Chapter 04

2223 Words
Jessica Quinn’s POV Hindi ako makasagot sa sinabi ni Klaus sa akin. Natulala lang ako sa mukha niya bago makabawi at tuluyang maintindihan ang sinasabi niya. “Uhm…” Wala akong masabi kaya napasandal na lang ako sa kinauupuan ko. Parang gusto ko na lang na lamunin ako ng silyang ‘to kaysa maramdaman ‘yong awkwardness sa harapan ni K. Hindi ako makapaniwala. Ang buong alam ko ay galit siya sa akin o kaya ay ayaw niya sa akin dahil kahit minsan hindi naman ako binigyan ng pansin ni K. Tuwing magpupunta siya sa bahay, parang pader lang ako na dadaanan niya. Pero ngayon sinasabi niya sa harapan ko na gusto niya ko? Panaginip ba ‘to? “Nananaginip ka na naman ng gising!” Napaigtad ako sa kinauupuan kong bench dito sa university dahil sa gumulat sa akin. Napatingin ako kay Yeri na nasa harapan ko kaya mas lalo kong naalala si K! Paano ko naman sasabihin ngayon sa kanya na ayaw naman ni Klaus sa phone number niya? Siguradong matatapakan ang pride niya. “Anong balita?” nakangiting tanong niya sa akin at naupo sa tabi ko. Ni hindi ko na nga nakausap si Klaus matapos niyang umamin sa akin. Basta niya na lang din akong hinatid sa bahay matapos naming mag-lunch. Wala na rin siyang sinabi at hindi na rin siya nag text pero hindi ko naman ine-expect na mag-me-message siya! Baka nga delusional ko lang ‘yong kahapon… “Jessica!” “Uhm…” Napatingin ako kay Yeri sa tabi ko na salubong ang dalawang kilay sa akin. Sa tingin ko mali na nagpahinga ako sa bench na ‘to dahil nakita ko si Yeri ngayon. Mas lalo tuloy akong nahirapan sa dami ng iniisip ko na lahat ay tungkol kay Klaus. “Nabigay mo ba ‘yong number ko?” nakangiting tanong niya. “Mukhang hindi pa dahil wala naman akong natanggap na message!” Nasa harapan niya lang ako pero parang nasa kabilang kanto ang kausap niya. Ano naman kaya ang pagsisinungaling na sasabihin ko para lang hindi siya masaktan? “Alam ko naman na gustong-gusto ako ng lalaking ‘yon. Lahat kaya may gusto sa akin,” nakangising aniya pa. Ang taas ng expectation niya sa sarili niya at masisira ang bagay na ‘yon kapag nalaman niya na wala naman talagang pakialam sa kanya si Klaus. Paano pa kapag sinabi ko na umamin nga sa akin si Klaus na ako ang gusto niya. “Nakalimutan ko…” mababang boses na saad ko. “Paulit-ulit ko na ngang sinabi pero kinalimutan mo pa rin.” Umirap pa siya sa akin. “Baka naman sinadya mo dahil may gusto ka kay Klaus pero ako talaga ang gusto?” “Wala!” mabilis na sagot habang nanlalaki pa ang mga mata. Bakit naman ako magkakagusto sa lalaki na minsan ko lang naman makita. Tsaka kaibigan siya ni Kuya Jacob. Ayaw nga ni Kuya Jacob na magkaroon ako ng boyfriend kaya sigurado ako na ayaw niya rin lalo na si Klaus ang magiging boyfriend ko. “Siguraduhin mo lang, Jessica.” Umirap siyang muli sa akin. Inalis ko ang tingin ko sa kanya pero ang bilis-bilis pa rin ng t***k ng puso ko. Grabe ‘yong kaba na nararamdaman ko dahil sa pagsisinungaling ko kay Yeri. Pero ayaw ko rin naman kasi siyang masaktan dahil kaibigan ko siya. “Pero may number ka ba ni Klaus?” biglang tanong ni Yeri sa akin. “Me—” Hindi pa ko tapos sumagot pero binuksan niya na agad ang shoulder bag ko na nasa ibabaw ng hita ko. Kinuha niya ang cellphone ko at tinapat sa mukha ko. Bumukas ‘yon dahil sa face detector at kinalkal niya agad ang contacts ko. Pinabayaan ko na lang siya dahil hindi rin naman magpapapigil si Yeri. Bahala na. Baka kapag kinausap ni Yeri si Klaus, magbago pa ang isip ni Klaus. Baka sakaling si Yeri na lang ang magustuhan niya. “Yes! Finally!” masayang sambit ni Yeri. Ibinalik niya sa loob ng bag ko ang cellphone ko at tumayo na. Mukhang aalis na siya dahil nakuha naman na niya ang gusto niya. “See you tomorrow, sweety!” Yumuko pa siya at humalik sa pisngi ko. “Nagyayaya rin pala si Sharon sa club mamayang gabi. Punta ka hah!” “Of course,” nakangiting sambit ko. “Mukhang may problema na naman siya sa—” “Jessica,” tawag sa akin ng pamilyar na boses kaya hindi ko na natapos ang sasabihin ko. Nauna pang lumingon si Yeri sa akin bago ko sinundan ng tingin. Tumama ang mga mata ko sa mga mata ni K na hindi ko inaasahan na pupunta na naman dito sa university. I can feel and even hear my heartbeat because of its unnecessary pumping! Klaus is here wearing his black polo button-down while it's tucked in his slack. “Hi, Klaus!” masayang bati ni Yeri. Mas lalong dumoble ang kaba na nararamdaman ko dahil nandito pa si Yeri! Bigla na lang siyang humakbang palapit kay K kaya napatayo ako at hindi na inintindi ang bag ko na nahulog sa lapag. I watched how Yeri tiptoed to kiss the cheeks of Klaus, but before she could do that, Klaus pushed her away. My eyes widened, and my mouth fell. Nilagpasan ni Klaus si Yeri at naglakad siya palapit sa akin. Nag-aalala na napatingin ako kay Yeri pero nakangiti lang siya na parang walang nangyari. “Uhm, Yeri—” “Oh, my class pa pala ko,” nakangiting sambit niya sa akin pero halatang pilit. “Bye, Jessica, Bye Klaus!” Tumalikod na ‘to at naglakad palayo. Ako ang nahihiya para kay Yeri. Kung ako ang nasa posisyon niya, mahihiya talaga ko. “Annoying.” “Hah?” Napunta kay K ang atensyon ko dahil sa sinabi niya. “Ako? Uhm sorry for th—” "Not you," he cut my words. "Your friend is annoying." Mukhang hindi niya gusto ‘yong ginawa ni Yeri kanina na sinubukan siyang halikan sa pisngi. Pero hindi naman annoying si Yeri dahil mabait nga ‘yon! Malamang sa una lang niya mararamdaman ang bagay na ‘yon. “Uhm… Bakit ka nga pala nandito?” “To fetch you.” “May d-dala kong kotse.” Ito na naman at nagsisimula na naman akong mautal sa harapan niya. Bakit ba hindi ko magawang magsalita nang maayos at normal sa harapan ni K? Baka mamaya napapansin na niya ang pagkautal ko. Nakakahiya at baka kung ano pa ang isipin niya. “Hindi mo na ko kailangan na sunduin—” "Santoro will pick up your car here," he said. Pakiramdam ko parang wala na kong magagawa kundi ang sumakay sa kotse niya. I know Santoro. He is a secretary of Klaus. Minsan na rin siyang nagpunta sa bahay kasama si K para kausapin si Kuya. “Let’s go.” Pinulot niya ang bag ko na nasa lupa na at pinagpag niya pa ‘yon ng kamay niya. Hindi ko mapigilan na panoorin ang bawat galaw niya. “Okay lang ‘yan.” Mahina akong natawa at hinablot ang bag ko. Nakakahiya dahil hinawakan pa niya ang dumi na nakuha ng bag ko sa lupa! Hindi na dapat niya ginawa ‘yon. "It's dirty," Klaus said. I awkwardly nodded to him dahil wala naman akong masabi sa kanya. Hanggang ngayon naiilang pa rin ako at iniisip kung gaano katotoo ‘yong sinabi niya sa akin. Hindi ko naman siya matanong dahil nahihiya ako at hindi niya rin naman nababanggit pa sa akin ang tungkol doon. "Let's buy a new bag." "Hah?" laglag ang panga na tanong ko. Marami akong bag sa bahay pero para bumili ng bag dahil lang sa nadumihan ang bag ko ngayon… Seryoso ba siya? "You don't need that. Let's go." Inabot niya ang kamay ko at hinila na ko paalis sa tapat ng bench. Mas lalong nagwala ang puso ko dahil sa kamay niya! Hindi rin ako mapakali sa kakatingin sa paligid namin dahil baka mamaya ay nandiyan pa si Yeri! Ayokong makita niya na hawak-hawak ni K ang kamay ko dahil sigurado ako na mag-iisip agad siya ng tungkol sa akin at kay K. "Why are you checking if someone is watching us?" K seriously asked. I diverted my gaze to him, and I could see the coldness in his eyes. Wala man lang kaemo-emosyon. Wala akong makitang kakaiba sa mga mata niya na nagpapatunay na gusto niya nga talaga ko… "Do you have a secret boyfriend here, and you are scared that he might see me holding your hand?" he sarcastically asked. Saan naman niya nakuha ang idea na ‘yon? “W-Wala akong boyfriend.” Nautal pa! "Your stuttering, Jessica." We stopped in front of his car in the parking area. "Make sure you don't have a f*cking boyfriend, Jessica." Bakit ba parang tinatakot niya ko ngayon? Parang mas mahigpit pa siya ngayon kaysa kay Kuya Jacob. “Wala akong boyfriend…” mababang boses na sambit ko. Pinagpapasalamat ko na hindi na ko nautal sa harapan niya habang nakatitig sa mga mata K. Mga mata niya na parang hindi kayang magpakita ng kahit na anong emosyon. "Good, because if I find out you have a boyfriend, I'll punish him.” Napalunok ako ng sariling laway at hindi na nakasagot pa. Hindi na rin siya kumibo at binuksan na niya ang pinto sa shot-gun seat. Tsaka niya lang din binitawan ang kamay ko kaya pumasok na ko sa loob ng sasakyan. Napatunayan ko na mas mahigpit pa talaga siya kay Kuya Jacob. Kinabit ko na lang ang seat belt ko sa katawan ko at sobrang tahimik lang nang pumasok si K sa sasakyan. Ini-start niya ang kotse niya at pinaandar ito. “May pupuntahan ba tayo?” pagbabasag ko sa katahimikan dahil mas naiilang ako na tahimik kami parehas. Kailangan kong umuwi para makapagpahinga dahil mamaya pupunta naman kami sa club. Siguradong kapag nakarating kay Kuya ang tungkol doon, malalagot talaga ko pero sana naman busy siya. Mas gusto ko na wala sa akin ang atensyon niya dahil kapag nasa akin, palagi na lang akong napapagalitan. "We will buy a new bag." Oo nga pala dahil gusto niya. “K, okay lang naman kahit ‘wag na. Marami naman akong bag na pwedeng ipalit.” Ayokong gumastos pa siya para sa akin kahit na alam kong mayaman naman talaga siya. Nakakahiya tsaka hindi naman niya kasalanan kung bakit nahulog ang bag ko sa lupa. Ako ang nawala sa focus. “Tsaka sayang ang oras mo dahil sa pagsundo mo sa akin sa university. May sasakyan naman ako—” "I will fetch you every day. I can also give you a ride on everything. You don't need your car." "Don't you have a job to do? Are you not busy?" I asked. I know that a person like him should be busy. Pero bakit parang marami siyang time ngayon sa akin. Nag-offer pa talaga siya ng paghatid at sundo kahit hindi ko naman kailangan. “I’m always free.” “Baka ngayon lang ‘yan,” sagot ko at napatingin sa kanya. Side profile pa lang ni K, hindi na nakakabigla na nagustuhan agad siya ni Yeri. Hindi ko alam kung ilang babae ba sa isang araw ang nagkakagusto sa kanya pero sigurado ako na hindi ‘yon mabibilang sa daliri. Kung hindi ko siya kilala at dumaan siya sa harapan ko, mapapatingin ako sa kanya dahil gwapo siya… pero hindi ko siya gusto. "You like me now?" He looked at me. Natauhan ako bigla at napaiwas agad ng tingin kay K. Tumingin na lang ako sa labas ng bintana at madiing napapikit dahil sa hiya. “Uhm…” Napalunok ako at muling nagmulat ng mga mata. “Baka ngayon ka lang hindi busy, K. Baka sa susunod marami ka ng trabaho. Bakit hindi ka na lang magbakasyon or mag-relax for the mean time.” "If you go with me, I'll take a vacation,” mabilis na sagot niya sa akin. Para saan? Dahil ba talagang gusto niya ko kaya gusto na rin niya kong makasama sa personal niyang bakasyon? “Talaga b-bang g-gusto mo k-ko?” nauutal na tanong ko at hindi makatingin sa kanya. Nakakahiya pero gusto ko rin makasigurado. Gusto kong malaman ang sagot niya para alam ko kung ano ang dapat kong hindi isipin… “So-sorry sa ta-tanong ko pero—” "I will not waste my precious time if I don't like you, Quinn." Paano na si Yeri? Paano kapag nalaman niya ‘to? Ayokong magalit siya sa akin dahil sa lalaki. Gusto ng kaibigan ko si K… “Uhm… K…” Tumingin ako sa harapan ng sasakyan. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa kanya ang bagay na ‘yon. Puno nang pag-aalangan ang isip ko kung dapat ko bang ituloy o hindi. “What?” Mula sa gilid ng mga mata ko, naramdaman ko na saglit siyang lumingon sa akin bago masuyong ibinalik ang tingin sa kalsada. “Pwede bang h’wag mo na lang a-akong ma-magustuhan?” kinakabahan na tanong ko sa kanya. “Gusto ka ni Ye-Yeri.” “I don't give a f*ck to that girl, Quinn. Bakit mo ba ko pinipilit sa iba kung sa’yo ko baliw na baliw?”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD