Arrogant Billionaire 6: Pagtakas!

1995 Words
---------- ***Myla's POV*** - Note: Guys, binago ko nga pala muli ang Prologue, ngayon lang. Ginawa ko syang in- between sa romcom at drama. Pakibasa nalang muli sa interesado, kung hindi pa na- detect, clear cache na lang. - - "Suspect? Baliw ka na ba? Ano bang pinagsasabi mo?" galit kong sabi, tuluyan na akong napaalis mula sa kama. Mabuti nalang at malaki itong T-shirt na suot ko at umabot ito hanggang hita ko. "Ipaliwanag mo nga--- Hoy! Hinampak! Nakikinig ka ba sa akin?" kunot- noo ako. Para kasing hindi siya nakikinig sa akin. Lumakbay kasi ang mga mata niya sa katawan ko at hindi nakatakas sa akin ang paghinto ng mga mata niya sa hita ko. Nagpakawala pa ako ng tatlong palakpak para kunin ang atensyon niya. "I just can't believe that my shirt looks good on you." Imbes matuwa ako sa sinabi nya, mas lalo akong nainis sa katotohanan na siya ang nagbihis sa akin kagabi at malayang pinagpyestahan ng mga mata niya ang katawan ko, pero biglang sumagi sa isip ko na nakita na rin naman nya akong nagsasayaw na halos nakahubad na. So, ano pa ang pagkakaiba? Wala naman---- Wait! Talagang malaki ang pagkakaiba. Nang naisip ko ang pagkakaiba, hindi ko mapigilan ang sarili ko na kunin ang isang unan at ibinato ko ito sa kanya. Nasalo naman niya ang unan bago matamaan ang nakakainis nyang mukha. “What is that for?” kunot- noong tanong niya. “Nagtatanong ka pa? Walang hiya ka, hinuhubaran mo ako.” “Ano ngayon? Anong pagkakaiba nung sa ginawa mong paghuhubad sa club habang nagsasayaw?” Naniningkit ang mga mata ko na nakatingin sa kanya. At nagtatanong pa ang gagong ito! Dapat alam nya dahil isa siya sa nagpapatupad ng batas. “Talagang malaki ang pagkakaiba hinampak ka. Ang ginawa ko sa club ay kagustuhan ko dahil bahagi iyon sa trabaho ko. Ginawa ko yon with my own consent, alam ko ang maging consequences. Pero ang ginawa mo kagabi hinampak, ay wala ang consent ko, you are taking my clothes, seeing my almost naked body na wala akong kaalam- alam dahil sa natutulog ako. Alam mo bang pwede kitang e- reklamo ng s*xual assault o invasion of privacy, dahil ini- exposed mo ang katawan ko habang natutulog ako.” Napanganga siya sa sinabi ko. Gulat ba siya dahil sa alam ko ito? Mr. Trinidad, one of my customers na mahal na mahal ako, hindi bilang babae nito kundi bilang kaibigan at adviser nito is a lawyer at sinabi nya sa akin ang mga karapatan ko kahit isang stripper lang ako. At isa pa, mahilig akong magbasa ng mga novels na may law topic. Pangarap ko talagang maging lawyer nung bata ako na alam kong hindi matutupad kahit pa matalino akong estudyante. “Gulat ka noh!” nakangiwi kong sabi. “Akala mo siguro wala akong alam, mali ka tarantado ka. Ngayon, saan mo itinago ang mga damit ko? Dahil aalis na ako.” Ngumisi siya. “Tulad ng sabi ko, hindi ka makakaalis dahil naka- detain ka. You are one of my suspects of the case that I am holding now.” “Suspect? Wala akong ginawang masama, at bawal itong ginawa mo sa akin.” “Oh, I am sorry baby, but I don’t follow protocol.” Mas lalo akong nainis sa kanya, sobrang talim ng titig ko sa kanya. “Ano bang kaso ko?” “Tungkol sa pagkamatay ng isang dating stripper na kilala mo, Sheryl Herminio, she was----” “What?” nanghihina kong sambit. Tama ba ang rinig ko o dinadaya lang ako ng pandinig ko. “Sheryl is dead?” parang may pumutok na isang bomba sa harapan ko. Sheryl is one of my friends, masaya ako dahil sa wakas mababago na rin ang buhay nito nang isang customer nito ang na- inlove dito. Plano nang magpakasal ng dalawa. Nanghihina ako kaya napaupo ako muli sa kama. Ramdam ko ang pag- iinit ng bawat sulok ng mga mata ko. “Yes, 3 days from now, approximately 3am- 4am ang time of death. She was stab by a knife many times, but the reason of death is the blood clot sa ulo nya dahil sa pagkabagok nito.” Kinalma ko ang sarili ko.Sinong walang puso na gumawa nito sa kaibigan ko? Bakit nagawang patayin nito si Sheryl? Tulad ko, hindi din naging madali ang buhay ni Sheryl kaya naging stripper din ito. Kung kailan may nakikilala na itong lalaki na tanggap ito at mababago na ang buhay nito, tinapos naman ng killer nito ang buhay nito. Nalulungkot ako para sa kaibigan. Pero--- teka lang, ano ngang sinabi niya na isa ako sa mga suspect niya. Nahihibang na talaga ang pulis na ito? “At paano mo ako naging suspect? In case na hindi mo naalala hinampak ka, magkasama tayo ng magdamag sa presinto sa oras na pinatay ang kaibigan ko. Nakalimutan mo na ba na ikinulong mo ako sa selda walang hiya ka!” naniningkit ang mga mata ko na nakatingin sa kanya. “Alam ko. Ano ngayon kung magkasama tayo. I will still detain you.” “I didn’t kill my friend, mahal ko si Sheryl. Now, saan na ang mga damit ko dahil aalis na ako? Masyado mo na akong naperwesyo.” Wala ako sa mood ngayon para makipag- away sa kanya, masyado akong nasaktan sa nalaman ko tungkol sa kaibigan ko. “I will still detain you and walang makapagbabago sa desisyon ko.” “Walang hiya ka! Hindi mo ba nakita na masyado akong nasaktan sa pagkawala ng kaibigan ko? Wala ako sa mood ngayon para makipagbangayan sayo, hinampak ka.” Hindi siya nagsasalita, mariing siyang tumitig sa akin. Sinalubong ko ang titig niya. Desidido ako sa sinabi ko na aalis na talaga ako. “Nope. Ede- detain pa rin kita and there is nothing you can do to change my mind.” Naikuyom ko ang kamao sa sobrang inis. Napakalma na naman ako sa sarili ko. Kung may sakit ako sa puso, sigurado akong kanina pa ako inatake dahil sa kanya. “Walang hiya ka, ginamit mo ang kaso ng kaibigan ko para bwesetin ako. Napaka- unsensitive mo. Selfish and arrogant.” Nanggagalaiti kong sabi. Nakakaloko siyang ngumisi. “So, what now? Are you going to detain me illegally for 24 hours in your house?” “Nope. Sinong nagsabi sayo na 24 hours lang? I think 24 years siguro o baka mahigit hanggang sa kailan ko gusto.” Napanganga ako sa sinabi niya. Saka ako napatayo sa inis nang tuluyang nag- sink- in sa isip ko ang sinabi nya. “God, may sakit ka talaga sa pag- iisip. May sayad ka na!” frustrated kong sambit. Nanatili lang na nakakurba ang pilyong ngiti sa labi nya. “Ibigay mo ngayon din ang mga damit ko. I know my rights hinampak ka. Pakawalan mo na ako bago kita e- reklamo gago ka.” Galit na galit kong sabi. “Wala akong pakialam kung alam mo ang tungkol sa karapatan mo. Ang mahalaga lang naman ay may pera at kapangyarihan ako.” Nakangising sabi niya na ikinapikon ko ng sobra. Nanlilisik ang titig ko sa kanya, pinilit kong kalmahin ang sarili ko na hindi ko magagawa, kaya sa sobrang inis ko sa kanya, lahat ng mahawakan ko ay ibinato ko sa kanya. Umiwas- iwas naman sya sa mga ibinato ko sa kanya. Hanggang sa tumigil na ako dahil sa napapagod na ako. Halos patayin ko na sya sa titig ko. Bweset talaga siya! Ipabarang ko talaga sya pag makauli nako sa Cebu. -------- Maingat ang bawat kilos ko, pinilit kong wag makagawa ng kahit anong ingay nang nakababa na ako dito sa unang palapag ng bahay ng hinampak. Nakita ko siyang nakaupo sa sofa patalikod sa akin at mukhang busy siya sa kung ano ang ginagawa niya. Ito na ang pagkakataon kong makatakas. Ang walang hiya, talagang ginawa ang sinasabi nya na ikukulong niya ako sa loob ng bahay niya. Kailangan kong makaalis. May trabaho pa ako mamayang gabi. Gusto kong tawagan si Hera para sana hihingin ang tulong nito na kunin ako dito sa bahay ng pinsan ng walang hiya nitong asawa pero sa naalala ko, nagbakasyon pala ang dalawa na bahagi pa rin sa huling kahilingan ni Hera dito kaya hindi talaga ako matutulungan ng bestfriend ko. Kaya kailangan kong makatakas sa hinampak na sarili ko lang ang ang inaasahan ko. Maganda itong bahay ng hinampak. Hindi ganun kalaki, tamang- tama lang para sa maliit na pamilya. Ang nagugustuhan ko lang masyado dito ay ang glass wall nito. Talagang pangarap ko ang bahay na glass wall. Isa pa sa kagandahan ng bahay niya ay ang lokasyon nito na malapit sa dagat kaya napaka- presko ng hangin dito. Kitang- kita ko nga ang dagat kanina at parang kumakaway ang malinis na tubig nito sa akin, nakaka- enganyong maligo. Perpekto na sana at gusto ko nalang mananatili dito kung hindi ang baliw na hinampak ang tumangay sa akin. Maingat akong humakbang palapit sa pinto na gawa din sa salamin. Nakabukas naman ito kaya preskong hangin ang pumapasok sa loob. At tamang- tama lang ito para makatakas na ako. Hawak kamay ko na ang tagumpay sa pagtakas ko nang bigla akong nakagawa ng ingay, hindi ko sinasadyang matamaan ang mesa sa pagmamadali ko. Ang sakit ng paa ko sa nangyari pero kailangan kong tiisin ito. "Hey, where are you going?" tanong niya nang napalingon siya sa akin. Hindi ko na siya pinansin. Nagmamadali akong lumabas ng pinto at hindi ko magawang isuot ng bitbit kong sandal sa pagmamadali ko na makatakas sa kanya. At ang bweset talagang hinabol pa ako. "Myla, bumalik ka dito!" Naghahabulan kaming dalawa, napatawa ako nang paglingon ko, nadapa siya, lampa pala ang gagong pulis na ito. Tumakbo pa rin ako, at sinundan pa rin nya ako. Bweset! Saan na ba ang kalsada ng lugar na ito? Walang gate ang mga magagandang bahay na nandito pati na nga ang bahay ng hinampak. Napalingon ako muli, at ganun nalang ang panlalaki ng mga mata ko nang malapit na nya akong maabutan. Ang bilis naman kasing tumakbo ng lalaking ito, mabilis din naman akong tumakbo, runner kaya ako noon. Kailangan kong makatago pero bago ko pa nagawa iyon ay naabutan na ako ng hinampak. "Bitawan mo ako! Bweset ka talaga!" naiirita kong sabi. Pagod at pawisan ako pero hindi man lamang ako nakatakas. "Pinapahirapan mo pa ako. Talagang sakit ka sa ulo ko." "Sakit pala ako sa ulo mo kaya pakawalan mo na ako. Hinampak ka talagang hinampak ka." Hinawakan nya ang braso ko at kinaladkad nya ako. Nagpupumiglas ako para hindi ako makawala sa kanya. "Sumama ka na sa akin ng maayos pabalik sa bahay, Myla." "Ayaw ko." nagpupumiglas ako pilit na kumawala sa kanya. "Bitawan mo ako. Pesteng yawa ka talaga. Alam mo bang nahihirapan ako sa tumang kalisod kanina sa pagtakbo ko pero mahuhuli mo lang pala ako hinampak ka." "Isa!" "Hoy gago, anong akala mo sa akin? Nahadlok og numero? Para sabihin ko sayo, matalino ako sa math." "Dalawa!" "Ako na ang magpapatuloy, tat-----" Tila naiwan sa ere ang sasabihin ko nang isang malaking aso ang humarang sa aming dalawa. Matalim ang titig ng aso sa amin na parang handa kaming kainin ng hinampak. "Please sabihin mo sa akin na aso mo yan." tila pabulong na sabi ko sa hinampak. Napaurong kaming dalawa. "Hindi. Aso yan ng kapitbahay." Tumahol ang malaking aso habang nakatingin sa aming dalawa ng hinampak na pulis saka ito umungol na parang galit. "A- Anong gagawin natin?" tanong ko sa hinampak na nagdadala ng malas sa buhay ko. Malalapa pa yata ako ng aso. Sayang naman ang kagandahan ko. Lord, iligtas nyo po ako! Please, wag nyo pong hahayaan na mamatay akong virgin. sa isip ko pa. "Mukhang mabilis ka naman tumakbo kanina kaya---- takbo!" aniya na tumakbo nga, at nagpatianod ako sa kanya. Bweset, hawak kamay kaming tumakbo ng hinampak habang hinabol kami ng aso.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD