo niya at tinapakan ‘yon gamit ang mamahalin niyang sapatos. Ayon lang ba ang sasabihin niya sa akin?
“Ihahatid na kita, Jessica.”
“Pero K parating na rin naman ‘yong—”
“I will just pay the driver.”
Mahinahon na siya at parang naging pampakalma niya pa ‘yong sigarilyo niya. Pero hindi ko alam kung hanggang kailan magtatagal ang pagiging kalmado niya. Ayoko ng marinig muli ang pagsigaw niya sa harapan ko.
“Ako ang mag-uuwi sa’yo, Jessica. You can't trust me, and I also can't f*cking trust the driver who will send you home.”