RHIAN
"The number you have dialled is either unattended or out of coverage area. Please dial later..."
Naiinis na ibinato ko ang hawak na cellphone nang sa pangsampung beses na pagdial ng number, hindi ko pa rin makontak ang family driver namin. Balak ko sana kasing ipa-pick up na lang sa kaniya itong kotse ko. Naipit kasi ako dito sa EDSA. Bukod sa natural na traffic, pagkadinig ko, may banggaan pa raw sa unahan ko kaya lalong nagkabuhol-buhol ang mga sasakyan.
Plano ko sanang maglakad na lang papunta ng MRT. Tutal naman, natatanaw ko na ang Buendia station. At minsan ko na ring naranasan ang sumakay ng MRT, na natutunan ko sa mga kasamahan ko dati sa church at itinuturing na "old friends". Hindi na ako maliligaw o magiging abnormal doon.
Ilang sandali pa'y, dumoble ang pagkakasalubong ng kilay ko nang makita ko ang iilang motoristang nagbabaan sa kani-kanilang sasakyan. Nagtakbuhan ang mga ito papunta sa unahan namin na para bang nakikiusyoso sa kung ano o sino.
Oo, prangka ako at medyo...maarte?
Pero hindi ako tsismosa.
Kaya hindi ko alam kung ano ang sumanib sa akin at bumaba ako ng kotse at nakiusyoso na rin. Bahagya lang akong nagulat nang mayamaya'y bumungad sa akin ang duguang katawan ng isang lalaking tantiya ko ay nasa forty years old na yata. Nakahandusay ito sa kalsada at mukhang tumalsik mula sa sinasakyang motorcycle. Sa tingin ko at sa hitsura na rin ng lalaki, mukhang dead na ito.
And as usual, imbes na makitsismis sa totoong nangyari, inilibot ko na lang ang mga mata sa paligid. May partikular na nilalang akong hinahanap. Sanay na akong makita siya sa tuwing may ganitong insidente. At alam na alam ko na ang routine niya.
Actually, hindi ko ma-explain kung bakit inaabangan ko ang nilalang na `yon. Kung bakit feeling ko, nae-excite akong makita siya.
Ang weird niya kaya. Promise.
Natigil ako sa pag-iisip ng mayamaya lang ay nahagip ng mga mata ko ang hinihintay. Lumiwanag ang buong paligid dahil sa pagdating niya. Pero dahil nga extraordinary siya, kaya isang extraordinary lang din na `tulad ko ang nakapansin sa kaniya at sa pagbabago ng paligid.. Walang kamalay-malay ang lahat sa kababalaghang nangyayari.
Napataas ang isang kilay ko. Ilang beses ko nang nakita ang kakaibang creature na ito. Una ay noong may nagngangalang "Carlyn" ang nahulog sa hagdan ng school namin at namatay. Ang liwanag na ito ang nakita ko noon na humigop sa soul ni Carlyn. Gan'on din ang ginawa niya sa naaksidente ring truck driver sa Cubao na nasaksihan ko rin. Kahit sa ospital noon, kung saan naka-confine nang matagal si Flynn, nakita ko na rin itong nanghigop ng kaluluwang halos kamamatay lang ng katawan.
In short, dumadating ang liwanag na ito sa tuwing may namamatay. Kaya hindi ko alam kung isa ba siyang grim reaper or what. Hindi naman kasi siya lalaking nakasuot ng itim na hoodie jacket na `tulad ng pinapalabas sa K-drama. At lalong hindi rin siya kamukha ni "kamatayan" na pinapalabas sa TV. `Yong nakablack cloak at may dala-dalang malaki at mahabang scythe o pangtabas kung tawagin ng iba.
Ni wala nga siyang mukha at isang nakakasilaw lang na liwanag. Basta na lang siya nanghihigop ng soul. Minsan nga naisip ko na baka isa siyang alien na naghahanap ng carrier. O isang parasite na naghahanap ng host.
Pero hindi, eh. Kasi mga kaluluwa ng taong patay na ang kinokolekta niya at hindi ang mismong katawan ng mga ito. At kapag nagawa na niya iyon, kaagad siyang umaalis.
