Arrogant Billionaire 5

2091 Words
Title: Release! - ***Myla's POV*** - "Saan mo ba ako dadalhin? Pambihira ka talaga gago ka, gusto ko nang magpahinga. Pagod na pagod na ako! Bakit mo ba ako ginugulo ha? Bweset ka talaga!" nanggagalaiti ko na naman na sabi. Hindi ko alam kung saan nya ako dadalhin. Ang gusto ko lang naman ay matulog. Pagod na ako at inaantok na rin. "Ang gusto ko lang ay magkaroon ng tahimik na tulog. Inaantok na ako, hinampak ka talaga." reklamo ko. "Then, matulog ka." "Ano?" laking mata siya. "Nahihibang ka na ba? Ang gusto ko lang ay ang makauwi na sa apartment ko para makapagpahinga na ako. Iyan lang ang gusto ko hinampak ka!" frustrated na ako. "Fine. Ihahatid na kita sa apartment mo. Tumahimik ka na dyan, naririndi na ang tenga ko sa kasasatsat mo. If I were you, matulog ka muna, gigisingin nalang kita pag nakarating na tayo sa apartment mo." "Bakit, alam mo ba kung nasaan ang apartment ko?" "Don't worry, I have my ways, baby!" Napataas ang kilay ko. "Hindi baby ang pangalan ko, gago! Myla ang pangalan ko." "Hindi mo ako pwedeng utusan, I can call you whatever I want too." "Fine. Tawagin mo ako na baby. At tatawagin naman kitang hinampak." pataray na sabi ko dito. Saka ako napa- reckline sa inuupuan ko. Kailangan kong tumahimik at ikalma ang aking isip. Iisipin ko nalang na ibang Montenegro ang kasama ko ngayon, iisipin ko nalang na ang kasama ko ay ang crush kong si Denver Montenegro, at hindi ang police gago na ito. Ipinikit ko ang mga mata ko, hindi para matulog kundi para e- divert ang isip ko at iisipin ko na si Denver ito. Never akong matutulog sa kotse ng police na ito, baka may masamang gawin pa sa akin ang hinampak na pulis na ito. Hitsura pa lang nito ay hindi na mapagkakatiwalaan. Kailangan kong maging alerto sa lahat ng oras pag kasama ko ng lalaking ito dahil sa wala talaga akong tiwala dito. Kaya hindi ako matutulog. Never akong matutulog. A few minutes later.... Para akong nakalutang sa ulap. Hindi ko alam kung ano ang nangyayari sa akin, nanaginip na yata ako. Parang kinarga ako ng kung sino, ramdam ko kasi ang matitipunong braso na syang may hawak sa akin. At hindi ko maintindihan ang pakiramdam ko, gustong- gusto ko ang naramdaman ko sa sandaling ito. Gusto ko man ibuka ang mga mata ko pero hindi ko magawa, tila ako nagayuma sa napakabangong amoy na naamoy ko, na alam kong amoy ng taong kumarga sa akin. God, ang lalaki na kayang ito ang Prince Charming ko. Erase! Erase! Wala pala akong Prince Charming. Wala pala sa bokabularyo ko ang magpakatanga sa pag- ibig. Wala akong tiwala sa mga lalaki kaya hindi totoo ang Prince Charming. Gawa- gawa lang yan ng mga taong walang magawa sa buhay. Fiction lang ang mga Prince Charming. Hindi totoong mga tao. Tama. Ito dapat ang ipasok ko sa isip ko para hindi ako magpakamaling umibig. Mayamaya lang, naramdaman ko ang isang napakalambot na parang kutson sa likod ko. Ngayon ko lang naranasan ang makahiga sa ganito kalambot na kutson. Kaya mas lalong nawalan ako ng lakas ng loob para ibuka ang mga mata ko. Ang sarap naman kasi sa pakiramdam ng kutson na ito, nakaka- relax ng sobra. Parang ayaw ko munang magising, parang gusto ko munang managinip na nakahiga ako sa isang malambot na kutson. Nagising ako dahil sa bahagyang liwanag na pumapasok dito sa kwarto na namulatan ko. Teka--- mabilis akong napabangon at napaupo. God, kaninong kwarto ba ito? Hindi naman ito ang kwarto ko sa apartment ko. Ang laki din ng kwartong ito, mas malaki pa kaysa buong apartment ko. Bahagya kong sinurvey ang sarili ko sa ilalim ng malaking kumot at ganun nalang ang pagkagimbal ko nang napagtanto ko na isang malaking T- shirt na ang suot ko ngayon. Naramdaman ko pa naman na may suot akong panty at wala naman masakit sa akin, kaya v*rgin pa siguro ako. Ewan ko. Hindi ko alam kung ano ang maramdaman ng babaeng hindi na v*gin. Sabi sa akin ng mga kakilala ko, masakit at masarap daw. Wala naman masakit sa akin, masarap lang dahil ang sarap ng tulog ko sa malambot na kama na hinihigaan ko. Mayamaya lang, napatingin ako sa isang pinto nang narinig ko na may magbubukas nito at mula doon iniluwa ang kinaiinisan kong lalaki, walang iba kundi si hinampak. Wala akong pakialam sa pangalan nya dahil hinampak ang itatawag ko sa kanya. Nanlaki ang mga mata ko habang nakatingin kay hinampak na walang suot sa itaas na bahagi ng katawan kaya pinagpyestahan ng mga mata ko ang kanyang naninigas na abs. Hindi naman ito ang unang beses na nakakita ako ng lalaking topless pero kung maka- react ang isip ko ngayon, parang ngayon pa nagka- polusyon ang inosente kong isip. Iba kasi ang pakiramdam ko ngayon, parang may kung anong nabuhay sa akin. Nauuhaw yata ako bigla, nag- iinit ang lalamunan ko na parang-----No! Hindi ko dapat pagnanasaan si hinampak. Hinamig ko ang sarili ko. Kailangan kong magbalik sa mundo ng mga normal. "Walang hiya ka! Bakit ako nandito?" singhal ko sa kanya. Binato ko siya ng masamang tingin. "Ahmm-- because I brought you here." papilosopong sagot niya. "Hoy Hinampak!Talagang hinampak ka. Sagutin mo ako ng maayos. Bakit ako nandito?" Pinilit kong wag mapahagod ng tingin sa kanyang halos perpekto na katawan. "C'mon, hindi mo na kailangan mahiya. Pwede mo naman hagurin ng tingin ang katawan. You don't need to look away for me not to notice that you're really enjoying the view in front of you. What's the problem? Nag- iinit ka ba habang pinagpyestahan ng mga mata mo ang perpekto kong katawan." Ano raw? Aba, ang kapal! Kahit medyo tumama ito, ang kapal pa rin ng mukha nito. "Excuse me!" laking mata kong sambit. Halos lumabas ang eyeball ko mula sa socket nito sa sobrang panlalaki ng mga mata ko. "For your information, walang interesting sa katawan. Katulad ka lang naman ng mga ordinaryong tao na nakakasalamuha ko araw- araw. Walang special sayo kaya wag kang umasta na parang ang perfect mo na." tinaasan ko sya ng kilay. "Really?" isang pilyong ngiti ang kumurba sa sulok ng labi niya. "So, I am not perfect?" "Oo. At marami kang kapintasan." "Okay." patango- tango pa siya. "Ano ang mga kapintasan ko kung ganun? Wag mong idamay ang ugali ko kasi naka- base iyon sa panghuhusga mo sa akin. Magpokus ka sa perpekto kong hitsura." Ang kapal ng mukha! Kasing kapal ng aspalto! Sigurado naman ako na maraming kapintasan ang hinampak na ito. Kailangan ko lang itong titigan para makita ko kung ano ang kapintas- pintas nito maliban sa ugali nito. Maganda ang porma ng mukha nito, lalaking lalaki. Maganda din ang tila laging nangungusap at nang- aakit na mga mata nito, may makapal ito na kilay pero tamang- tama ang porma. Matangos at pointed ang ilong nito at napaka- kissable ng lips nito, sa madaling salita, perpekto para sa akin ang mukha nito. "O hindi ka makapagsalita dyan, wala ka talagang makikita na pangit sa akin." nakangisi ito. Mas lalo akong naiinis. Kailangan kong makakita ng kapintas- pintas dito para mabawasan ang ka-preskuhan nito. "Maghintay ka nga! Bigyan mo ako ng ilang segundo." pagalit kong sabi. "Okay. Take your time. But believe me, mas madali pang hanapin ang x sa math problem kaysa hanapan ako ng ekis." "Tsk!" Wala sa mukha, sa katawan naman ako naghahanap, ang broad naman ang chest nya, halatang nag wo- work- out siya at ang sarap haplusin ng mga pandesal sa katawan niya. Ang gandang pagmasdan ng mga pino- pinong balahibo mula sa dibdib nya pababa hanggang sa natatabunan na ito ng tuwalya. Ang ganda ng katawan ng hinampak na ito, parang isang masterpiece ng isang magaling na manghuhulma at-----No! Ano ba ang kapintasan nya. Kailangan kong makakita nang pwedeng maipintas sa kanya. Sigurado naman ako na may maipintas sa kanya maliban sa ugali niya. "O ano na? Giving up already?" Giving up? No! Kailangan may--- napangiti ako nang may naisip ako. "No! Sa totoo lang, nakita ko na nga ang kapintas- pintas sayo." nakalolokong ngiti ang pinakawalan ko. "Really? Then, what is it?" "Ahmmm--- maliit ang ano mo." walang pang- alinglangan kong sagot. "Ano?" kunot- noo siya."Anong maliit ang ano ko?" "Ang ano mo." hindi ko kayang sabihin kaya napatingin nalang ako sa tinutukoy ko. Hindi ko naman talaga nakikita ang tinutukoy ko dahil sa natatabunan ito ng tuwalya. At kaya tinakpan ito ng tuwalya ng man*ac na hudas na ito dahil sa maliit ito. Nasundan naman nito kung saan nakatingin ang mga mata ko. "What the f*ck!" galit na sambit nito. "Talagang ginagalit mo ako babae ka." "Oh, wag ka naman magalit agad. Natumpak ko diba?" ngumisi ako. Yong ngisi na may halong pang- iinis. "Let me guess--- 4 inches?" "Myla!" galit na sambit niya. Pero hindi ako natatakot sa kanya. "Mali ba ako? Mas maliit ba? 3 inches? 2 inches?!" "Stop that! Damn it!" parang puputok na siya sa galit. Lihim akong nagbunyi nang halos hindi na maiguhit ang mukha nya sa sobrang pagkabanas. "Ang pikon mo naman. Para kang may regla. Sorry, para lang yan sa mga tunay na babae na katulad ko. Hanggang pangarap mo lang yan." "You! You---- gonna pay for this." Malalaki ang hakbang nito papunta sa kama, at bago pa man ako makapag- isip sa kung ano ang gagawin nya sa akin, mabilis nya akong naitulak pahiga muli at segundo lang nakapatong na sya sa akin. "A- Ano ang gagawin mo sa akin?" ako na naman ang kinakabahan. "Natatakot ka ba? Gusto ko lang ipatikim sayo ang sinasabi mong maliit. Don't worry, pagkatapos ng gagawin ko sayo, buhay ka pa rin naman kaya lang hindi ka makakalakad ng ilang araw. 'Cause I won't stop until you beg me to stop." Aniya na nagdulot ng kilabot sa akin. Pabigla nyang siniil ng halik ang labi ko. Nanlaki ang mga mata ko sa pagkagulat. Iba ang halik nito sa ginawa nya sa akin nung una, parang gusto nya akong kainin, napakapusok ng halik nya. At hindi ko nagugustuhan ito, pero para naman nakikiliti ang katawan ko dahil sa paglapat ng balat nya sa akin. At ano itong tila malaki na naramdaman ko sa legs ko. Ang laki nito at sobrang tigas na parang tinusok- tusok ang legs ko. Ayaw kong isipin kung ano ito, baka ma- eskandalo ang utak ko. Nagpupumiglas ako. Hindi ko isusuko ang lupang sinilangan ko sa kanya. Pero kahit anong pagwawala ko para makawala ako mula sa kanya, hindi ko talaga kayang tapatan ang lakas niya. Masyadong akong kinakabahan at--- My God! Umutot ba ako sa sobrang kaba na naramdaman ko? Gosh! Nakakahiya! Kailangan na niyang tumigil bago pa niya maamoy ang baho ng utot ko. Pero hindi naman ako siguro kung umutot ba ako. Pero kailangan ko pa rin makawala. "Bitawan mo ako!" matatag kong sabi sa kanya. "F*rcing a woman is an act of r*pe. Are you going to r*pe me?" Napahinto naman ito. At napatitig sa akin. "What the hell!" aniya at mabilis na umalis sa ibabaw ko. Habol ang hininga niya at matalim syang nakatingin sa akin. "Sh*t! I need to release!" aniya na ikinakunot ng noo ko. Patakbo itong bumalik sa banyo. Awang labi ako na nasundan ito ng tingin. Release? So ibig sabihin, hindi ako ang umutot kanina, kundi ang hinampak na yon. At kaya ito nagmamadali papunta sa banyo dahil natatae na ito. Nakahinga ako ng maluwag. Akala ko pa naman ako ang umutot. ----- "F*ck, kailangan kong ilabas ito. I can't believe that I have to do this, releasing on my own." banas na banas na pagkakasabi ni Erickson. His d*ck is f*cking hard. He holds it at nagsimula na sya sa ritmo nya habang ini- imagine ang nakakainis na babae para mailabas nya ang kailangan nyang ilabas bago pa sya magkasala. ------- (Back to Myla) - Mayamaya lang, lumabas na ang hinampak mula sa banyo.Nakasuot na ito ng roba at mukhang tapos na itong tumae. "Saan ang damit ko? Uuwi na ako." agad kong sabi sa kanya. Kahit pa malambot ang kama nya pero kailangan ko nang umalis baka tuluyan na niyang mabiyak ang pakwan ko. "No. You will stay here. Naka- detain ka." "What?" laking mata na naman ako. "Naka- detain ako sayo. Anong karapatan mo para gawin yan." "I am a police investigator, and I am on a case. You are one of my suspect kaya karapatan kong e- detain ka." Suspect? Ano bang pinagsasabi nya?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD