Jessica Quinn’s POV
Nakatitig lang ako sa menu book na itinayo ko sa harapan ko at hindi ko alam kung saan ako titingin. Kung sa menu book ba o sa lalaking nasa likod ng menu book. Hanggang ngayon iniisip ko pa rin ang sinabi niya na hindi ko makalimutan.
Klaus? He will please a person like me. Unbelievable. Bakit niya naman gagawin ang bagay na ‘yon?
“What do you want?” Sinalubong niya bigla ang tingin ko kaya agad kong binalik ang tingin ko sa menu book.
Hindi ako makapili ng pagkain dahil masyado akong okupado sa presensya niya sa harapan ko. Ano ba kasi ‘to? I mean bakit ba namin ‘to ginagawa?
“Kahit ano na lang…” sagot ko.
Tumaas ang tingin ko at parang mali na gawin ang bagay na ‘yon dahil sinalubong niya agad ang mga mata ko!
“Uhm… Kung ano na lang sa’yo… ‘Yon na lang ang akin,” dagdag ko pa.
Tumango siya sa akin at nagtawag na ng waiter. Kaya naman sinara ko na ang menu book at ipinatong sa ibabaw ng lamesa namin. Napatingin na lang ako sa labas ng restaurant habang hinahayaan siya na mag-order ng pagkain namin.
Hanggang ngayon nagtataka pa rin ako kung bakit namin ginagawa ni K ‘to. Kung bakit bigla na lang niya kong niyayaya. Sobrang naninibago lang talaga ko sa mga nangyayari ngayon. Siya ba talaga si K? Kasi ang kilala kong K ay ‘yong hindi ako pinapansin at titingin lang sa akin sa tuwing nagkikita kami.
“Jessica.”
“Hah?” Naputol ang malalim kong pag-iisip at napatingin kay K.
Napatingin din ako sa waiter na nakatayo pa rin sa gilid ng mesa namin at mukhang naghihintay sa sasabihin ko.
"What do you want to drink?" he asked.
"Uhm, water na lang,” nakangiting sagot ko.
Sinulat ng water ‘yon sa hawak niyang papel at inulit niya muli ang order namin sa harapan namin bago umalis. At nang maiwan na naman kaming dalawa ni K, parang ang awkward na naman sa akin dahil walang nagsasalita tulad kanina habang papunta rito sa restaurant.
Pagkatapos niya kasing sabihin ‘yon, wala na kong masabi kay Klaus. Ayoko naman na palagi na lang kaming ganito kaya hindi ko na napigilan at binasag ko na ang katahimikan.
“Uhm… kailan ka babalik ng China?” tanong ko.
Doon nakatira si Klaus at pati na rin ang pamilya niya. Klaus is a mafia boss in Asia. China is his country because K's father is American-Chinese while his mom is pure Filipino, so he understands Filipino. Mabuti nga at hindi siya nahirapan dahil tatlo ang language niya.
"You want me to return to China immediately?" he asked seriously.
"No! No!" I replied with a fast heartbeat. "Don't get me wrong about my question. I was just wondering..."
Dahil nasanay ako na umuuwi lang naman siya rito sa Pilipinas kapag nandito si Kuya o kaya may malaking party na rito gagawin. Hindi rin naman siya nagtatagal. Tatlong araw na ang pinakamatagal niyang stay rito sa Pilipinas.
"I have a mission here," he said.
I smiled and nodded my head. Hindi na rin ako nagtangka na magtanong pa kay Klaus dahil alam ko naman na ang trabaho niya.
"Are you not going to ask me about my mission here?"
Nababasa ba niya ang tumatakbo sa isip ko? Ayoko naman kasi talagang tanungin dahil wala rin naman akong karapatan.
“Ah, okay lang. Hindi naman mahalaga na malaman ko,” natatawa pang sambit ko pero seryoso lang ang mukha niya.
Ang awkward talaga. Pakiramdam ko tuloy ang corny kong tao. Pero gano’n naman kasi talaga si Klaus. Laging seryoso.
“Ah, kumusta na pala si Auntie Kristina?” pag-iiba ko sa usapan para may pag-usapan naman kami habang inaantay ang pagkain.
Hindi ko alam na kakain lang pala kami kaya sinundo niya agad ako pero… Bakit kailangan niya pa kong isama kung gusto niyang kumain? Dahil ba boss niya ang Kuya ko?
“Ang tagal na rin ng huli ko kasing nakita si Auntie—”
“Hi, Jessica!”
Napaangat ako ng tingin at nakita ko si Yeri na nasa gilid ng lamesa namin kaya tumayo agad ako at hinalikan niya agad ang pisngi ko.
“Sinong kasama mo, Ye—”
“Hi, Mister!” masayang bati ni Yeri kay K at hindi pinansin ang sinabi ko.
Napatingin ako kay K at parang mas sumeryoso lang ang mukha niya o baka mali lang ako nang nakikita. Mabuti na rin na dumating si Yeri dahil masyadong awkward kung kami lang ni K.
“I am Yeri, friend ni Jessica.”
Nilahad pa ni Yeri ang kamay niya pero tinignan lang siya saglit ni K at binalik din agad nito ang tingin sa akin.
“Go back to your seat, Jessica." It was a voice that commanded me.
Kaya wala akong nagawa kundi ang bumalik sa upuan ko at napatingin kay Yeri na binaba na ang kamay niya.
“Aalis na ko,” ani ni Yeri na nakatingin lang kay K at parang wala ako rito. “Nice to meet you. Ano ulit name mo?” masayang tanong pa ni Yeri.
Pero hindi siya sinagot ni K. Nahiya tuloy ako para kay Yeri dahil parang napahiya siya sa harapan ni Klaus pero nakangiti pa rin siya.
“Klaus,” sagot ko na lang. “His name is Klaus.”
“Oh… nice name! See you again, Klaus!” Tumingin sa akin si Yeri at kumindat pa.
Nagpaalam din siya sa akin at umalis na. Napatingin na lang ako sa likod niya hanggang sa makalabas na siya ng restaurant. Gano’n din siya makatingin kay K kahapon nang makita niya ‘to sa university.
"Why did you tell her my name?" he asked deeply and menacing.
I think I am wrong for doing that because I can see that Klaus does not like it. Lagot.
"Sorry, K," I sincerely uttered. “Pero mabait naman si Yeri. Masiyahin pang tao!”
“I don’t care.”
Tinikom ko na lang ang bibig ko dahil hatalang hindi na siya interesado sa mga sinasabi ko. Bakit ba kasi ako pa ang niyaya niya para kumain kung halata naman na naiinis na siya sa akin. Sayang din ang pagkain na niluto nila Manang para sa pananghalian ko.
"Here's your order, ma'am, sir."
The waiter entered the conversation and that's a good thing. Pinanood ko na lang ang waiter na ayusin ang pagkain namin sa lamesa namin para makaiwas na lang din ng tingin kay Klaus na ramdam na ramdam ko pa rin na nakatingin sa akin hanggang ngayon.
“Tawagin niyo lang po ako kung may kailangan pa kayo,” masayang sambit ng waiter sa akin.
Tumango agad ako sa kanya at ayoko pa sana na umalis siya pero may iba pa siyang trabaho kaya naiwan na naman kaming dalawa ni Klaus sa lamesa namin.
Tahimik kong kinuha ang tinidor ko nang biglang mag-ring ang phone ko na nasa loob ng bag ko. Kaya naman binaba ko agad ang tinidor ko at kinuha ko ang bag ko sa likod ko. Kinuha ko ang phone ko at napataas pa ang dalawang kilay ko nang makita na si Yeri pala ang tumatawag.
Kaya sinagot ko na lang agad, “Bakit, Yeri?”
“Kapag hiningi ni Klaus ang number ko sa’yo, bigay mo agad!” excited na sambit niya.
Napatingin naman ako kay Klaus na nakatitig sa akin at parang inaantay ako bago siya magsimulang kumain.
“Mukhang na gulat si Klaus sa ganda ko kaya hindi nakakibo! Kaya kapag tinanong niya ang number ko sa’yo, ibigay mo agad! O baka nga mahiyain pa siya dahil mukhang mahiyain siya kaya i-offer mo na lang agad ang number ko!”
Hindi agad ako nakasagot kay Yeri dahil bakit naman gugustuhin ni Klaus ang number niya? Para saan? Tsaka nagulat ba talaga si Klaus sa ganda niya? Parang hindi naman…
“Bakit hindi mo na lang binigay sa kanya kanina?” nagtataka na tanong ko.
“Dapat hindi ako magmukhang easy! Kaya ikaw na ang mag-offer ng number ko dahil halata naman na gusto niya ko!”
Nagtataka na ko dahil hindi ko alam kung saan nakukuha ni Yeri ang mga sinasabi niya ngayon sa akin.
"Jessica, put down your phone and let's eat," he spoke with authority.
"I'm sorry,” nahihiyang sambit ko.
“Okay, bye, Jessica!” ani ni Yeri na mukhang narinig naman ang sinabi ni K. “Don’t forget hah!”
“Yes, bye.”
Binabaan na niya ko ng tawag at ibinalik ko na rin sa bag ko ang phone ko. Nilagay ko muli sa likod ko ang bag ko at hinawakan na muli ang tinidor.
“Sorry ulit,” ani ko.
Hindi na kumibo si K at nagsimula na rin siyang kumain. Hindi ko mapigilan na panoorin siya habang kumakain. Hindi ko tuloy alam ngayon kung paano sasabihin sa kanya ang inuutos ni Yeri sa akin.
Biglang tumingin sa akin si Klaus at huli na para mag-iwas pa ko ng tingin sa kanya. Nahuli na niya ang mga mata ko.
“Masarap ba?” tanong ko na lang bigla.
"What do you want to say?" he asked seriously.
Is he a mind reader? Paano niya nalalaman ang mga iniisip ko? O baka naman nasabi ko nang malakas ang iniisip ko?
“Tell me.”
“Ah… K, ‘yong friend ko kasi si Yeri. ‘Yong babae kanina, baka raw gusto mong makuha ang number niya—”
"I don't care about her number, Jessica,” he said coldly.
Paano ko ngayon sasabihin kay Yeri na ayaw ni K ng number niya? Baka mapahiya siya kapag sinabi ko ‘yon sa kanya.
“O-Okay…”
"I have someone I like, so why will I entertain that girl?"
My eyes widened because of what he said. So, he has someone in mind right now? He likes a woman now. That's surprising...
"I hope she likes you back--"
"I like you, Jessica."
Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni K sa akin. Napaawang pa ang labi ko at puno nang pagtataka pa rin.
“I-Ibig sabihin, hindi mo ko hate? Hindi ka naiinis sa akin?” tanong ko pa.
Gusto niya ko! Hindi ako makapaniwala dahil buong akala ko ay naiinis siya sa akin! Gusto niya naman pala na nag-e-exist ako. Akala ko kasi ay…
“No.”
Pero nawala agad ang sayang nararamdaman ko dahil sa sinabi niya. Masyado ba kong nag-expect agad? Akala ko kasi gusto niya ko at hindi naman talaga naiinis. Naguguluhan na ko…
"Damn, f*ck, I know to myself that it's not just that. Because the truth is I want you all mine."