Sa lahat din ng mga werdong nilalang na nakikita ko sa halos buong sandali ng buhay ko, itong isang `to ang pinaka-weird. Biruin mo, siya pa itong parang natatakot sa akin. Basta-basta na lang naglalahong parang bula kapag sinusubukan kong lapitan at kausapin. Eh, samantalang siya itong kakaiba.
Tsk. Imagine that? Feeling ko tuloy, ako itong nagmumukhang weird at creepy sa paningin ng creature na 'yon. Dapat nga ako ang tatakbo palayo sa kaniya dahil sa takot.
Pero dahil hindi naman siya ang unang extraordinary creature na nakita ko, na simula bata pa lang ay may kung ano-ano na akong nakikita at naririnig, kaya siguro parang normal na nilalang na rin siya para sa akin. Ang hindi ko lang talaga ma-explain ay kung bakit nae-excite akong makita siya palagi.
Katulad ng inaasahan ko, lumapit ang "liwanag" sa nakahandusay na katawan. Mayamaya lang, dahan-dahang tumayo mula sa katawan ng lalaki ang siguro'y soul nito. Kung titingnan siya ng isang `tulad ko, para lang siyang buhay. Normal Kaya kahit siya ay parang gan'on din ang tingin sa sarili. Nakiusyoso pa siya sa mga tao. Nagulat lang ang soul ng lalaki nang bigla siyang banggain ng isang babae at lumusot lang ito sa katawan niya. Lalo siyang naguluhan nang makita ang sariling katawan na duhuang nakahandusay, at patay na.
"M-miss, alam kong nakikita mo ako. Pero a...a-nong nangyayari rito?"
Napakisap ako ng kausapin ako nang lalaki. But I wasn't shock, of course. Hindi ito ang first time na kinausap ako ng mga out-of-the-world creature. Minsan, pinagtatyagaan ko silang kausapin. Pero mas madalas, iniiwasan ko. Ayoko kayang mag mukhang tanga, `no? Baka mamaya, may makakita pa sa akin, lalo na sa school namin, pagtawanan pa ako at isiping nababaliw. Kaya nga bukod sa family ko, friends ko lang ang nakakaalam ng "superpower" ko.
Ayokong maging werdo sa paningin ng iba, 'no?
"B-bakit na.... n-naging dalawa ako?" gulong-gulo na tanong niya sa akin. Namalayan ko na lang na kaharap ko na pala ang soul ng lalaki. "Ibig sabihin, bakit tinatakpan ng mga pulis ng tela ang isa... k-kong katawan."
"Dead ka na. At isa ka na lang soul," prangkang sagot ko sa kaniya bago siya tinalikuran. Napansin ko kasi ang katabi kong babae na nagulat at napatingin sa akin.
"P-pero, Miss, teka..." habol sa akin ng lalaki. "K-kung totoong patay na ako, bakit nakikita mo ako? Saka hindi puwedeng mamatay `agad ako. Nanalo ako sa lotto ngayong araw. Paano na ang panalo kong to handred tirti milyon pesos."
Napapailing na pinaikot ko ang eyeballs ko. Gusto ko sana siyang sagutin na, "Hanggang sa kamatayan ho ba, pera pa rin `yang iniisip mo?" Pero nanahimik na lang ako. Dumadami na ang katabi ko. At mukhang nawewerdohan na sila sa akin.
Sa kabila ng pangdededma ko sa kaluluwa ng lalaki, nilapitan pa rin niya ako at kinalabit.
"Miss, alam kong nakikita mo ako. Baka puwede mo akong tulungang makabalik sa katawan ko. Hindi pa ako puwedeng mamatay. Marami pa akong kasalanan sa pamilya ko. Ni hindi alam ng asawa ko na sumusugal ako at nambababae." Pumiyok ang boses ng lalaki. "Ni wala akong natatandaang sinabihan ko siya ng "I lab yu", kahit ang mga anak ko."
Na-touched ako konti sa sinabi ni manong. Gan'on pala ang feeling ng dead na. Narerealized ang mga pagkakamali. So, totoo pala ang sabi nila na mare-realize mo lang ang importance ng oras kapag patay ka na.
Tumaas ang isang sulok ng kilay ko. Kailan pa ako bumalik sa pagiging corny at naniniwala sa gan'ong kakornihan?
Ang dami na ring soul na sumusubok na magpatulong sa akin para mabuhay uli. Pero... hello? May third eye lang ako pero hindi ako magician at lalong hindi Diyos na nagbibigay-himala. Ang iba naman, nagpapatulong na dalhin ko sa family nila para sa huling sulyap o yakap daw.
Gusto nilang sa pamamagitan ko, makausap nila sa huling sandali ang mga pamilya nila. Pero hindi naman ako gan'on kabait na kahit multo o kaluluwa, pakikisamahan ko.
Duh? "Princess" po ako at hindi paranormal expert at mas lalong hindi portal...
Hindi na nangulit pa ang lalaki nang lapitan siya ng "liwanag" at bigla na lang higupin. Sinubukan kong lapitan ang "liwanag" at kakausapin ko sana, na hindi ko alam kung bakit at paano. Kaso, hindi nga siya nag-disappear na parang bula na `tulad ng dati, mabilis naman siyang sumabay sa hangin. Gan'on siya palagi sa tuwing sinusubukan kong lapitan. Na para bang iniiwasan ako.
Hmmm... sabagay. Sino ba naman ako para kausapin niya?
Wait... hindi ako basta sino lang, ha. Isa kaya ako sa mga "prinsesa" na tinitingala sa school namin. Wala pa kahit isa ang naglakas ng loob na dedmahin ang isang Rhiannon Alonzo, lalo na't mga lalaki.
Hey, at ano naman ang kinalaman ng mga lalaki sa "liwanag" na `yon? Hindi siya tao, `no. Ni wala nga siyang mukha o kahit katawan man lang. Kontra na naman ng isip ko. Nagkibit-balikat na lang ako.
Isa-isa nang nagsibalikan sa kani-kanilang sasakyan ang mga motorista kaya sumabay na rin ako. Pero bago tuluyang sumakay ng kotse, sinulyapan ko ang paligid.
Saan kaya dinala ng "liwanag" ang soul ng lalaki? At kailan kaya uli kami... magkikita?
Natatawa na kinurot ko ang sarili ko. I'm getting weird. Totally... weird.
*********
RHIAN
"Good morning, Greenwood University". Nakangiti kong kausap sa karatulang nakasabit sa labas ng gate ng school namin.
Ito ang una kong binabati pagpasok ng school. Para sa akin kasi, ang Greenwood University ang palasyo ko. Ito ang tanging lugar na bumubuo sa kulang kong mundo at nagbibigay ng direksiyon sa "ligaw" kong pagkatao.
I smiled bitterly. Ayokong umpisahan ang araw ko na puno ng bad vibes. Tama nang isang aksidente ang nakita ko kanina. Gusto kong maging positive today. Dahil ngayon ibibigay ni Annaliese ang first evaluation ko this year. For sure, planadong-planado na niya `yon, kasama ng bruhilda at bruhildo kong mga kaibigan, ang The Royalties--ang pinakasikat at number one clique sa buong Greenwood University.
Bago bumaba ng sasakyan, nag-ayos muna ako ng sarili. Hindi ako puwedeng humarap sa lahat na haggard at mukhang losyang ang prinsesang `tulad ko. Pagkatapos mag-ayos, ipinatong ko sa ulo ko ang "magical crown". Maliit lang ito. Pero buong campus ang "power" na sakop nito. As long as na suot namin ang "magical crown", titingalain at sasambahin kami ng halos lahat dito sa Greenwood University. Walang sino man ang susubok na kalabanin kami. Puwera na lang sa mga ayaw ng mabuhay.
Just kidding. Of course, hindi naman kami gan'on ka-bad. Marami lang takot sa'min dahil siyempre, mahal pa nila ang mga sarili nila, at ayaw nilang ma-bully o ma-kick out dito sa campus.
Bumaba lang ako ng sasakyan nang sa tingin ko ay puwede na akong humarap sa lahat. At hallway pa lang, natatanaw ko na ang mga kasamahan kong original member ng The Royalties, na nakatambay sa isa sa favorite spot namin.
********
RHIAN
"Good morning, Rhiannon!" halos sabay-sabay na bati nila sa akin nang makalapit ako.
Alam kong gusto lang nila akong asarin sa pagtawag sa buong pangalan ko. Which is hate na hate ko. Ang pangit kaya ng whole name ko. Ewan ko ba sa parents ko kung bakit iyon ang ipinangalan nila sa akin. Ang dami-daming magagandang pangalan sa mundo, eh. O kahit sa internet lang meron na.
Natigilan ako sandali. Siguro, mas maganda ang "totoo" kong pangalan. Naka hindi ganito ka-jologs. Bago pa man mapuno ng mixed emotions ang puso ko, kinalabit na ako ni Dashiell.
"Saan ka na naman ba galing? Or I mean, sino na naman bang weird creature ang nakaharap mo at amoy-usok ka?" tatawa-tawa na tanong niya sa akin.
Sa grupo, kami ni Dashiell ang laging nag-aasaran at nagbabangayan. Paano namin kasi, que lalaking tao pero tinalo pa ako sa kaartehan. In fact, mas makinis pa nga mukha niya kaysa sa akin. Na alam ko, alam naming lahat, dahil sa madalas na pagpabalik-balik niya sa derma. Greatest weakness kasi talaga ni Dashiell ang madumihan, lalo na ang face niya, bukod siyempre ang mapalapit siyw sa "low profiles", tawag namin sa mga outdated sa fashion at anak-mahirap na mga estudyanteng scholar o paaral ng mayayamang amo dito sa Greenwood Umiversity.
"Amoy-usok pala, ha!" Singhal ko kay Dashiell at umaktong ipapahid sa mukha niya ang kunwari'y maduming kamay ko. "Ito, para sa'yo!"
Pero as usual, ambilis niyang nakaiwas. Talent talaga ni Dashiell ang umiwas sa germs. Walang tatalo sa kaniya, girls. So, alam n'yo na. Kung pangarap n'yo si Dashiell, ngayon pa lang, pag-aralan n'yo na kung paano maging one hundred percent germs free.
"Hey, stop it, guys. Baka mamaya, magkapikunan na naman kayo." Saway sa amin ni Azalea o Lei kung minsa'y tawagin namin, ang tinuturing naming "peacemaker" ng grupo.
Siya kasi ang pinakamabait sa aminglahat. Kaya si Azalea ang taga-warning o tagapag-papaalala sa bawat bad sides namin. Na nakokontra lang `pag 'rules' na ang pinag-uusapan.
"Ito kasing baliw na `to, eh. Pa-epal na naman..." sita ko kay Dashiell, saka siya inirapan.
"Paanong hindi kita aasarin?" natatawa at sarkastikong banat ulit ni Dashiell. "Eh, weird ka na nga sa pagkukuwento mo sa amin ng kung ano-ano. Pati ba naman ang pananalita mo, tunog-kalye na rin. May sumapi ba sa'yong "low profile"?"
Sinaway ulit kami ni Azalea. But aside from her, may ine-expect pa akong isa na sasaway sa amin ni Dashiell. Mas mabait `yon kumpara kay Dashiell. Pero na-sad ako nang maalala kong wala na nga pala siya sa grupo. Nagbagong buhay na nga pala si Flynn. Kung paanong nagbagong buhay na rin ang female version ni Dashiell na si Castle. Lalo akong na-sad nang isa-isa kong tiningnan ang friends ko. Mula sa six original members ng The Royalties, apat na lang kaming natira.
Although marami namang new members ang The Royalties, iba pa rin ang samahan naming anim. Nag-ookrayan kami pero alam namin na we always have each other.
"Lei was right. Tigilan niyo na ang pang-aasar sa isa't isa at baka magkapikunan na talaga kayo," sabat naman ni Annaliese. She was the one who founded the The Royalties. Gusto kasi niyang patunayan sa ina na `tulad nito ay kaya rin niyang mamuno. Hindi man bilang presidente ng school kundi kahit sa ibang bagay `tulad ng grupo namin. "Tayo-tayo na nga lang ang natira sa grupo, eh."
Halos sabay kaming napatingin kay Annaliese nang pumiyok konti ang boses niya. Lately, napansin namin ang unti-unting pagbabago sa leader namin. Kung dati matigas siya, medyo emotional na ngayon si Annaliese pagdating sa grupo. Medyo lumaki na ang care niya sa lahat ng members, especially sa amin na friends niya. Nag-umpisa lang ang lahat ng ito after nang Alumni noon. After nilang mag-usap noon ng Mommy ni Sadie, ang nalaman naming half-sister pala ni Annaliese.
Parang ang layo na niya sa dating Annaliese na "unreachable". Although, loyal na loyal pa rin naman siya sa sariling mga "batas" at "rules" na ginawa niya sa grupo. At dahil diyan kaya buong puso pa rin naming sinusunod ang rules ng The Royalties.
Lahat kaming mga member ay nanalo na sa mga beauty pageants dito sa Greenwood University bilang mga campus princes at princesses; not once, not twice but nth times. Kung saan `yon ang pinaka-number one na requirement o rule para makapasok ka sa The Royalties.
Pangalawang rule, dapat ma-maintain namin ang titulong iyon; hindi man sa pagsali sa mga pageants kundi sa atensiyon at paghangang nakukuha namin sa buong campus. Kailangan naming patunayan na kami pa rin ang may pinakamalakas na karisma sa lahat ng mga estudyante dito sa Greenwood Unviersity, na kahit sino, hindi kami kayang tanggihan. And to prove that, nagsasagawa kami ng "quarterly evaluation". Bilang leader, si Annaliese ang nagdedesisyon kung ano o sino ang magiging ‘test’ namin sa loob ng isang linggo. Desisyong hindi puwedeng kontrahin ng kahit sino man sa amin.
And the last but not the least is to be HONEST. Ito rin ang pinaka-sacred rule ng The Royalties. Dapat kasi, lahat ng nangyayari sa buhay namin dito sa campus ay malaman ng buong grupo; it's either good or bad. Way daw `yon para mapanatili namin ang tiwala ng isa't-isa. Ito ang ikanatanggal noon ng isa naming friend na si Castle. Gumawa siya ng scheme para maging successful ang test niya. In short, niloko ni Castle ang buong grupo.
At `pag may nilabag kami ni isa man sa mga rules, it will make us automatically evicted from the group.Hindi namin alam kung saang saligang batas `yon nakuha ni Annaliese, pero patuloy namin iyong sinusunod. Kasi nga bawat isa sa amin ay takot na matanggal sa grupo.
Seriously. Lahat kami takot matanggal sa The Royalties. Ito ang itinuturing na family ng lahat ng member. Lahat kasi kami, may mga family breakdown. Lahat kami, madalas tawaging 'kulang sa pansin'. Iyon ang greatest common denominator naming lahat.
And in my part, hindi biro ang rason kung bakit ako sumali sa grupo. At alam na alam iyon ng mga kaibigan ko. But despite that, tanggap pa rin nila ako. Mas natuwa nga sila dahil daw sa pagiging honest ko. Honesty na isa sa reasons kung bakit isa ako sa pinagkakatiwalaan ng grupo. Kasi, kahit nga raw ang pinaka-werdong parte ng pagkatao ko, which is ang pagkakaroon ng third eye ay hindi ko itinago sa kanila. Inamin naman nilang lahat na natakot sila sa akin noong una kong aminin ang tungkol sa third eye ko. Nag-alangan pa nga raw si Anna na tanggapin ako. Baka raw kasi may sa-demonyo ako or something like that.
But thankful ako na binigyan nila ako ng chance para i-prove sa grupo ang sarili ko, para "buuin" uli ang pagkatao ko. With The Royalties, nakakalimutan ko ang lahat. Nakakalimutan ko ang totoong ako, ang totoong pinagdadaanan ko. Dahil sa grupo kaya buo ako. `Pag kasama ko sila, hindi ako nangangapa sa sarili at nagtatanong kung sino ba talaga si "Rhiannon". Kung saan ba talaga siya nanggaling, kung anong klaseng tao siya, kung galing din ba siya sa elite family or deserve ding tawaging "low profile".
With my friends, malaya kong nasasabi sa kanila at nagagamit ang "superpower" ko...