-------- ***Third Person’s POV*** - Humigpit naman ang hawak ni Erickson sa manibela ng kotse. Agad syang pumasok sa loob ng kotse n’ya nang nakalayo na ang taxi sinasakyan ni Myla. Kung umaapoy lang ang titig n’ya, baka nasusunog na ang taxi sinasakyan nito. Pakiramdam n’ya, naisahan s’ya ni Myla at naapakan nito ang ego n’ya. Kaya galit na galit talaga sya. Akala ba n’ya mahal s’ya nito pero hindi man lamang magawa nitong ibaba ang sarili para sa kanya. At mukhang nagugustuhan pa nito ang atensyon na ibinigay ng mga lalaki dito. Banas na banas talaga s’ya. Wala na nga s’yang halos ginagawa sa spare time n’ya kundi ang sundan lamang si Myla. Binabantayan n’ya ito pero hindi man lamang ito nagpasalamat sa kanya. At ewan n’ya kung bakit ba pa n’ya ito ginagawa. Nagi- guilty na nga s’ya