Kabanata 33 MALAKAS siyang napaungol nang bigla siyang tapikin ni Leo sa kanyang balikat. "Langya ka Val! Kaya pala hirap mong masabi sa akin kung sino iyang babaeng nakakasama mo dahil si Miss Castillano pala iyon!" litanya pa nito. "Sorry kung hindi ko masabi sa iyo agad. Baka kasi ayaw niya," paliwanag naman niya. "Sus! Ayos lang. Grabe! Hindi lang talaga ako makapaniwalang magiging malapit kayo sa isa't isa. Ni hindi ko nga nahulaan na matagal mo na pala siyang kilala." "Nagkataon lang iyon Leo. Aksidente lang lahat ang mga pagkikita namin hanggang sa iyon na nga at naging kaibigan ko na siya." Malakas naman siyang tinawanan nito. "Kaibigan ba talaga o ka ibigan?" Napaismid naman siya. "Loko! Malabong mangyari 'yon! Sinabi ko na sa iyo, napakalayo ng estado namin sa buha