Chapter 07

2128 Words
Jessica Quinn’s POV Ang bilis-bilis ng t***k ng puso ko ngayon at hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Tama ba ‘yong narinig ko? He called me baby… And his voice… na naging kalmado na lang bigla. "Who are you with, Jessica?" he asked. There is no endearment. Sa tingin ko nagkamali lang ako ng narinig kanina. Yeah, mali lang nga talaga ko. Bakit naman ako tatawagin ng gano’n ni K? “Uhm, with my friend.” “Boy?” he asked. Napalingon ako kay Jeremiah at nakatayo pa rin siya habang hawak ang paper bag na hindi niya pa rin nabubuksan dahil sa pagpigil ko. “Oo, K, wait.” Binaba ko ang phone ko para kausapin saglit si Jeremiah, “Pwede mo ng buksan. Sorry talaga.” “It’s okay, babe.” Ngumiti pa siya sa akin kaya tumalikod na ko kay Jeremiah. Idinikit ko na muli sa tenga ko ang phone ko. “F*ck,” K hissed. Pakiramdam ko galit si K pero pinipigilan niya lang. Ano bang problema niya? May nagawa ba kong mali? May nasabi ba kong hindi maganda? “K, are you okay?” “I’m coming.” Bigla na lang natahimik ang kabilang linya kaya napatingin ako sa phone ko, pinatay na pala niya ang tawag. Pero pupunta siya rito ngayon? “Pakisabi na lang kay Auntie, thank you.” Napalingon ako kay Jeremiah at nakita kong kinakabit na niya ang bagong relo na regalo sa kanya ni mommy. Naglakad ako palapit sa kanya at tumango. “Alam mo naman na mas favorite ka sa akin ni mommy,” natatawang sambit ko pa. Bata pa lang kami gustong-gusto na ni Mommy si Jeremiah. Siya pa nga ang gusto ni Mommy na maging boyfriend ko pero ayaw naman ni Kuya. Bata pa raw ako kahit alam kong strict lang talaga siya kumpara kina mom and dad. “Don’t worry, honey, you are my favorite.” Napailing na lang ako sa pambobola ni Jeremiah sa akin at lumapit na ko sa sofa. Naupo ako roon at sumandal sa back rest habang nakatingala sa kanya na pinagmamasdan ako. “Okay lang ba na maghintay tayo saglit bago kumain?” tanong ko kay Jeremiah. “Darating kasi ‘yong kaibigan ni Kuya rito.” “Anong kailangan niya sa’yo?” seryosong tanong ni Jeremiah sa akin. Napakibit balikat na lang ako dahil kahit ako ay hindi ko rin alam kung ano ba ang kailangan sa akin ni K. Basta hihintayin ko siya para malaman ko na rin kung nagagalit na naman ba siya. Kakaayos lang naming dalawa kaya ayoko naman na may hindi na naman maganda sa pagitan naming dalawa. “You don’t know?” Jeremiah asked. “I don’t know,” I replied. “Jeremiah, kung alam ko, sasabihin ko sa’yo,” mababang boses na saad ko at napahikab. Naupo siya sa tabi ko at kinuha ang kamay ko. Pinagsiklop niya ang mga kamay naming dalawa at napahilig na lang ako sa balikat niya. “Inaantok ka na. Dito na tayo kumain. Anong gusto mong kainin?” “Ipagluluto mo ko?” masayang tanong ko agad. “Oo.” Napaayos ako ng upo bigla at hinarap si Jeremiah dahil sa sinabi niya. Na-miss ko na rin ang luto ng kaibigan ko kaya hindi ko siya tatanggihan! “Sige, gusto ko ng parmesan chicken wings,” nakangiting sambit ko. “Simulan mo na!” excited pa na dagdag ko. Natawa siya sa akin at tumayo na. Hawak niya pa rin ang kamay ko at hinila rin ako patayo, “Sumama ka, madam.” Kaya hawak-hawak niya ang kamay ko habang hila-hila ako papuntang kusina pero napahinto kami sa paglalakad dahil sa mabibilis na yapak ng mga paa na dumaan sa tenga ko. Napalingon kaagad ako sa pinanggalingan ng yapak at nakita ko si K. Magkasalubong ang kilay niya at masamang nakatingin— hindi sa akin pero mukhang kay Jeremiah. Napatingin naman ako kay Jeremiah na nakangisi lang kay K. Bumalik ang tingin ko kay K at ngayon nasa kamay na namin ni Jeremiah ang tingin niya. Binitawan ko si Jeremiah at naglakad ako palapit kay K kahit na ang bilis-bilis ng t***k ng puso ko dahil nandiyan na naman siya. “Klaus, may kailangan ka ba kaya ka—” Hindi ko na natapos ang itatanong ko dahil bigla niyang inabot ang kamay ko. Napaawang ang labi ko nang hilahin na lang ako bigla ni Klaus papuntang kusina. Nagtataka kung anong balak niyang gawin habang ‘yong dibdib ko, ito na naman at nagwawala dahil sa kanya. "What are you going to do?" Jeremiah asked. I heard his footsteps following us in the kitchen. I don't know what's happening to K; even the maid inside the kitchen was shocked by Klaus. They did not expect Klaus to be here and holding my hand. “Klaus…” tawag ko sa kanya pero dinala niya lang ako sa harapan ng sink. Binuksan niya ang sink ng kitchen island at hinugasan niya ang kamay ko roon. Bumuka ang labi ko pero wala akong masabi na kahit na anong salita. Parang naputol na naman ang daliri ko dahil sa pagtataka sa kinikilos ni K. "Are you crazy? What are you doing?" Jeremiah asked. Napatingin ako sa kanya na nasa tapat namin. Nasa kabilang side siya ng kitchen island at nakahawak ang dalawang kamay sa counter. Kahit siya nagtataka. Kahit ako hindi ko na alam kung anong kinikilos ni K. Kung bakit todo hugas siya sa kamay ko ngayon. Hindi lang ‘yon dahil nilagyan niya pa ng sandamakmak na hand liquid soap ang kamay ko. “K, ano bang ginagawa mo?” Hindi ko na talaga napigilan na magtanong sa kanya. Pinagmamasdan ko na siya ngayon na nakatitig ng seryoso ang mga mata sa kamay ko, wala ng bago. "I'm cleaning your hand because some dirty hand touched you. Ayokong nababahiran ka ng dumi sa kahit saang parte ng katawan mo, Jessica.” Umangat ang ulo ni K at tinitigan niya si Jeremiah. Kung nakakamatay lang ang pagtitig, sigurado akong patay na siya dahil sa sama ng tingin ni Klaus sa kanya. "What the f*ck are you saying?!" Jeremiah yelled. "Who are you?!" “Jeremiah…” I called him para makuha ang atensyon niya. Napatingin siya sa akin at muli rin ibinalik ang tingin kay K. Hindi maganda na nagsisigawan sila rito lalo na’t may mga kasambahay pa na pinapanood sila. "Don't touch the phone if it's not yours," Klaus said coldly. He's not shouting, but it still feels dangerous. The tone of his voice sends a shiver down my spine. Talagang nakakatakot na magalit si K. “Wala kang pakialam,” sagot ni Jeremiah. Palipat-lipat ang tingin ko sa dalawa at hindi ko maintindihan kung ano ba ‘yong pinag-uusapan nilang dalawa. Parang may alam sila na hindi ko alam. “Ano bang meron?” nagtataka na tanong ko. Pinatay ni Klaus ang tubig at kumuha siya ng paper towel. Kinuha niya muli ang kamay at pinunasan niya ‘yon. Sinalubong ko ang mga titig niya na sana ay hindi ko na lang ginawa dahil para akong tinutunaw ng mga mata niya. "Let's talk." “Uhm… sige,” sagot ko. Inilapag niya sa ibabaw ng counter ang basang paper towel at hinawakan ang kamay ko. Hinila niya ko paalis ng kitchen at hindi ko na natignan pa si Jeremiah. Masyado na naman akong okupado dahil kay K. Siya na lang lagi. Bakit parang ang galing niya sa bagay na ‘yon? Ang galing niyang pumasok sa loob ng isip ko. “Saan tayo mag-uusap?” tanong ko. Hindi siya sumagot at basta na lang siya dire-diretso papunta sa taas ng bahay namin. Sunod lang ako nang sunod kay Klaus dahil hawak niya ang kamay ko. Nagulat ako nang huminto kami sa pinto ng kwarto ko dahil alam niya ang kwarto ko! Binuksan niya ang pinto at pumasok sa loob, mabuti na lang hindi makalat ang kwarto ko ngayon! “Uhm… A-Ano bang sasabihin mo?” Sinara niya ang pinto na ni-lock pa niya at humarap sa akin. Napalunok ako sa sariling laway ko dahil dalawa lang kami sa kwarto ko. Nagsimulang manlamig ang katawan ko dahil sa aircon pero parang mas napabilis ang paglamig dahil sa titig niya. “Who’s that guy?” tanong niya at kalmado ang boses. Pero walang mababahid na kahit na anong emosyon. “Kaibigan ko,” sagot ko naman. Ito ba ang pag-uusapan naming dalawa? Pero bakit? Hindi ko maintindihan dahil sobrang nakakapagtaka na dadalhin niya ko rito sa kwarto ko para pag-usapan si Jeremiah. "He's your friend, and he's f*cking calling you babe? What the f*ck is that, Jessica?" he said between his manly breath. I did not feel scared, and I don't know why. Dapat natatakot ako ‘di ba? Pero bakit parang iba na ‘yong pagbilis ng t***k ng puso ko? Hindi ko na talaga maintindihan ang sarili ko. “I’m asking, Jessica.” “Uhm…” Naramdaman ko ang isang kamay niya na gumapang sa bewang ko habang nakatitig pa rin ako sa mga mata niya. Alam kong mas lalo akong nawawala sa focus dahil sa ginagawa niya. Ang init ng palad niya parang tumatagos sa suot kong damit… “S-Sorry, ano ulit ‘yon?” nahihiyang tanong ko. "Focus on what I'm saying, baby," he said seductively. Oh, Good God. That endearment again. Paano ako mag-fo-focus nito kung ganito siya. Hindi ko alam na ‘yong malamig na boses niya, kayang-kaya pala na maging ganito kaakit-akit. "I'm asking..." K moved his face forward. I can feel his breath in my ear and can't stop but close my eyes and feel him more being too close to me. "Why your f*cking friend is calling you 'babe'? No boy has a right to call you that," he whispered in my ears. His voice is like seducing me... Pero kailangan kong mag-focus sa tanong niya! Ayokong mawala na naman sa isip ko ‘yong tinatanong niya sa akin dahil masyado kong nabibigay ang atensyon ko sa kanya. “N-Nasanay na lang siya… D-Dahil ‘yon ang p-palagi niyang t-tawag sa akin n-noon pa man—” “Sabihan mo ‘yang kaibigan mo na itigil na,” putol niya agad sa akin. Hindi ako makahinga nang maayos dahil sa sobrang lapit niya pa rin sa akin. Baka mamaya marinig niya ang malakas na t***k ng puso ko! “"I should be the only one with a right to call you with any endearment, baby. Not him and not any f*cking men.” Dahan-dahan na lumayo sa akin si K na nakataas ang isang sulok ng labi. Napalunok ako sa sariling laway ko. Hindi niya pa rin binibitawan ang kamay ko at ang isang kamay niya ay nakalapat pa rin sa bewang ko na marahan niyang hinahaplos. “Do you understand, baby?” “Y-Yes.” Ang ngisi niya ay dahan-dahan na naging maliit na ngiti na mas kinabilis ng t***k ng puso ko. Hindi ko alam na mas gwa-gwapo siya kapag nakangiti. Maliit na ngiti lang ‘yon pero parang tumakbo nang napakatagal ang mga paa ko kaya ganito na lang kabilis ang t***k ng puso ko ngayon. “Jessica?! Jessica?!” sigaw ni Jeremiah mula sa labas ng kwarto. Napatingin ako sa likod ni Klaus kung nasaan ang pinto ng kwarto ko. Naka-lock ‘yon kaya kitang-kita ko kung paano pilit na pinipihit ni Jeremiah ang pinto. “Uhm… Bubuksan ko muna ‘yong pinto,” ani ko. Para akong bata na nagpapaalam dahil hindi ko alam kung paano ko bubuksan ang pinto kung hawak niya nang mahigpit ang kamay ko. “No, you won't open the door." Napataas ang dalawang kilay ko sa pagtataka sa kanya pero tinitigan niya lang ako kaya dahan-dahan lang din bumalik sa pagkababa ang kilay ko. "Tell him that we're busy talking, baby…” Umangat ang kamay niya mula sa bewang ko papunta sa leeg ko. Dahan-dahan niyang pinulupot ang kamay niya sa leeg ko. Napalunok ako nang sariling laway ko at napatingin sa pinto. “Jessica! Open this door! Jessica!” Jeremiah shouted. “Tell him, baby,” he commanded me. Para kong nasa ilalim ng sumpa ni Klaus at kailangan kong sundin lahat ng gusto niya. Napakagat ako sa ibabang labi ko at sinalubong muli ang titig niya. “Sasabihin mo o ako ang magsasabi?” “A-Ako na…” mababang boses na saad ko. Napalunok ako sa sariling laway ko at muling nagsalita, “J-Jeremiah, hindi pa kami t-tapos mag-usap…” Tumaas ang isang sulok ng labi ni Klaus matapos kong sabihin ‘yon. May sinabi pa si Jeremy pero wala na roon ang isip ko. Na kay K na lahat. "You are good at obeying me, baby."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD