Arrogant Billionaire 1

1722 Words
-----***---- Title: Kilalanin si Myla (May bisaya words ang chapter na ito.) - ***Myla's POV*** - Sipol at sigawan ang mga naririnig ko habang malandi akong sumasayaw. Ang bawat kong galaw ay sumasabay sa malanding tunog ng musika. Habang sumasayaw ako, unting- unti ko naman tinatanggal ang damit ko hanggang sa dalawang saplot nalang ang matitira sa makinis at halos perpektong hugis ng katawan ko. Ako nga pala si Maria Lavinia, Myla ang tawag sa akin ng mga kakilala ko mula ng napunta ako dito pero Lovi talaga ang palayaw ko, at isa akong stripper sa isang malaking night club. Masasabing isa ako sa pinaka- sikat na dance stripper sa nightclub na pinagtatrabahuan ko. Binabalik- balikan kasi ako ng mga customer ko, hindi dahil sa katawan ko kundi dahil sa ibang paraan ko para pagaanin ang loob nila. V*rgin pa talaga ako kahit limang taon na akong dance stripper. Kaya nga tinatawag ko ang sarili ko na 'The Innocent Magdalena'. Pati nga halik ay hindi ko pa naranasan. Wait! Naranasan ko na pala ang mahalikan, may imapkto palang nagnakaw ng 1st kiss ko. Og kung makauli lang ko sa amo, ipabarang ko ang hinampak na yon. (Pag makauwi lang ako sa amin, ipakulam ko talaga ang hudas na iyon) Paano nga ba ako napunta sa ganitong trabaho? Hindi ko talaga masikmuraan ang ganitong trabaho nung una. Halos gabi- gabi akong umiiyak noon. Pero sa tuwing maalala ko ang nakababata kong mga kapatid, sa tuwing maiisip ko na baka wala na silang makakain, sa tuwing humihingi sila sa akin at wala akong maibigay, natagpuan ko nalang ang sarili ko na ginagawa ang bagay na ayaw ko. Ang buong akala nila ay maganda ang trabaho ko dito sa Manila kaya malaki ang ipinapadala ko sa kanila. Hindi nila alam na para akong bayarang babae sa trabaho ko. Hindi maganda ang trabaho ko, ang tingin sa akin ng iba ay isang babae na mababa ang lipad, na isang maruming babae. Pero wala akong magagawa, ito lang ang trabaho na alam kong may malaking kita. Hindi ako nakapagtapos kahit sa high school at limang kapatid ang pinapaaral ko, isa na dito ay nasa kolehiyo. Kahit scholar pa ito pero malaki pa rin ang gastusin sa kolehiyo. Anim kaming magkakapatid at ako ng panganay. Lumaki kami sa isang nananakit na ama at battered na ina. Sabi ng ina ko, mahal daw kami ni tatay, mahal naman talaga kami ng ama ko kung hindi siya lasing. Kaya lang mas madalas pa s'yang lasing kaysa sa hindi. Sinasaktan ng ama ko ng pisikal ang ina ko pag nalalasing ito, samantalang kaming magkakapatid, itinago kami ng ina ko sa isang malaking aparador para hindi kami masaktan ng ama ko. Gusto kong tulungan ang ina ko sa tuwing pinagbuhatan siya ng kamay ng ama ko pero kailangan ko din protektahan ang malilit kong mga kapatid. Hindi ko alam kung kailan nagsimula ang pananakit ng ama ko sa ina ko, basta't namulatan ko lang ito, wala din akong masyadong maalala sa kabataan ko. Pero minsan, napapaginipan ko na masaya naman ang pamilya ko. Kaya masasabi ko na minsan din sigurong naging mabuting ama ang ama ko. Lagi kong sinasabi sa ina ko na iwan na namin ang ama ko pero hindi daw niya ito kayang iwan dahil mahal niya ito. Letseng pagmamahal, kaya ayaw kong magmahal. Ipinangako ko sa sarili ko na hindi ako magkamaling umibig. Hindi ako magiging katulad sa ina