Jessica Quinn’s POV “Ma’am Jessica, saan po kayo pupunta?” usisa sa akin ni Manang pagbaba na pagbaba ko suot ang bodycon black dress ko na hanggang taas ng tuhod ang haba. Suot ko rin ang itim kong three inches na heels at ang white pouch ko na ang laman ay wallet ko. Hindi ko rin kinalimutan ang phone ko. “May pupuntahan lang ako uhm… h’wag niyo na lang po ipaalam kay Kuya, please…” pakiusap ko pa. Ngumiti agad sa akin si Manang at tumango pa. Alam kong mapagkakatiwalaan ko talaga sila dahil kahit kailan ay hindi naman sila nagsabi kay Kuya sa tuwing sinasabi ko na h’wag nilang ipapaalam. Talagang nananahimik lang sila. Narinig ko naman ang ugong ng sasakyan sa labas ng bahay kaya ngumiti na ko kay Manang, “Sige, aalis na ko.” “Mag-ingat ka, Ma’am Jessica.” “Yes, manang,” sago