... KAI's POV ...
“KUMUSTA ka naman dito?” tanong ko kay Dhenna nang umupo na siya sa kawayan nilang sofa pagkatapos niyang ilapag ang bote ng coke na pasadya niya pang pinabili sa pamangkin niya may maialok lamang siya sa akin na inumin. Sinabi ko na kanina na huwag na siyang mag-abala pero sige pa rin. At saka para raw may partner ang mga pasalubong ko sa kanya na donut, cake, pizza at one bucket na chicken joy na may kasamang fries. Mga paborito niya noon na mga naalala ko. Hindi na nga lang galing sa Maynila dahil mga binili ko na lang sa Lapu-Lapu City.
Binuksan niya ang box ng donut bago sumagot. “Nakakabagot.”
“Paano mo naman nasabi?”
“Ikaw kaya ang araw-araw na lang nasa bukid at bundok? Tingnan mo nga, ang itim-itim ko na! Kaasar!”
I flicked a brow upward. “Hindi ba dapat exciting ‘yon?”
“Nakakabagot, nakakayamot, nakakapagod, nakakatanda,” pagtatama niya sa akin.
Natawa ako sa mga reaksyon ng mukha niya. Mukhang hindi nga niya na-i-enjoy ang buhay probinsya. Sabagay noon pa niya sinasabi iyon na hinding-hindi na niya kayang mabuhay ulit dito sa probinsya. Mas gusto na raw niya sa Maynila.
Hindi naman siya puwede mag-apply pa ng trabaho dahil on-going pa ang kaso niya na Destierro. Napapala ng mga babaeng nababaliw sa pag-ibig.
“Dinalaw mo ba si Randy bago ka nagpunta rito tulad ng bilin ko sa’yo?” tanong niya habang ngumunguya ng donut.
“Hindi. At bakit ko naman siya dadalawin? Kadiri kaya sa kulungan. Ew,” kunwa’y maarte ko na sagot kahit na ang totoo ay hindi ko lang siya sinunod para makalimutan na niya ang lalaking iyon. Obvious naman na si Manet na legal wife pa rin ang babalikan ni Randy oras na makalaya iyon at hindi si Dhenna na kabet lang. Kawawa lang ang kaibigan ko kapag aasa pa rin nang aasa kay Randy.
“Sinabi ko na, ‘di ba? Para makabalita ako kung kumusta na ba siya.” Pinandilatan niya ako ng mata.
Napangiwi ako. “Ano pa ba ang hinahabol mo ro’n? Nakakulong na nga, eh,” at saka kako. Sinimangutan ko siya. Sabi ko na nga’t umaasa pa rin ang gaga.
“Kahit makulong pa siya ng habam-buhay at hindi na kami magkikita pa ay mamahalin ko pa rin siya,” nga lang ay ang cheesy niya na dahilan.
Kiilabutan ako at muntik nang masuka. Juskolord, ano bang tumama na pana ng kupido rito sa kaibigan ko at hindi maalis-alis ang pagkadesparada? Ang sarap paoperahan at papalitan ng puso, eh. Kakaloka.
“Humanda talaga sa akin ang Manet na iyon oras na matapos ang destierro ko dahil babalikan ko siya!” sabi pa ni Dhenna. Pang-kontarabida pa rin ang kanyang awra. Hindi na natuto ang gaga, ay naku.
“Mayaman na si Manet ngayon kaya lalong wala ka nang laban do’n,” panda-down ko sa kanya para sana mawala ang kayabangan niya. Balita ko kasi ay may sarili na na farm ngayon ng rambutan, durian, dalandan at lansones si Manet sa Mindoro. Ayon kay Aman ay sa farm in-invest ni Manet ang nahati niyang pera noong naibenta lahat nilang magkapatid ang mga properties nila. Si Aman naman ay nag-iisip pa kung anong negosyo naman ang ipapatayo niya raw kaya naroon pa rin sa Banklink kasama ko.
Napa-sana all nga ako dahil ang laki ng pera ng magkapatid.
“Wala akong pakialam kahit kasing yaman pa niya si Bill Gates dahil oras na magkita kami ay papatayin ko talaga siya. Demonyo siya,” mukhang disidido sa kanyang balak na sabi ni Dhenna.
I just rolled my eyes and even shrugged my shoulders, saying that I am already bored with the topic. Nagpunta ako rito para maging masaya sana kasama siya at bumawi sa kanya, pero heto’t si Randy at Manet pa rin ang topic. Like duh!
At saka wala rin naman akong pag-aalala dahil alam ko naman na hindi magagawa iyon ni Dhenna. Baka nga hindi pa niya nalalapitan si Manet ay naharang na siya ng mga tauhan ni Manet sa farm niya. Nasabi rin kasi sa akin ni Aman na lumalago nang husto ang farm ni Manet kaya ang dami na niyang tauhan at farmers. Kahit sa negosyo ay kinapitan na raw ng suwerte si Manet kahit na minalas sa asawa noon dahil sa pang-aagaw ni Dhenna.
“Oy, Ate Kai, nandito ka pala. Painom ka naman,” bigla ay bungad ng pinsan ni Dhenna. Nakilala ko na ito noon dahil minsan ay napapadalaw sa Maynila kapag nag-a-apply sa abroad, at sa bahay nina Dhenna ito nakikituloy.
“Sure!” na-excite ko na sabi. Finally, may thrilling na ang pagbisita ko rito sa bahay nina Dhenna. Makikipag-inuman na lang ako kaysa pakinggan ang mga paghihiganting naiisip niya.
Inalok ni Dhenna ang pinsan ng pagkain. Kumuha naman ang binata ng donut. Isang subuan lang.
“Oh, bili na ng maiinom at masarap na pulutan,” utos ko na sa kanya sabay pasalo sa dalawang libong piso na dinukot ko sa bag ko. Kung hindi ako nagkakamali ay Rham ang name niya. Kaya hindi na kataka-taka kung laklakero ito ng alak. But at least mapapakinabangan ko siya ngayon. Bukas pa kasi ako aalis dito sa bahay nina Dhenna at i-enjoy ang indefinite leave ko. Sa ngayon ay gusto ko munang makasama ang aking kaibigan kahit na naging pasaway noon.
“Woahh!” Tuwang-tuwa si Rham. “Pyesta na ‘to!”
“’Pag kulang pa ‘yan sabihin mo lang sa akin. Tawag ka na rin ng mga makakainuman natin,” sabi ko na natatawa. Alam ko na mura lang ang alak rito sa probinsya dahil hindi naman tulad sa bar na mga sosyal ang mga inumin.
“Magkano ba ang nakomisyon mo at mukhang galante ka ngayon? Nagpunta ka pa rito?” usisa ni Dhenna nang kami na lang ulit.
I whispered to her and just like what I expected her eyes widened.
“Maliban doon ay binigyan pa ako ng malaking tip ni Sir Philip,” pagyayabang ko pa na ang tinukoy ko ay ang client ko na galante. Salamat sa boss ko na si Sir Jonathan Emit Villasera.
“Pautang naman para makapag-negosyo ako kahit maliit na store lang,” biro niya.
“Sure, pag-usapan natin ‘yan.” Na akin namang sineryoso. Of course, gusto ko na tulungan si Dhenna na makabangon. Gusto kong bumawi sa kanya.
Madami pa kaming napag-usapan habang hinihintay namin si Rham.
Saglit nga lang ay nag-iinuman na kami sa labas ng bahay nina Dhenna. Maliban sa mga pinsan ni Dhenna ay may mga dumating din na mga jowa nila kaya may mga kasama rin kami ni Dhenna na umiinom. Hindi na lang kami ang babae. May mga ginang din, pero sa pulutan lang sila nakikitikim.
“Para kang artista, Ate Kai,” puri sa akin ng isa. Alleah yata ang pangalan niya. Kapitbahay lang nina Dhenna.
“Mas maganda ako riyan noon,” busangot na sabi ni Dhenna. Nagselos.
“Oo naman, Ate Dhenna. Ang ganda mo kaya noong bagong dating dito,” pambawi ni Alleah.
“Bakit ngayon hindi na?” Pabirong tinaasan ng isang kilay ni Dhenna ang dalagita.
“Medyo maitim ka na, Ate Dhenna. Hindi tulad ni Ate Kai na ang puti-puti,” katwiran ni Alleah.
Binato ito ni Dhenna ng setserya.
Nagtawanan kami.
At lalo pang naging magulo kami nang tumagal ang aming inuman. May laylay na ang ulo at may nagsuka na.
“Ang hihina niyo!” kantyaw ko bago ko itinungga ang shot glass namin.
“Sila lang,” pagtatama ni Dhenna.
Nag-apiran kami na natawa sa isa’t isa. Ang saya ko dahil sa wakas ay nakita ko ulit na masaya si Dhenna. Alam ko na kahit nagrereklamo siya na mahirap ang buhay rito sa probinsya ay masaya naman siya kahit paano. Hindi ako nagsisisi na sinaksak ko siya sa likod noon dahil para sa kapakanan naman niya iyon. Pasasaan at makakahanap din siya ng lalaki na muling magpapatibok ng kanyang puso.
Naninindigan pa rin ako na ang babaeng tulad namin ay hindi deserve ang lalaking may asawa na. Ang daming lalaki diyan, eh. Single and ready to mingle pa. Hindi ka pa masasabunutan ng legal wife.
“Randdddyyyy!” Ang hindi ko nga lang inasahan ay atungal ni Dhenna nang sobrang natamaan na rin siya ng alak. Umiyak na ang gaga.
Binato ko siya ng mani. “Tumigil ka nga!”
“Mahal ko pa rin siya, Kai. Siya pa rin. Hindi ko siya kayang kalimutan,” atungal niya pa habang umiiyak.
Parang uunahan ako ng hangover sa sinasabi niya. Sumakit na ang ulo ko.
“Lakas ng tama ni Ate Dhenna,” kantyaw ni Rham sa kanya.
“Rham, insan, dalhin mo ako sa Maynila. Dalawin natin si Randy ko.” Parang bata na pakiusap ni Dhenna.
Nagtatawa ang mga kabataan naming kasama sa inuman. Ako nama’y hindi na lang siya pinansin. Dinukot ko na lang ang phone ko at chineck ang mga social media accounts ko. At napakunot ang noo ko nang nabasa ko ang chat ni Atty. Neil Austria.
‘I am also here in Cebu. Where are you here?’ Ang message niya kasi.
Napatingin ako kay Dhenna.
Si Neil Austria kasi ay ang dapat na maka-date noon ni Dhenna na ini-refer ko sa kanya na nakilala ko naman sa Dating App. Ginamit ko noon ang picture at name ni Dhenna at nag-match sila. Pero dahil napagkamalan ni Dhenna si Randy Daseco na si Neil Austria at mas guwapo raw ay nawalan si Dhenna ng amor kay Neil. Naging kaibigan ko na lang si Neil online after na dinedma siya ni Dhenna. Ako kasi noon ang humingi ng despensa sa ginawa ni Dhenna.
Ang tanga kong kaibigan ay ipinagpalit si Neil kay Randy. Si Neil na attorney pala.
‘Let’s meet. Are you available tonight?’ papansin ko na reply sa message niya. Guwapo naman si Neil, eh, ako na lang ang sasalo sa kanya if compatible kami ngayong gabi.
‘Okay. Where?’ Nagulat pa ako sa bilis ng reply niya.
‘I’m here in Cordova,’ sabi ko. Hindi ko na napapansin ang pagngangawa ni Dhenna.
‘Malapit lang. I’m here in Lapu-Lapu City. Just a 25 minutes drive.’
Lalo akong na-excite. ‘Mahihintay mo ako?’
‘Yeah, sure. Sa may Scape Skydeck Bar na lang tayo kita if you want?’
‘No problem. Paalam lang ako sa kaibigan ko.’
Hanggang tainga ang pagkakangiti ko nang balingan ko ng tingin si Dhenna. Tutal ay ilang oras naman ay umaga na ay aalis na ako. Babalik na lang ulit ako rito kapag babalik na ako sa Maynila.
Hindi kasama talaga sa travel iterinary ko ang maglandi ngayon, pero attorney ba naman na ang nagyaya sa akin, so bakit hindi? Grab ko na ang chance na ito na magkajowa ng attorney. Isa pa ay biglang may pilya akong naisip. Gusto ko na ipakita kay Dhenna na ang sinayang niya noon ay attorney pala. Mainggit siya.
“Dhenna, aalis na ako.” Niyugyog ko ang balikat ni Dhenna pero umungol lang siya. After mag-iiyak dahil kay Randy ay nakatulog na ang gaga.
“Ate, aalis ka? Nakainom ka. Delikado,” awat sa akin ni Rham.
“Oo, kailangan, eh. Don’t worry, kaya ko naman,” I assured him. Yeah, medyo tipsy na ako pero kilala ko ang sarili ko. Doon nga sa Maynila kahit sobrang lasing ko ay nakakauwi pa rin ako. “Ikaw na ang bahala kay Ate Dhenna mo. Babalik na lang ako ulit kamo.”
“Sige, ‘Te. Ingat ka, ah?” aniya na nag-aalala pa rin. Kakamot-kamot siya sa likod ng tainga niya.
“Salamat,” sabi ko na lamang at umalis na.
Sakay ako ng nirentahan kong kotse na nagmamadali akong patungo sa meet up place namin ni Neil. Hindi ko kabisado ang Lapu-Lapu City pero puwede naman akong magtanong doon kung nasaan ang Scape Skydeck Bar.
Hanggang sa nakaramdam ako ng antok nang binabagtas ko na ang madilim na parte ng kalsada. Pinilig ko ang ulo ko na napapikit nang mariin. Nilabanan ko ang antok ko at hilo.
“Aaaahhhhhh!!” Nga lang sa aking pagdilat ay pasalpok na ako sa napakabilis na sasakyang kasalubong ko. Huling narinig ko ay ang nakakatakot na huni ng dalawang latang nagbanggaan……..