ko na nagtitiis sa piling ng ama ko. Nagtitiis ang ina ko sa piling ng ama ko dahil sa pagmamahal niya dito kahit pa sabihin, mahal lang siya nito pag hindi ito lasing. Labing limang taon gulang ako nang nagkasakit ang ama ko, kaya nahinto ako sa pag- aaral. Namatay din ang ama ko ilang buwan mula nang nagkasakit ito. Akala ko makakawala na ang ina ko mula sa ama ko pero na- depress masyado ang ina ko sa pagkamatay ng ama ko, sumunod din agad ang ina ko. Aminado ako na masama ang loob ko, pakiramdam ko mas mahal ng ina ko ang mapanakit kong ama kaysa sa amin mga anak n'ya. Naiwan kami sa pangangalaga ng tita ko na isang baldado, pero may maliit naman itong sari- sari store. Kinupkop kami ng tita ko para hindi lang kami magkakahiwalay na magkakapatid. Pero kailangan kong kumayod, hindi naman kasi kami kayang buhayin ng tita ko dahil sa hindi naman ito makapagtrabaho. Kaya hindi na ako bumalik sa pag- aaral at sa batang edad, kung ano't- ano na ang pinasok ko na trabaho, mabuhay ko lang ang mga kapatid ko. Kaka- eighteen ko lang nung sumama ako sa kapitbahay namin na pumunta dito sa Manila, galing ako sa Balamban Cebu, isang sa mga probinsya ng Cebu. Ang pangako sa akin ng kapitbahay namin ay isang sales lady sa isang mall ang trabaho na naghihintay sa akin pero niloko lang pala ako nito. Sa isang nightclub ako dinala ng kapitbahay namin. Bilang isang waitress sana ang trabaho ko pero dahil sa sadyang maganda ako, matangkad at may makinis na balat, at may talento naman sa pagsasayaw kaya ginawa akong dancer. Pero hindi simpleng dancer lang dahil habang nagsasayaw ako, unting- unti kong huhubarin ang mga takip sa katawan ko. Hanggang sa bra at panty nalang ang matitira nito. Muntikan na akong mapahamak noon, magagahasa sana ako ng isang customer kung hindi lang ako nakatakas. At napunta ako sa club na ito dahil ang nakakita sa akin ay ang may- ari nito. Pinapili ako nito sa kung ano ang trabahong gusto ko, gusto ko sanang maging waitres nalang dahil sa hindi ko kaya ang maghubad. Kaya lang nagkasakit ang kapatid ko at kailangan ko ng malaking pera, kaya pinili ko ang maging stripper dahil sa mas malaki ang kikitain ko sa trabahong ito. Kailangan ko din makaipon ng malaking pera para sa mga kapatid ko. Malaki ang pangarap ko para sa kanila. Gusto ko silang magkaroon ng magandang buhay na malayo sa naging buhay ko. Pag matupad na ng mga kapatid mga pangarap nila, natupad na rin ang pangarap ko. Dahil ang pangarap nila ay ang pangarap ko. Iyak na iyak ako nung una hanggang napagtanto ko na imbes magpapadala ako sa negatibo, pwede kong hanapin ang positibo at gamitin ito para sa kabutihan ko, hindi para sa kapahamakan ko hanggang sa natuto akong makipagsabayan, natuto akong lumaban, at ilang hampas na ng bagyo ang nilabanan kong mag- isa na naging dahilan para mas lalo akong tumatapang. At isa ang ipinangako ko sa sarili ko na kahit ganito man ako pero hindi ako magpapaapi. Walang tao na isinilang para nakatadhana na apihin ko. Sa dami ng pinagdaanan ko mula pa nung bata ako, walang magtatagumpay para pabagsakin ako. Isang palakpakan ang narinig ko pagkatapos kong magsayaw. Malandi muna akong nag- flying kiss sa mga nanonood sa akin saka ako umalis sa dance floor at pumunta ako sa likod ng stage. "Myla, ayaw mo ba talaga ng booking? Malaki ang offer sayo, sinabi ko na kailangan muna kitang makausap." ang sabi sa akin ni mommy Farah, isa siyang bakla at may- ari nitong nightclub na pinagtatrabahuan ko. Siguro, swerte na rin masabi na isang katulad nya ang naging boss ko. Hindi nya pinipilit ang kahit sino na gawin ang ayaw gawin ng mga ito. Ni- respeto nya ang desisyon namin. "Tumatanggap ako ng customer pero hindi sa red room."alam ko kung ano ang nangyayari sa lugar na yon. Kaya kahit gaano kalaki pa ang offer, hindi ko pinapatulan ito. Minsan akong pumatol sa malaking offer ng isang customer pero hindi sa red room kundi para maging escort dito. Hindi ko naman lubos akalain na gagamitin pala ako para pasakitan ang asawa nito. Kaya imbes gagamitin ako nito, nasampal tuloy ako nito. Pero okay lang, naging matalik na kaibigan ko naman ang asawa nito na si Hera. Sandaling panahon pa lang kami nagkakilala ni Hera pero close na close na agad kami. Parang matagal na kaming nagkakilala. Galit na galit naman ako sa asawa nito na si Draeven, naiinis ako sa mga lalaking nanakit ng mga babae. At galit na galit ako sa isipin na plano akong gamitin nito para pasakitan ang asawa nito. Kinalma ko muna ang sarili ko. Naalala ko kasi ang kalagayan ni Hera sa piling ng walang hiyang si Draeven. Naibalik ko naman ang pokus ko kay mommy Farah. "Hindi muna mommy Farah, alam mo naman na ayaw ko sa lugar na yan. At saka kailangan ko pang puntahan si Mr. Trinidad, kanina pa gusto e- table nito." Ani ko dito sa malambing na tinig. "Sayang naman, ang guapo pa naman, actually napakaguapo talaga, sobrang yummy at bata pa. Ikaw talaga ang ne- request. Ang swerte mo. Marami nga ang naiinggit sayo nang nalaman nila ikaw ang type ni Mr. Pogi. Name your price daw at baka doblehin pa nya." Napataas ang kilay ko. "Dili ko niya kayang bayran tungod kay walay katumbas na kwarta ang akong kaputli." nakangisi kong sabi na ikaawang ng labi ni mama Farah, talagang nag- bibisaya ako lalo na't hindi ko gusto ang topic. (Hindi nya ako kayang bayaran dahil walang katumbas na salapi ang pagiging dalisay ko.) "Naku Myla, ayusin mo ang pananalita mo minsan. Naguguluhan ako sa'yo." "Wag mo kasing buksan ang topic tungkol sa red room para hindi ka malilibog (maguguluhan) sa akin." "O my God, lalaki ang gusto ko dae, hindi ako malilibugan sayo kahit gaano ka pa kaganda at ka- sexy." napakunot- noo ako. Ano bang pinagsasabi ng bayot na ito? "Pero tignan natin kung hindi ka ba malilibugan pang makita mo ang nag-request sayo kasi ako kanina pa ako nalilibugan dae." Itinuro nya sa akin ang sinasabi nyang lalaki na nag- request at ganun nalang ang panlalaki ng mga mata ko nang nakita ko kung kinsang hayupa ang iyang gipasabot. (nang nakita ko kung sinong hinayupak ang kanyang tinutukoy) Ang hudas. Ang animal. Ang pesteng yawa. Ang lalaking nagnakaw sa first kiss ko. Walang iba kundi ang aroganteng police. Anong ginagawa ng hudyo na ito dito? Diba, bawal ang mga police dito? Mas lalo akong nakaramdam ng galit nang kumindat pa sa akin ang gago. Ang sarap talaga nyang tirisin na parang pigsa. Please Lord, ayaw ko nang mahinumdom kung paano ko nakaila ang hinampak na yan. (Ayaw ko nang maalala kung paano ko nakilala ang hudas na yan.)
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD