Chapter 7

2859 Words
KUMUYOM na nga ang kamao ni Saber at habang nakasalag ang isa niyang bisig sa suntok ni Hram ay doon naman siya humakbang ng isa pa nang wala man lang alinlangang nararamdaman. Pinakawalan nga niya ang isang left straight punch na unti-unting ikinangisi ni Hram sapagkat mukhang isang malakas na indibidwal nga talaga ang nadala ng ama niya rito. Hangin nga lamang ang tinamaan ni Saber nang mabilis na tumalon pataas si Hram. Siya na ang umatras dahil mukhang hindi na niya dapat pa itong paglaruan kahit na ito ay isang bulag. Kumawala nga rin ang isang malakas na pwersa mula sa suntok ng lalaking bulag na ikinaseryoso naman ng mga nanonood sa nagaganap na iyon. “Mahal na Eternity! Gumalaw po ang strength meter niya sa pagsuntok na iyon,” sabi ng isa sa mga nakaputi na busy sa pagpindot sa keyboard ng kanyang computer. “Ano ang lumabas?” seryosong tanong naman ni Gladius na seryosong nakatingin sa loob, sa battle area ng palapag na ito. “Normal level lang po… Mukhang hindi po ganoon kalakas ang pwersa noon,” sagot pa nga noon. “Pero bakit iniwasan pa iyon ni Master Hram?” sabi naman ng isa na nagpaseryoso naman lalo sa panonood ni Gladius. “Normal level? Sigurado pa ba kayang tama ang nasasagap ng sensors ng battle area na ito?” isip-isip pa nga ni Gladius na bigla na lang napatingin sa tabi niya nang isa pang nakaputi ang lumapit sa kanya na may dalang malapad na transparent pad. “Narito na po ang ipinapahanap ninyong info tungkol sa lalaking dinala ninyo rito,” wika nito na agad ngang pinindot ang screen ng gadget na iyon na tanging sa hangin lamang makikita. Seryoso nga iyong tiningnan ni Gladius at parang ayaw niyang paniwalaan na Sediments nga talaga ang batang iyon. Nakita nga rin niya sa impormasyong nasa harapan niya na hindi pa ito bulag noon. Napaseryoso nga si Gladius dahil doon. Kung iisipin, dating nakakakita ang batang ito, pero bakit tila sanay na sanay na raw ito sa paligid kahit pa wala na itong paningin. Isa pa, bata pa ito at ang pagsasanay nang walang nakikita ay maraming taon ang kakailanganin. Sinubukan nga rin niyang alamin mula sa hawak na gadget ng kanyang alagad kung kailan lang ito nabulag at nang makita niya ito ay napaseryoso na lamang siya. “Ilang taon pa lamang mula nang mabulag siya… Limang taon? Posible bang ganito kabilis na nag-adjust ang kanyang pakiramdam sa nasa paligid niya? Hmmm… Mukhang interesante talaga ang batang ito… Kaso, tingnan natin kung makakatakas ka sa kamatayan mo mula sa dalawa kong anak na iyan. Diyan mo pa lang talaga ako tuluyang mapapahanga,” wika pa nga sa sarili ni Gladius na may mga tanong sa isip ang bigla na lang pumasok sa kanya. Napakatagal na niyang nabubuhay at parang ngayon lang siya naka-encounterng ganitong klaseng pangyayari. “Tingnan natin… Kung may espesyal ba talaga sa Sediment na ito,” wika pa nga ni Gladius at pinaalis na nga niya ang lalaking nakasuot ng puti na nasa kanyang tabi. Pinag-ekis na nga ng Eternity na ito ang kanyang dalawang braso sa harapan ng kanyang dibdib at doon na nga niya seryosong pinagmasdan ang nagaganap sa loob ng battle arena na nasa kanyang harapan. Samantala, mula naman sa loob ng battle field ay makikitang lumapag na sa hindi kalayuan si Hram. Ngayon nga ay pinapalagutok niya nang bahagya ang kanyang leeg sa pamamagitan nga marahang paggalaw sa kanyang ulo. Kailangan na nga raw niyang magseryoso dahil mukhang hindi naman talaga magdadala ng mahinang indibidwal ang ama niya rito. Napatingin nga rin siya kay Sato sa hindi kalayuan. “Malakas ang isang ito… Huwag na tayong maglaro,” sabi nga ni Hram at ang kapatid nga niya ay napaseryoso nang marinig iyon. May batayan ang kanyang kapatid, at nakita rin ng mga mata niya na hindi sinwerte sa paggalaw ang lalaking lalabanan nila. Isa man itong bulag, pero mukhang ito nga ang dahilan kaya ito nakarating ng Main City; Dahil isa itong pambihirang nilalang ng Faladis. “Game na!” bulalas nga ni Hram at naramdaman naman kaagad ni Saber na lumakas ang presensya ng lalaking nilalabanan niya. Mukhang seseryosohin na raw siya nito… Subalit sa kabila noon, wala man lang kahit anong emosyon ang mababakas sa kanya. Parang isang normal na senaryo lang ito para kay Saber. Inihanda lang niya ang kanyang sarili at nang maglaho na sa kinatatayuan niya ang kanyang kalaban ay doon na siya nakaramdam ng napakasakit na pakiramdam mula sa kanyang sikmura. Isang mabilis na pagsuntok ang ginawa ni Hram at nagawa na niyang mahuli ang bulag na kanyang nilalabanan. May pwersa pa na dumiretso sa likod ni Saber at kasunod nga rin noon ay ang pagbulusok ng kanyang manipis na katawan palayo. Nakangising pinagmasdan ni Hram ang bulag na iyon. Nakakuyom pa rin nga ang kanyang kamao at makikita nga rin na umuusok na ang katawan niya nang mga sandaling ito. Umiinit na rin nang umiinit ang temperatura niya. Ito ang kanyang superhuman ability na namana niya mula sa ama niyang Eternity. Sa sandaling uminit ang kanyang buong katawan, hudyat na rin ito ng pagtaas ng kanyang lakas at bilis. Si Sato nga na kanyang kapatid ay napangisi na lamang sa ginawa ng kuya niya. Talagang sineryoso na nito ang bulag na iyon. Malakas din nga ang ginawa ng kanyang kapatid at natitiyak niyang hindi basta-basta makakabangon ang lalaking sinuntok nito nang ganoon kabilis. Bumangga naman ang tumapon katawan ni Saber sa matigas na harang ng lugar na iyon. Pagkatapos nga, ay nahulog na lamang siya nang padapa sa lupa. Ramdam ng buo niyang katawan ang solidong tama noon. Naramdaman din nga niya ang pagkalapnos ng kanyang sando at kahit nakakaramdam siya ng sakit mula roon ay wala man lang anumang pagbabago ang emosyon sa kanyang mukha. Masakit ang tamang iyon, ngunit mabilis na bumangon ang binatang si Saber na ikinaseryoso naman ng lahat ng nakakakita at pati na rin sina Hram at Sato. Bumuntong-hininga si Saber at hinaplos ang kanyang sikmura na namula. Makikita nga rin ang bilog na butas sa kanyang damit. Pinakiramdaman nga niya ang kanyang sarili, at wala naman daw nagbago sa kanya. Kaya pa rin daw niyang lumaban at kahit na ganito ang kanyang pangangatawan ay alam naman niyang napakatibay niya kagaya nga ng sinabi sa kanya ng matandang tumulong sa kanya noon. “Hindi basta-basta ang katawan mo… Maaring isa kang failure sa iba… Ngunit kakaiba kang superhuman.” “Kapalit ng napaka-overpowered mong kapangyarihan ay ang pagkawala ng emosyon mo. Iyon nga lang ang bagay na tinanggal din sa iyo ng eksperimentong ginawa ko…” “Okay lang po iyon, para hindi na ako makaramdam ng lungkot. Para hindi na ko makaramdam ng sakit mula sa mga nang-aalipusta sa akin sa dati kong buhay…” wika naman ng Saber na kasama ng isang matanda. Kasalukuyang umiiyak ang binatang iyon habang naaalala kung gaano kasaklap ang mundong kinalakihan niya bilang isang Sediment. “Wala rin pong problema kung pati ang paningin ko ay mawala… Ayaw ko na ring makita ang mga mukha ng mga taong pinagtatawanan ako. Isa pa, wala naman akong nakikitang maganda sa mundong ito. Kaya tama lang po na iyon ang mangyari sa akin.” “Sa oras na magawa ko ang misyon ko… Ayos na iyon sa akin. Ang importante, bago ako mawala, ay nagkaroon naman ako ng silbi sa mundong ito,” winika nga noon ni Saber sa kanyang sarili. Ito ay matapos niyang tanggapin ang misyong ibinigay sa kanya ng matandang tinulungan siya. MULING nakatayo si Saber at ikinaseryoso naman ito ng magkapatid. Inisip kasi nila na nabali ang buto nito sa likod dahil sa pwersang kasama ng kamao ni Hram. Subalit mukhang nagkamali sila, o baka raw, tinitiis lang ng lalaking iyon ang pinsalang nakuha nito. “Kuya, mukhang nakayanan niya ang suntok mo ah,” wika nga ni Sato at makikita nga na umuusok na nga lalo ang katawan ni Hram. Bahagya ngang kumawala sa katawan nito ang napakainit na singaw na naging dahilan para lumayo rito ang kanyang kapatid. “Pinapahanga ako ng isang ito ah,” wika ni Hram at si Sato naman ay napangisi nang makitang itinaas na lalo ng kanyang kapatid ang antas ng abilidad nito. Mukhang gagawin na nito ang ipinagawa sa kanila ng ama nila. “Gusto ko rin sanang masubukan siya, kaso, mukhang papatayin mo na siya… Kaya sige,” sabi na lamang ni Sato na inayos na ang kanyang sarili dahil lalabas na sila pagkatapos nito. Napatingin pa nga siya sa mga nanonood sa labas at nag-thumbs-up pa siya sa mga ito. Kasabay rin nga noon ay ang paglalaho ni Hram sa kanyang tabi. Doon na nga nayanig ang paligid at kumawala ang isang napakalakas na hangin. Kalmado lang nga na naglalakad si Sato papunta sa magbubukas daw na entrada ng battle area na ito. Alam kasi niya na papatayin na raw ng kanyang kapatid ang lalaking isinama ng kanyang ama. Napa-iling pa nga siya nang tumama sa likod niya ang napakalakas na pwersa at nang nasa tapat na siya ng pintuan ay bigla na lang siyang nakarinig ng malakas na sigaw na tila nahihirapan dahil sa labis na sakit. Nanlaki ang mata ni Sato, dahil kilala niya ang boses na pinagmulan noon. Mabilis siyang lumingon sa kanyang likuran at doon na nga siya nagulantang sapagkat nakita niya si Hram na dumapa habang nakahawak sa sikmura nito. “A-ano’ng nangyari?” takadong tanong ni Sato na napatingin sa lalaking ngayon ay nakatayo sa harapan ng kanyang kapatid. Hawak na nga ng lalaking iyon ang buhok ng kanyang kapatid dahil iniangat nito ito habang humihiyaw sa labis na sakit. Mula naman nga sa labas ng battle area, makikitang lahat ng nakaputing alagad ni Gladius ay natulala na lamang sa kanilang nasaksihan. Napakabilis naman kasi ng pangyayari, ni hindi nga raw na-detect ng kanilang sensor ang mabilis na pagbabago ng kilos at lakas ng lalaking sinama ng kanilang panginoon. Napakuyom naman si Gladius habang seryosong nakatingin sa batang dinala niya. Nakita niya sa monitor ng computer ang pagbabago ng lakas at bilis nito, ngunit napakabilis din noong bumalik sa normal. Ni hindi niya nakita kung ano ang rurok ng pinakawalang lakas ng binata. Basta ang sigurado siya, may natatagong napakalakas na kapangyarihan ang lalaking iyon na talagang hindi kapani-paniwala. “Kailangan kong mapag-eksperimentuhan ang isang ito…” sabi ni Gladius sa sarili at habang pinagmamasdan niya ang bulag ay parang napakakalmado pa rin nito. Wala siyang maramdamang galit dito o inis para sa kanyang mga anak. Kahit nga hawak nito ang buhok ni Hram ay parang napaka-normal lang ng presensya nito. “Para siyang isang robot… Walang emosyon.” Samantala, wala na ngang nagawa si Hram kundi ang mainis sa ginawa sa kanya ng lalaking humawak sa kanyang buhok. Hindi nga niya alam ang nangyari. Ang tanging naaalala niya ay masusuntok na sana niya ito sa mukha, nang nabigla na lang siya nang may napakatigas na bagay ang tumama sa kanyang sikmura. Labis na sakit ang dulot noon at sigurado siya, may nabali rin na buto sa likod niya na hindi maganda sa sitwasyon niya kung papatagalin pa niya ito. “Paano ako nasuntok ng isang ito? Paano rin siya naka-iwas gayong bulag siya?” inis na tanong ni Hram sa kanyang sarili at mabilis niyang inalis ang kamay ng lalaking iyon sa buhok niya sa pamamagitan ng maliksing pagtalon palayo. Nakatayo muli siya pero damang-dama niya ang kanyang hirap sa paghinga na sinamahan pa ng labis na hapdi sa kaloob-looban niya. “Sato! Tulungan mo ako! Kailangang mapatay natin ang isang ito,” sigaw ni Hram at napakabilis nga na lumitaw ang kapatid niya sa kanyang tabi. “A-ayos ka lang ba kuya?” tanong ni Sato nang makitang maraming dugo ang lumalabas mula sa bunganga ng kapatid niya. Hindi nga niya alam kung ano ang nangyari dahil nakatalikod siya kanina, pero sigurado naman siyang may ginawang kung ano ang lalaking kalaban nito. Napatingin nga si Sato kay Saber at napaseryoso siya dahil wala man lang siyang maramdamang kahit na anong reaksyon sa mukha nito. Parang napakanormal lang ng dating nito at parang wala itong alinlangan sa anumang naisin nitong gawin. Dito na nga niya ibinaba ang kanyang shades na suot at doon na nga nagliwanag ang kanyang mga mata. Gagamitan niya ang bulag na ito ng isang malayuang atake, at dahil sa napakabilis ng laser na magmumula sa mga mata niya ay napaka-imposible raw na maiwasan ito ng isang tulad nito. Nang kumawala na nga ang atake ni Sato ay doon na nga sumabog ang kinatatayuan ni Saber nang direktang bumulusok sa kanya iyon. Nayanig nang malakas ang paligid at nabalot ng usok ang bahaging kinatatayuan ng lalaking bulag. Makikita ngang nakakuyom ng kamao si Sato at gusto niyang masiguro na napatay na nga niya ang lalaking iyon. Dito nga ay nagpakawala siya ng malakas na pwersa na naging dahilan upang mapayid ng hangin ang usok na bumalot sa kanilang harapan. Tumambad nga sa kanilang dalawa ang malaking uka ng lupa, ito na nga ang kanina’y kinatatayuan ng kanilang kalaban. “H-hindi siya tinamaan! Walang dugo man lang na natapon sa lupa!” bulalas ni Sato na mabilis na hinanap ang kalaban nilang bulag sa paligid. Si Hram naman ay nagpakawala ng napakainit na singaw sa katawan. Kayang-kaya pa raw niyang lumaban at hindi siya makakapayag na hindi makakabawi sa kalaban nila. Isa pa, anak daw sila ng King of Fire at nakakahiya para sa kanila kung matatalo sila ng mababang uri ng nilalang dito sa Faladis. Subalit hindi nila makita si Saber. “Saan nagpunta iyon?” bulalas ni Sato na mas lalong naging alerto sa nagaganap na ito. Si Hram nga ay mabilis na inobserbahan ang singaw na kumalat sa paligid. Ito ay upang makita niya kung may hindi pangkaraniwang paggalaw rito. “Mukhang tayo ang pinaglalaruan ng isang iyon ah,” naiinis na wika ni Hram na napahawak pa nga saglit sa kanyang sikmura na bigla na namang kumirot. Si Gladius naman ay pasimpleng napakuyom ng palad nang makita kung nasaan ang bulag na binata. Hindi niya maisip na ang isang Sediment ay magagawa ito. Walang kaalam-alam ang dalawa niyang anak na ang hinahanap nila ay wala sa ibaba, kundi… nasa itaas ito at kasalukuyang lumulutang. “Tanging mga taga-Main City lang ang may abilidad na makalipad… Kaya paano ka natuto niyan?” tanong na nga lang ni Gladius sa kanyang sarili at napatingin na nga lang siya sa kanyang dalawang anak. Mukhang may napakalaking agwat mula sa mga ito ang kapangyarihan ng lalaking dinala niya rito. Alam niyang malalakas sina Sato at Hram, subalit hindi ang mga ito ang pinakakamalalakas dito sa Main City. Napatingala na nga lang bigla ang magkapatid nang may maramdaman silang paparating. Doon na nga sila napaseryoso dahil lumapag nang dahan-dahan sa harapan nila ang bulag na lalaki at nang pagmasdan nila ito ay doon na nga sumabog ang napakaraming dugo mula sa bunganga nila. Makikita nga na naglaho si Saber sa kinatatayuan nito at ito nga ay nasa pagitan na ng dalawang magkapatid na halos iluwa na ang lahat ng nasa loob nila dahil sa sabay na suntok na natamo nila sa kanilang mga sikmura. “A-ang b-bilis n-niya k-kuya,” naibulalas pa nga ni Sato na pinipilit na tingnan ang lalaking nasa tabi lang nilang dalawa. Kaso, nang babawian nga niya ito ay bigla na lang silang nakaramdam ng napakatigas na bagay na tumama sa mga ulo nila mula sa itaas. Napakabilis ng mga pangyayari at makikita nga ng mga nasa labas na ang bulag na si Saber ay mabilis na binigyan ng pababang sipa ang magkapatid na anak ni Gladius na naging dahilan upang kumawala ang napakalakas na hangin mula sa loob. Kasabay nga rin nito ay ang pagsubsob ng mukha ng dalawa sa lupa at ang pagyanig ng paligid dahil doon. Duguang bumulagta ang magkapatid at makikitang bumubula ang bibig nila ng dugo. Ang kanila ring mga mata ay umulwa dahil sa tindi ng sipa na tumama sa ibabaw ng kanilang mga bungo. Kalmado naman ngang lumapag si Saber sa likuran ng dalawang lalaking iyon. Walang kaemo-emosyon ang binata na walang anumang reaksyon na humarap sa kawalan. Nag-aagaw-buhay na ang magkapatid at kung hindi sila makukuha ay mamamatay kaagad ang mga ito dahil sa tamang iyon. Tulalang-tulala na nga lang ang mga nakaputing indibidwal dahil sa kanilang nasaksihan. “Sina Master Sato at Hram, tulungan ninyo! Nasa kritikal sila!” bulalas ng isa, subalit nang kikilos na sila ay bigla na lang silang natigilan nang makaramdam sila ng napakalakas na enerhiyang parang tutunawin sila kapag sila ay humakbang pa ng isa. “Hayaan na ninyo ang dalawang iyon… Hindi ko na rin sila kailangan,” nakangising wika nga ni Gladius na masayang-masaya habang pinagmamasdan ang nakatalikod na binatang si Saber. “Gusto ko ang ginawa ng isang ito… Kailangang mapag-aralan ko ang dugo na mayroon siya… Kailangang madala ko siya sa pribadong pasilidad sa loob,” wika pa nga sa sarili ng King of Fire na parang nagliliyab ang enerhiya dahil sa sayang naramdaman nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD