---------- ***Myla’s POV*** - “Myla ija, kailangan mo ba talagang umalis, hindi na ba talaga kita mapipigilan?” tanong sa akin ni maam Eleanor, nakahanda na ang mga gamit ko para pag- alis ko. Nasa loob kami ng hotel room na pansamantala kong tinitirhan, s’ya ang nagdala sa akin dito. Pagmamay- ari ng kakilala n’ya ang hotel na ito. Nakatingin s’ya sa mga gamit ko na nakahanda na dahil aalis na talaga ako. Babalik na ako doon sa Cebu pero doon na ako maninirahan sa kung nasaan ang beach resort na iniwan ni Hera sa akin dahil sa plano ko itong e- manage at palaguin. “Opo, maam Eleanor, salamat sa lahat.” Nakangiti kong sabi sa kanya. Nakakatitig sya sa akin. Nakikita ko sa mga mata n’ya na ayaw n’ya akong umalis. At alam ko naman kung bakit--- ayaw nyang malayo sa apo n’ya. Alam n’ya