Chapter 4

4009 Words
RHIAN Humugot muna ako ng malalim na hininga bago bumaba ng kotse, nang makarating ako sa garahe ng bahay namin. Kung tutuusin, makokonsider na ng iba na palasyo itong bahay namin, na nakatayo sa isang mamahaling subdivision sa Makati. Pero ako? I don't know. Hindi ko alam kung bakit imbes na kaginhawaan ang ma-feel ko sa tuwing nandito ako sa bahay, naso-suffocate ako. Nasasakal. Siguro... dahil punong-puno ng kasinungalingan ang bahay na ito. Kasinungalingang kahit kailan, hinding-hindi ko magawang isumbat o kahit itanong man lang sa parents ko. Nahihiya kasi ako sa kanila. Natatakot. Na baka sumbatan din nila ako. And worst, palayasin. Though, duda akong kaya iyong gawin sa akin ng parents ko na mga saksakan ng bait, at mahal na mahal ako. Pero hindi ko pa rin maiwasan ang magworrry. I admit, hindi ko na kayang mawala pa sa ganitong klase ng buhay. Ang estadong ito ang isa sa mga dahilan kung bakit ako itinuturing na prinsesa sa Greenwood University. Na kapag nawala ang mga ito sa akin, siguradong automatic eviction ang ipapataw sa akin ni Annaliese. Plus, pagtatawanan pa ako ng lahat. At sino ba naman ang hindi maituturing na isang prinsesa? Kung anak ka ng parehong sikat na negosyante at may-ari ng isa sa pinakamalaking food company sa bansa. Pero kahit gan'on ka-busy sina Mom and Dad, nagawa pa rin nila akong palakihin nang maayos, nang may faith at takot sa Diyos. Na kahit wala sila palagi, nagsisimba akong mag-isa at nagno-Novena sa harap ng altar na nasa bahay namin. And as long as kaya nila Mom and Dad, nagba-bonding kami. Kahit madalas ay indoor picnic lang, movie marathon at pag-aaral ng tungkol sa Diyos. Pero kahit gan'on kami dati ay kuntento ako. Never akong naghangad ng iba o ng mas higit pa. With my parents alone, I'm perfectly complete. Ramdam ko ang totoong pagmamahal nila sa akin. Wala akong hiniling na hindi ibinigay ng parents ko. Hindi rin sila nangingialam sa bawat desisyon ko. Suportado nila ang lahat ng gusto ko. "Hindi ka namin hihigpitan `tulad ng ibang mga magulang diyan, anak. Gusto naming matuto kang magdesisyon ng para sa sarili mo," naalala kong sabi nila sa akin noon. "We trust you. Alam naming kaya mong kumilala ng tama at mali." Ang perfect na ng buhay ko, `di ba? Rich kid na, may supportive parents pa. Pero dati `yon.. dati noong hindi ko pa nalaman ang malaking "sekreto" sa buhay ko. Sekretong naging dahilan kung bakit ang dating maayos na Rhian ay unti-unting naliligaw ng landas. Kung bakit ang dating Rhian na kuntento ay naging mapaghanap, laging feeling incomplete. Alam ko naman na unti-unti na akong naging bad. There's a time na pinipilit kung bumalik sa dating ako. Kaso, mahirap, eh... Mahirap dahil dito na ako masaya ngayon-- sa bagong buhay ko at sa bagong ako. "O, nandito ka na pala. Tamang-tama ang paghahanda ko ng merienda para sa'yo." Naputol ang pag-iisip ko nang bumungad sa akin ang nakangiting mukha ni Mommy Zeph. Hindi ko napansing nakarating na pala ako ng maindoor. At fifty two years old, she looks very young and pretty. Napakaamo rin ng mukha niya. At super sweet pa. Kahit marami kaming katulong sa bahay, lagi siyang may time para ipagluto kami ni Dad. "Hello, hija! Sigurado akong masisira ang diet mo sa avocado graham cake na gawa ng mommy mo." Napalingon ako sa hagdanan. Nakita ko ang nakangiti ring mukha ni Daddy Puriel. Like Mom, batang-bata rin siya at guwapo sa edad na fifty five. Napakaamo rin ng mukha niya. Maraming nagsasabing parang mga anghel daw sa bait ang parents ko. Sabagay, gan'on din naman ang tawag nila sa akin noong bata pa ako... noong bago ako magkaganito. Pilit akong ngumiti. Hangga't kaya ko, hindi ko ipinapakita sa kanila ang mga pagbabago ko, maliban sa mga bagong OOTD ko or outfit of the day na lagi nilang pinapansin sa akin. Wala naman kasi silang ibang kasalanan sa akin, aside sa pagsisinungaling. Kaya nakokonsensiya pa rin akong saktan sila. Ni hindi nga alam ng parents ko ang tungkol sa The Royalties. `Buti na lang, simula nang maging member ako ng grupo, never pa silang pumunta uli ng school. Sa sobrang busy, yaya ko na lang ang madalas na uma-attend sa mga meetings. "How was your school, anak? Hindi ka ba ginugulo ng mga nakakasalubong o ng mga nakikita mo?" Napalingon ako ulit kay Mommy Zeph. Alam kong ang mga kakaibang creatures na nakikita ko ang tinutukoy niya. "Just tell us kung may nanggugulo sa'yo, ha? Kami ang bahala sa kanila," madiin na sabat ni Dad. I don't know. Pero parang kakaiba ang dating sa akin ng sinabi niyang `yon. "Kaya huwag kang magsekreto sa amin, anak, ha? Lalo na sa mga kakaibang nilalang na nakakaharap mo araw-araw. Gusto naming makilala sila. Para alam namin kung sino ang babalikan oras na sinaktan ka nila." Hindi na ako nagulat sa reaction ni Daddy Puriel. Kung protective sa akin si Mom, mas O.A. siya. Kung puwede nga lang daw na itago nila ako sa loob ng bahay o sa tabi lang nila minu-minuto, para lang masigurong ligtas ako, gagawin nila. Kaso, ayaw naman daw nilang maramdaman ko na "preso" ako ng superpower na meron ako. Gusto pa rin daw nilang mabuhay ako bilang isang normal na tao. "Tama ang Daddy mo, anak. Kaya baka may nakilala kang bagong nilalang na gusto mong ikuwento sa amin." Si Mom ulit. Biglang pumasok sa isip ko si Ehran at si Levi. Kahit naman malaki ang tampo ko sa parents ko, sila ang mas nakakaintindi sa akin pagdating sa "superpower" ko. Higit kaysa sa The Royalties. Though, until now, hindi pa rin malinaw sa akin king bakit ang dami nilang alam tungkol sa third eye. Sa third eye na mas madalas nilang tawaging "superpower". Kaya lang, baka mapahamak sila Mom at Dad kapag sinabi ko ang tungkol kay Levi. Ayokong idamay sila dahil sa kabaliwan ko sa The Royalties. "Meron po. Si Ehran," maya maya'y wika ko sa kanila, sa tonong nagkukuwento, habang kumakain na kami ng merienda. "Isa po siyang angel of death. At siya ang pinaka-weird na nakilala ko. Isang liwanag lang kasi siya, eh. Tapos, hindi po siya katulad ng mga anghel na ipinapalabas sa TV na may pakpak, at mukha. Isa lang po siyang liwanag. But believe mo, Mom, Da. Nagsasalita po siya at totoong may pangalan din." Matamis ang mga ngiting nagtinginan sina Mom at Dad. May kakaibang kislap sa mga mata nila na hindi ko ma-explain. "Kerrier ang tawag sa kaniya, anak. Isang klase ng mababang anghel na sumusundo ng mga kaluluwang kamamatay lang. Hindi pa siya inihirang na tunay na banal kaya wala pa siyang pakpak." Hindi ko alam kung ilang doble ng wrinkles ang gumuhit sa noo ko sa sobrang pagtataka sa sinabi ni Mommy. "H-how did you know about him? I... I mean, bakit po ang dami niyong alam tungkol kay Ehran?" Makahulugang nagkatinginan ulit ang parents ko. Napalitan ng pagkabahala ang kanina'y pagtataka sa mga mukha nila. Pero kaagad ding umayos nang muling humarap sa akin. "N-naikuwento lang sa akin ng kakilala kong may third eye din, anak. At sinabi niyang talagang mabubuting nilalang ang mga Kerrier. Maiimpluwensiyahan ka nila ng magagandang bagay, lalo na about kay God," mahabang paliwanag ni Daddy Puriel. "Aside from the fact na hindi lahat ng tao ay nakikita, nakakausap at nagiging kaibigan pa ang mga anghel na nakakasama nila sa buhay," nakangiti na ulit na paliwanag din sa akin ni Mom. "Kaya lagi mong tatandaan, anak, na special ka. Na mahal na mahal ka ni God. Na hindi sumpa ang pagkakaroon mo ng superpower. At umaasa kami na balang araw, gagamitin mo ito sa tama." Masuyo nilang hinawakan ang kamay ko. "And always remember, too, na mahal na mahal ka namin, ha?" maluha-luhang sabi ni Mommy Zeph. "Na ginagawa namin lahat para sa ikabubuti mo. At masaya kami na makitang nasa tamang landas ka. Although, nalulungkot kami at medyo nababahala dahil sa mga pagbabagong nakikita namin sa'yo nitong mga nakalipas na taon. Mula sa pananamit mo, sa pananalita, sa kilos... Nagpalit ka na rin ng circle of friends mo." Kumabog ang dibdib ko. Paano nalaman ng parents ko ang tungkol sa The Royalties? Kahit `yong pagkakasangkot namin noon sa gulo sa bar, kasama pa sina Castle, hindi nila alam. "Mas nalulungkot kami sa nababalitaan naming hindi ka na rin daw pumupunta ng simbahan `pag wala kami. Hindi ka na uma-attend sa mga church activities," malungkot din na dagdag ni Daddy Puriel. "Naniniwala kaming parte lang `yan ng pagiging kabataan mo. Ramdam pa rin naman namin sa'yo ang kabutihan. Pero sana, anak... kalimutan mo na ang lahat, `wag lang ang Diyos. Na magbago ka man, `wag lang ang pakikitungo mo sa Kaniya. `Pag Siya kasi ang sentro ng buhay mo, kahit kelan, hinding-hindi ka maliligaw ng landas. Laging ituturo ng Diyos sayo ang tamang daan..." Uminit ang bawat sulok ng mga mata ko. Gusto kong sabihin sa kanila na simple lang naman ang problema ko, eh. Aminin lang nila sa akin ang totoo. Na kung may guts lang akong usisain sila, matagal ko ng ginawa.... ******* RHIAN Habang tinitingnan ko isa-isa ang mga pictures at video na nagpapatunay na hindi totoong tao si Levi, kinikilabutan ako. Hindi ko maintindihan kung bakit sa six days na pagsunod-sunod ko sa kaniya nang patago, hindi pa rin ako nasasanay. Kung paano ako nasasanay sa iba-ibang nilalang na nakikita ko. `Tulad ngayon, mula rito sa P.E. center, nakikita ko ang tatlong magagandang babae na nag-uusap sa gitna ng garden ng school. Minsan ko na silang nakausap at nalaman kong fairies sila na nagbabantay sa mga makukulay na bulaklak. Sino bang mag-aakala na itong kasing modern ng Greenwood University, may nakatirang mga fairies? "Kilala mo ba sila?" Muntikan na akong mahulog sa upuan dahil sa pamilyar na boses na biglang sumulpot sa tabi ko. At kung may katawan lang siya, siguradong nakurot ko na siya sa tagiliran. O baka naitulak ko na siya at bumuwal na siya. "Ano ba? Bakit ka ba nanggugulat?" singhal ko kay Ehran. `Buti na lang at malayo ako sa ibang estudyante. "Ang sungit mo naman. Tinatanong ko lang naman kung kilala mo ba ang mga nilalang na `yon," mahinahong depensa ni Ehran na alam kong mga fairies ang tinutukoy. And I don't know why. Parang may matulis na bagay ang tumusok sa puso ko sa isiping nagagandahan si Ehran sa mga fairy kaya tinatanong niya. Isang pakiramdam na ngayon ko lang na-feel sa tanang buhay ko. "Ano ba kasing pake mo kung kilala ko man sila o hindi?" nanghahaba ang nguso na sita ko sa kaniya. Hindi ko talaga ma-explain ang pagkainis na napi-feel ko sa mga oras na ito.. "Ano nga palang ginagawa mo rito? `Di ba pinalayas na kita noon sa harapan ko? Meaning, ayoko ng makipag-usap sa'yo. Duh? We're not friends, 'no. At lalong hindi tayo close." "You know, hindi kita maintindihan." naguguluhang wika ni Ehran. "Dati gustong-gusto mo akong lapitan kahit iniiwasan kita. Eh, bakit ngayon? Bakit pinagtatabuyan mo na ako? Don't tell me na takot ka na rin kay 'kamatayan'." Nagtataka rin ako sa kasungitan ko ngayon kay Ehran. Eh, `di ba nga, sinabi na sa akin nina Mom na mabuti siyang nilalang? Nawe-werdohan ako sa kaniya noon, yes, pero hindi naman ako naiinis sa kaniya ng ganito. Hindi kaya... dahil mas nauna pa niyang pinansin ang fairies kaysa sa'yo? Napaarko ang kilay ko sa ideyang pumasok sa isip ko. Kailan pa naging insecure sa ibang babae ang isang Rhiannon Alonzo? Kahit sa mga kasama ko sa The Royalties, o kahit kay Annaliese pa, hindi ako nakakaramdam ng insecurity. "Simple lang. I realized, na hindi ka pala makakabuti sa akin," paliwanag ko kay Ehran, after a while. "Na magmumukha pala akong baliw kapag patuloy kitang kinakausap. Hindi tayo puwedeng maging friends o kahit companion dahil normal ako, habang kakaiba ka naman dito sa mundo namin." "Gan'on ba `yon? Eh, di huwag mo na lang akong kausapin. Ako na lang ang magsasalita. Kukuwentuhan kita ng tungkol sa sarili ko, kung sino ba talaga ako." Parang hindi man lang ito naapektuhan sa mga sinabi at pagtataboy ko. I heaved a deep sigh. Gusto ko ang ideyang sinasabi ni Ehran. Lalo kasi akong na-curious sa personality niya dahil sa sinabi nila ni Mommy Zephaniah. At feel ko rin naman na totoong mabait siya kahit medyo makulit. Patunay ang pagiging mahinahon niya. Kaya lang, bigla akong napatingin sa paligid ko. Dumadami na ang mga estudyante sa P.E. center. Unti-unti na akong nakakaagaw ng pansin. Baka lalo nila akong mapansin kapag nakipag-usap pa ako kay Ehran. Mabilis kong isinuksok sa tainga ang headset para akalain nilang kumakanta lang ako. "Siyempre ayoko namang may katabing mukhang baliw, `no? Kaya mabuti pang umalis ka na lang sa tabi ko." Pagtataboy ko kay Ehran. "Sige. Sabi mo, eh... Pasensiya ka na sa istorbo," kaswal na sabi niya saka parang bula sa bilis na naglaho na lang bigla sa tabi ko. And I admit, may regrets akong naramdaman sa pagtataboy ko kay Ehran. Lalo pa't ilang sandali lang, nakita ko na siyang kaumpukan na ng mga fairies. Naiinis ko silang tinapunan ng tingin. Muntikan ko na nga silang sugurin kung hindi ko lang nakita si Levi na papunta sa likod ng library building, na may kasamang babae. Mukhang ngayon ang perfect timing para gawin ko amg test ko... ******** EHRAN "May misyon ka ba rito kaya ka nandito?" tanong sa akin ng isa sa tatlong babaeng white Kampflens. Actually, kilala ko talaga ang lahi nila. Gusto ko lang talagang magtanong kanina kay Rhian, na hindi ko alam kung bakit. Na para bang gusto ko siyang kulitin. Parang gusto kong pansinin niya ako. Kasi natutuwa ako sa reaksiyon niya sa tuwing kinukulit ko siya. Naging kaakit-akit siya sa paningin ko. "Don't tell me na may isang estudyante na naman ang nakatakdang mamatay ngayon?" narinig kong tanong din ng isang White Kampflen. Napag-alaman ko na "fairies" pala ang tawag sa kanila ng mga tao. Kaya `pag nandito ako sa lupa, gan'on na lang din ang tinatawag ko sa kanila. Ang totoo niyan, kasama sila sa mga anghel na pinalayas sa langit dahil sa pagkampi noon kay Lucifer. Pero hindi lahat ng Kampflen ay tuluyang naging masama. Kaya may White, at Black Kampflen na tinatawag. Ang mga White ang katulong pa rin ng langit sa kahit anong misyon para sa kabutihan. At ang mga Black naman ang kasama ni Lucifer sa pagpaparami ng kasamaan dito sa lupa. Gusto daw ng mga White Kampflen na makabawi kay God kahit papaano, kahit alam nilang imposible na silang makabalik sa langit, kaya patuloy na gumagawa ng kabutihan. "Nasa kabilang kalye ang nakatakda kong misyon ngayong araw," sagot ko pagkalipas ng ilang sandali. "May dalawang oras pa siya sa mundong ito kaya namamasyal muna ako..." Naputol ang pakikipag-usap ko sa mga fairy nang makita ko si Rhian na umalis sa kinauupuan at dali-daling pumunta sa likod ng isang gusali na para bang may sinusundan. Hindi ko alam kung bakit kinutuban ako nang hindi maganda. Feeling ko ay may mangyayaring masama kay Rhian kapag hindi ko sinundan. Kaya nagpaalam muna si Ehran sa mga fairies. "Sandali lang, ha. Susundan ko lang ang kaibigan ko." "Kaibigan mo pala ang isa sa mga spoiled brat ng campus?" parang hindi makapaniwalang tanong sa akin ng isang fairy na nagngangalang Anthea. Naiintindihan ko ang salitang ginamit niya para kay Rhian. Madalas ko iyong marinig sa pagtambay ko rito sa school. At alam kong gan'on nga kung i-describe nila si Rhian. Pero alam ko rin na deep inside her heart, hindi siya gan'on. Hindi siya spoiled brat. "Hindi naman siya totally spoiled brat, ah," pagtatanggol naman ng isa pang fairy Rinalyn kay Rhian. Natuwa ako. And I honestly don't know why. "Mabait nga siya sa mga `tulad natin, eh." "Oo nga. Ayaw lang niyang mapagkamalang baliw kaya hindi niya tayo kinakausap," pagsang-ayon naman ng nagngangalang Jea na isa ring fairy. Napangiti ako. Now I know. Kung bakit bigla na lang akong sinungitan ni Rhian kanina. Ayaw pala niyang mapagkamalan siyang may problema sa ulo kaya iniiwasan niya ako. Nagpaalam na ako ulit sa mga fairies bago sinundan si Rhian. Hindi ko maipaliwanag ang kakaibang enerhiyang naramdaman ko nang makalapit na ako sa kinaroroonan niya. Actually, ilang beses ko na itong naramdaman sa tuwing tumatambay ako rito sa school, `pag malapit lang ang misyon ko, para makita si Rhian. Pero hindi ko maipaliwanag kung anong klaseng nilalang ito. Ilang beses ko na ring sinubukang hanapin ang enerhiyang ito. Kaso, hindi ko masundan kung saan nanggagaling dahil ang bilis niyang makalipat ng puwesto. Wala akong teleportation power na pantapat sa kaniya. Kaya madalas ay "natatakasan" niya. Gan'on pa man, kahit anong klaseng nilalang pa siya, ramdam ko ang panganib ma dala niya. Maya maya pa'y nasa likod na ako ng gusali. Medyo madilim ang parteng ito pero biglang lumiwanag sa pagdating ko. At sa pagdating ko rito, lalong lumalakas ang kakaibang enerhiyang nararamdaman ko. Lalo akong nakaramdam ng panganib. At imbes na si Rhian ang makita ko, isang lalaking estudyante na halos kaedaran lang yata niya ang nakita kong nakatayo sa mas madilim na parte ng lugar. May kaharap itong babaeng estudyante na parang wala sa sarili. Akala ko n'ong una, nagki-kiss lang sila. Katulad ng madalas kong makitang pinagsasaluhan ng mga taong nagmamahalan. Kaya laking gulat ko nang bigla na lang ibuka ng lalaki ang bibig ng babae at higupin ang soul nito. Isa siyang Oogster! Isang uri ng Black Kampflen na pansamantalang nanghihiram ng kaluluwa ng mga tao. Pansamantala. Dahil bukod tanging kaming mga angel of death lang ang puwedeng kumuha ng mga human's soul. Saka na ibinabagsak sa impiyerno ang mga kaluluwang hindi karapat-dapat sa langit, pagkatapos ng soul judgement. Ang pagkakaalam ko, ang mga Oogster ang isa sa pinakamalakas na sundalo ni Lucifer. Ang bawat kaluluwang hinihiram nila ay tinatransmit papunta kay Lucifer, para palakasin siya kapag unti-unting nanghihina dahil sa umuunti ring tao na naniniwala sa kaniya. Nakakababa sila sa lupa bilang tao, sa pamamagitan ng Vaciello. Yes. `Tulad ng mga matataas na anghel, may mga Vaciello rin ang malalakas na Black Kampflen. Ang mga Vaciello ay mga itinakdang tao na pansamantalang paninirahan ng matataas na anghel o Kampflen kapag nasa lupa sila at may mahalagang misyon. Ang mga Oogster din ang dahilan kung bakit may mga taong nagkakatemporary comatose. Mga taong may masamang budhi o may maliit na pananampalataya sa Diyos ang madalas nilang "ninanakawan" ng soul. Dahil dito, bigla kong naalala si Rhian. May pagka-spoiled brat nga pala ang babaeng `yon at minsan, nanunungit ng kapwa. Baka samantalahin ng Oogster ang bad side niyang iyon. Napanatag ako nang mayamaya'y nakita ko si Rhian na nagtatago sa likod ng isang poste. May hawak-hawak itong modernong bagay na alam kong tinatawag ng mga tao na cellphone, at itinututok sa Oogster. Nakaramdam ako ng panganib sa ginagawa ni Rhian. At bago pa man namin maistorbo ang Oogster, dali-dali ko siyang pinuntahan at tinakpan ng liwanag ko. May natural power ang bawat liwanag na dala naming mga anghel. Dumepende ang kapangyarihang iyon sa anghel na nagmamay-ari nito. At ang Lux Carrier ay nagagamit namin para pansamantalang magtago sa mga kalaban o sa sino mang hindi kami puwedeng makita. "Ikaw na naman?! Ano na naman ang ginagawa mo rito!?" bulalas ni Rhian nang makilala ako. Nasa loob kami ng kapangyarihan ko kaya imposible kaming marinig o makita ng Oogster. "Ikaw? Anong ginagawa mo? Hindi mo ba alam na delikado ka rito? Sa Oogster na `yan?" Kumunot ang noo ni Rhian. "A-anong... Oyster ang sinasabi mo? Oyster sauce?" "Oogster. Basta. Saka ko na ipapaliwanag sa'yo. Kelangan na nating umalis dito bago pa niya tayo makita. Hindi kita kayang itago sa kaniya ng matagal. At lalong hindi kita maipagtatanggol sa kaniya. He's too strong for me." Natawa si Rhian na hindi ko alam kung bakit. "Eh, talagang mas malakas siya sa'yo. Kasi, may mukha at katawan siya. Eh, ikaw?" Nakuha ko ang ginagawa niya. Pang-aasar ang isa sa paraan ng mga tao para galitin o biruin ang kapwa. At hindi ko alam kung bakit naasar ako. Walang gan'ong feelings sa Numina. "Ako na nga itong nagke-care sa'yo tapos ikaw pa `tong may ganang mamaliit." Ngumiti si Rhian. At ewan. Parang feeling ko, kasing ganda ng Numina ang mga ngiti niyang iyon. Na `agad namang nagbura ng pagkaasar ko sa kaniya. "Joke lang. Nagulat lang ako na sweet ka pala. Na ililigtas mo pa rin ako kahit sinungitan na kita kanina. Pero thank you na lang... But Levi is my "mission". Big deal sa akin itong ginagawa ko. Kaya puwede ba, umalis ka na sa harapan ko at nahaharangan mo siya. `Kelangan kong mapiktyuran ng buo ang ginagawa niya. Magiging final evidence ko ito kung sakali," mahabang paliwanag ni Rhian na hindi ko naman gaanong maintindihan. Pero hindi ko siya hahayaang mapahamak. Kung may teleportation power nga lang ako ngayon, kanina ko pa siya inalis dito. Balak ko sanang kulitin ulit si Rhian nang bigla kong maramdamang parang may bumubuhat sa aming dalawa. Hanggang sa namalayan ko na lang na nasa ibang lugar na kami. Napangiti ako nang makita sina Rinalyn, Jea at Anthea. "Naramdaman naming kelangan niyo ng tulong kaya sinundan namin kayo, at ginamitan ng kapangyarihan. Napansin kasi namin, Ehran, na wala kang kakayahang magteleport," paliwanag ni Jea. "Matagal na naming nakikita rito ang Oogster na `yon. Mukhang may hinahanap siyang tao." "Oo nga. At mukhang babae," sagot naman ni Anthea. "Pulos babae kasi ang sinusundan niya at hini-hipnotize na para bang may tinatanong na kung ano. Hindi lang kami nangingialam dahil ramdam namin na `di hamak na mas malakas siya kesa samen. Ayaw namin ng trouble, you know." "At sino naman kaya ang hinahanap-" "Hey, wait!" Napahinto ako sa pagsasalita nang biglang sumigaw si Rhian. "W-what's happening here? Bakit kung mag-usap kayo, parang wala ako dito, ah. Saka anong nangyari?" Humarap sa akin si Rhian, "Bakit nandito na tayo sa garden? `Di ba nasa likod tayo ng library kanina?" "Matagal na naming napansin ang pagsunod-sunod mo kay Levi. At alam naming parte ito ng pagiging member mo ng The Royalties. Matagal ka na na naming gustong balaan." Baling ni Rinalyn kay Rhian. "Powerful masiyado si Levi, ang Oogster na `yon. Suwerte mo lang dahil may kung anong meron sa'yo na hindi ka niya napapansin sa tuwing sinusundan mo siya. Pero kahit na. Tigilan mo na ang ano mang plano mo kay Levi, Rhian. Mapapahamak ka lang sa kaniya." Aktong sesermonan ko rin si Rhian nang pagalit itong magsalita. "Hindi ko kayo kaano-ano para utusan ako. Na-appreciate ko ang concern at tulong niyo sa akin. Pero hindi niyo alam kung gaano" kaimportante" sa akin si Levi." Pagkasabi ay dali-dali itong umalis. Ramdam ko ang pagkainis at tila pagkadisymaya ni Rhian. Susundan ko sana si Rhian para mag-explain at suyuin. O mas tamang sabihin na gusto kong marinig ang paliwanag niya. Kung bakit nito sinusundan si Levi. Kaso, biglang tumunog ang suot kong mahiwagang relo. Senyales na oras na para sunduin ang soul na hinihintay ko kanina. For the very first time, na ipinagtataka ko na naman kung bakit, nag-agaw ang loob ko: kung susundan ba si Rhian at piliting lumayo sa Oogster, o magtrabaho. Tumingala ako sa langit na para bang doon humihingi ng desisyon. Parang doon, nakita ko ang mukha ni Arkanghel Azrael. Hanggang sa namalayan ko na lang na ginagawa ko na ang misyon ko. Ayoko ng dagdagan pa ang kasalanan ko kay Arkanghel Azrael. Tama na iyong minsang ginamitan niya ako ng Succionare, na alam kong may katumbas din na parusa sa kanilang mga arkanghel, na ibinibigay naman sa kanila ng Pamunuan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD