Mahigpit kung hinawakan ang kamay ni Zen at mukhang nahalata niya iyon kaya mabilis siyang napatingin sa akin at kaagad naman itong ngumiti at nakita ko kung paano mang-hanga ang mata ng kanyang mga magulang ng makita nila ang kanilang anak na ngayon ay nakangiti na mismo sa aking harapan. Bakit parang gulat na gulat talaga sila ng makita ang ngiti ng kanilang anak, hindi lang siguro sila sanay na nakikita nilang nakangiti ang baliw nilang anak. Pero bumalik sa aking utak na baka iwan nga talaga ako ni Zen dito na ayaw ko naman kasi baka kung ano na naman ang mangyari sa akin. “Nikini meet my parents,” biglang saad nito kaya bumalik naman ang aking mata sa kanyang mga magulang na nakangiti sa akin at nandito parin ang palaisipan sa aking utak kung bakit ganito nalang nila ako batiin dito