---------- ***Third Person’s POV*** - Kuyom na kuyom ang kamao ni Erickson, nasa loob s’ya ng kanyang kotse na nakaparada sa labas ng gate ng bahay ng pinsan n’yang si Draeven. Mula sa kung nasaan man s’ya ngayon, kitang- kita n’ya sina Myla at Draeven na tila masayang nag- uusap. Gusto sana n’yang komprontahin si Myla dahil sa ginawa nito kay Alodia pero napag- alaman n’ya ang nangyari kay Hera kaya hinayaan muna n’ya ito. Alam n’yang masyado itong nasaktan sa pagkawala ng itinuring nitong bestfriend. Pero pakiramdam n’ya sinamantala nito ang pagkakataon, madalas itong pumupunta sa bahay ni Draeven, at hindi n’ya alam kung ano ang ginagawa nito sa bahay ng pinsan n’ya. Nakita din n'ya na pinupuntahan nito si Draeven sa bar kung saan naglalasing ang pinsan nya. Pakiramdam n’ya sinama