Bigla napakamot sa kanyang mukha si Cassania at nakangiti parin ako nitong tinignan at biglang pumasok nalang sa silid ni Zen at kaagad na inilibot ang kanyang paningin at sumandal sa pinto na nakabukas. “Matatagalan pa si Zen kaya sumama ka nalang muna sa akin marami pa akung ipapakita sayo kaya sumama kana, hindi naman kita pababayaan,” nakangiti nitong saad na parang kinukuha niya talaga ang aking loob habang sinasabi niya ang mga salitang iyon. “Magtiwala ka sa akin hindi kita sasaktan,” ako naman ngayon ang malalim na napabuntong hininga kasi wala na akung magagawa at kanina pa naman ako nakakulonng lang dito at hindi na ako lumalabas. Marami na kasi ang pumapasok sa isipan ko lalo na ang trabaho ko doon sa kabilang mundo baka kung ano na ang isipin ng aking editor doon at publishing