CHAPTER 2

3395 Words
RHIAN "Anyway, Rhian, are you ready for your first evaluation this year?" Untag sa akin ni Annaliese. I smiled confidently at her. "Of course. Kelan pa ba ako hindi naging handa pagdating sa test? Mga multo nga, kinakaya kong harapin araw-araw, `di ba?" Puno ng kumpiyansa na sagot ko. "Ang test mo pa kaya?" "Kung sabagay, if ever man na totoong may superpower ka, chicken na chicken lang sa'yo ang magiging test mong ito," sabat naman ni Dashiell. "For sure, magtatampo sa'yo sina Castle at Flynn. Dahil walang-wala sa kanila noon ang evaluation mong ito." "He's right, Rhian." Kunot-noong napatingin ako kay Azalea. Bihirang-bihira kasi siya mag-agree sa mga opinion ni Dashiell pagdating sa test. "Ano ba kasi `yon?" Kunwari naiinis na ako. "Masiyado naman kayong pabitin. Nae-excite tuloy ako." Natatawang tinapik-tapik ni Dashiell ang balikat ko. "Chillax, okay? Kahit kelan talaga, masiyaso kang apurado. Alam mo namang kahit lagi tayong nag-aaway, love na love pa rin kita. Kaya sinabi ko na kay Anna na huwag kang pahirapan sa test na ito." Sanay na ako sa kalokohan ni Dashiell. Kaya hindi na ako nagulat nang tumawa siya nang malakas. Alam kong joke lang `yong sinabi niya. Simula kasi nang mawala sa grupo si Castle, ang first ever crush niya, ako na ang nakita niyang loko-lokohin. But I know and I'm sure na talagang friend lang ang tingin sa akin ni Dashiell at gan'on din ako sa kaniya. Masiyado kasing masungit si Annaliese at mabait naman si Azalea kaya hindi niya maloko-loko. Pero kahit away-bati kami o aso't pusa lagi ni Dashiell, we truly care for each other. "Narinig mo naman na siguro na may bagong transferee dito sa GWU, `di ba?" mayamaya'y kausap sa akin ni Annaliese. As usual, wala itong balak na patulan ang kalokohan ni Dashiell. "Iyong tinatawag nilang Levi Evil..." Saglit lang kumunot ang noo ko sa sinabi ng leader namin. Alam na alam ko kung sino ang tinutukoy niya. Hindi ko pa siya nakikita pero madalas kong marinig ang name niya. Si Levi ay isang second year chemical engineering student na kaka-transfer lang dito sa GWU ngayong semester. Diretsahan na `to. Pero totoong panget si Levi. May malaki siyang balat sa mukha na halos matatakpan na ang kabilang side. Malalaki rin ang butas ng ilong niya at medyo luwa ang mga mata. May kakaiba rin siyang amoy na hindi ma-explain ng kahit sino. Biro pa nga ng iba, amoy patay na tao raw si Levi. Iyong nabubulok na na bangkay. Para raw itong umahon mula sa libingan. Kaya kahit latest model ang kotse niya, kinokonsider pa rin namin siyang "low profile". Sabi kasi ni Annaliese, nakakailang naman daw na ihanay sa mga `tulad namin o kahit sa middle class ang `tulad ni Levi. Kasiraan daw ito sa image naming mga "high profile", lalong lalo na sa aming The Royalties. Ang sabi ng iba, kaya daw binansagan si Levil na "evil" dahil sa pagiging weird niya. Last week daw, habang nagkaklase sila, binully daw si Levi nang mga classmate niya. Hindi naman daw niya pinatulan ang mga kaklase at basta na lang tiningnan nang masama. Pero mayamaya lang daw, nagulat ang lahat ng sabay-sabay na mabasag ang glass window ng classroom. Namatay at nabasag din daw ang mga ilaw. Eh, ang sabi ng maintenance, imposible raw na mabasag ang mga iyon dahil bago pa. At hindi ra basta-basta nababasag ang gan'ong klase ng salamin. May isang kaklase si Levi ang nagkuwento na bago raw nangyari `yon, nakita niya si Levi na tiningnan ng masama ang mga bintana at ilaw. Nagbabaga raw ang mga mata niya. Para raw itong galit na galit at nanggigigil. Dahil d'on kaya naniniwala silang may sa-demonyo si Levi. Pero dahil wala namang basehan at hindi ito pinaniniwalaan ng science, kaya nasa Greenwood University pa rin si Levi. Actually, sa kabila ng pagbansag sa kaniya na "evil", gusto ko pa rin siyang makita at makilala. Gusto ko kasing malaman kung totoo bang may superpower siya. Or baka parehas lang kami na may third eye. Kaya lang, siguradong pagtatawanan ako ng lahat at posibleng masira ang reputasyon kapag may nakakita sa aming dalawa. And besides, imposible ring payagan ako ng The Royalties, especially ni Annaliese, na lapitan si Levi. Kaya naku-curious tuloy ako kung ano ang connection ni Levi sa test na ibibigay sa akin ng leader namin.. "We want you to find out if Levi is really a demon or not," seryosong sabi ni Annaliese, pagkatapos ng ilang sandali. "I'm sorry if this time, medyo personal itong ipapagawa ko sa'yo, Rhian. Pero desperado na akong ipakita kay Mommy ang worth ko. Nahihirapan na kasi siyang mag-decide kung sino ba ang dapat na panigan. Dumadami na raw kasi ang parents na gustong paalisin sa GWU si Levi. Dahil natatakot na ang mga anak nila. Kaso, ayaw naman niyang maging unfair kay Levi. Wala naman daw kasing patunay na talagang bad siya at nakakaperhuwisyo sa GWU. At ikaw lang ang una at huling tao na alam kong makakatulong sa'ken, kay Mommy, at lalo na sa GWU." "Paano kung hindi naman talaga siya evil? Kung `tulad ko, may third eye or kung ano mang special power lang talaga siya..." Nagkatinginan ang friends ko. Mukhang napaisip sa sinabi ko. And I admit, ngayon lang ako sobrang nag-aalala sa pagkatao ko. Paano kung `tulad ni Levi, kapag nalaman ng taga-Greenwood University ang totoong ako, i-bully din nila ako at palayasin sa campus? "P-paano kung totoo ngang evil pala si Levi? At kung `tulad niya, demon din ako? Lalayuan niyo rin ba ako?" pigil ang hiningang tanong ko ulit. Alam kong feel na nila ang hesitations at takot ko. Si Azalea ang unang kumibo at puno ng pagpaunawa na hinawakan niya ang kamay ko. "We've been friends for almost four years now, Rhian. At umpisa pa lang, hindi mo itinago sa'men `yang superpower mo. Kaya nga isa ka sa pinakagkakatiwalaan namin, `di ba? Alam namin na kahit kelan, never mo kaming lokokohin. At doon pa lang, sure na kami na mabuti ka talagang tao. So, stop worrying, okay? We won't judge you. Hindi ka namin tatalikuran kahit anong mangyari." "At sa ilang beses na pagkuwento mo sa'men tungkol sa mga encounter mo sa out of the world creatures, wala pa kaming narinig na nanakit ka," pagsang-ayon naman ni Annaliese kay Lei. "Mas kami ang nakakaal kung gaano ka kabuting tao. Kaya hindi mo dapat na kino-compare ang sarili mo sa evil Levi na 'yon. Demonyo siya at mabait ka naman kahit mga spoiled brat tayo." "Yeah, they're right. We are one hundred percent sure that you're not a demon." Seryoso namang sabi rin ni Dashiell. "Kahit naman inaasar kita palagi, alam mong hindi may tiwala ako sa'yo na hindi ka kampon ni Lucifer." "Rhian..." untag sa akin ni Annaliese. Seryosong-seryoso na ang mukha niya. At kabisado ko na ang expression niyang iyon. Ibig sabihin, seryoso si Annaliese sa ipinapagawa niya sa akin. Napatingin ako kina Azalea at Dashiell. Mukhang suportado na rin nila ang desisyon ng leader namin. Sabagay, ano ba ang bago? For Annaliese, rule is a rule. Test is a test. "Take it or leave The Royalties..." I heaved a deep sigh. Narinig ko na naman ang pauso pero powerful line niya sa grupo. Na sa tuwing itinatanong iyon sa amin ni Annaliese, feeling namin, namimili kami between life and death. "Okay..." Ikinumpas ko ang isang kamay na tanda ng pasgsuko. "I'll take it. `Tulad ng sabi ni Dashiell kanina, walang-wala ang test kong ito sa naging huling evaluation noon nina Castle at Flynn. Nakakahiya naman kung tanggihan ko. And besides, may choice ba ako? Eh, desisyon `to ng grupo, lalo mo." Tumingin ako kay Annaliese na puno ng determination.. "Ayoko rin siyempre na ma-evict sa grupo. Iilan na nga lang tayo, eh." Mangiyak-ngiyak na napayakap sa akin sina Azalea at Annaliese. Pero mas ramdam ko ang higpit ng yakap ng leader namin. Alam kong sobrang thankful siya sa akin. At alam ko rin kung bakit sinuportahan `agad nina Azalea at Dashiell ang test na ibinigay niya sa akin. Kasi hindi sekreto sa grupo kung gaano kagusto ni Annaliese na mapansin ng Mommy niya. Sa kabila kasi ng paghihinampo ni Annaliese sa ina, mahal na mahal pa rin niya ito. "Kaya mo `yan, Rhian." Puno ng tiwala na tapik sa akin ni Dashiell. "Baka nga ngayong araw pa lang, tapos na `agad ang test mo, eh. Ikaw pa ba?" "What if... mali pala lahat ng bintang natin sa kaniya?" may kaunting pag-alangan na tanong ko. "Then, that's good. Bawas stress `yon kay Mommy," mabilis na sagot ni Annaliese. "Ma-proved mo man na demon o hindi si Levi, pasado ka pa rin sa test. Unless, kung lolokohin mo rin kami." Nginitian ko lang sila. Sa totoo lang, ito na yata ang pinakamadali at pinakamagandang test na ibinigay sa akin ni Annaliese. Dahil sa pagtuklas ko sa pagkatao ni Levi, para ko na ring hinanap ang sarili ko. Kung tutuusin, pabor na pabor pa nga sa akin ang test na ito. Kumbaga, double purpose itong evaluation ko. And I'm pretty sure, tama si Dashiell. Sa araw lang na `to, matatapos ko ang test ko na ito. Na walang kahirap-hirap. Sisiguraduhin kong matatapos ko na `agad ang test ko. Alam na alam ko na kung paano ang gagawin. ********** EHRAN NUMINA (Tirahan ng mga anghel na nasa ikatlong sphere, at nasa pagitan ng langit at lupa) Mula sa ulap na sinasakyan ko, natanaw ko ang espiritwal na katawan ng kaibigan kong si Cashile. `Tulad ko ay isa isa rin siyang Kerrier-pinakamababang uri ng anghel na tagadala ng mensahe sa mga tao, ayon sa utos ng mga Arkanghel. Halos sabay din kaming ipinanganak bilang anghel. Ang ipinagkaiba nga lang naming dalawa ni Cashile, ay klase ng "trabaho". Si Cashile ay isa sa mga Kerrier ni Arkanghel Metatron, ang anghel ng buhay. Ipinapadala siya sa lupa para magbantay sa mga isisilang na sanggol at magligtas sa mga taong naaaksidente pero wala pa sa oras ng kamatayan. Habang ako naman, si Ehran, ang kabaligtaran ng misyon ni Cashile. Isa akong Kerrier na naglilingkod kay Arkanghel Azrael, anghel ng kamatayan. Ako ang ipinapadala sa lupa para magbantay sa mga taong mamamatay na, para abangan ang kaluluwa nito at ihatid kay Arkanghel Azrael, para naman sa soul judgement. Isa lang kami sa libu-libong Kerrier na kahit magkakaiba man ng misyon, nagkakaintindihan pa rin. Maliban na lang kung may isa sa amin ang sumubok na pakialaman o kontrahin ang trabaho ng iba. Mahigpit kasi iyong ipinagbabawal sa amin. Alam kong sa mundo ng mga tao, iba-iba ang definition nila sa `tulad kong anghel. Madalas kong marinig na isa raw akong "grim reaper", "alien" o si "kamatayan". Nakakalungkot. Pero isa ako sa pinakakinatatakutan ng mga tao sa mundo nila. Ibang-iba kasi ang pakahulugan nila sa "kamatayan" kaysa sa totoong misyon ko. Akala nila, kapag kamatayan ay katapusan na ng buhay. Kung alam lang sana nila na ang kamatayan ay simula pa lang ng buhay na walang hanggan. "Ehran!" Napahinto ako nang biglang pumasok sa isip ko ang masaya at masiglang boses ni Cashile. Bumaba ako sa ulap at nilapitan ang liwanag na kapantay lang ng liwanag na dala ko. Dahil sa selestyal na mundo kami nakatira, wala kaming pisikal na anyo na `tulad ng sa mga tao. Kahit kailan ay hindi kami nabigyan ng pagkakataon na makita ang hitsura namin. Bukod sa boses na sa isipan lang din namin naririnig, liwanag ang pinakabasehan namin para makilala ang nakakausap o nakakaharap naming kapwa anghel. Minsan naman ay ginagamit namin ang talas ng pakiramdam para kilalanin ang enerhiya ng kapwa naming anghel na nasa paligid lang, at hindi namin nakikita. Ang totoo niyan, tatlong klase pa lang naman ng liwanag ang kailangan naming kilalanin sa ngayon. Una, ang Lux Carrier o liwanag naming mga Kerrier na although nakakasilaw din ay hindi kasing kinang at linaw ng matataas na anghel, at liwanag ng mga kasama naming matataas na anghel dito sa Numina. Pangalawa, ang Lux Principatus na pag-aari ng mga Principalities o Pamunuan kung tawagin namin, na binansagang 'Guardian Angels' ng mga siyudad at bansa at nagsisilbing konseho ng Numina. Malinaw at makinang na parang brilyante ang Lux Principatus. Na kapag naglalakad sa hangin, masisinag na ang kulay ng bahaghari. At ang panghuli ay ang Lux Archangelis o liwanag ng mga Arkanghel. Sila ang pinakakilalang anghel at tagapagpadala sa amin ng importanteng mensahe sa mga tao. Paminsan-minsan, bumababa rin sila sa lupa para magtrabaho ng ayon sa tungkulin nila, para sa mas maraming bilang ng tao. Dati rin silang mga Kerrier na tumaas ang posisyon dahil sa ilang beses na pagkapasa sa mga pagsubok na ibinigay sa kanila ni Ama, sa lupa.`Tulad ng Lux Principatus, kumikinang at lumiliwanag din na parang brilyante ang Lux Archangelis. Ang ipinagkaiba nga lang, purong puti lang ang nakikita sa kanila. Walang maasul-asul, walang malarosas-rosas at walang kulay pula na `tulad ng nakikita sa bahaghari. Kaming tatlong grupo ang nabibilang sa pangatlong sphere ng mga anghel at tinatawag na 'heavenly messengers'. Kami ang sumunod sa sphere ng Dominions, Powers at Virtues, na binabansagan namang 'heavenly governors'. Habang nasa unang sphere naman ang mga Serafin, Cherubin at Thrones na itinuturing na 'heavenly counselors'. Hangga't hindi pa nagiging ganap na Arkanghel ang isang Kerrier, hindi pa namin puwedeng makita ang sino mang miyembro ng matataas na sphere. Mga anghel na hinirang na tunay na banal lang, `tulad ng mga Arkanghel ang puwedeng tumuntong sa kinaroroonan ng 'Heavenly Governors' at 'Heavenly Counselors'. At para mangyari `yon, ang maging isang Arkanghel balang araw o mahirang na isang tunay na banal at magkaroon ng sariling mga pakpak, kailangan maipasa namin ang secularibus curis o makamundong pagsubok naming mga anghel na ginaganap tuwing ika-isang daang taon ng buhay ng isang Kerrier, simula ng ipanganak kami bilang anghel. Oras iyon kung saan ipinapadala kami sa lupa para sanayin ang mga sarili namin na magkaroon ng kalayaang magpasya. Kahit ginawa kami ni Ama para sumunod sa lahat ng utos niya, `tulad ng mga tao, may kakayahan din kaming magdesisyon na kailangan lang sanayin. Sa panahon ng pagsubok, magkakaroon kami ng pagkakataong pumili ng landas na gusto namin: ang patuloy na mamuhay at kumilos ayon sa kautusan ni Ama o ang magkasala sa Kaniya. Ang sabi sa amin, ginagawa ito bilang paghahanda sa pangalawang paghuhukom o giyera laban kay Lucifer, ang pinuno ng mga Kampflen o fallen angels. `Tulad ng mga tao, kailangan ding salain kaming mga anghel. Ihihiwalay ang mga 'banal' sa mga 'makasalanan' para patuloy na maglingkod kay Ama. At dahil bukod-tanging kami na lang na mga Kerrier ang wala pang mga pakpak at hindi pa nahihirang na tunay na mga banal, kaya kami ang isinasalang sa secularibus curis. Ang Pamunuan ang taga-plano ng test namin at ang kaniya-kaniyang Arkanghel naman na pinaglilingkuran namin ang nagpapadala sa amin sa lupa. Sila rin ang umaayos ng misyon namin at gumagabay sa amin habang nasa lupa kami. Kung tutuusin, madali lang naman daw sana para sa amin ang ganitong klase ng test. Dahil halos minu-minuto naman naming nakakasalamuha ang mga mortal, kaya kung minsan, na-aadopt namin ang iilang salita nila. Bukod doon, related talaga sa trabaho namin ang ibinibigay sa'ming test kaya sinasabi ng iba na madali lang. Iyon nga lang, may tatlong mahahalagang rules kaming kailangang sundin habang kami ay nasa lupa. Na kadalasan ay nagiging dahilan kung bakit bumabagsak sa test ang ibang mga Kerrier at hindi na nakakabalik dito sa Numina. "Kamusta ka na? Kamusta ang "trabaho" mo sa lupa?" excited na tanong sa akin ni Cashile nang tuluyan akong makalapit sa kaniya. Sandali akong hindi kumibo. Oo, ugali talaga niyang kamustahin ang trabaho ko sa tuwing nagkikita kami. Dahil nga isa si Cashile sa mga anghel ng buhay, mas kilala siya na isa sa pinaka-sweet at thougthful dito sa Numina. Although, lahat naman ng mga anghel ay magaganda ang katangian. Dahil nga walang lugar dito sa Numina ang ano mang bad feelings. But this time, alam kong hindi ang misyon ko sa lupa ang totoong kinakamusta ni Cashile. Alam kong umaasa ang kaibigan ko na may dala akong balita tungkol sa isa pa naming kaibigan na si Elisha. Siya ang Kerrier ni Arkanghel Cassiel, anghel ng inuusig o persecuted at mga orphans. She usually arrived during darkest hour of humans, in times of burdens, and times of feeling abandoned. Ipinapadala si Elisha ni Archangel Cassiel para tulungang pagaanin ang buhay o dinadalang problema nang mga tao at samahan ang mga abandona at ulila.. In short, siya ang anghel na taga-comfort ng mga mortal. But Elisha is no longer one of us. She is no longer an angel. Dahil isa siya sa mga anghel na pinatawan ng isa sa pinakamataas na parusang ibinibigay sa mga anghel na nagkakasala kay Ama. Ipinagpalit kasi ni Elisha ang buhay niya sa isang mortal, sa minahal niyang mortal. At sa ngayon, kapwa namin alam ni Cashile kung nasaan ang espiritwal na kaluluwa ni Elisha. Nasa Garden of Life siya. Kung saan, nakalagay ang mga kaluluwang naghihintay lang ng tamang panahon para ipanganak bilang tao. Tanging si Arkanghel Metatron lang ang nakakaalam kung kailan ang eksaktong oras, kung kailan lalabas sa mundo ng mga tao ang mga kaluluwang iyon. Siya lang kasi ang bukod tanging may karapatang humawak ng Book of Life, kung paanong si Arkanghel Azrael lang din ang puwedeng magsulat o magbura sa Book of Death. At si Arkanghel Cassiel lang din ang may hawak ng Book of Persecuted. Kahit ang pinakamatataas na anghel, kailangan pang dumaan sa kanila para silipin ang mga importanteng libro kapag may mga misyon sila na nangangailangan ng "pagbabago." Ang sino mang sumubok na mangingialam ay may karampatang parusa. Kaya wala kaming ideya ni Cashile kung kailan ba ipapanganak si Elisha bilang tao o kung ipinaganak na nga ba siya. Hindi lang din naman kasi si Cashile ang nag-iisang Kerrier ni Arkanghel Metatron. At ganon din ako. "Nangggaling na ako sa lugar kung nasaan si Flynn Lopez," tukoy ko sa lalaking mortal na ipinagpalit ni Elisha sa buhay niya. "Pero walang signs na nandoon nga si Elisha. Halos lahat ng alam kong puwede siyang naroon ay pinuntahan ko na rin. Pero wala talaga siya. O kahit senyales man lang na naroon siya. Maybe, hindi pa siya pinapanganak bilang tao. Baka nasa Garden of Life pa ang soul niya. Pero susubukin ko ulit next time na dalawin si Flynn Lopez." Alam din kasi namin na sa tamang panahon, pagtatagpuing muli sina Elisha at Flynn Lopez. "Hinihintay ko nga ring ipatawag ako ni Arkanghel Metatron at pababain sa lupa, eh. Umaasa akong sa'ken mapupunta si Elisha." Kung sa physical gesture ng mga tao, hinawakan ko ang espiritwal na kamay ni Cashile. "Huwag kang masiyadong mag-alala sa kaibigan natin. Sigurado namang hindi siya pababayaan ng kahit sinong kasamahan mong Kerrier na nakatalagang magbantay sa kaniya. At mas lalong hindi siya pababayaan ni Ama. Kahit na nagkasala siya sa Langit, alam nating hindi tayo inaabandona ni Ama. Walang nilalang na inaabandona ang Diyos." "You're right, Ehran. And I know, magiging masaya pa rin ang kaibigan natin sa bagong buhay niya; kasama ang mahal niya," puno ng pag-asa at kasiyahan na tugon ni Cashile. Nginitian ko si Cashile bago tinapik ulit. "Sige, mauna na ako, kapatid. Kailangn ko pang ihatid kay Arkanghel Azrael itong bagong soul na dala ko. Kailangan na niyang maisalang sa judgement." Ipinasilip ko kay Cashile ang hawak na mahiwagang basket, kung saan nakalagay ang maliit na bote na may nag-aagaw na kulay-puti at itim na liwanag. Soul iyon ng lalaking sinundo ko kanina sa lupa, na namatay dahil sa isang aksidente. Bago tuluyang umalis sa harapan ni Cashile, sumaglit muna sa isip ko ang mukha ng babaeng mortal na sumubok na lapitan ako kanina habang "nagtatrabaho" ako sa mundo nila. At alam kong sinubukan niya rin akong kausapin. Actually, hindi niya first time na ginawa `yon. Kung paanong hindi ko rin first time na "matakot" sa kaniya at "takasan" siya. "Sige na. Para maisalang na siya sa soul judgement." Pagtataboy sa akin ni Cashile kaya nawala na sa isip ko ang babaeng mortal.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD