Kabanata 55 Bumuntong-hininga siya. Kahit talaga sa ganitong bagay ay hindi niya maitago kay Leo ang totoo. "Naguguluhan na ako," pag-amin niya at inilapag ang tasa sa ibabaw ng mesa. "Saan ka ba naguguluhan? Kay Amara?" "Well, speaking of Amara, nag-usap kami kanina. Mukhang tama ka nga dahil hindi pa nga nag-mo-move on si Amara," aniya sabay pakawala ng malalim na hininga. "What? Nagkita ba kayo?" Tumango naman siya. "Actually, after nang mangyari iyong pang-iiskandalo ni Amara ay napagplanohan ko na talaga ang kausapin siya pero naunahan niya ako. She blackmail me kaya napilitan din akong makipagkita sa kanya kanina. Gusto ko nga sana na huwag muna ngayong araw pero nagpumilit siya kaya wala na akong nagawa." "Then?" "She begged me Leo. Gusto niyang bumalik kami sa dati. Sa