Jessica Quinn’s POV
“That b*tch!”
Napagilid kaagad ako bago pa ko matamaan ni Astrid sa hallway. Mukhang mainit na naman ang ulo niya at may bago na namang kaaway rito sa university naming.
Sinundan ko ng tingin ang likod niya na naglalakad palayo sa akin. Hindi na rin bago sa akin na may nakakaaway siya.
I am in the second year of college, and I quite know Astrid because we are in the same class, but we are not so close to each other. Sikat na sikat din siya rito sa University dahil palagi siyang may kaaway kaya ako na lang din ang umiiwas dahil ayokong mapasali pa sa gulo.
Nagpatuloy na muli ako sa paglalakad palabas ng building namin para makauwi na ko. Masyadong mahaba ang araw ko ngayon dahil sa exam.
“Jessica!”
Saktong nasa labas na ko ng building namin nang tawagin ako ni Yeri. My friend.
“Bakit?” tanong ko at napahinto pa.
Yeri is one of my friends here at university. Matagal ko na rin siyang kilala dahil nagkasama kami noon sa orientation at doon ko rin siya mismo nakilala.
“Next month may party sa bahay ko! Punta ka! Twentieth birthday ko!”
Mag twe-twenty na nga pala si Yeri. Matanda lang siya sa akin ng isang taon dahil kaka-nineteen ko lang naman noong nakaraang buwan.
“Oo ba,” sagot ko at hinawi ang buhok ko na nasa balikat ko papunta sa likod. “Gabi ba?”
“Oo at swimming party—“
Hindi ko na narinig ang sumunod na sinabi ni Yeri dahil sa malakas na busina ng sasakyan na nakakuha sa atensyon ko.
Napatingin tuloy ako sa type r na kulay puti na nasa harapan ko. Bumaba ang bintana ng sasakyan kaya nakita ko agad kung sino ang driver.
Klaus Lombardi Li
“Get in.”
Sa akin siya nakatingin kaya siguradong ako ang inuutusan niya. Para bang isa akong alila niya na dapat niyang utusan. Hindi ko rin alam kung bakit siya nandito ngayon.
“Kilala mo ang lalaking ‘yan?”
Napatingin kaagad ako kay Yeri at kitang-kita ko kung paano siya tumitig kay K. Para bang may nakita siyang napakagandang bagay sa harapan niya. May kakaiba akong naramdaman sa loob ko dahil sa klase ng pagtitig niya kay K na parang hindi maganda sa paningin ko.
“He’s a friend of my brother,” sagot ko. “Sige na, mauna na ko,” ani ko pa kay Yeri pero tumango lang siya at nakatitig pa rin kay K.
Mukhang wala naman na sa akin ang atensyon niya kaya naglakad na ko paalis sa tabi niya. Hawak-hawak ko ang strap ng bag pack ko habang naglalakad ako palapit sa kotse ni K. Hindi ko alam na susunduin niya ko ngayon dahil ang alam ko, ang driver ko ang susundo sa akin ngayon dahil tinatamad ako ngayon na mag-drive ng sasakyan ko.
“What are you doing here, K?” I asked.
He's a friend of my brother. I have known him since I was a kid because I know what kind of a person he is. Alam ko kung ano ang parte niya sa buhay ng Kuya ko. Bata pa lang ako ay pinaalam na sa akin ng mga magulang namin ang buhay na mayroon kami. Ayaw rin nila na masangkot ako sa gano’ng buhay kaya hangga’t maaari ay sinisikrito nila ang tungkol sa akin.
“Inutusan ka ba ni Kuya Jacob?” tanong ko pa.
My brother is a mafia lord, dahil lalaking anak siya at panganay pa, sa kanya ipinasa ng daddy namin ang pwestong ‘yon. My father is Italian habang ang mommy naman namin ay Filipino. Ang kuya ko ang may pinakamataas na posisyon sa tinatawag nilang clan. He is the boss of the bosses, and K is one of the bosses. He is the Mafia Boss in Asia under my brother.
Pero hindi ako sinagot ni K kaya sa tingin ko ay inutusan nga siya ni Kuya. Tumingin na lang ako sa harapan ng sasakyan niya ng biglang tumunog ang sasakyan niya. Warning na hindi nag-seat belt ang kasama sa sasakyan at ako ‘yon.
“Seat belt,” malamig na turan niya.
Agad ko naman kinabit ang seat belt ko sa katawan ko dahil nakalimutan ko. Hindi naman kami gano’n ka-close ni K kahit matagal na kaming magkakilala. Kaya ang awkward para sa akin na makasama siya sa iisang sasakyan ngayon lalo na’t pakiramdam ko na ayaw niya naman talaga kong nasa sasakyan niya.
Napatingin ako sa kambyo ng sasakyan ni K at hindi ko mapigilan na humanga sa bilis niyang magpalit ng gear. Manual transmission ang sasakyan niya at ang angas no’n dahil hanggang automatic lang ako na sasakyan.
“Kailan ka natutong mag maneho ng kotse?” tanong ko at nag-angat ng tingin sa kanya.
“I was seventeen when I learned about it.”
Napatango-tango ako sa sagot niya kahit na nasa daanan naman ang tingin niya. Hindi ko tuloy mapigilan na mapatitig sa kanya. Matangos ang ilong niya at mas lalong kapansin-pansin ‘yon dahil nakatagilid siya. Ang mga mata niya alam kong kulay brown na may konting pagka-singkit dahil may lahing Chinese si K. Maputi rin siya at matangkad.
Hindi rin nalalayo ang edad niya sa Kuya ko dahil twenty-seven na siya ngayon. Gwapo si K kahit na masungit siyang tignan at mukhang hindi masiyahin.
"Are you enjoying?"
Lumingon siya sa akin na may maliit na ngisi sa labi kaya agad akong napaiwas ng tingin sa kanya. Nakita ko mula sa gilid ng mga mata ko na ibinalik niya rin agad ang tingin niya sa daan.
“E-Enjoying saan?” tanong ko at madiing napapikit dahil sa bigla kong pagkautal pa!
Bakit ba kasi ang bilis na naman ng t***k ng puso ko? Lagi na lang ganito sa tuwing kasama ko siya. Hindi ko alam kung natatakot ba ko sa kanya o dahil naiilang ako.
“Sa panonood sa akin.”
Napalunok ako sa sariling laway ko at napatingin na lang ako sa bintana sa gilid ko. Mas lalo pang dumoble ang kaba sa dibdib ko dahil sa wala akong maisip na isasagot sa kanya! Bakit ba parang natatameme ako pagdating kay K?
Mabuti na lang talaga biglang nag-ingay ang cellphone na nasa bag pack ko kaya naman dali-dali kong inalis sa likod ko ang bag ko at ipinatong ko sa ibabaw ng hita ko. Binuksan ko ang zipper at kinuha ko ang phone ko.
Nakita ko na ang driver ko na ang tumatawag kaya napakunot ang noo ko dahil bakit siya tatawag kung may sundo naman na ko? Pero sinagot ko pa rin.
“Mang Berting?” nagtataka na bungad ko agad.
“Ma’am, nandito na po ako sa parking lot malapit sa building niyo. Pasensya na nahuli ako sa pagsundo dahil masyadong traffic.”
Mas lalo akong naguluhan dahil bakit pa siya papupuntahin ni Kuya sa University kung may inuntusan naman na siya na magsusundo sa akin. O baka naman…
“Mang Berting, hindi ba na sabi ni Kuya na inutusan na niya si K na sunduin ako?”
“Ho? Naku, Ma’am, ang utos sa akin ni Boss ay sunduin kayo. Nagbilin pa siya sa akin bago umalis papuntang airport dahil babalik na raw siya sa Italy.”
Hindi ko alam na aalis na pala si Kuya pabalik sa Italy. Hindi naman kasi talaga hilig ni Kuya na magtagal dito sa Pilipinas.
“Ah, sige, umuwi na kayo dahil pauwi na rin naman ako.”
Binaba ko na ang tawag at itinabi ko na ang cellphone ko. Nagtataka ako kung bakit ako sinundo ni K kung hindi naman siya inutusan ni Kuya. Tsaka pabalik na si Kuya sa Italy kaya bakit nandito pa siya? Bakit hindi pa siya bumabalik sa China?
Nakikita ko lang naman kasi si K sa tuwing umuuwi rito si Kuya Jacob. Kaya hindi ko na tuloy napigilan ang sarili ko at nagtanong na ko kay K.
“Bakit mo ko sinundo, Klaus? Hindi ka naman pala inutusan ni Kuya…” pahina nang pahina na sagot ko.
Napakagat pa ko sa ibabang labi ko at dahan-dahan na napatingin muli sa kanya. Naramdaman ko ang mabilis na pagtaas at baba ng puso ko— naghihintay sa isasagot niya.
“I have a mission here,” he replied.
Malayo ang sagot niya sa tanong ko. Ano naman kung may misyon siya ngayon dito? Ano naman ang kinalaman ko roon para puntahan niya pa ko sa University at sunduin.
“Okay,” sagot ko na lang kahit na naguguluhan pa rin ako.
Nanahimik na lang ako sa kinauupuan ko hanggang sa huminto ang sasakyan sa harapan ng bahay namin. Ang bahay namin na ako lang naman ang nakatira dahil mas pinili ko ang buhay rito kaysa ang Italy. Nandito rin kasi ang mga kaibigan ko at maganda naman ang university kaya ayokong umalis.
“Thank you sa pagsundo, K.” Kinalas ko na ang seatbelt sa katawan ko at hinawakan na ang door handle.
Sinubukan kong buksan ang sasakyan pero hindi ko mabuksan-buksan kaya napalingon na ko kay K na nakatitig lang sa akin. Pinapanood na mahirapan ako.
“Ah… Lalabas na ko, K,” mababang boses na saad ko.
“I know.”
“Hah?” nagtataka na tanong ko at napataas pa ang dalawang kilay.
Wala ba siyang balak na alisin sa pagka-lock ang sasakyan niya para makababa na ko ng kotse niya? O gusto niya lang talaga kong panoorin muna na mahirapan. Gusto ba niya na magmakaawa ako na buksan pa niya ang pinto ng kotse?
"You don't have a class tomorrow. I will fetch you tomorrow night."
My jaw dropped because of what he said. How did he know that I don't have a class tomorrow? We are not close, and I did not even give him my schedule.
“Sigurado ka ba?” nagtataka pa na tanong ko matapos makabawi sa pagkagulat.
Baka kasi nalilito lang siya dahil ako? Iimbitahan niya? Saan naman kami pupunta bukas? Tsaka alam ba ni Kuya ‘to?
"I'll call you tomorrow," K said without answering my question.
Hindi lang ako nagtataka dahil gulong-gulo na rin ako sa kinikilos niya ngayon sa harapan ko. Ano bang nangyayari sa kanya? Okay lang ba siya?
“Hindi mo alam ang number ko, K. Gusto mo b-bang ibigay ko?” mababang boses na turan ko kahit na naguguluhan pa rin ako.
Baka ito na ang pagkakataon para maging close ko si K. Matagal ko naman na kasing gusto na maka-close si K pero parang nakakatakot siyang i-approach.
"I have your number."
Napatango na lang ako sa kanya at narinig ko ang pagtunog ng sasakyan kaya napatingin muli ako sa door handle. Parang nadismaya pa ko na nawala na sa pagkaka-lock ang pinto ng sasakyan pero tinulak ko pa rin ‘yon para buksan.
“Ah…” Muli akong humarap kay K. “Salamat ulit…”
Tumalikod na ko sa kanya at handa na sanang humakbang pero hinawakan bigla ni K ang kamay ko at dumukwang siya para isara ang pinto sa gilid ko. Napasandal pa ko nang madiin dahil masyado siyang malapit sa akin dahil sa pagdukwang na ginawa niya.
“M-May nakalimutan ka ba?” nauutal na naman na tanong ko!
Hindi ko na talaga kayang pigilan ngayon lalo na’t sobrang lapit niya sa akin! Halos tatlong pulgada lang ang layo ng mukha niya sa akin!
“I will take this advantage while your brother is busy. I can do what I want now, Quinn.”