Part 3

2201 Words
... KAI's POV ... “DOC, gumalaw po siya. Gising na ang pasyente.” Ang narinig ko na boses lalaki na natataranta konti. Malamang ay nakita niya na pinipilit kong ibukas ang aking mga mata. At hindi sa akin nakatakas ang ‘noun’ na kanyang nabanggit. Doc? Bakit doc? Nasaan ako? I tried to open my eyes pero napapangiwi ako dahil may kumirot bigla sa aking ulo. Parang mabibiyak ang ulo ko. “Come on, Kai. Open your eyes,” sabi sa akin ng lalaki. Hindi pamilyar sa akin ang boses niya kaya hindi ko masabi kung sino siya. Pero sa tingin ko ay kilala niya ako dahil alam niya ang pangalan ko. “Check her vital signs.” Isa pang tinig ng lalaki na hindi ko rin nakikilala. May inuutusan siya. Naramdaman ko ang mga kamay na humawak sa aking kamay. Chineck nga malamang ako. Tapos ay mga sinabi sila na mga medical terms. Doon ay na-gets ko na na doctor ang huling nagsalita at mga nurse ang mga nag-check sa akin. At malamang ay nandito ako sa hospital. Kahit hindi pa ako nagmumulat ay alam ko na nagsalubong ang mga kilay ko. Ano bang nangyari sa akin? Bakit may doctor? Bakit nandito ako sa hospital? Bakit parang hindi ko nararamdaman ang ibang parte ng katawan ko? Bakit sobrang may masakit sa ulo ko? Saglit lang ay bumalik sa aking ala-ala ang nangyari. Galing nga pala ako kina Dhenna. Nag-inuman kami at ang saya-saya namin. Tapos naka-chat ko si Neil Austria at dali-dali kong pinuntahan kahit na nakainom ako. At doon na nangyari ang aksidente. May nakabanggaan akong kotse. Sumigaw ako at iyon na ang huling natatandaan ko. “Oh, s**t!” I muttered a silent curse. Napuruhan kaya ako? Huwag naman sana akong naputulan ng paa or kamay. Diyos ko! “Okay lang ba siya, Doc?” tanong ng unang lalaking nagsalita kanina sa doctor. Pinilit ko na talagang imulat ang aking mga mata. Ayaw ko muna na marinig ang sasabihin ng doctor. Baka hindi ko kayang tanggapin. Nga lang ay nasilaw ako sa napakaputing liwanag ng mga ilaw or color ng pintura ng kuwarto kaya napapikit ulit ako. “Miss, anong nararamdaman mo?” tanong sa akin ng nurse dahil boses babae. Hindi ako sumagot. Instead, sinubukan ko ulit magmulat ng mata and this time ay dinahan-dahan ko. “That’s it, Kai,” cheer na naman sa akin n’ong boses lalaki na kilala ako. Siya ang una kong gusto na makita ang kanyang mukha. Hindi ko talaga siya nabobosesan pero kilala niya ako kaya nakapagtataka. Ang nakakasilaw na paligid ay unt-unti ring na-adopt ng aking paningin. Naging normal na rin sa wakas ang aking mga nakikita. “N-neil?” sambit ko sa pangalan ni Neil Austria nang nasilayan ko na ang mukha niya. Kaya naman pala ako kilala. At kaya naman pala hindi ko siya nabobosesan ay dahil kahit na kilala ko siya sa mukha at pangalan ay hindi ko pa naman siya nakakausap ng personal. In fairness, mas guwapo siya sa personal. Kahit kritikal yata ang kondisyon ko ay gusto ko na agad sanang puntahan si Dhenna at sampalin. Bruhang iyon, ipinagpalit ang lalaking ganito kaguwapo pala sa Randy Daseco na iyon? Baliw talaga na ang Dhenna na iyon. Well, mas guwapo nga naman si Randy talaga pero kung sa status ay syempre kung ako si Dhenna ay dito na lang ako kay Neil. Guwapo na binata pa, at mukhang maganda ang career dahil attorney. Not like Randy na guwapo na nga lang, may sabit pa. Pfft! “Huwag ka munang magsalita, Kai, at baka makasama sa’yo. Kumusta ka? Anong nararamdaman mo?” mga tanong ni Neil na puno ng pag-aalala. Iwinala ko muna ang pagkukumpara ko kay Neil kay Randy. Dapat ko nga palang unahin na alamin kung kumusta ako. Pinakiramdam ko ang sarili ko bago ako sumagot. “May… May masakit sa ulo ko,” nakangiwi ko na sabi. “Tapos hindi ko maramdaman ang mga paa ko.” Tumingin si Neil sa doctor. Guwapo rin na doctor kasi bata pa. “It’s normal dahil malala ang aksidente na kinasangkutan niya. At dahil na rin sa mga gamot. Malalaman natin after a few more days kung may pinsala ba talaga sa mga paa niya.” “D-Doc, ayokong mabaldado or maputulan ng paa,” pakiusap ko agad sa kanya. “Don’t worry, hindi mangyayari iyon,” sabi niya sa akin kahit na halata namang hindi siya sure. Nginitian niya rin ako. Sunod ay ang pagtatanong niya ng ilang info sa akin. Sa una ay nag-alangan ako pero na-realize ko ginagawa iyon ng doktor para sa initial assessment ng severity ng aking head injury ay sinagot ko naman. Ilang check pa niya sa akin kasama na ang dalawang nurse ay lumabas na sila. Binawasan na rin nila ang aparato na nakakabit sa aking katawan. "Kung sabi ng doctor ay malala ang kinasangkutan kong aksidente. Kumusta iyong nasa kabilang kotse? Are they okay?” sa kabila ng lahat ay tanong ko na puno ng pag-aalala sa mga nakabanggaan ko. “Yes, okay naman sila tulad mo kahit na medyo malala rin ang pinsala nila na natamo,” sagot ni Neil na nagpaginhawa sa aking kalooban kahit paano. Kung buhay ako ay dapat buhay rin sila dahil wala namang may kasalanan sa nangyaring aksidente. Wala namang may gusto sa nangyari. Sino bang may gusto na paggising mo ay nasa hospital ka na? Tapos ay may tendency pa na maputulan ka ng--- I shook my head. Ayaw kong isipin iyon. “Gusto mong tubig? Or nagugutom ka?” “Tubig na lang please?” Ibinigay naman niya ang gusto ko pero halos sumimsim lang ako. Binasa ko lang ang nanunuyo kong lalamunan. Ganito pala ang feeling nang nag-agaw buhay. Paggising mo ay para kang uhaw na uhaw. Napapikit ako at inayos ko ang katawan ko. Feeling ko rin ay kay tagal ko nang nakaratay sa kama. “Wait, ilang araw na ba ako rito?” tanong ko nang naisip ko na baka na-coma ako kaya ganito ang feeling ko. “Almost one month na,” sagot ni Neil. Nagbabalat siya ng orange. Ewan ko kung para sa akin or para sa kanya. At ang lakas tuloy ng, “What?!” ko. Ngumiti siya. “Joke lang. Three days pa lang. Tibay mo nga, eh, dahil sa totoo lang ay akala ko matatagalan ka pa na gumising.” Naginhawaan ako. Syempre if one month na ay ubos na leave ko niyon. Kahit indefinite leave iyon ay hindi naman puwede na ganoon katagal lalo’t ang daming trabaho sa office. Baka wala na akong babalikan na trabaho kapag gano’n. Mabait si Sir Jonathan pero alam ko naman na may limit ang kabaitan niyon lalo na pagdating sa trabaho. Pinayagan na nga akong maglakwatsa at mag-relax, huwag ko namang abusuhin. Kung sabagay naaksidente naman ako kaya may valid reason naman ako, pero nakakahiya pa rin kay Sir sana. At saka baka palitan na ako niyon. Inalok ni Neil ang orange pero umiling ako. Siya na lang ang nagsubo. “Alam mo bang mukhang bangkay ka na nang dinala ka raw rito sa hospital. Akala nga raw nila ay dead on arrival ka na, eh. Naliligo ka na raw ng sariling mong dugo gawa ng malaki mong sugat diyan sa ulo mo,” kuwento niya. Dahan-dahan kong iniangat ang kamay ko para kapahin ang ulo ko na sinasabi niyang may malaking sugat. Now I know kung bakit may masakit. At nalaman ko na naka-bandage pala ang ulo ko. Gayunman ay hindi ko prinoblema kung may puknat na ako sa ulo, basta huwag lang ako maputulan ng paa or mabaldado. “Sino ang nagdala sa akin dito?” tanong ko pa dahil kung sino man sila ay gusto ko sanang pasalamatan sila kapag gumaling na ako at makalabas. “Mga traveler din galing Maynila like us. Buti nga at saktong napadaan din sila roon kahit gabing-gabi na. Hindi na sila nakilala kasi nagmadali raw silang umalis dahil hinabol daw nila ang flight nila pabalik sa Maynila.” Tumango-tango ako. Kung sino man sila ay sana pagpalain sila sa ginawa nilang pagtulong sa akin. “Sorry nga pala,” mayamaya ay paghingi ng sorry ni Neil. My brows wrinkled. “Kasi dahil sa akin kaya ka naaksidente. Kung hindi ako nag-chat ay hindi ka sana aalis noong gabing iyon,” panlilinaw niya sa hinihingi niyang paumanhin. Napa-“Oo nga pala,” ako sa aking isipan. Kasalanan pala ng mokong na ito ang nangyari. “Gusto lang naman sana kitang maka-jam para makilala ng lubusan. Hindi ko na naisip na mapanganib pala dahil hindi mo kabisado ang daan dito. Dapat pala ay sinundo na lang kita,” dagdag niya sa drama niya. “Hindi mo kasalanan kasi kusa naman akong nagdesisyon na makipagkita sa’yo. ‘Wag mong isipin iyon. Aksidente lang talaga iyon,” sabi ko para hindi na siya ma-guilty. Kawawa naman. “Kung bakit kasi nag-drive ka na nakainom pala. Why did you do that? Pasaway ka rin, eh.” Alam ko na namumutla ako pero mas namutla pa yata ako sa narinig ko na iyon. Kasalanan ko pala ang aksidente kung iisiping mabuti. “May mga pulis na ba na dumating? Huhulihin ba nila ako after kong gumaling?” Sa pagkakataong ito ay parang ayaw ko nang gumaling dahil alam ko na na sa kulungan ang bagsak ko. s**t. “Don’t worry naayos ko na lahat. Wala ka ng dapat ipag-alala,” tiwala na aniya. Nakusot ulit ang mukha ko. “Paano?” “Money can solve all problems,” mayabang niya na sagot pero mukhang may ipagmamayabang naman talaga. “Ginastusan mo ako?” tanong ko na naman. Imposible naman kasi na gagawa siya ng paraan na maasunto ako, eh, hindi ko pa naman siya boyfriend. Alam ko na maganda ako pero ang lalaki ay lalaki, hindi sila gagastos ng malaki sa isang babae if hindi nila pag-aari. “Nope.” Madaming iling ang ginawa niya. “It was Juke Rivas. And I bet kilala mo siya?” Lalo akong naguluhan. At sino naman ang Juke Ri—vas. “Juke Rivas?!” Namilog na ang mga mata ko nang nag-sink-in sa aking utak kung sino ang tinutukoy ni Niel na Juke Rivas. Paano ay isa lang naman sa pinakasikat na artista si Juke Rivas sa larangan ng mga telenovela at pelikula. Hindi siya malaos-laos dahil sobrang galing nga naman niya talaga na actor. At kahit pa napabalitang kinasal na siya sa isang anak ng politiko ay hindi pa rin nakabawas ang appeal niya sa mga fans. Lalo pa ngang naging hot ang sikat na actor nang nag-asawa raw, na akin namang sinasang-ayunan.  Tumango si Neil na animo’y nababasa niya ang napakadaming tanong sa utak ko. “Ako ang gumawa ng paraan pero sa utos niya dahil ako ang attorney niya. Siya kasi ang nagda-drive ng kotseng nakabanggaan mo. At dahil ayaw na niya ng eskandalo ay binayaran na lang niya ang lahat pati na ang hospital na ito upang gawing confedential ang mga nangyari at bawal silang magbigay ng kahit na anong statement. But of course sa mabuting pakiusap.” Bumuka ang bibig ko sa salitang, “Wow!”. Halos lumuwa rin ang mga mata ko. Ang suwerte ko pala kahit papaano. “But don't be happy and feel complacent yet because I think he will ask for something in return for what he did to you,” sabi pa ni Neil. “Anong kapalit?” Wala akong pag-aalala dahil kung katawan ko o pagkatao ko ang hihilingin sa akin ni Juke Rivas ay aba’y chossy pa ba ako? Game na agad-agad. Juke Rivas na iyon, eh. Guwapo, mayaman, sikat, at ang abs, tumataginting na walo. Alam ko dahil nakikita ko sa mga magazine at sa TV. May commercial din siya na topless at sobrang yummy naman talaga. Kaysa sumagot ay tumayo si Neil at inabot niya ang remote ng flat screen TV na nakasabit sa dingding. Ngayon ko lang napansin na ang gara pala ng kinarooonan kong kuwarto. Para akong nasa hotel at hindi sa hospital. Kumpleto gamit. May reff, may sofa at kung anu-ano pa. “JUKE RIVAS, NAAKSIDENTE SA CEBU. AT KASAMA RAW ANG KANYANG MISTRESS. TOTOO NGA KAYA ANG MGA LARAWANG KUMAKALAT SA SOCIAL MEDIA?” sabi sa balita na ipinapanood sa akin ni Neil. “May kabet si Juke Rivas?! Gosh! Akala ko mabait siya!” Na aking ikinadismaya dahil simula’t sapol, kahit noong teen star pa lang si Juke Rivas, ay puros good news ang napapabalita sa kanya. Iilan lang ang bad news at sa huli ay napapatunayan na paninira lang ng mga taong gusto siyang hilahin pababa ang mga issue. Tulad na lang nang nanapak daw siya sa bar at kung anu-ano pa. Pinanood ko pa ang balita at napanganga na talaga ako nang nakita ko ang sarili ko sa TV. Ako kasi, ako iyong babae na tinutukoy na kumakalat sa social media na kasama ni Juke Rivas na naaksidente.  Ako raw ang kabet ni Juke Rivas!.........    
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD