Arrogant Billionaire 3

1686 Words
------- ***Third Person's POV*** - "Walang hiya ka! Bastos! Arogante! Palabasin mo ako. Bw*set ka!" Banas na banas na si Erickson, halos mabibingi na siya sa babaeng ikinulong niya sa selda. Hindi pa ba ito napapagod sa kakasigaw sa kanya at sa pagtawag sa kanya ng kung ano't ano? Hindi na nya napigilan at ikinulong nya ito para sana matakot ito at manahimik ito pero mas lalo itong nagsisigaw at halos nagwawala na sa loob ng selda. Kung bakit naman kasi naisip pa nyang dalhin ang babaeng ito sa presinto. Kung alam lang nya na kung ano't- ano ang kahihiyan na mararanasan niya dahil sa walang prenong bibig nito, baka iniwan na niya ito. Sa totoo lang, naloko siya ng gago n'yang pinsan. Ne- raid nya kasama ng ilang kasamahan ang venue ng party kung saan nanggaling ang nakakainis na babaeng nagwawala ngayon sa loob ng selda. Dahil sa sinabi ng pinsan nya na may drug daw ang party pero wala naman silang na- recover. Kailangan pa n'yang kausapin ang pinsan niya, pakiramdam niya niloko lang siya nito. Aminado s'yang hindi siya masyadong seryoso sa ilang bagay, babaero din siya pero pagdating sa trabaho nya bilang police investigator, talagang sini- seryoso niya ito ng sobra. Nag- iisang anak siya ng mga magulang niya pero tinalikuran niya ang pamamahala ng negosyo ng pamilya niya para sa pangarap n'yang maging police. Galing siya sa angkan Montenegro na kilala bilang isa sa pinakamayamang angkan ng bansa. At talaga naman bilyonaryo ang pamilya niya. Meron syang ibang mga businesses pero may ibang tao syang pinagkakatiwalaan para e- manage ang mga ito. Bilang isang police investigator, bawal sa kanya ang mag- manage ng isang negosyo, dapat ang buong dedikasyon niya ay sa trabaho lang niya pero pwede s'yang magkaroon ng sariling business pero hindi dapat sya ang nagmanage sa mga ito. "Hoy tukmol, kung dili gani ko nimo pagawsun diri karon dayun, ipabarang jud tika buanga ka!" sigaw na naman nito sa kanya na hindi niya maintindihan. (--- kung hindi mo ako palalabasin dito ngayon, ipapakulam kita, baliw ka.) God! Sumasakit ang ulo niya dito. Hindi niya maintindihan minsan ang mga sinasabi nito pero alam niya kung ano ang dialect na ginagamit nito. At dahil hindi niya maintindihan ang mga sinasabi nito kaya hindi niya mapigilan isipin na baka isinumpa sya nito. "Hoy, bingi ka ba? Hudas! Palabasin mo ako dito! Pesteng yawa ka talaga! Pag ako makalabas dito, talagang gagawin ko ang sinabi ko. Hayop ka! Bakla! Bakla! Pumapatol ng babae. Bakla! Bweset!" sunod- sunod na naman na sambit nito. Her voice was deafening, and despite his intention to ignore her, he found it impossible due to her relentless shouting. He was on the night shift, trying to focus on studying the case he was investigating, pero hindi siya makapag- concentrate dahil sa babaeng ito na parang ipinaglihi ang bibig sa puwet ng inahing manok, putak ng putak. Her presence was incredibly irritating, making it nearly impossible for him to concentrate on his work. Tumayo siya at lumapit siya sa selda kung saan niya ito ikinulong. Sinadya niyang malapit lang ito sa kanya para mabantayan niya ito. Sabog na ang buhok nito at wala na sa ayos ang make up nito pero mas lalo naman gumanda sa paningin nya ang babaeng ito. In fact, her face reminds of him of someone, kaya nga siguro, hindi nya magawang pabayaan nalang ito kanina na pinagsisihan naman niya. Sana iniwan na lang talaga niya ito. "Miss, can you shut up! Naririndi na ako sa boses mo." "Wala akong pakialam. Palabasin mo ako dito, hudas!" galit na sambit nito. Matalim ang titig nito sa kanya. "Siguro, may gusto ka sa akin kaya mo ako dinala dito at kaya mo ako ikinulong dito kahit wala akong kasalanan ay dahil sa gusto mo akong makasama. Para sabihin ko sayo, hindi kita type, lalo pa at isa kang Montenegro. At saka failed ka sa standard ko, mataas ang standard ko sa mga lalaki at failed ka doon. At hindi ka guapo sa paningin. Isa ka ngang bakla sa paningin ko dahil pumapatol ka ng babae." God! Jesus Christ! Paano nyo po naisip na lumikha ng ganitong klaseng babae? Lahat ng lumalabas sa labi nito ay walang katuturan. Imbes na magpasalamat sa kanya dahil sa hindi ito napahamak, iniinsulto pa siya nito. "Listen to this woman--- pag hindi ka tatahimik dyan, talagang tatahiin ko yang bibig mo. I’ve been patient with you for a while now, and my patience has its limits. You’re fortunate that I’m on duty at the moment because if I weren’t, I might have already used my usual method to get you to quiet down. Well, not exactly quiet down," he smirked. "Given how loud you are, you’d probably still be making noise, moaning my name again and again. You might lie in my bed right now while I am ravishing you." Inaasahan na niya na mumurahin na naman siya nito dahil sa sinabi niya dito. Na nangyari nga sa ibang dahilan. "Bweset ka. Wag mo akong ini- english. Alam kong kaya mo ako ini- english para malilibog ako sayo." Napanganga siya sandali sa sinabi nito. Sabi na nga ba nya, kaya ito nagkaganito dahil sa nagpapapansin lang ito sa kanya. "Sabi ko na nga ba, may gusto ka sa akin." nakangisi n'yang sabi, hinagod pa nya ito ng tingin. "Maganda ka naman kahit papaano, sexy ka din naman, pwede naman kitang pagtiyagaan." Alam niyang nasa duty siya pero nakakairita ang babaeng ito. "Hoy aroganteng lalaki, kung ako kaya mong pagtiyagaan, pwes ako-- hindi! Kung papipiliin ako-- ikaw o ginamos, walang pagdadalawang isip, ginamos ang pipiliin ko, busog pa ako. Mukhang mas lami pa kaysa nimo ang ginamos, gago." (lami-- masarap) Hindi niya alam kung ano ang sinabi nitong ginamos pero naintindihan naman nya ang ibig sabihin nito. Ngumisi siya. "Miss, at talagang itinatanggi mo pa ha! Nahuli ko na nga ang katotohanan na nalilibugan ka sa akin sa mismong bibig mo. Tumanggi ka pa. C'mon, aminin mo nang may gusto ka sa akin. Hindi naman ikaw ang unang babae na aamin sa akin. Halos lahat ng babaeng nakakasalamuha ko ay nagkakagusto sa akin at isa ka na sa mga iyon." "A- Anong sabi mo?"nakapamaywang ito, at taas noo. "Nalilibugan ako sayo? Ang kapal din ng mukha mo! Kasing kapal ba yang ng aspalto ha?" Hindi na siya tumugon sa sinabi nito. Nakangisi lang sya, hindi pa sya nakuntento, kinindatan pa nya ito na ikina- close open yata ng ilong nito. Inis na inis ito sa kanya. Well-- the feeling is mutual. "Inspector Montenegro, inaaway mo na naman si Miss Beautiful." nakangising sabi ng kasamahan n'yang pulis, galing ito sa labas, nagkakape. "Inamin nya sa akin ngayon lang na may gusto siya sa akin. I don't know what to do with her, masyado s'yang papansin sa akin." nakangisi n'yang sabi. "Hoy hinampak--- " laking matang sambit ng babae. "-- ako may gusto sayo? Paano naman ako magkakagusto sayo? Hindi ako mahilig sa mga lalaking may mabahong hininga kaya nga ako sumusuka kanina pagkatapos mo akong halikan. Dahil ang baho ng hininga mo." Aba! Aba! Nakaka- bad trip talaga ang babaeng ito. Napatawa ang kasamahan n'yang si Javi, isa itong detective na ka- team niya. He is the lead investigator/ detective at meron syang dalawang detectives, si Javi, isang dating sundalo na napasama sa team niya at Troy, na isang dating narcotics detective na napunta sa homicide at napasama sa team niya. He is working kahit gabi na dahil sa hindi madali ang hinahawakan n'yang kaso. Sinamaan niya ng tingin ang kasamahan, napatigil naman ito sa pagtawa. "Bakit hindi mo pag- aralan ang file ng person of interest natin detective Javi, I have a feeling that there is something going on with that man." "Ang sabihin mo, gusto mo lang masolo si Miss Beautiful." nakatawang sabi nito. "You better go asshole!" Natatawa naman humakbang papunta sa mesa nito si Javi. Nagkasukatan naman ang matalim na titig nilang dalawa ng babae. Aminado siya na bawal ang ginagawa niyang pagkukulong dito pero ano ngayon-- madalas naman siyang hindi sumusunod sa protocol. Kung hindi lang siya Montenegro, baka matagal na siyang napaalis sa serbisyo. Meron din kasi siyang sariling paraan, sometimes in rough way, para mapaamin ang mga suspect niya. -------- "At bakit hindi kita ikukulong, huh? Naririndi ako sayo at iniinsulto mo pa ako." ang sabi ng walang hiyang pulis sa kanya na pinsan pala ng walang hiyang asawa ni Hera. Pinuntahan siya nina Hera at Draeven dito sa presinto. Mainit talaga ang ulo niya sa police na ito. Mas mainit ang ulo niya dito kaysa kay Draeven. "Hoy, lalaking mukhang tukmol. Hindi naman talaga kita iinsultuhin kung hindi mo lang akong pinagbalakan na gawan ng kasamaan. At walang hiya ka, hinahalikan mo pa ako. Napakabastos mo talaga!" nanggagalaiti niya sabi. Hindi mawala- wala sa isip niya na ninakaw ng lalaking ito ang first kiss niya. Hinawakan naman ni Hera ang kamay niya para pakalmahin siguro siya. Hindi na siya pinatulan ng aroganteng police at ang pinsan na nito ang hinarap nito. Guilty kasi ito sa ginawa sa kanya. "I regretted na dinala ko pa ang babaeng yan dito, mabuti nga at iuwi nyo na yan. Naririndi na ang tenga ko sa babaeng yan, parang puputok na yong ugat ko sa ulo. I am working for more than 24 hours now, hindi man lamang ako nakaidlip dahil sa ingay ng babaeng yan. Ikulong nyo yang ng maayos, baka makawala pa yan at makaperwisyo na naman ng iba." ani ng gagong pulis at ang gagong pinsan ang kinakausap. Magpinsan nga ang mga ito, parehong gago. "What?" laking mata niyang sambit, naikuyom niya ang kamao sa matinding galit na naramdaman niya. Susugurin sana nya muli ang hambog na pulis pero nagsumamo ang titig ni Hera sa kanya, na parang sinasabi nito na wag na niya itong patulan. Tumahimik siya para sa kaibigan. Baka ma- stress pa ito sa kanya, may sakit pa naman ito. Matalim ang titig niya sa hinampak na pulis. May araw din ito sa kanya. Talagang ipapabarang nya ito. Yong maglalakad ito ng pabaliktad.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD