Chapter 3

4776 Words
RHIAN Naiinip na inilibot ko ang mga mata sa buong hallway ng second floor ng engineering building. Umaasa akong makikita dito si Levi. May nakapagsabi kasi sa akin na paminsan-minsan daw ay tumatambay siya rito. Pero kanina pa namumuti ang mga mata ko sa kahihintay, ni anino ni Levi ay hindi ko pa nakikita. Marami na nga ang nagtataka kung bakit alas otso na ng gabi ay nasa school pa ako. Napag-alaman ko kasi na `pag Friday, gabi ang pasok ng "test" ko. Kaya no choice ako kundi ang magtiyaga. Actually, ika-fourth day na ng evaluation ko. Nabigo ako noon sa sinabi kong on the very first day, tatapusin ko ang test ko. Paano kasi, ang sabi ng mga classmate at professor ni Levi na nakausap ko, ilang araw na raw siyang hindi pumapasok. Wala ring nakakaalam kung saan siya nakatira. Pasimple sana akong mag-i-spy sa kaniya. "I still have three days left. Makikita rin kita, Levi, at malalaman ko rin ang totoo mong pagkatao," puno ng kumpiyansa na kausap ko sa sarili. Ilang sandali pa, sa pagtingin-tingin ko sa paligid, aksidenteng nahagip ng mga mata ko ang isang usok na kulay itim ang nagpalutang-lutang sa hangin at pumasok sa comfort room ng boys. Napalunok ako. At kasabay niyon ang pagkabog ng dibdib ko. Bago sa akin ang gan'ong nilalang. Ngayon ko lang iyon nakita. Kaya siguro nakaramdam ako ng kakaibang kilabot sa katawan. Parang bigla ay nakaramdam ako ng panlalamig na ewan Siyempre naman, kahit "extraordinary" woman ako, natatakot pa rin naman ako, `no? Ano ba ang laban ko kung sakali mang may sa-demonyo ang makakaharap ko. Sa kabila ng kabang nararamdaman, dali-dali kong sinundan sa comfort room ang itim na usok. Pinakiramdaman ko muna kung may tao sa loob. Baka kasi mapagkamalan pa akong namboboso. Malaking kasiraan `yon sa reputation ko. Nakakahiya. Grrr. Sa pagsilip ko sa comfort room, buti na lang at isang janitor lang ang nakita ko. Mukhang wala rin naman siyang napansing kakaiba sa loob ng comfort room. Kaya sigurado ako na out of the world iyong usok na nakita ko. Nagkunwari muna akong may kausap sa cellphone habang hinihintay ang paglabas ni manong janitor. Pagkatapos ay saka ako pumasok ng comfort room. Nandidiri man, isa-isa kong sinilip ang mga cubicle. Nasa third to the last na ako nang biglang may kumalabog. Sigurado akong nanggaling iyon sa last cubicle. Nang may narinig akong mga yapak, dali-dali akong nagtago sa loob ng huling cubicle na sinilip ko. Hindi ko mapigilan ang sunod-sunod na pagkabog ng dibdib ko. Lalo na nang narinig kong papalabas na ng comfort room ang mga yapak. Pero hindi pa rin ako lumalabas. Sinigurado ko munang tuluyang makalabas ng comfort room ang kung sino mang nagmamay-ari ng mga yapak na iyon. Natakot din ako siyempre na baka mahuli niya ako, at ipagkalat. Hindi ko kaya ang kahihiyan na 'yon kung sakali. Ano na lang ang sasabihin nila sa'kin. Na isa akong manyakis na namboboso? O na isa akong tomboy kaya sa men's comfort room nagsi-C.R. "Damn. Ganito pala ang feeling ng isang spy," iiling-iling na bulong ko sa sarili. "Mas mahirap pa `to kesa sa halos araw-araw na pagharap ko sa mga kakaibang nilalang. Pero infairness, totoong thrilling, ha." Nang masiguro ko na nag-iisa na lang talaga ako sa comfort room, dali-dali akong lumabas sa pinagtataguan at ipinagpatuloy ang paghahanap sa itim na usok. Pero nabigo ako. Kahit saang sulok ng comfort room ay hindi ko makita o kahit senyales man lang niya. Wala ring kakaibang amoy bukod sa nakakadirinh amoy-ihi ng mga lalaki. Kaya nagdesisyon na lang akong lumabas na ng comfort room. Kumunot ang noo ko nang makita ko si Levi na paakyat ng hagdan. Hindi ko alam kung bakit may feeling ako na naramdaman niya ang presence ko. Kaya hindi na ako nagulat nang bigla siyang lumingon at nagsalubong ang mga mata namin. Muntikan na akong mapasigaw nang makita ko ang pagkulay pula ng mga mata niya. And I'm pretty sure na hindi ako basta namalikmata lang. Kasi, tinitigan pa niya ako ng matalim bago tuluyang tumalikod. Sa dinami-dami ng kakaibang nilalang na nakaharap ko na, ngayon lang ako kinabahan ng ganito. At hindi ko ma-explain kung bakit bigla kong naalala ang itim na usok na nakakita ko kanina. Ang lakas ng feeling ko na si Levi iyon. "Magandang gabi po, Ma'am." Napasapo ako sa dibdib nang biglang magsalita sa tagiliran ko si manong janitor. Kulang na lang, hampasin ko siya ng hawak na libro sa sobrang pagkagulat. "Ano hong ginagawa n'yo rito?" Pagalit na hinarap ko siya. "M-manong naman... bakit naman ho bigla-bigla na lang kayong sumusulpot?" "Eh... pasensiya na po kayo, Ma'am," kakamot-kamot sa ulo na sagot niya. 'Nagtataka lang ho ako kung bakit nandito pa kayo. `Di ba ho, hanggang alas tres lang ang pasok niyo? Saka ano pong ginagawa niyo rito sa engineering building? Eh, `di ba po Fine Arts kayo? May kailangan po ba kayo at baka makatulong ako." Automatic na tumaas ang kilay ko sa mga tanong ni manong janitor. Bilang isang member ng The Royalties, parang kabastusan sa amin ang kuwestiyunin ng nino man ang rights namin dito sa Greenwood University. Kahit saang mang sulok ng unibersidad ay puwede naming puntahan anytime na walang kumukuwestiyon. Dahil bukod sa pag-aari ito ng pamilya ni Annaliese, kami ang mga prinsesa at prinsipe rito. Pakialam ba ng manong janitor na ito kung magpagala-gala man ako sa bawat sulok ng "palasyo" ko? Kaso, infairness kay manong.. Base sa mga nauna niyang sinabi, normal lang din sa amin bilang The Royalties member ang makabisado ng halos lahat dito sa campus ang course namin. Gan'on kami ka-famous. Minsan nga mas kabisado pa nila ang oras ng pasok namin sa bawat subjects, eh. Normal na normal lang din ang paggalang nila sa amin kahit pa mas matanda sila. Wala silang dahilan para hindi kami tingalain at galangin. "P-pasensiya na po, Ma'am, kung nagulat ko kayo. S-sige... alis na ho ako," medyo kinakabahang sabi ni manong janitor nang siguro'y napansin niya ang pagtaas ng kilay ko. "Mag-ingat na lang ho kayo at gabi na." Huminga ako nang malalim bago inayos ang mga kilay ko. Hindi man sa pagbubuhat ng sarili, sa mga girl members ng The Royalties, sumunod ako sa kabaitan ni Azalea. Oo, prangka ako at palaban. Pero `di ako gaya nina Annaliese at Castle na talagang to the highest level ang kasungitan pagdating sa mga "low profile". Kahit papaano naman, girls, may nakatagong kabaitan sa likod ng pagiging maldita ko. Siguro, dahil na rin sa pagpapalaki sa akin ng parents ko. Kung saan, tinuruan nila akong maging makatao at higit sa lahat ay maka-Diyos. Iyon nga lang, simula nang pumasok ako dito sa Greenwood University at natuklasan ang totoo kong pagkatao, alam ko na medyo naging bad na ako. Lalo na noong pumasok ako sa The Royalties. Naging escape ko kasi ang The Royalties sa lahat ng sakit at hinanakit na nararamdaman ko. Bago ko pa namalayan, nakaalis na pala sa harapan ko si manong janitor. At bago siya tuluyang makalayo ay may naalala ako... "Manong... wait." Habol ko sa kaniya. Takang-taka na huminto siya at kusang lumapit sa akin. Bakas pa rin sa mukha niya ang takot at pag-aalala. "B-bakit ho, Ma'am Rhian?" Sandali akong nag-alangan. Natatakot ako na baka ipagkalat ni manong ang sasabihin ko. I counted one to ten first bago ako nakapag-decide. Para sa test, wala akong hindi kayang gawin. I'll do whatever it takes. "K-kanina ho ba n'ong naglinis kayo ng comfort room ng boys, may iba pang tao d'on bukod sa inyo?" "Wala ho," sure na sure na sagot niya. "Kasi, kahit saan po dito na C.R., pinapalabas ko muna lahat bago ako maglinis." "Are you sure po? W-wala kayong nakitang tao doon sa huling cubicle? Wala kayong nakitang tao na lumabas ng comfort room?" "Wala po talaga, Ma'am Rhian. Inisa-inisa ko pong linisin `yon," sigurado pa ring sagot ni manong. "Saka imposible hong magkatao sa huling cubicle kasi sira po `yon. Ginagawa na lang namin `yon na tambakan ng mga gamit sa paglilinis." Lalo akong nangilabot sa sinabi niyang iyon. Dahil imposible ring nagkamali ako ng pagkadinig kanina ng kalabog at mga yapak na galing sa huling cubicle. Mga mata ko lang ang may "problema" pero maayos na maayos ang pandinig ko, girls. Hindi ako bingi. "K-ka... kayo lang po ang nakita kong pumasok at lumabas ng C.R," mayamaya'y kinakabahang sabi ni manong janitor. Feel ko rin ang takot niya. Kahit ako, kinabahan din. Worried ako na baka ipagkalat niya. Shems. Nakakahiya. Baka isipin talaga nilang tomboy ako or nanininilip. Although, duda naman akong ipagkalat ni manong ang nakita. Takot lang niya sa akin. Takot lang niya sa The Royalties. Takot lang niyang mawalan ng trabahong pangbuhay sa family niya. Pero iba pa rin `yong sigurado. Bahagya kong pinalambot ang anyo ko. "P-puwede ho bang atin-atin na lang ito? I mean, ayoko sanang may ibang makaalam sa nakita niyo." Mabilis na tumango-tango si manong. Kahit nababasa ko sa mukha niya ang pagtataka. "Ay, oo naman! Makakaasa po kayo, Ma'am Rhian. Wala po akong pagsasabihan nito. At hindo naman ko ako tsimoso." Napangiti ako. "Okay. Thank you ho," simpleng sabi ko at saka tumalikod na. Uuwi na muna ako. Bukas ko na lang i-continue ang pag-i-spy kay Levi. Bukas ko na aalamin kung totoo ba talaga ang nakita ko sa kaniya kanina o dala lang ng pagod at antok. "Bukod ho pala sa inyo, Ma'am Rhian. M-may iba pa akong nakitang lumabas ng C.R. kanina," pahabol ni manong na ikinatigil ko sa paglalakad. Kunot-noong nilingon ko siya. "P-pero puwede ho ba na atin-atin na lang din ito. Natatakot ho kasi ako na baka totoo ang sinasabi nila tungkol sa kaniya. Na isa siyang demonyo." Doon pa lang, nahuhulaan ko na ang gustong tukuyin ni manong janitor. And I don't know. Pero biglang napuno na naman ng kilabot ang buong sistema ko. Nilamig at kinilabutan na naman ako. And heck. This is not me. This is not the normal me. Hindi ako kailan man kinikilabutan ss mga kakaibang creature na nakakasalamuha ko. Kaya alam kong may something talaga sa Levi na 'yon. May gumuhit na takot at pag-alangan sa mukha ni manong janitor. "S-si... Levi ho. Nakita ko siyang lumabas ng C.R. bago ho kayo. Pero hindi ko siya nakitang pumasok. Na talaga namang ipinagtaka ko nang sobra." Sunod-sunod akong napalunok ng laway. Ang daming question marks ang isa-isang pumasok sa isip ko. `Tulad ng kung paano kung si Levi iyong usok na nakita kong pumasok sa C.R. kanina? Paano kung sa kaniya rin ang kalabog at mga yapak kanina? At kung gan'on, anong klaseng nilalang si Levi? Sa sobrang pag-iisip, late ko ng napansin na wala na pala sa harap ko si manong janitor. Mabilis na lumipad ang tingin ko sa hagdanan. Kinapa ko muna sa bag ko ang cellphone at ini-ready ang camera niyon, bago halos patakbong umakyat ng hagdanan. Isang plano ang nabuo sa isip ko... ********* EHRAN Kahit pala palutang-lutang lang sa hangin ang espiritwal na katawan ko, nakakapagod pa rin. Iba talaga rito sa mundo ng mga tao. Masiyadong nakakapagod ang mga bagay-bagay. `Tulad ng mga mortal na nakakasalubong ko ngayon. Halos araw-araw silang umaalis ng bahay at nagtitiyaga sa mabagal na pag-usad at siksikan ng mga sasakyan. Ibang-iba sa Numina na puro ginhawa at sarap lang ang nararamdaman naming mga anghel. Kung sana, `tulad namin, nabiyayaan din sila ni Ama ng kahit teleportation power man lang para hindi na sila mapagod sa kakalakad. Sobrang nakakapagod ang daily routine nila. Mayamaya'y natigilan ako sa itinatakbo ng isip ko. Napansin ko lately, padalas nang padalas ang pagkuwestiyon ko sa mga desisyon ni Ama. Parte pa rin kaya ito ng parusa sa'kin ng Pamunuan? I shook my head. Hindi ito kasama sa parusang nabanggit sa akin noon ni Arkanghel Azrael. Ang sabi niya, pansamantala lang na aalisin ang teleportation power na nagagamit ko kapag bumababa ako ng lupa para sa isang misyon. Bilang parusa raw sa akin ng Pamunuan noong sinubukan kong harangin ang sariling misyon, para iligtas ang kaibigan at kapwa-anghel na si Elisha. Dahil d'on kaya hinigop ako ng aking arkanghel pabalik sa Numina para iligtas sa pagkakasala. Iyon ang tinatawag naming Succionare--isa sa pinakamataas na parusang ipinapataw sa sino mang anghel na nagkakasala. Alam kong napakaliit lang itong parusa ko, na isang taon lang sa panahon naming mga anghel ay maibabalik na sa'kin, kumpara sa naging parusa ni Elisha. Kaso, ang hirap pa rin pala kapag kulang ng kahit isa ang kapangyarihan ko. Lalo pa't isa sa pinakaimportante ang nawala. Hindi tuloy ako basta-basta makalipat ng lugar para sa misyon ko. Parang feeling ko, katulad na rin ako ng mga tao, na nahihirapang pumunta sa bawat lugar na gugustuhin ko. Habang nagpapalutang-lutang sa hangin, napadaan ako sa dating eskuwelahan ni Flynn Lopez, ang taong ipinagpalit ni Elisha sa buhay niya bilang anghel. Ilang beses na akong nagpabalik-balik dito, sa pagbabakasakaling makita ko si Flynn o si Elisha. Pero mukhang malabo na iyong mangyari. Kaya huminto na ako sa pagpunta rito. Paalis na sana ako. Pero napatigil ako sandali nang isang pamilyar na mukha ng babae ang lumabas sa gate. I've met her already, not once, not twice, but nth times. At alam kong ilang beses na rin niya akong nakita, at nasaksihan ang mga ginagawa ko rito sa lupa. Nagkita na rin kami noong alumni party sa school nila, noong binabantayan ko sina Flynn at Elisha. But for sure, hindi na niya maalala ang parteng `yon. Dahil kasama iyon sa parte ng mga alaala nina Flynn at Elisha na binura. At ang huli naming pagkikita ay noon ngang may naaksidente sa mahaba at malawak na kalsada na isang motorcycle driver. Umpisa pa lang, alam ko ng isa siyang extraordinary girl na may extraordinary power as a human. And I am impressed with the courage she has. Ni minsan, hindi ko man lang siya nakitang nagulat o natakot sa presensiya ko, o kahit ng sinong "extraordinary" creatures na nakikita niya. Kahit na liwanag lang ang nakikita niya sa akin, hindi siya natatakot. Funny. Pero ako pa itong "natatakot" sa kaniya sa tuwing nagkakaharap kami. Kaagad akong umaalis at naglalaho na lang bigla. Paano naman kasi hindi? Sa ilang beses naming pagkikita, may kung anong malilikot na bagay ang basta-basta na lang nabubuhay sa espiritwal na puso ko. At bago sa akin ang feelings na `yon. For my almost hundred years of existence as a Kerrier, kahit minsan o kahit kanino, hindi ko pa `yon nararanasan. Kaya natatakot ako sa kaniya. Ngunit sa kabila ng nararamdaman kong iyon, natagpuan ko pa rin ang sarili na lumalapit sa kaniya... ****** RHIAN Natigil ako sa pagtingin-tingin ng mga evident pictures ng totoong pagkatao ni Levi sa cellphone ko nang isang pamilyar na liwanag ang sumulpot sa harapan ko. Sandali lang ang pagkasilaw at pagkunot ng noo ko nang makilala ang liwanag na iyon. Mas nagtataka ako kung bakit siya lumapit sa akin. Eh, lagi nga siyang naglalaho na lang na parang bula sa tuwing sinusubukan ko siyang lapitan. Ano kaya ang 'nakain' nitong abnormal na ito at naisipan akong lapitan? Isinuksok ko sa bulsa ng suot ko na dress ang hawak kong cellphone. Saka humalukipkip at nakataas ang mga kilay na humarap sa werdong nilalang. "Hindi ko alam kung maiintindihan mo ako. But... what are you doing here?" pagtataray ko sa liwanag. "Handa ka na bang kausapin ako? Hindi ka na ba mananakbo?" Kahit ine-expect ko ng imposible siyang sumagot, may parte pa rin ng puso ko ang umaasang sana maintindihan niya ako at sumagot siya. Na hindi ko alam kung bakit. Hindi ko alam kung bakit gustong-gusto kong marinig ang boses niya. Kung bakit na-e-excite akong malaman kung ano ang boses niya... "Hi. Kamusta ka na?" Napaatras ako nang kaunti nang biglang sumagot ang liwanag. Kahit na inaasahan na `yon ng puso ko, hindi ko pa rin napigilan ang magulat. Buong-buo kasi ang boses niya at... lalaki pala siya. At kung may mukha lang siya, sure ako na guwapo siya. Iyong tipong boses pa lang, nakakainlove na. Tsk. Ang flirt mo, Rhian, ha. Mag-a-admire ka na nga lang, sa isa pang out of the ordinary man pa. Napakislot ako nang isang malamig na bagay ang dumampi sa balat ko. Until I found out na nakadikit na pala sa akin ang lalaking liwanag. Oh, my God. Hinawakan ba niya ako or what? I do not know what he's exactly doing. Pero pakiramdam ko, lumulutang ako sa hangin sa sobrang sarap ng pakiramdam. It feels like, I was being touch by an angel. Feeling ko, nakalutang ako sa ulap. At hindi lang basta sa ulap kundi sa Cloud Nine. "Ano nga pala ang pangalan mo?" mayamaya'y tanong ulit sa akin ng liwanag. "Anyway, I'm Ehran..." Seriously? May pangalan din pala siya kahit isa lang siyang liwanag. How cute was that? At ang name niya... halos katunog pa ng pangalan ko. Nakakatuwa naman. Natigilan na naman ako sa itinatakbo ng isip ko. Bakit ba parang bigla yatang humarot ang isip ko ngayon? Kahit ang sarili ko, napansin ko na lang din na iniaabot ang kamay sa harapan ng liwanag. Kahit alam ko namang imposibleng abutin niya iyon dahil wala naman siyang kamay. Gusto ko pa ring maramdaman siya, kung ano ba talaga siya... "I'm Rhiannon Alonzo. Rhian for short..." Nagulat na naman ako nang biglang dumikit sa kamay ko ang liwanag. Obviously, tinatanggap niya ang pakikipag-shake hands ko. And promise. May ibang spark akong naramdaman sa pagkakadikit niya sa akin. Hindi ko talaga ma-explain. Hindi ko ma-explain kung bakit sa pangalawang beses, naramdaman kong para akong lumulutang sa sobrang sarap ng pakiramdam. "Wow! Akalain mo `yon. Halos magkatunog pala ang mga pangalan natin," puno ng excitement na bulalas ni Ehran. "Anong klase ka nga pala ng nilalang?" maya maya'y direkta kong tanong sa kaniya. "Bakit wala kang mukha o kahit katawan man lang? Bakit masiyado ka naman yatang pa-misteryoso? May tinatakasan or pinagtataguan ka ba?" "Isa akong anghel. Anghel ng kamatayan," direkta ring sagot ni Ehran na ikinagulat ko. "Alam mo naman na siguro. `Di ba ilang beses mo na akong nakitang nagsundo ng mga soul?" "Really?! Isa rin palang anghel ang grim reaper o si kamatayan. As far as I know kasi, ang mga anghel ay nagliligtas ng mga tao at hindi nag-aabang ng patay," medyo naguguluhang sabi ko. "Kaya nga kinatatakutan ng mga tao si grim reaper o si kamatayan, eh. Akala namin, isa siyang kampon ng kadiliman. Akala namin, mga kampon ni Lucifer ang nagsusundo ng kaluluwa." "Iyan ang malalaking pagkakamali ninyong mga tao. Dahil sa sobrang takot n'yo sa kamatayan, nakakalimutan n'yo ng kilalanin kami," mababa ang boses na paliwanag ni Ehran. "Saka, lahat kaming mga anghel ay may kaniya-kaniyang trabaho. At nangyari nga na isa akong angel of death. Ako ang tagasundo ng soul ninyong mga mortal." "So... hindi ka si grim reaper o si kamatayan?" "Eh, kung ang pakahulugan n'yo sa mga salitang `yon ay mga kampon ng kadiliman, hindi ako `yon. Kasi nga, isa akong anghel," depensa ni Ehran. "Eh, kung isa ka ngang anghel, bakit wala kang pakpak?" pangungulit ko. Hindi pa ako gan'on ka-convince. "Saka bakit isa ka lang liwanag? Ni wala kang sariling mukha o katawan? Hindi naman ganiyan ang hitsura ng nakikita kong mga anghel sa TV." "Hindi rin naman kasi lahat ng mga anghel ay may pakpak. Katulad ng iniisip niyo sa amin na mga tao," matiyaga pa ring paliwanag ni Ehran. Nakaka-admire ang pagiging patient niya. Promise. Parang gusto ko ng maniwalang isa nga siyang anghel. Ni hindi siya affected sa kakulitan ko. "At hindi rin lahat ng anghel ay may mukha. Depende `yon sa misyon na ibinibigay sa amin. But usually, ganito lang talaga kami. Since isa kaming celestial being." "Ah okay..." kapagkuwan ay tumango-tango ako. "Basta hindi ka alien, ha?" "Alien? Ano nga ba uli ang ibig sabihin n'on?" Napangiti ako. In fact, na-convinced na niya ako na isa nga siyang angel of death. Parang minsan na silang nabanggit ng parents ko at sa simbahan. Kaya lang, mas nakikiuso na ako siyempre sa mga Oppa na madalas na gumanap na "grim reaper" sa mga K-drama. Pero kapag may time ako, igo-Google ko itong si Ehran. I will spend time para mas makilala ko pa siya. Hindi ko man i-admit sa sarili ko, pero lalo niyang nakuha ang atensiyon ko. Promise. "Itinuturing niyo rin bang isang kampon ng kadiliman ang sinasabi mong alien?" inosente ulit na tanong sa akin ni Ehran. "Hindi." Medyo natatawa ako na natutuwa sa pagiging inosente niya. "Never mind mo na lang `yon. Baka abutin tayo ng gabi `pag in-explain ko pa sa'yo." "Angels are naturally intelligent. Ginawa kaming mas mataas ang level ng pag-unawa kesa sa inyong mga tao. Kaya kahit ano pang i-explain mo, maiinitindihan ko `agad `yon." Napataas na naman ang kilay ko kahit wala namang bahid ng pagyayabang ang boses niya. "Hindi ka rin mayabang, `no? Hindi mo yata alam na isang "prinsesa" ang niyayabangan mo." Sa pagbanggit ko ng salitang "prinsesa", doon ko napansin ang dalawang babaeng napatigil sa harapan ko. Takang-taka ang mga mukha nila. Noon ko lang naalalang nasa public pala ako. My gosh! Nakita kaya nila akong nagsasalita ng mag-isa? Shems. Pahamak talaga ang Ehran na `to. Kung may pisikal na katawan lang siya, baka nakurot ko na siya. Sa sobrang pagkataranta, nagkunwari na lang akong may kinakabisadong poems. "Finally, puwede na rin akong mag-recite mamaya sa harap ng klase," kausap ko kunwari sa sarili ko. Saka kunwaring sinulyapan ang dalawang babae. "At anong tinitingin-tingin niyo diyan? May problema ba kayo sa akin? Baka gusto n'yong ma-kick out dito sa Greenwood?" Natakot yata sa akin ang dalawang babae kaya dali-daling umalis sa harapan ko. Of course, mas nakakapagtaka kung hindi sila natakot sa akin. Questionable na ang pagiging The Royalties member ko n'on. "Bakit mo ginawa `yon? Hindi mo ba alam na bad ang magsungit sa kapwa mo?" tanong pero may halong panenermon sa akin ni Ehran. "Huwag mo ng ulitin 'yon, ha. Hindi matutuwa sa'yo niyan si Ama." Sinimangutan ko siya. Hindi ko siya gustong sungitan. Kaso, nagmukha akong tanga ng dahil sa kaniya. So, I hate him na. "Puwede bang lumayas ka na rin sa harapan ko? And please... Huwag na huwag mo akong utusan sa dapat kong gawin." "Ha? B-bakit-" Hindi ko na siya hinintay pang matapos at dali-dali na akong umalis. May parte ng sistema ko ang nanghihinayang na iniwan ko si Ehran nang hindi man lang kami gaanong nagkakilala. Honestly, I want to know him more. Ang dami kong gustong itanong sa kaniya. Umaasa kasi ako na dahil isa siyang anghel, baka masagot niya ang tungkol sa "supwerpower" ko. Until now kasi hindi pa rin malinaw sa akin ang explaination tungkol sa third eye na ibinigay sa akin noon ng isang paring dating malapit sa akin, si Father Florencio. Ang sabi niya, lahat daw ng tao ay ipinanganak na may third eye. Merong may natural ng nakabukas pero kadalasan daw ay hindi pa. Usually daw, nabubuksan ang third eye ng mga tao kapag nakaranas na ng pansamantalang kamatayan o muntik na pagkamatay, sobrang sakit o karamdaman, o emotional trauma. At sa case ko, siguro raw, nabuksan ang third eye ko noong muntikan na akong masagaan ng malaking dump truck noong bata pa ako. `Buti na lang daw at pumailalim lang ako at saktong napagitnaan ng mga gulong. Ang sabi nga ng iba, himala daw `yong pagkakaligtas ko. Kitang-kita raw kasi ng lahat kung gaano kabilis ang takbo ng truck. Akala nga raw nila, durog-durog ang katawan ko, eh. Kaya n'ong bata ako, binasagan akong "miracle child". Five years old pa lang naman daw ako n'on kaya hindi ko gaanong tanda ang buong pangyayari. Basta ang alam ko, kasama ko n'on ang yaya ko na tumatawid ng kalsada nang biglang manakbo ang dala-dala naming tuta kaya hinabol ko. Ang sabi ng parents ko, may gan'ong case daw kasi. Kadalasan, nangyayari daw `yon dahil inililigtas ng guardian angel. Kasi, hindi ko pa raw oras para mamatay. Balik tayo d'on sa "third eye" thing. `Yon nga, sabi ni Father Florencio, posibleng nabuksan daw ang third eye ko sa insidenteng `yon. May tinanong kasi siyang signs sa akin noon para patunayan na talagang bukas na nga ito. Like, kung nakakakita o nakakaramdam ba ako ng mga hindi nakikita ng normal na tao `tulad ng kaluluwa, multo, engkanto, kapre, dwende, diwata o kung ano-ano pang mga elemento. Pagkakita rin daw ng mga elemento sa mga lugar na para bang napuntahan na o pangyayaring parang naulit na. Pati na rin daw ang mga paulit-ulit na panaginip na nagkakatotoo. At minsan daw, nahihila o napapasunod ng mga taong pakiramdam mo'y dati na kayong magkakilala. At lahat ng signs na `yon ay na-experienced ko. May kakayahan din daw akong makakita ng pangyayaring nangyayari na pero nasa ibang kalatagan lang ng katotohanan. Puwedeng involve ako o hindi. Puwedeng takasan o harapin. Na mangyayari lang o magiging realidad depende sa kagustuhan ko. Dahil daw sa third eye, pwede rin akong makipag-usap sa mga anghel o makipagsundo sa mga demonyo. Marami at matinding meditation daw ang kailangan. Nasa akin na raw kung gagamitin ko sa mabuti o masama ang third eye ko. Ang `tulad ko raw kasi na may bukas na third eye ay madaling tuksuhin ng mga demonyo. Na nakokontra naman ng kagandahang loob ko which is mga anghel naman daw ang karamay ko. Sarkastiko akong natawa nang maalala ang parteng iyon ng sinabi ni Father Florencio. Siguro nga noon, kakampi ko pa ang mga anghel. Pero ngayong nasa ibang landas na ako, baka mga demons na ang paligid-ligid sa akin. Ang sabi pa ng pari, naisasara lang daw ang third eye kapag namatay na ang may-ari nito o kapag naranasan niya uli ang mga paraan na nakakapagbukas nito. Sa tulong din daw ng paranormal expert, naisasara ang third eye. May ginagawa lang silang ritwal para rito. At kapag daw naisara na ang third eye, tuluyan na ring mabubura lahat ng memories ng taong may-ari nito, na may kaugnayan sa third eye. Ni isa ay wala na siyang maalala. Kadalasan daw, ang ibang parte na napaka-espesyal sa puso niya ay magiging parte na lang ng mga panaginip. Nakumbinse naman ako ni Father Florencio na posible ngang dahil sa third eye ko kaya ako werdo. Kasi sabi ng parents ko, bago ako naaksidente noon, parang hindi naman daw ako ganito. Kaso, hindi ko ma-explain kung bakit feeling ko, may kulang sa paliwanag na iyon ng pari. Na para bang may mga nakatago pa na kailangan kong matuklasan. And I know, posible akong matulungan ni Ehran sa bagay na `yon. `Tulad nga ng sabi niya na alam ko namang totoo, sadyang matataas ang antas ng katalinuhan mga anghel. Halos lahat ay kaya nilang ipaliwanag. For the first time in my life as a The Royalties member, tinanggap ko na may nakakahigit sa akin at 'yon ay si Ehran... Ang katalinuhan ni Ehran. Pero kapag ipinagpatuloy ko naman ang pakikipag-usap sa kaniya, baka may makakita sa akin. Ayokong i-risk ang reputation ko dito sa school. At mas lalong ayokong matulad kay Levi. Hindi pa ako handang pagtawanan at mabawian ng korona. Hindi pa ako handang mabuhay ng wala ang The Royalties. Speaking of Levi. Marami na akong hawak na pictures na nagpapatunay na hindi nga siya isang tao. Nakuhanan ko siya ng picture noong gabing sinundan ko siya sa third floor ng engineering building. Eksaktong nag-iisa pa lang siya noon sa classroom nila. At huling-huli ko ang pagsasalita niya rin nang mag-isa at ang pagkulay-pula ulit ng mga mata niya. May video rin ako. Kaso `di ko lang narinig ang mga sinasabi ni Levi dahil sa malayo ako pumwesto para `di niya ako makita. Pero wala pa akong balak na ipakita ang mga ito sa The Royalties, lalo na kay Annaliese, hangga't hindi ko pa natutuklasan kung ano o sino ba talaga si Levi. May feeling ako na delikado siya. Napakadelikado...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD