Jessica Quinn’s POV It’s awkward. Hindi ko alam ang gagawin ko na kaming dalawa na lang nga lang ngayon ang natira rito sa kwarto ko. Tumigil na nga si Jeremiah sa kakakatok sa pinto ng kwarto ko pero hindi ko alam kung umalis na ba talaga siya sa tapat dahil wala naman akong narinig na mga yapak paalis o baka dahil talagang masyado lang akong okupado dahil kay k… “Uhm… May sasabihin ka ba?” nahihiyang tanong ko. Hindi niya ko sinagot at naglakad lang siya palabas ng kwarto ko. Nagtungo siya sa veranda at sumunod naman agad ako sa kanya. Pero hanggang sa pinto lang ako ng veranda habang siya naman ay nasa tapat na ng railings. Naglabas siya ng kaha ng sigarilyo at binuksan ‘yon. Naglabas siya ng isang stick ng Marlboro at ng lighter niya. Alam ko na agad ang balak niyang gawin. “Hi