Chapter 5

5036 Words
RHIAN Ten A.M. na nang magising ako. Pero tinatamad pa rin akong bumangon. Sinadya ko talagang magpatanghali ng gising kasi wala naman akong balak na pumasok. May usapan kasi kami ni Annaliese na sasamahan ko siyang mag-shopping today. Sakto namang nasa Bangkok pa ang parents ko. Hindi nila mapapansing umabsent na naman ako. Naka-rest day din ngayon ang ibang mga katulong namin, maliban kay yaya Saling na alam kong nasa palengke, at hindi rin naman ako kayang isumbong. At family driver lang namin ang nandito, na masiyado ring mabait para ipahamak ako sa parents ko. Aantok-antok pa akong tumayo nang tumunog ang cellphone ko. Text mula sa family driver naming si Manong Oca. Nagtaka pa ako nang makitang nakalimang missed calls na siya. May text din siya sa akin. Gudmorning mam rhian.knina ko pa po kau knkatok at tntwgan pro d kau smsagot.mgpapaalam lng sna akong ddlhin ko sa shop ang kotse nyo.ngaun po kc ang sked ng maintenance.nlinis ko na po ang pulang kotse para magamit nyo. Napabuntong-hininga lang ako matapos basahin ang text ni Manong Oca. Maya maya'y walang ano-anong hinubad ko na ang lahat ng suot ko para maligo. Papasok na sana ako ng bathroom nang mula sa malaking salaming nasa likuran ko ay aksidenteng napatingin ako sa malaking marka na nasa likod ko. Actually, hindi siya basta malaking marka lang. Isa itong malaking hugis palad na parang ibinaon sa likod ko. Ang sabi ng parents ko, birthmark daw ito. Kahit sila o ang doktor daw ay hindi kayang ipaliwanag kung ano ito. Pero ang sabi ni Mommy Zeph, normal lang daw sa tao ang magkaroon ng birthmark. And I believe in her. Marami na rin akong nakitang tao na may kakaibang birthmark. Nagyari kang siguro na mas kakaiba itong sa akin. Bukod sa malaki, malalim pa ang pagkakahulma. Pero bukod doon, wala naman na akong nakikita o nararamdamang weird sa markang ito. Napatitig akong mabuti sa marka. Kumunot ang noo ko. Mukhang hindi na gan'on kalalim ang pagkakahulma nito, kumpara last week nang huli ko itong titigan. I shook my head. Baka namamalikmata lang ako. Paano namang magbabago ang birthmark ko? I just shrugged my shoulder. Ano naman ngayon kung nag-fade na siya? Eh, di mas okay. Isasara ko na lang ang pinto ng bathroom nang marinig ko ang pag-uusap nila Mom and Dad. Dumating na pala sila. Naku, patay, Siguradong magtataka sila kung bakit di ako pumasok. And worst, baka magalit sila sa akin kasi nagsinungaling na naman ako. Ang sabi ko kasi kagabi nang mag-usap kami sa phone, may test kami ngayong araw kaya hindi ako makakasama sa youth campaign ng parochial church namin. Lagi ko na lang dinadahilan ang studies para makaiwas sa simbahan. Feeling ko kasi, parang hindi na ako bagay d'on. Kahit ang church, parang ayaw na rin sa akin Para kasi akong naiinitan na hindi ko alam kapag nasa loob ako. Bagay na hindi ko naman nararamdaman noon. Umarko ang kilay ko. Bakit nga ba ako matatakot sa mga simpleng pagsisinungaling ko? Kumpara naman sa halos buong buhay na pagsisinungaling nila sa akin? Maya maya'y narinig ko uli ang boses ng parents ko. Hindi malinaw sa pandinig ko ang pinag-uusapan nila kaya siguradong nasa malayo sila. Mabilis akong napasilip sa pintuan. Nakasara `yon. At soundsproof pa. Kaya paanong naririnig ko ang usapan ng parents kung nasa malayo naman pala sila? Naipilig ko ang ulo ko. I know, weird ako. At marami akong weird na nakikita o naririnig na tunog o ingay ng ibang elemento. But these past few days, mas naging werdo ako. Parang tumalas yata ang pandinig ko. Kahit malayo, naririnig ko ang pag-uusap ng kahit mga simpleng tao. Eh, usually naman, mga tunog lang ng kakaibang nilalang ang naririnig ko. Hindi naman lagi-lagi na nakakarinig ako ng pag-uusap ng mga taong nasa malayo. May oras lang na nagiging gan'on ako. Pero ang ipinagtataka ko, bakit bigla akong nagkaroon ng gan'ong power? Kung kasama `yon sa pagkakaroon ko ng bukas na third eye, bakit ngayon ko lang nae-experience. Hays. Paano ko kaya maitatanong `to kay Father Florencio. Eh, simula nga ng mag-lie low ako sa church, hindi na kami gaanong close. Maya maya'y may ibang boses akong narinig na kausap nina Mom and Dad. Bago iyon sa pandinig ko kaya siguradong hindi ko siya kilala. Hindi ko ugaling maging bastos kapag nag-uusap ang parents ko. Pero parang may nagtulak sa akin na sumilip sa pintuan at makinig. Kaso, sa pagtataka ko, hindi ko sila makita sa labas ng kuwarto ko. Maski na sa hallway. Curious akong bumaba ng hagdan para hanapin ang parents ko at bisita nila na hanggang ngayon ay naririnig ko pa ring nagsasalita. Nasa sala na ako nang mapatigil ako sa paglalakad. Nasa patio pala sila Mommy. Malayong-malayo sa kuwarto kong nasa second floor pa. Kaya paano ko naririnig ang pag-uusap nila? Mukha naman kampante lang silang nag-uusap ni Daddy. Ni hindi nila napansin ang presensiya ko. Mukhang seryosong-seryoso ang pinag-uusapan nila. Ang buong akala siguro nila, nasa school na ako dahil wala ang kotse ko. Hindi ko rin makita ang bisita nila kaya siguradong natatakpan siya ng pader. Sino kaya ang bisita nila? Bakit may kakaibang enerhiya akong nararamdaman sa paligid. At bakit ganito ang pakiramdam ko? For sure, hindi siya tao na `tulad namin. Iba kasi ang pakiramdam ko, eh. Pero mukhang hindi naman siya mapanganib. Ngunit bakit kausap siya ng parents ko? Kailan pa nakikipag-usapa sa mga out-of-the-world creatures ang parents ko? "Nababahala na ho kami sa pagrerebeldeng nakikita namin kay Rhian. She's getting worst. Pati ang relasyon niya sa Diyos ay naaapektuhan na." Kumunot ang noo ko nang sa wakas ay narinig ko nang malinaw ang sinasabi ni Mommy. Sino ang kausap nila na kailangan pa nilang ikuwento dito ang buhay ko? Na para bang deserve nitong malaman ang nangyayare sa akin. Hindi kaya real Mom or Dad ko? Lalo tuloy akong na-curious at na-temt na maki-chismis. "Natatakot naman kaming pagsabihan siya at baka masamain niya iyon-" Hindi na natapos ang iba pang sasabihin ni Mom nang mapalingon siya sa direksiyon ko at nakita niya ako. Ayaw ng parents kong nakikinig ako sa pag-uusap ng matatanda. Kabastusan daw `yon. Kaya kinabahan ako. Mabilis akong tumalikod at aktong babalik na sa itaas nang bigla akong tawagin ni mommy. "R-rhian, anak! K-kanina ka pa ba diyan?" Narinig ko ang papalapit na mga yapak kaya dahan-dahan akong humarap. "Saka bakit nandito ka pa? Hindi ba sabi mo, may test kayo ngayon kaya hindi ka makaka-attend ng youth campaign?" Huminga ako nang malalim nang sa wakas ay nagkaharap kami ni Mommy. Nakita ko naman si Dad na palapit sa amin. Lalo tuloy akong kinabahan. Ramdam ko na, na papagalitan ako ni Daddy. "T-tinanghali po ako ng gising, Mom. Kaya hindi na lang ako pumasok," kabadong depensa ko. "You're lying," sabat ni Daddy Puriel na nakalapit na rin sa amin. Walang kangiti-ngiti at may diin ang bawat salita ni Dad. "And we hate you for that. Dahil hindi lang ito ang unang beses na nagsinungaling ka sa amin. Pinagbigyan na nga namin ang hindi mo pagsabi sa amin na sumali ka pala sa grupo ng The Royalties sa Greenwood University ,eh. Kahit alam mong hindi namin sila magugustuhan para sa'yo. Pati ang pagka-cutting classes mo ay pinagbibigyan din namin. Nagbingi-bingihan din kami sa mga naririnig naming pang-aapak mo minsan sa maliliit na tao, lalo na sa mga estudyante sa GWU. Iyon ay dahil may tiwala kami sa'yo. Naniniwala kaming ikaw mismo ang makakapansin sa mga maling ginagawa mo. Pero sumosobra ka na!" For the very first time, tinaasan ako ng boses ni Dad. Kahit si Mommy Zephaniah ay nagulat din. Hindi ko talaga alam kung paano nila nalaman ang tungkol sa The Royalties at ang mga kalokohan ko. Imposible naman akong isumbong ni Yaya Saling kasi kadikit ko `yon, eh. "Isinasakripisyo mo na ang relasyon mo sa Diyos para lang sa pagbabarkada mo." Parang may kumirot sa puso ko dahil sa mga panunumbat ni Daddy. Feeling ko ay hindi ko deserve ang masermunan niya ng ganito. Feeling ko, nakapakababaw ng reasons para pagalitan niya ako ng ganito. Dahil feeling ko, sa aming lahat ngayon, ako ang mas may karapatan na manermon at magalit. Ako ang dapat na nagtatampo at nanunumbat. But I chose to stay calm. Sinungaling ako, yes. Pero hindi ko sila kayang bastusin ng ganito. Kaya kahit parang sasabog na ako, pinilit ko pa ring maging kalmado. Iniisip ko na lang na lilipas din ang galit nila sa'kin, lalo ni Dad. Na ako ang may kasalanan ngayon kaya sila nagagalit sa akin. "I'm sorry, Mom, Dad.. Hindi ko po sinasadyang magsinungaling," umiinit ang mga matang paliwanag ko. "But let me explain po. Please?" Masama ang loob na tinitigan ako ni Daddy nang direkta sa mga mata ko. "Para makagawa ka ulit na kasinungalingan?" "Enough, Puriel-" "No!" Hiyaw ni Dad sa aktong pagpigil sa kaniya ni Mom. "Hindi ko hihintaying tuluyan siyang maging masama dahil lang sa pagsisinungaling. Kelangan niyang malaman na hindi simpleng bagay lang ang pagsisinungaling-" "Really, dad?" hindi nakatiis na sagot ko. Puno ng sarkasmo ang boses ko. Ito rin siguro ang pinakaunang beses na binastos ko siya, na nagsalita ako kahit hindi pa siya tapos. Pero hindi ko na mapigilan ang matinding emosyong nabubuo sa puso ko. Hindi ko na ma-take ang pagdidiin niya sa pagiging sinungaling ko. "Will you please stop treating me like I'm a real liar here? D-dahil kung tutuusin, kayo po ang may malaking kasalanan sa akin. Kayo ho ang maraming kelangang i-explain sa akin. Na kung talagang nakakasama ang pagsisinungaling, baka matagal na kayong nasa impiyerno." Narinig ko ang sarili ko pero wala akong balak na bawiin ang mga sinabi ko. Kahit pa nasasaktan ako mismo sa naging reaksiyon ng parents ko, lalo ni Mommy. But maybe this is the right time to confront them. Masiyado g matagal ang tatlong taong pagdadala ko nito ng mag-isa sa dibdib ko. Hindi ko na kaya. Para na akong sasabog na ewan. Pero nagulat na lang ako nang biglang may mainit na palad ang lumagapak sa pisngi ko. Nasapo ko ito saka tumingin nanf masama kay Dad na pilit pinipigilan ni Mommy. Masakit ang sampal niya pero mas nasasaktan ako sa nangyayare sa amin. First time rin kasi akong mapagbuhatan ng kamay ni Daddy Puriel. At base sa ekspresyon ng mukha niya, parang nabigla lang talaga siya. Nasasaktan at nagsisisi si Dad. "I'm sorry, anak..." mahinahon na ang boses niya nang lapitan niya at hinawakan sa mga balikat ko. "I didn't mean to hurt you. Pero nag-ibang tao ka na kasi. Parang hindi ka na namin kilala. Iyan ba ang natutunan mo sa mga bago mong kaibigan?" "Ano bang nangyayari sa'yo, anak, at nagrerebelde ka? May problema ka ba? May nagawa ba kaming mali?" Hindi na rin nakatiis si Mommy at nakisali na siya. "Puwede mong sabihin sa amin. Alam mong handa kaming makinig sa'yo at dumamay." Umiiling-iling ako. "M-matagal ko na pong alam na... a-ampon niyo lang ako," umiinit ang mga matang sagot ko. Sa kabila ng parang bara sa lalamunan ko, finally, nailabas ko rin ang salitang `yon. Na kahit sa sarili ko, hindi ko kayang sabihin. At feeling ko, para akong nabunutan ng isang mahabang... tinik sa dibdib ko. "N-narinig ko minsan ang pag-uusap niyo ni Dad. Promise. I didn't mean it, Mom. Ilang beses kong sinubukang komprontahin kayo. To make me atleast understand why. Kung bakit niyo itinago ang totoong pagkatao ko." Kasabay ng pagharap ko kay Dad ang tuluyang pagpatak ng mga luha ko. "L-lagi niyo pong sinasabi sa akin na bawal magsinungaling sa bahay na `to. Pero buong buhay ko, puno pala ng kasinungalingan. You had given twenty years to explain everything to me. But you chose to... lied." Maluha-luha na ring sinubukan ni Mommy Zeph na hawakan ako. Pero umatras ako. Hindi ko na makontrol ang sarili ko, lalo na ang puso ko, na sobrang nasasaktan. "I'm sorry, anak. But for now, hindi pa namin puwedeng ipaliwanag sa'yo ang lahat. We are not entitled to do that. But believe us, Rhian. We love you more than our own daughter." Pumiyok ang boses ni Mom na feeling ko kumurot sa puso ko. After all of this, hindi ko pa rin siya kayang makitang umiiyak. Hindi ko pa rin kayang makita silang nasasaktan. Kahit parang napupunit na ang puso ko sa sobrang sakit, feelings pa rin nila ang iniisip ko. "M-maniwala ka sa Mommy mo, anak," mahinahong utos sa akin ni Dad. Namumula na rin ang mga mata niya. Tuluyan ng lumambot ang mukha niya. Wala ng bakas ng ano mang galit. "Sa aming dalawa, mas minahal ka niya ng higit pa sa mis-" mariing napapikit si Dad na para bang may iniiwasang sabihin, "buhay niya. Handang magpakamatay para sa'yo ang Mommy mo, Rhian. So, please... stop blaming her. Ako na lang... sa akin mo lang ibunton ang lahat ng galit mo." Lalo akong naguluhan sa sinabi ni Dad. Masiyadong malalim. Bakit kailangang may mamatay sa pagsabi sa akin ng katotohanan? Hindi kaya parang sobrang O.A. naman yata? Ano ito teleserye? Movie? Na maraming twist? "K-kung puwede lang, anak... Kung puwede ko lang sabihin sa'yo ang lahat." Tuluyan ng nabasag ang boses ni Mommy. At napabulahaw na rin ako. "Matagal ko na sanang sinabi sa'yo ang totoo." Pinunasan ko ng sariling mga daliri ang mga luhang patuloy pa ring nag-uunahan sa pagbagsak mula sa mga mata ko. "I'm sorry, Mom, Dad. K-kung puwede lang din sana akong mag-pretend na okay lang. Na okay lang mabuhay na ni hindi ko alam kung saan ako nanggaling. Right now, buburahin ko po lahat ng tampo ko sa inyo at hindi na pipilitin pang mag-explain. But I'm sorry. Because for now... I can't." Hindi ko na kinakayang makita ang mga luha ni Mom at ang panlulumo ni Dad. Gusto kong i-comfort sila. Gusto kong mag-sorry. At bawiin ang lahat ng masasakit na salitang binitiwan ko. Nakokonsensiya ako sa ginawa kong pagsumbat sa kanila. Pero sa mga oras na ito, wala akong gustong i-comfort kundi ang sarili ko. Ngayon ko lang naramdaman ang lahat ng tampo at hinanakit sa parents ko, na inipon ko ng ilang taon sa dibdib ko. Na inipon ko nang mag-isa. Ngayon ko lang totally naramdaman ang "pagtraidor" nila sa akin. Bago ko pa man mapansin, nanakbo na pala ako palabas ng bahay. Pero bago ako tuluyang makalayo, napatingin pa ako sa patio. Sandaling kumunot ang noo ko nang wala akong makitang tao roon. Ah, baka umalis na ang bisita nila nang marinig ang pagtatalo namin. ******** EHRAN Medyo malayo sa Greenwood University ang misyon ko ngayong araw. Pero pupunta pa rin ako kahit alam kong medyo mahihirapan ako at matatagalan. Hindi kasi ako mapakali habang iniisip ko si Rhian. Hindi ko alam ang plano niya sa Oogster. Pero sigurado akong manganganib ang buhay niya. Actually, hindi naman `to kasama sa trabaho ko, eh. Kaya hindi ko ma-explain kahit sa sarili ko kung bakit sobra akong mag-alala sa kaniya. Siguro dahil... friends na kami? Napahinto ako sa pagpapalutang-lutang sa hangin nang makita ko si Rhian na mag-isang nakaupo sa bench ng isang park, malapit sa school. Nagtaka ako. Sa tagal na pagbalik-balik ko sa GWU, medyo kabisado ko na ang kahit kilos at pananalita ng mga estudyante. Minsan nga, napapagaya na rin ako ng konti. Kahit ang daily routine nila, unti-unti ko na ring name-memorize, lalo na ni Rhian. At alam kong `pag ganitong oras ay may pasok siya. Hindi rin niya gawain ang tumambay dito sa park. Sa ibang lugar ko siya nakikitang pumupunta palagi, kasama ang sa tingin ko ay mga kaibigan niya. Lalo akong nagtaka, o mas tamang sabihing nag-alala nang makita ko siyang nagkukusot ng mga mata na para bang umiiyak. For sure, pagtatabuyan na naman ako ni Rhian kapag nakita niya ako. Pero nilapitan ko pa rin siya. Hindi bale ng awayin na namin niya. Basta worried talaga ako sa kaniya. "Anong ginagawa mo rito? `Di ba may pasok ka?" tanong ko kay Rhian, nang makalapit ako sa kaniya. Umupo ako sa tabi niya. Tama nga ang hinala ko na umiiyak si Rhian. Kasi namumula ang mga mata niyang may namumuo pang mga luha nang lingunin niya ako. Aktong sasagot na si Rhian nang bigla siyang mapatingin sa katapat naming couple. Parang alam ko na kung bakit bigla na lang niya akong inirapan at tinalikuran. Napangiti ako. Mabuti na lang at hindi ang kakayahan kong magtago ang pansamantalang inalis sa akin ni Arkanghel Azrael. Matutulungan ko si Rhian para itago ang kahinaan niya. "Puwede mo na akong kausapin. Hindi ka na nila mapagkakamaling baliw..." untag ko sa kaniya. Hindi sumagot si Rhian. Ni hindi niya ako nilingon. Obviously, hindi siya kumbinsido. "Hindi ka talaga naniniwala sa akin na kaya kitang itago, `no? Ganito na lang. Isipin mo noong nasa likod tayo ng library niyo. `Di ba, hindi tayo nakita ng Oogster? Kasi nga... kinoberan ka ng liwanag ko. Itinago kita noon para hindi ka makita ng Oogster. At gan'on din ngayon." Ilang minuto pa ang dumaan at wala talaga akong narinig na salita galing kay Rhian. Hanggang sa narinig ko ang paghikbi niya. Hindi ko maintindihan kung bakit parang kinurot ang espiritwal na puso ko. No. Para palang pinupunit ang puso ko habang pinapakinggan ang pag-iyak ni Rhia . Until I found myself touching her... At masaya ako na hinayaan niyang magkadikit kaming dalawa. Na hindi niya ako ipinagtabuyan. "M-may magulang din ba ang isang `tulad mo Ehran?" mayamaya'y narinig kong tanong ni Rhian. Mukhang kahit papaano, nakuha ko na ang loob niya. Medyo mababa lang kasi ang timbre ng boses niya. "Hmmm. What a stupid question, right? K-kung totoong anghel ka, it means na wala kang literal na magulang. But atleast, alam mo kung sino ang gumawa sa'yo. Of course. We all know tha it's... God." "I just want you to know that I'm so happy. Masaya akong marinig na naniniwala ka kay God." Narinig ko ang marahang pagtawa ni Rhian. "Bata pa lang ako, nagseserve na ako kay God. Youngest member ako ng church choir, naging president ng Youth Council, nagba-Bible study sa harap ng mga kapwa-bata ko, kasamang nagtuturo ng Flores de Mayo at kasamang nagbabahay-bahay para magturo ng Bibliya at pagno-Novena sa bawat pamilya," pagkukuwento ni Rhian. Medyo kalmado na ang boses niya at hindi na parang iiyak. "Instead na maglaro at makipagkaibigan, sa gan'ong activities naubos ang kabataan ko. Kasi, gan'on ako pinalaki ng parents ko, eh. Na wala raw ibang mahalaga sa mundong ito kundi si God. Na gumawa lang daw ako ng mabuti at tiyak, magiging maayos ang buhay ko. Never naman akong nagsisi na sinunod ko sila noon at pinagsilbihan ko ang Diyos. Actually, childhood dream ko talaga ang maging madre. "Awang-awa ako dati sa mga street childrens o sa orphans na nakikita ko sa mga orphanage na pinupuntahan namin." Pagpapatuloy ni Rhian. Hahayaan ko muna siyang magkuwento para gumaan ang pakiramdam niya. "Kasi, ang sabi ko, kawawa naman sila. Kung hindi man sila naulila, inabandona naman. Kulang na lang, kausapin ko ang parents ko para ampunin silang lahat. Not knowing na..." sandali siyang tumigil sa pagsasalita at iiling-iling, "na isa rin pala ako sa kanila. Na katulad din pala nila ako. "Yes, Ehran. Isa akong ampon. Fourth year high school ako nang marinig ko minsan sina Mom and Dad. Before daw ako tumuntong ng twenty one years old, kelangan malaman ko na ang totoo kong pagkatao. N-na hindi nila ako tunay na anak..." Pumiyok na naman ang boses ni Rhian. At lalo akong naawa sa kaniya. Parang bigla, ginusto kong maging `tulad ni Elisha, ang maging angel of persecuted and orphans. Nang sa gan'on, mas magaling akong mag;comfort. Para sana mapagaan ko `agad ang bigat na dinadala ni Rhian. "A-ang sakit lang... K-kasi, bakit hihintayin pa nilang mag-twenty one ako? Hindi ba nila iniisip ang mararamdaman ko n'on? Na for twenty one years pala, puro kasinungalingan ang buhay ko?" "Sinubukan mo ba silang kausapin tungkol dito?" hindi nakatiis na tanong ko. Punong-puno ny simpatiya ang boses ko. Matigas na umiling si Rhian. "Believe me, I tried... Nth times. Pero sa tuwing sinusubukan ko, kinakain ako ng takot at konsensiya. Takot sa maraming bagay. At konsensiya. Kasi, `di ba, dapat maging thankful na lang ako sa kanila? Promise. Sinubukan ko rin. Pero..." tuluyang nabasag ang boses niya, "hindi pala gan'on kadali ns sumbatan ang mga taong mahal na mahal mo." Nataranta ako sandali. Yes, angel ako. Pero hindi ko forte ang magcomfort. All my life as an angel, magsundo lang ng kaluluwa ang naging trabaho ko. No. Minsan pala, umiba ako ng "misyon". Ginawa ko ang trabaho ng isang `tulad ni Cashile kahit alam kong bawal at hindi dapat. Iniligtas ko mula sa kamatayan ang isang batang nakatakda na sanang mamatay at nakatakdang maging misyon ko. Five years old lang yata ang batang babaeng ibinigay sa akin ni Arkanghel Azrael na misyon ko noon. Sunduin ko raw ang kaluluwa niya pagkatapos mamatay sa hit and run. Pero napaaga ang pagdating ko. Five minutes bago mangyari ang aksidente, nakita ko na ang batang hinahabol ang kaniyang alagang tuta na patawid ng kalsada, kasama ang isang babae. And I don't know kung bakit bigla kong nakalimutan ang misyon ko nang mga oras na `yon. Kung bakit imbes na hintayin ang "tamang oras", dali-dali kong nilapitan at kinoberan ang bata nang makitang masasagaan na siya ng malaking truck. `Buti na lang at hindi ako nahuli ng dating. Pumailalim lang kami sa sasakyan. Kahit si Arkanghel Azrael, sobrang nagulat sa pangyayari. Sa sobrang tiwala niya sa akin, hindi niya iyon napaghandaan. Naging kampante siya sa bansag kong "most loyal Kerrier". At iyon ang pinakaunang beses na sinira ko ang sariling misyon ko. Hindi niya ako nagamitan ng Succionare. Kaya ang nangyari, nabuhay ang bata. Alam kong may nakatakdang kaparusahan sa ginawa ko kaya hindi na ako nagulat nang ikulong nila ako sa miracle cage for ten years, sa panahon naming mga anghel, isa sa pangalawa sa pinakamataas na parusang natatanggap naming mga anghel. Ang miracle cage ay isang natatanging kulungan para sa sa sino mang mabababang anghel na nangingialam sa batas ng langit at kalikasan. Dahil sa matagal na pagkakakulong, unti-unting nababawasan ang memorya naming mga anghel. At iyon ang dahilan kung bakit hindi ko na maalala ang eksaktong pangalan at mukha ng batang iniligtas ko noon. Pati na rin ang eksaktong lugar ng pinangyarihan. Kaya kahit gustuhin ko man siyang kamustahin noon nang makalabas ako ng miracle cage, hindi ko nagawa. Sa tagal ng panahon, siguradong malaki na siya ngayon. "Ang hirap din palang mag-pretend na perfect ka. K-ka... kahit ang totoo, kulang na kulang ka," umiiyak uli na sabi ni Rhian na kumuha ng atensiyon ko. Lalong nadurog ang espiritwal na puso ko. " Ni hindi ko alam kung saan ko uumpisahang hanapin ang parents kong umabandona sa akin, kung saan ko unang aalamin ang totoong ako. Kung saan ko kukunin `yong biglang kulang na atensiyon at pagmamahal sa akin ng adopted parents ko. Kasi, simula nang malaman kong ampon lang nila ako, lahat ng binibigay nila sa akin, hindi na nagiging enough. Laging may kulang, laging may sablay. Kahit ang totoo, sila ang pinaka-perfect parents para sa akin." Pinunasan ni Rhian ng sariling daliri ang nga luhang walang tigil sa pagtulo. Gustong-gusto kong ako ang gumawa niyon. Pero paano? Ni wala akong pisikal na kamay? Hindi ko alam kung kaya ba ng liwanag ko na pawiin `yon? "I was on the verge of giving up when I met The Royalties. From the very beginning, alam ko ng mali ang rules and regulations ng grupo. Kinaiinisan ko nga sila noong una akong pumasok sa GWU. Against na against sa mga inaaral ko sa simbahan ang mga ginagawa nila. Lalo na `yong pagiging mapagmataas. Iyong kelangang mang-apak ng iba para lang tingalain ng lahat at manatili sa grupo." Sa kabila ng luhaang mga mata, napangiti si Rhian. "Pero aksidenteng nakilala ko si Azalea. Super bait niya. Tinulungan niya akong iangat ang sarili. That time kasi, unti-unti na akong nade-depress. Ipinakilala niya ako sa leader namin na si Annaliese at sa ibang members. Binuo nila ako ulit. Pinunan nila ang bawat kulang sa buhay ko. Kahit papaano, `pag kasama ko sila at nasa GWU ako, nakakalimutan ko ang problema ko. Hanggang sa unti-unti kong niyakap ang rules and regulations ng The Riyalties. Ang mga mali noon sa paningin ko, naging tama. Hanggang sa namalayan ko na lang din, na mas mahal ko na ang The Royalties kesa sa buhay na meron ako noon." "Hindi kaya naging unfair ka sa adopted parents mo?" Finally, nakahanap rin ako ng tamang salita na isasagot kay Rhian. Parang bigla, lumabas sa akin ang natural na pagiging anghel. "Ginawa mo silang rason sa malaki at maling pagbabago sa buhay mo nang hindi nila alam? Sa ginawa mo, hindi ba, parang kagaya ka na rin nila? Nagsisinungaling ka na rin." Pagalit na pinunasan ni Rhian ng dalawang kamay ang namamasang mga mata saka matalim na tumingin sa akin "You know what? Kung hindi lang din naman kita kakampi, mabuti pang umalis ka na. Hindi lang sana kita pinansin pa. Werdo!" I touched her hand. At kitang-kita ko kung paano pumitlag si Rhian na para bang napaso. And I don't know kung bakit parang gan'on din ang naramdaman ko. Feeling na naramdaman ko na noong una ko siyang hawakan. "To be honest, hindi ako magaling mag-advise or mag-comfort ng tao. Hindi ako ang anghel na mas kilala niyo. But for sure, mahal ka ng parents mo sa paraan na alam nila. Kung paanong minamahal tayo ng Diyos sa sariling paraan Niya. Alam mo naman `yon... `di ba, minsan ka na Niyang naging "servant"?" "Hindi naman ako galit kay God. Nagtatampo lang. Kasi, hinayaan Niya na mangyari ang lahat ng ito sa akin." Nakairap pa ring sagot ni Rhian. "Kahit kina Mom and Dad. Hindi ko makokonsider na galit ang nararamdaman ko sa kanila. Kasi, alam mo kung saan ako mas nagagalit? Sa biological parents ko. Sa mga walang kuwentang umabandona o nagpamigay sa akin na parang laruan." "Kahit ang tunay na mga magulang mo, siguradong mahal ka nila. May mga bagay lang sigurong nangyari noon na hindi nila kontrolado. Kaya nangyari ang lahat ng ito sa'yo." "Hindi mo alam ang sinasabi mo, Ehran. Kasi hindi ka tao. Wala kang alam sa buhay namin," puno ng sarkasmo na sagot ni Rhian. "Mas lalong wala kang alam sa paghihirap kasi anghel ka. Masuwerte ka dahil ginawa ka ng Diyos na puro sarap lang ang nararamdaman at nararanasan." "No," mariing tanggi ko. "Paano mong nasasabi ang lahat ng `yan? Akala ko ba nagtuturo ka ng Bible? Bakit hindi mo alam na ginawa kami ng Diyos para pagsilbihan kayong mga tao? Dapat alam mo rin na maraming mga anghel ang tumalikod sa Diyos dahil sa inggit nila sa mga tao? Dahil sa pag-aakalang mas mahal kayo ni Ama? Hindi ba't mas masuwerte ka sa akin kasi bukod sa Diyos, may mga magulang kang nagmamahal sa'yo? You are loved and blessed more than you ever know, Rhian." Hindi ko alam kung paano lumabas sa bibig ko ang mga salitang `yon. May feeling lang ako na iyon ang kelangang marinig ni Rhian ng mga oras na `to. Dahil bigla siyang tumahimik. Mukhang handa na siyang makinig ulit sa akin. "Sa klase ng trabaho ko, nalaman ko na sa buhay ninyong mga tao, isa ang oras sa pinakaimportanteng bagay dito sa mundo," pagpapatuloy ko. Sinamantala ko ang pananahimik ni Rhian. "Sa bawat kaluluwang sinusundo ko, puro iyak at pagsisisi mula sa mga mahal nila sa buhay ang naririnig ko. Na kesyo sana raw ay ginawa na lang nila ang ganito, gan'on, noong nabubuhay pa ang mahal nila. Na mung puwede lang daw nilang ibalik ang oras..." Tinapik ko ulit siya sa kamay. "Hihintayin mo pa bang sunduin ko ang parents mo bago mo makita ang kahalagahan nila?" Bahagyang gumalaw ang kamay ni Rhian at dahan-dahang nag-angat ng ulo. Malambot na ang ekespresyon ng mukha niya nang humarap sa akin. Bagaman nakabakas doon ang matinding pag-aalala. "H-hindi mo pa naman sila susunduin `agad, `di ba?" Kabadong tanong niya. Umiling ako. "Tagasundo lang ako, Rhian. Hindi ako ang may hawak ng buhay ng tao. Pero kung ako sa'yo, ayusin mo na ang lahat ng ito bago pa mahuli ang lahat. After all, ikaw lang naman ang nagpapahirap sa sarili mo, eh. Paano mo nga naman mahahanap ang totoong ikaw kung hindi mo kakausapin ang adopted parents mo? 'Di ba?Malay mo, alam nila kung saan ka nanggaling. Kung sino ba talaga ang mga totoong magulang mo." Sa pagkabigla ko, niyakap ako ni Rhian. Na para bang katulad lang niya ako na may pisikal na katawan din. Patawarin ako ng Diyos. Pero ang yakap yata na ito ni Rhian ang pinakamasarap na feeling na naranasan ko. Wala ng iba pa. "I totally believe in you now, Ehran. Anghel ka nga. Kakaibang anghel. Kasi, binigyan mo ng liwanag ang isip ko. T-tama ka. Kung kinompronta ko lang `agad noon sina Mom and Dad, baka nasabi na nila ang lahat sa akin. Hindi siguro ako mahihirapan ng ganito," humihikbing sabi ni Rhian. "Thank you, Ehran... thank you. Promise. Makikipag-ayos na ako kina Mommy at Daddy. Basta huwag mo muna silang sunduin, ha?" Natatawa kong ginusot ang buhok niya. Walang salitang lumabas sa bibig ko. Hindi ako makapaniwalang may kakayahan din pala akong mag-comfort ng mortal. And promise. Kung gaano kagaan ang nararamdaman ngayon ni Rhian, doble niyon ang sa akin. Feeling ko, daig ko pa ang nakalutang ulit sa ulap sa Numina ng mga sandaling ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD