bc

MISTRESS BY ACCIDENT ( Tagalog )

book_age18+
8.5K
FOLLOW
43.9K
READ
billionaire
manipulative
mistress
drama
tragedy
twisted
bxg
enimies to lovers
actor
stubborn
like
intro-logo
Blurb

"GALIT NA GALIT SIYA SA MGA KABIT, PERO BIGLA-BIGLA SIYA RIN AY NAGING KABIT...."

*****

Ayaw na ayaw ni Kai Suarez sa babae na mistress o kabit. Para sa kanya ay hindi deserve ng babaeng single ang lalaking may asawa na, katulad nang nagyari sa kaibigan niyang si Dhenna Ordeza.

Subalit isang gabi ay literal na aksidente ang nangyari. Nabangga ang nirentahan niyang kotse sa Cebu at sa paggising niya isang araw ay ang dami na niyang bashers mapa-TV man o social media. Trending na siya sa balitang kabet daw siya ng sikat na actor na si Juke Rivas.

What the hell happened?

Karma niya ba ito sa mga panlalait niya sa mga kabit noon?

*************************************************

MISTRES MISTAKE SERIES:

Series 1: The Mistress' Karma (Dhenna)

Series 2: Mistress By Accident (Kai)

Special Series: Uncured Pain of a Wife

Series 3: His Secret Rage (Rucia)

Series 4: Tutoring The Billionaire's Young Mistress (Jella)

Series 5: Another Mrs. Ziegler (Eyrna)

chap-preview
Free preview
Part 1
... KAI's POV ... “KAI, are you still a life insurance agent?” Hindi ko inasahan na itatanong sa akin ng CEO or Chief Executive Officer namin dito sa company na si MR. Jonathan Emit Villasera. Narito ako sa kanyang office dahil may pinapapirmahan ako na mahalagang dokumento. Isa kasi ako sa secretary niya. Sa laki at tayog na ng Banklink Financing ay dalawa na kaming secretary ni Sir. I was just promoted four months ago. “Yes, Sir. Agent pa rin po ako sa MoonLife Insurance,” kiming sagot ko. Nalaman ni Sir malamang ang sideline ko na iyon kasi minsan ay nakakakuwentuhan ko ang misis niya na si Miss Ashlene. Sobrang down to earth din kasi si Miss Ashlene. Napakasimpleng babae kahit na ang ganda-ganda niya. Gayunman ay hindi na ako masyadong focus sa sideline ko na iyon. Tumatanggap lang ako ng client kapag meron lang, hindi tulad dati na talagang pursigedo ako na makakuha ng kliyente. Tinamad na kasi ako ngayon. Naingganyo lang naman ako noon sa alok ng tita ko na gawing sideline ang pag-i-agent ng insurance dahil sayang din daw ang kita. Malaki raw kasi ang kita. At nang nakumbinse ako ay tinulungan agad niya ako na makapasok. Noong una ay ganado pa ako, lalo na nang nakabingwit ako ng kliyente at kumuha sa akin ng malaking halaga ng life insurance. Nagka-kumisyon talaga ako nang malaki noon. Iyon nga ang dahilan kung bakit ako nakabili ng sariling kotse. Masarap kumita ng malaki pero ngayon ay lie low muna ako. Hindi ko na kasi naasikaso noon dahil nga sa sigalot na nangyari sa amin noon nina Aman, Manet, Dhenna, and Randy. “Mabuti kung gano’n kasi may ire-recommend ako sa’yo na kaibigan ko. Balak niya raw kumuha ng life insurance kaya naisip kita. Try mo siya at baka magkasundo kayo.” “Sige po, Sir. Susubukan ko po siya na alukin.” Lumiwanag ang mukha ko dahil heto na yata ang sagot sa hiling ko. Kanina lamang kasi ay tamad na tamad akong pumasok dito sa trabaho kasi nga ay parang pagod na pagod na ako sa kakatrabaho. Parang gusto ko namang magbakasyon kahit isang linggo lang para naman magkaroon ako ng bagong kapaligiran. Hindi ganito na puros na lang mga papeles at mga panget kong mga katrabaho ang aking mga kaharap. Buti pa ang aking kaibigang baliw na si Dhenna ay buhay probinsya na siya ngayon. Naiinggit ako. “May extra paper ka riyan para isulat ko ang address niya?” Mabilis akong tumingin ng hindi na importante na papeles sa folder na dala ko. “Here, Sir.” At saka inabot ko kay Sir. Habang isinusulat ni Mr. Jonathan Emit Villasera ang address ng kaibigan daw nito ay natakam ako sa mga tinatakbo ng isip ko. Napagdesisyunan ko agad na kay Dhenna sa Cebu ako pupunta oras na malaki ang makumisyon ko sa client na ibinibigay sa akin ni Sir. Gusto kong kamustahin ang kaibigan ko na iyon. Hanggang ngayon kasi ay naawa pa rin ako kay Dhenna. Nakasuhan kasi iyon ng Destierro kaya kahit ayaw niyon ay napilitan nagpakalayo-layo. Pinili kasi noon ng kaibigan kong iyon na maging kabet. Sumira siya ng isang masayang pamilya kaya iyon nakarma. Inagaw niya si Randy sa buntis noon na si Manet. Bilinackmail niya ang mag-asawa kaya naghiwalay at sila ang nagsama. Noong una ay maayos naman ang naging pagsasama nina Dhenna at Randy. Proud pa nga si Dhenna noon bilang The Latest Wife raw. Hanggang sa nagbalik si Manet at nagsampa ng kasong Concubinage. At ang ending nanalo si Manet sa kaso kaya nakulong si Randy at si Dhenna naman ay pinatawan ng destierro kaya nando’n na sa Cebu. Four years to six years na dapat muna siyang magpakalayo-layo. Destierro ang naging karma ng gaga kong kaibigan sa baliw niyang pag-ibig sa maling lalaki. At ang destierro ay parusa sa mga mistress. Oras na napatawan ang isang mistress ng destierro ay ipinagbabawal na ng batas na lumapit sila sa mag-asawa na sinira nila, kung hindi ay another kaso na naman ang ipapataw sa kanila. Sa pagnanais ni Dhenna na makasama si Randy ay lalo itong napalayo sa kanya. And I can say that she deserves the punishment. Sa dami ba naman kasi ng lalaki sa mundo, bakit sa may asawa pa siya pumatol? Kung hindi ba naman kasi siya tanga. Ilang beses ko iyon pinayuhan pero hindi ako pinakinggan. Mabuti na lamang at hindi ako gano’n kalandi. Kahit kailan ay hindi ako magkakagusto sa lalaki na may asawa na. Nandidiri ako. Hindi ako desperada. Daming lalaki riyan bakit pa ako makikipag-agawan? Ew! “Here.” Iniabot na sa akin ni Sir ang papel na kinasusulatan ng address. “Friend ko ‘yan. At ang negosyo niya ay buy and sale ng mga sasakyan. If may time ka puntahan mo agad kasi laging nasa ibang bansa.” “Sige po, Sir. Pupuntahan ko po siya agad after work,” kako na hindi naman excited. “As in mamaya na?” “Hindi po ba puwede, Sir? Sabi niyo po ay puntahan ko agad?” Napangiti si Sir. “Sige, puwede naman mamaya kung may time ka na. Tawagan ko na lang para alam niya na pupuntahan mo na siya ngayon.” Yumukod ako sa napakabait na CEO namin. “Thank you so much, Sir.” Ngiting-ngiti ako nang lumabas ako sa office niya. Napapa-Yes ako ng lihim. Problem solve na ako. Malakas ang backer ko sa client na iyon kaya sure ako na maku-close deal ko iyon. Finally, makakabakasyon na ulit ako. Nang napadaan ako sa office ng aking kaibigan na si Aman ay sumilip ako. Ipapaalam ko sana sa kanya ang magandang balita. Ang kaso ay wala pa ang aking kaibigan. Pagkatapos ng kaguluhan sa pagitan ng kapatid ni Aman na si Manet, at ng kaibigan namin na si Dhenna dahil kay Randy ay nanatili pa rin kami ni Aman dito sa trabaho namin. Wala naman kasing naging pakialam ang aming CEO sa aming kinasangkutan na gulo kahit pa naging trending pa sa buong bansa. Ayon kay Mr Jonatahan Emith Villasera, basta hindi nakakaapekto sa company ay walang problema. Gawin lang daw namin nang maayos ang trabaho namin ay puwede pa rin kaming manatili ni Aman sa company. Nadamay kasi kami noon sa kaso na Concubinage, kasi pumayag kami ni Aman na maging saksi para makulong si Randy. Naging taksil ako sa kaibigan kong si Dhenna pero para naman iyon sa ikakabuti niya—nilang tatlo. Para kako matapos na ang sigalot nilang tatlo. At saka naniniwala kasi talaga ako na ang katulad ni Dhenna na dalaga ay hindi deserve si Randy na may asawa. Nagtaksil man ako sa kanya ay para naman sa kapakanan niya. At that time, I believed na may lalaking karapat dapat para sa kanya. Hindi ganoon na kabet lang siya. “Nasa’n kaya ‘yon?” nagtaka na tanong ko sa sarili ko dahil hindi ugali ni Aman ang um-absent sa trabaho. Actually, mas naging workaholic si Aman mula nang nagpasya si Manet na umuwi sa probinsya. Mahabang istorya pero kahit kapatid ni Aman si Manet ay may past sila kaya ganoon na lang kaapektado si Aman nang hindi pa rin siya pinili ni Manet after na maparusahan ng anim na taong pagkukulong si Randy. Muli ay na-heartbroken yata si Aman, hindi lang pinapahalata kasi subsob na sa trabaho. “Ah, baka may inaasikaso sa labas na client,” sagot ko sa sarili kong tanong. Napabuntong-hininga ako. Iwinaksi ko na sa aking isipan ang masalimuot na nakaraan naming magkakaibigan. Ang mahalaga ay nasa maayos nang kalagayan si Dhenna doon sa Cebu. Hindi na siya kabet. Ngiting-ngiti na ulit akong bumalik sa aking cubicle. At mabilis ngang lumipas ang oras. Namalayan ko na lang na nasa tapat na ako ng isang condo. Sa isang sikat na condo unit pala nakatira ang kaibigan ng aking boss na magiging client ko sa life insurance. “Yes?” Silip ng lalaki mula sa loob nang pagbuksan niya ako ng pinto. “Good afternoon, Sir. Ako po si Kai Suarez from MoonLife Insurance. Pinapunta po ako ng kaibigan niyo po na si Sir Jonathan Emith Villasera kasi raw po ay balak niyo na kumuha ng life insurance. Baka makatulong po ako. Madami po akong dala na magagandang offer po na tiyak na magugustuhan niyo, Sir,” pabida kong pakilala agad. Ayaw kong mapagsarhan ng pinto tulad ng mga naranasan ko sa mga previous clients ko. “Gano’n ba.” Mukhang nag-alangan ang lalaki pero sa huli ay pinapasok pa rin niya ako. “Okay, come in.” Nalaman ko ang dahilan nang pinaupo niya ako sa mamahalin niyang couch dahil may kasama pa lang babae ito. Kasalukuyang nakaharap ang babae sa salamin na halatang mayaman din. Inilalagay niya ang earings niya sa kanyang tainga. “I have to go,” sabi ng babae sa napakaseryosong tinig. Ni hindi niya ako sinulyapan. Ako ang napapatingin sa kanya kasi para siyang pamilyar sa akin. Hindi ko sure kong artista, modelo or beauty queen siya pero nakita ko na siya, hindi ko lang maaalala kung saan. “Kailan ulit tayo magkikita?” malambing na tanong ng kaibigan ni Sir Jonathan. “Tatawagan na lang kita,” malamig na sabi naman ng babae. “Don’t forget na pagsabihan ang babaeng iyan.” Napatungo ako dahil alam ko na ako ang tinukoy niya na babae. “Ako na ang bahala sa kanya,” sabi naman ng kaibigan ng boss ko. Nang wala na ang babae ay pormal kaming nagpakilala sa isa’t isa ni Sir Philip Sta Maria. Pagkatapos ay pinag-umpisa na niya ako na ipaliwanag ang mga alok ko sa kanya. Hindi ito nagsayang ng oras. Pero sa huli ay pinababalik pa niya ako dahil pag-iisipan niya raw muna dahil malaking insurance daw ang kukunin niya. Worth 5 million daw, na talaga namang ikinalula ko. Hindi ko inasahan iyon. “But don’t worry kukuha talaga ako sa’yo. Tiwala naman ako sa’yo kasi hindi ka naman ire-refer sa akin ni Jonathan kung hindi ka mapagkakatiwalaan.” “Salamat po, Sir.” Walang pagsidlan ang ngiti ko. Nakikinita ko na ang mga arc at signs na nagsasabing WELCOME TO CEBU CITY. Ngumiti lang siya. Pinasadahan niya ulit ng basa ang mga fliers na binigay ko sa kanya. Doon ako nagkaroon ng chance na matitigan siya. Guwapo siya pero hindi katangkaran. Moreno at halatang alaga ang kanyang katawan sa gym. “So, tawagan na lang kita?” Nang sinabi niya iyon ay nagsimula na akong kalapin ang mga papel para ibalik sa aking folder. “Yes, Sir. Aytime po.” “Good.” Tumayo na ako at yumukod bahagya sa kanya. “Thank you for your time, Sir. Aalis na po ako.” “Um… Miss Suarez?” Hindi muna ako humakbang paalis dahil mukhang may sasabihin pa siya. “Sir?” “Iyong nakita mo kanina. Can you keep it?” Naging malikot ang mga eyeballs ng mata ko. Medyo nawala ako roon. Hindi ko agad naisip kung ano ang tinutukoy niya. Na-consume ng malaking komisyon ang utak ko. “Iyong nakita mong babae na kasama ko kanina. Wala lang ‘yon kaya sana hindi na makakalabaas,” sabi niya bilang pagpapaalala kung ano ba iyong nakita ko. “Ah, oo naman, Sir. Makakaasa po kayo na wala akong nakita at wala akong narinig. My lips are sealed.” Iminwestra ko ang kamay ko sa bunganga ko na parang ziniper ko ang mga bibig ko. At saka ano naman ang pakialam ko sa buhay nila. Wala akong time na mag-tsismis, noh. Bahala sila sa buhay nila. Ang mahalaga sa akin ay ang makukubra ko na malaking komisyon. Napangiti siya ulit. “Magkakasundo tayo kung gano’n.”……….

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Bittersweet Memories (Coming soon)

read
86.7K
bc

My Husband's Mistress

read
300.7K
bc

My Last (Tagalog)

read
490.0K
bc

Unwanted

read
522.0K
bc

His Cheating Heart

read
45.7K
bc

Pretty Mom (Filipino) R-18

read
36.0K
bc

Unexpected Romance

read
40.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook