Jessica Quinn’s POV
Hindi ko alam kung gaano katotoo na talagang alam ni K ang number ko. Hindi ko rin alam kung tatawag ba talaga siya sa akin dahil parang biglaan naman. Matagal ko ng kilala si K pero hindi naman talaga kami gano’n ka close para bigla niya kong sunduin sa university ng hindi naman pala sinasabi ni Kuya.
“Baka hindi naman talaga siya tatawag sa akin…” I whispered.
Nakatayo ako sa harapan ng kama ko habang nakatitig sa cellphone ko sa ibabaw ng kama. Hindi ako nakatulog nang maayos kagabi kaiisip kay K tapos ngayon naman hindi ako mapakali kahihintay sa tawag niya na hindi naman sigurado.
“Tsaka ayaw niya nga sa akin kaya bakit siya tatawag?”
Napabuntong hininga na lang ako dahil nakakalimutan ko na yatang hindi naman kasi talaga gusto ni K ang presensya ko. Kaya kapag dumadating siya sa bahay namin para kausapin si Kuya, umiiwas na lang agad ako at nagkukulong dito sa kwarto ko.
Tumalikod na lang ako sa kama ko para pumasok sana sa bathroom nang biglang mag-ring ang phone ko. Mabilis akong lumingon at kinuha ang phone ko pero nawala ang excitement ko ng makita na hindi unknown number ang tumatawag.
Mas gugustuhin ko pa yata kung unknown number ang tumatawag ngayon at hindi si Daddy. Napabuntong hininga ako at sinagot na ang tawag.
“Dad?”
"How are you, Jessica?" he asked sweetly.
I know he worries about me because I live alone in the Philippines. Alone that I don't have any relatives. But I am full of maids and bodyguards here in our home.
"I'm good, daddy. I'm okay. How about you? How are you and mom?" I asked back.
They both want to live away from the Philippines, but not me. Nandito lahat ng mga kaibigan ko at ayokong lumipat ng permanente sa ibang lugar. Ayokong magsimula na naman sa umpisa na walang kaibigan.
"We're good, Jessica. Do you have a plan on coming here in the summer?" Dad asked.
Summer is coming. Just last term, and I will have a summer break, but I have plans with my friend.
"Maybe," I replied.
"Oh, you're not coming again," Mom replied on the other line.
Talagang kilala ako ni Mommy dahil alam na agad niya na hindi ako pupunta sa Italy. Mas gusto kong magbakasyon kasama ang mga kaibigan ko lalo na’t may plano na kami. Tsaka ayokong pumunta sa Italy lalo na ngayong summer break dahil baka mamaya bigla na lang akong i-enroll ng mga magulang ko sa school doon at hindi na ko pabalikin.
“I’m sorry, mom. But may plans na kami ng mga friends ko,” mahinahon na sambit ko at naupo sa kama habang hawak pa rin ang cellphone ko.
“Anak, minsan ka na nga lang namin makita—”
“Mom, please,” putol ko agad sa kanya gamit ang kalmado kong boses.
Ayaw ni Daddy na sumisigaw kami lalo na kapag kausap si Mommy kaya palagi kong kinokontrol ang boses ko pagdating sa kanya. Ayokong nagagalit si Daddy dahil tulad ni Kuya, nakakatakot din siya kapag nagalit na siya.
“Bye na, mom. Maliligo pa ko,” sambit ko pa.
Nagpaalam na rin sa akin ang parents ko at binaba ko na ang phone ko sa ibabaw ng kama. Napabuntong hininga ako at tumayo na muli para makaligo na ko bago bumaba ng bahay. Pagpasok ko sa banyo, hindi ko pa nasasara ang pinto pero nag-ring na naman ang cellphone ko.
“Ano naman kaya ang nakalimutan ibilin ni Mommy?” natatawang tanong ko na lang sa sarili ko.
Lumabas ako ng banyo at lumapit sa kama ko. Sinilip ko ang phone ko at nanlaki ang mga mata ko nang makita na unknown number na ang tumatawag! Dali-dali kong dinampot ang cellphone ko at sinagot agad ang tawag.
“Uhm… S-Sino ‘to?” mababang boses na tanong ko.
“May inaasahan ka pa bang tatawag bukod sa’kin?”
Napakagat ako sa ibabang labi ko nang makilala ko agad ang boses ni Klaus sa kabilang linya! Kahit sa cellphone, seryosong-seryoso ang boses niya!
“This is K.” I know…
“Uhm… K, tuloy ba tayo?” tanong ko at nagsimulang maglakad sa harapan ng kama.
Napahawak ako nang mahigpit sa laylayan ng damit ko at mas lalong hindi mapakali habang inaantay ang sagot niya.
“I'll fetch you before lunch.”
“Hah?”
Napatigil ako sa paglalakad at napatingin ako sa bathroom kong nakabukas kung saan kitang-kita ang malaking salamin. Kitang-kita ko ang itsura ko na nakapantulog pa! Wala pa nga akong naiisip na isusuot!
"I'll go there before 12," he said.
"I thought you will fetch me at night?"
Pero bigla na lang niya kong pinatayan ng tawag. Ano ba kasing meron? Bakit bigla niya kong susunduin at napaaga pa nga…
Napailing na lang ako at nilagay na siya sa contact ko. Dinala ko na rin ang phone ko sa bathroom para madaling kunin kung may tumawag man habang naliligo ako. Dahil nga susunduin niya ko bago may lunch kaya binilisan ko na ang pagligo ko.
Nang matapos ako sa pagligo, inayos ko agad ang buhok kong basang-basa. Nang mapatuyo ko ang buhok ko gamit ang blower, lumabas na ko ng bathroom ko at pumunta naman sa walk-in closet ko. Hindi ko alam kung anong isusuot ko pero 11:03 na!
Kaya kumuha na lang ako ng maong skirt at nilagyan ko ng sinturon. Sa pangtaas naman, kumuha na lang ako off shoulder na puti. Nagsuot na rin ang ng necklace at earing.
Nang makapagbihis, nag-make-up naman agad ako habang iniisip kung anong sapatos ang isusuot ko. Kaya nang matapos ako sa pag-ma-make-up, kinuha ko na ang sneakers kong puti at sinuot.
“Ma’am Jessica?”
“Wait, manang!” sigaw ko mula sa walk-in closet ko.
Nang matapos kong isintas ang sapatos ko, kinuha ko ang phone ko sa bathroom at kinuha ko agad ang kate spade kong shoulder bag at pumunta na sa pinto.
Binuksan ko ang pinto at bumungad sa akin si Manang, “Bakit manang?” hinihingal na tanong ko.
“Nasa baba si Sir K… Hinahanap kayo,” ani ni Manang at halatang nagtataka pa dahil bakit nga ba ko hahanapin ni K eh nakikita naman nila na hindi kami gano’n ka-close ng tao.
“Maayos ba ang suot ko, Manang?” tanong ko.
“Maganda,” tumatangong sagot sa akin ni Manang.
“Okay,” sagot ko at nilagpasan na siya habang may pagtataka sa mukha niya.
Mabilis ang pagtaas at baba ng dibdib ko habang pababa ako ng hagdanan namin. Hindi ko alam kung bakit ba ko kinakabahan ng ganito dahil kay K! Baka dahil gusto ko na magustuhan niya ko dahil kaibigan siya ni Kuya…
Pagbaba ko ng hagdanan ay dumiretso na ko sa living room at nakita ko roon si K na nakatayo habang nakatitig sa mga picture frame naming pamilya.
“Hey…” kinakabahang sambit ko.
Lumingon siya sa akin at hindi ko mapigilan na sipatin ang suot ko. Naka-itim na polo shirt siya at itim na slack. Sa laki ng braso niya, at ganda ng katawan, pwedeng-pwede talaga siya mag-artista o kaya maging model. Parang hindi pa siya isang mafia boss sa suot niya…
“Saan ba tayo pupunta at ang aga yata natin?” tanong ko at nagtaas ng tingin sa kanya.
Titig na titig siya sa akin at hindi ko kaya na tagalan ‘yon kaya binuksan ko na lang ang shoulder bag ko at ipinasok doon ang cellphone ko. Pero sandali lang ‘yon at kailangan ko agad siyang harapin.
“Uhm… A-Aalis na ba tayo?” hindi ko pa mapigilan mautal dahil sa titig niya!
Bakit ba kasi ang pupungay ng mga mata niya at hindi ko kayang tagalan ang titig niya! At bakit ba titig na titig siya? May dumi ba ang mukha ko? Pangit ba ang suot ko ngayon?
“May problema ba sa suot ko?” hindi ko na napigilan na magtanong.
“Damn.”
Napalunok ako sa sariling laway ko nang marinig ko ang sinabi niya. Baka nga may mali sa suot ko, “Ah, m-magpapalit lang a-ako s-saglit—”
“Let’s go, Jessica.”
Tumalikod siya sa akin at naglakad palabas ng bahay. Sumunod naman agad ako sa kanya habang hawak-hawak ko ang strap ng bag ko. Kinakabahan pa rin ako.
Sumakay siya ng kotse niya at sumakay na rin agad ako sa harapan. Ipinatong ko ang shoulder bag ko sa ibabaw ng hita ko.
“Okay lang ba ang suot ko? Pangit ba talaga ang suot ko, K?” tanong ko pa.
Lumingon siya sa akin at ito na naman siya sa titig niya na parang malulusaw na ko. Mas lalong nanlalabot ang tuhod ko dahil sa ganyang titig niya. Mabuti na lang talaga nakaupo na ko ngayon.
“Ahm… seatbelt nga pala…” Mahina pa kong natawa para mabawasan sana kahit konti ang awkwardness na nararamdaman ko.
Kinabit ko ang seatbelt ko sa katawan ko at binagalan ko pa talaga para hindi mapatitig sa kanya. Para makaiwas na rin.
“Jessica.”
“Huh?” Kinabit ko ang seatbelt ko at wala na kong choice kundi ang salubungin ang tingin niya.
“I did not tell you that what you are wearing is ugly.”
Napalunok ako sa sariling laway at sinubukan kong ibuka ang bibig ko pero walang lumabas. Hinahanap ko ang salita na sasabihin ko pero wala.
"You don't need to change your clothes because of other people. Are you pleasing me?"
Do I want to please him? Yes. I don't want people to be mad at me or not like me, especially those close to my family.
"Don't please me, Quinn. Because I should be the one doing that."