Arrogant Billionaire 4

2097 Words
----------- Title: Ikinulong muli! - ***Third Person's POV*** - "Time of death, approximately 3:00 am to 4:00 am, exactly 2 days ago." ani sa kanya ni Lorie, isa itong medical examiner, ito ang laging nangunguna pag may homicide na nangyayari para suriin ang biktima. Nasa isang abandonadong building ang katawan kaya hindi ito natagpuan agad. Napatitig si Erickson sa patay na babae na may maraming saksak sa katawan. "Ang sanhi ba ng pagkamatay ay dahil sa mga saksak sa katawan?" "Dahil sa maraming saksak sa katawan kaya masasabi kong ito ang sanhi ng pagkamatay but I still have to make a test in the lab, para malaman talaga ang sanhi ng pagkamatay." Napatitig siya sa biktima, pamilyar sa kanya ang mukha nito, hindi niya alam kung saan at kailan niya ito nakita pero sigurado siya na hindi niya ito naging babae kahit isang gabi. Maganda ito at may makurbang katawan. "Makita na ba ang kutsilyong ginamit sa pagsaksak?" tanong niya. "Walang nakitang kutsilyo sa crime scene, nagsagawa ng fingerprints test ang forensic sa buong paligid." ani ni Javi. Pagkatapos nyang suruin ang buong paligid ng crime scene, bumalik din sya agad sa presinto para pag- aralan ang mga impormasyon na na- gather nila tungkol sa biktima. "Victim name is Sheryl Herminio, 25 years old, dating stripper sa isang nightclub, soon to be bride, galing nga ito sa isang hen party na isinagawa ng mga kaibigan nito sa Solar Hotel room 495 ng gabi iyon sa pagpaslang." Solar Hotel? Room 495? Ngayon na nya napagtanto kung saan nya nakita ang biktima. Kasama ito ng asawa ng pinsan nyang si Draeven sa party na ni- raid nya 2 days ago, kung saan nya nakita ang babaeng hanggang ngayon, nagpapakulo pa rin ng dugo nya pag maalala niya. Naging busy sila sa araw na ito sa kaso, may mga naging person of interest na rin sila at nagsagawa na sila ng interview sa mga ito. Pero pakiramdam nya, wala sa mga ito ang tunay na salarin, lahat ng mga ito ay may valid na rason para masabing hindi ang mga ito ang pumatay. "What are you going to do now?" tanong sa kanya ni Troy, ka- team nya ito. Detective din ito. "I think I'm going to make a visit sa club na pinagtatrabahuan ng biktima." aniya habang isinuot nya ang jacket niya. His long day is done na naman, pero ganitong may sini- solve siyang kaso, hindi nya magawang magpahinga. "You guys, kung hindi kayo magpapahinga ngayong gabi, why not tracing sa mga tinawagan ng victim before the crime to know some information. Baka may kaaway ang biktima na hindi natin nalalaman. You know, investigate deeper, behind the closet." "Hey, bakit sa amin mo ibinibigay ang mga boring na trabaho at ikaw papunta- punta lang club." reklamo ni Javi pero natatawa naman ito. Javi and Troy, they gather evidence, interview witnesses, follow up on leads, and build the case against suspects. Habang siya naman, he coordinates the overall investigative efforts, make strategic decisions, and ensure that all aspects of the case are addressed. Pero may mga pagkakataon na gumagawa din siya ng sarili nyang imbestigasyon. "Pwede naman kayong sumama sa akin kung hindi kayo takot sa mga asawa ninyo." natatawa din nyang sabi. "Yah, it's better for you to do that, mas sanay ka sa mga lugar na ganyan." Ginawa nga nya ang plano nya, pumunta siya sa night club na dating pinagtatrabahuan ng biktima, umaasa siya na may makikita syang lead sa lugar. Baka may nakaaway ito o taong galit na galit dito na pwedeng maging suspect, kahit sino na may motive para patayin ang biktima. Nakaupo siya sa may counter area, habang hawak nya ang isang kopita na may laman alak. Maraming babae ang nagpapansin sa kanya, ngitian lang nya ang mga ito pero wala syang panahon sa mga ito ngayon. Iba ang rason niya kung bakit nandito siya sa nightclub, nandito siya para sa sekreto niyang imbestigasyon. This is a secret dahil bawal itong ginagawa niya. Pwede naman syang pumunta sa mga ganitong lugar kung off duty sya pero pag related sa case, bawal ito dahil wala syang utos mula sa superior niya. That's why he has to act naturally. Mayamaya lang umaalingawngaw ang isang sexy na musika, at mula sa backstage, lumabas ang isang sexy babae. Wala sana sa plano niya na pansinin ito dahil iba ang dahilan kaya nandito siya pero kilala nya ang babaeng lumabas at nagsimula nang sumayaw. Walang iba kundi ang babaeng laging nagpapakulo sa dugo niya sa tuwing maalala niya. Mula nang nakita nya ito ay hindi na siya nakatulog ng maayos. Laman ng isip nya lagi ang pulang panty nito. Damn it! Para na syang naging man*ac dahil sa babaeng ito. He couldn't tear his eyes away from her every time she moved to the rhythm of the music. His body immediately responded, heating up, and he began to perspire. As she started to remove the fabric that concealed her body, he felt an undeniable stirring in his loins, his manhood hardening with every second. He found himself ordering drink after drink, the alcohol burning down his throat, but even that couldn't distract him from the mesmerizing sight before him. The woman he loathed was now the center of his attention, dancing provocatively on the stage. It was as if she was deliberately trying to seduce him, and he was helplessly falling under her spell. There was something about her, an allure that he couldn't resist, even though every fiber of his being told him he shouldn't be feeling this way. Sure, he had a reputation for being a womanizer, but never had a woman captivated him so intensely. And to think, this wasn't just any woman – she was the one he resented, and a stripper no less. The irony was not lost on him, and yet, he couldn't deny the primal attraction that drew him to her like a moth to a flame. Nababanas sya sa naramdaman niya. Kailangan magamot ang pagnanasa na naramdaman niya. Sigurado sya na isang gabi lang ang kailangan nya sa babaeng ito at maalis na ito sa sistema nya. Lalaki siya at inaamin nya na pinagnanasaan nya ito. -------- Nanlaki ang mga mata ani Myla nang nakita ang lalaking gusto siyang e- booked sa red room, walang iba kundi ang kinamumuhian niyang lalaki. Ang hudas. Ang animal. Ang pesteng yawa. Ang lalaking nagnakaw sa first kiss niya. Walang iba kundi ang aroganteng police. Anong ginagawa ng hudyo na ito dito? Diba, bawal ang mga police dito? Mas lalo syang nakaramdam ng galit nang kumindat pa sa kanya ang gago. Ang sarap talaga nitong tirisin na parang pigsa. “Tanggapin mo na ang offer. Kahit magkano daw?” bulong sa kanya ni Farah. Kahit milyon pa ang offer nang hudas na ito, wala siyang pakialam. Hindi siya kailanman papasok sa red room, alam niya kung ano ang ginagawa ng isang customer sa pina- booked ng mga ito sa red room. Wala sa plano niyang mawasak ang pakwan niya sa gabing ito, at worst, sa aroganteng pulis pa na ito. Kahit bayaran pa sya ng 20 million, never nyang----- pag- iisipan muna nya. Kaya naman siguro nyang pagtiisan ang aroganteng bilyonaryong pulis na ito. Pero hindi muna siya bibigay. Maglaway muna ito sa kanya. Alam naman nya kung bakit gusto siyang ipasok nito sa red room, pinagnanasaan siya ng aroganteng ito. “No. Thanks.” Nakangiting sabi nya kay Farah. “Are you sure?” paniniguro nito. “Yes.” Tinaasan niya ng kilay ang lalaking hinampak. Ngumisi pa siya, yong nakakairitang ngisi para inisin ito bago nya ito tinalikuran. Ang nakakalokong ngiti nito sa kanya ay bigla nalang nabura at halatang na bad- trip na naman ito sa kanya. Ang sarap talagang inisin ng gagong ito. Ano kaya ang ginagawa ng pulis na ito dito? Sinusundan kaya siya nito? Sabi na nga ba nya pinagnanasaan siya ng lalaking ito. Ang lakas ng loob ng lalaking ito para magpakita sa kanya. Kasalukuyan siyang naghihintay ng taxi, alas 2 na ng madaling araw, at wala nang masasakyan jeep kaya nagtitiis siyang sumakay ng taxi kahit pa napakamahal ng pamasahe nito. Mahigit sa isang daan peso ang pamasahe ng taxi, samantalang 20 pesos lang sa jeep. Nanlaki ang mga mata niya nang may huminto na isang mamahaling kotse sa bungad niya. At mula sa kotse, lumabas ang kinaiinisan nyang lalaki. “Sumakay ka!” pautos na sabi nito sa kanya na ikinaawang ng labi niya sandali. “Ano? At sino ka para utusan ako?” pagalit na sabi niya dito nang tuluyang nag- sink- in sa isip nya ang ginawang pag- uutos nito sa kanya. Hindi ito nagsasalita, bagkus, humakbang ito palapit sa kanya. Hindi niya napaghandaan ang gagawin nito dahil sa mabilis na kilos nito, pabigla siyang kinarga nito at walang kahirap- hirap na ipinasok siya nito sa loob ng kotse nito. Mabilis din itong nakapasok sa loob ng kotse. “Gago, ano bang problema mo? Palabasin mo ako dito?” nagwawala sya, pinilit nyang buksan ang pinto ng kotse pero hindi nya ito mabuksan. “Shut up. You've really exhausted my patience, woman.” “Ayusin mo yang mga salita mo, animal ka. Wag ka ngang English ng English.” Nanggagalaiti nyang sabi. Talagang nakakairita ang lalaking ito. “I've never had a woman turn me down before. You're the first, and do you know how frustrating that is? At sino ka ba sa inakala mo? You are just a stripper. Kung makatanggi ka sa akin, para kang v*rgin, na parang hindi ka naghuhubad sa harapan ng maraming lalaki.” Naikuyom niya ang kamao sa narinig niya. Naniningkit ang mga mata niya na nakatingin dito. Hindi ito ang unang beses na may nagsabi sa kanya ng ganito pero ito ang unang beses na nagalit siya ng sobra, pakiramdam nya, iniinsulto sya nito. “Gago ka pala! Palabasin mo nga ako dito sa loob ng kotse mo. Hindi kita inaano dyan. Bweset ka! Kung ano man problema mo, problema mo yan. Bweset ka! Hinampak kang lalaki ka!” Nagwawala na naman siya, pinilit na naman nyang makalabas. Sinipa- sipa pa niya ang pinto ng kotse nito. Sayang nga lang hindi madumi ang talampakan ng suot nyang sandal. Kung alam niya lang na tatangayin sya ng hinampak na ito at ikukulong sya nito dito sa loob ng kotse nito, sana tinapakan nalang niya ang nakita nyang tae kanina. "Stop making a scene and getting my car dirty. Do you have any idea how expensive it is to get this car cleaned? For me, it's just coin, but for you, your earnings from one night of work wouldn't even cover it." Halos nag- close open ang ilong niya na napatingin dito. Sobrang talim ng titig niya dito. Hindi naman siya masyadong mangmang pagdating sa english. Naintindihan naman nya ito kahit papaano. Matalino syang estudyante. Kaya lang, hindi niya masyadong naintindihan ito dahil sa mabilis itong magsalita at parang kinakain nito minsan ang words nito, na parang sa isang foreigner. At hindi naman siya ganun kagaling sa english para maintindihan ito agad. Laging nagko- loading ang isip nya dahil dito. "Hoy hinampak na lalaki, palabasin mo nga ako dito sa loob ng kotse mo. Bakit ba gustong- gusto mo akong ikulong ha? Nung una, sa selda, ngayon naman sa kotse mo. Ano bang problema mo? Bweset ka talaga! At wag mo nga akong ini- english dahil hindi ako alien katulad mo. Wala akong panahon para saktan ang utak ko sa pag- intindi sa mga sinasabi mo. Panay english mo dyan! Bweset ka!" "Wag mo akong minumura. Ikaw lang ang babaeng naglakas loob na murahin ako. Alam mo ba----" "Wala akong pakialam. Ano bang kailangan mo sa akin? Diretsuhin mo nga ako. Pero kung katawan ko ang kailangan mo. Maglaway ka ng maglaway, hindi kita type. Hindi mo ako makukuha." Umigting ang panga nito. Tumalim din ang titig nito sa kanya. Pero ngumisi din ito kalaunan. Kaya napakunot ang noo niya. "I couldn't care less if you're not interested in me. What matters is what I want. I'm used to getting everything I set my sights on, and right now, that includes you. Whether you like it or not, you're going to be mine." Napanganga siya. God! Sabi na ba nya, may problema sa utak ang mga Montenegro, maliban kay Draeven at sa kapatid nito, patunay na rin ang hinampak na ito. Talagang ang crush nya lang na si Denver ang normal sa mga Montenegro. Ang ang hudas na ito na nasa harapan niya, ito ang pinakabaliw sa lahat.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD