Jessica Quinn’s POV Natulog pa rin si Jeremiah sa bahay namin pero sa guest room siya habang ako naman ay sa kwarto ko. Pero pagkatapos naming mag-almusal kanina ay umalis din siya agad dahil may kailangan pa siyang asikasuhin sa kumpanya niya. Wala naman akong klase ngayong araw dahil nagsabi na nga ang professor ko na a-absent siya kaya mas pinili ko na lang na mag-ikot ngayon sa mall mag-isa. Habang naglalakad naramdaman ko ang pag-vibrate ng phone ko sa shoulder bag ko kaya inalis ko sa balikat ko ang pagkakasukbit ng bag ko at binuksan ko ang zipper. Nilabas ko ang phone ko at binuksan. Nakita ko na puro message galing sa gc namin nila Yeri. Sinukbit ko ulit ang bag ko sa balikat ko at binasa ang mga messages nila sa group chat namin. Ngayon na lang ulit nag-ingay ang group cha