K12 Jessica Quinn’s POV “Thank you for your time, Mr. Li,” mayor said. Ilang oras din ang tinagal ng meeting nila na wala naman akong naintindihan kahit isa. Pero hindi lang naman basta meeting ang ginawa nila dahil ‘yong mga kasama ni Klaus ay nagbibiruan pa habang umiinom ng alak. Pero si Klaus, ni hindi ko nakitang humawak kahit ng isang basong alak. “Sana sa susunod, uminom ka na rin, Mr. Li,” ani naman ni Vice Mayor. Dahil talagang pinipilit nila si K na uminom ng alak pero wala namang pakialam si K sa kanila. Seryoso lang siya buong meeting at ni hindi niya rin pinakawalan ang bewang ko kahit saglit. “Hindi ‘yan iinom.” Napatingin naman kami kay Derick. Sa pagkakatanda ko Derick ang pangalan niya na anak ng isa sa may mataas na posisyon sa gobyerno. “Masyadong pokus na poku