Prologue:

892 Words
-----***----- Masaya siya naglalakad papunta sa kung saan sila magkikita ni Erickson, sinabi nito sa kanya na magkikita sila sa isang restaurant dahil may sasabihin daw sa kanya ito na mahalaga. Kung may sasabihin ito sa kanya na mahalaga, may sasabihin din siya dito. Alam n'yang pangarap ito ni Erickson, pinag- uusapan nga nila ito nung isang araw kahit walang label sa kung anong meron sa kanila. Kaya excited siya sa ibabalita niya dito. Hindi nya alam kung ano ang maging plano ni Erickson pag malaman na nito ang tungkol sa kalagayan niya. Pero umasa siya na magkaroon na rin ng linaw ang tungkol sa kung anong meron sa kanila. Alam n'yang bahagi ito sa penermahan nilang kontrata pero hindi na kasi binabanggit ni Erickson ang tungkol sa kontrata kaya umaasa s'ya na nagkapuwang na rin sya sa puso nito. Nakita na nya si Erickson, malapad ang ngiti niya na humakbang palapit dito pero napaurong din siya nang nakita n'yang may babaeng lumapit kay Erickson. Matamis at malapad ang ngiti ni Erickson sa babae. May magandang ningning sa mga mata nito habang nakatingin sa babae na hindi nya nakikita pag s'ya ang tinititigan nito. At mas lalo s'yang napaurong nang natitigan nyang maige ang mukha ang babaeng lumapit kay Erickson. At kahit hindi pa nasasabi ni Erickson pero may ideya na sya sa kung sino ang babaeng ito. Pero bakit? Paano? May pinag- uusapan ang dalawa, agad din naman umalis ang babae pero bago ito umalis, hinalikan muna nito ang labi ni Erickson. Parang sinasaksak ang puso nya ng paulit- ulit sa nakita. Sa buong buhay nya, ngayon pa lang sya nasaktan ng ganito. Na para bang nagkaroon ng malaking sugat ang puso nya. Nang nakaalis na ang babae, lumanghap muna siya ng hangin bago ipinagpatuloy ang paghakbang niya. Nang napatingin si Erickson sa kanya, pinilit nyang ngumiti. Pero seryoso ang mukha nito habang nakatingin sa kanya. Nang nakalapit na siya sa mesa, pinaghila siya nito ng upuan. May kakaiba sa mga titig nito sa kanya. At kahit hindi pa man ito nagsasalita, nagsimula nang mag- init ang bawat sulok ng mga mata nya. Nasasaktan na sya kahit wala pa man itong sinasabi. "Hi, sabi mo may mahalaga kang sasabihin sa akin. Ano yon?" tanong niya agad dito. Imbes na sagutin siya nito, may inilagay itong isang cheque sa mesa, at nabasa nya ang malaking halaga na nakasulat dito. "That is my last payment for your service Myla. I want you to know that I really enjoyed our time together. Pero hindi naman habang buhay na mananatili tayo sa set- up natin. A good life is still waiting for you. Gusto kong magsimula ka muli, tuparin mo ang mga pangarap mo. Habang ako--- she's back and I still love her very much. Magpapakasal na kaming dalawa. I want to be a better version of myself for her dahil ayaw kong mawala siya muli sa akin. I'm sorry if----" "No! Don't be sorry, Erickson. Malinaw ang usapan natin. Fling lang. No string attached. Walang label. I am just your private stripper. You don't need to say sorry. At saka hindi mo ako kailangang bayaran. You already giving me a lot-- pati na heartache." sa isip lang n'ya ang mga huling katagan. Pinilit n'yang maging kaswal kahit pa parang tinusok ng patalim ang puso niya ng paulit- ulit. Para na sya maiiyak pero pinigilan n'ya ang tuluyang pamamasa ng mga mata n'ya. "Masaya ako para sayo Erickson, maniwala ka." Tumayo siya. "Goodbye Erickson, ngayon din ay tuluyan na akong mawawala sa buhay mo. Bigyan mo lang ako ng araw na ito para kunin lahat ng gamit ko sa bahay mo." Hahakbang na sana siya pero napatigil siya nang hinawakan nito ang braso nya. "Myla!" Napalingon siya dito. She needs to leave dahil sa baka mapaiyak na sya ng tuluyan sa harapan nito. "Myla---" parang may gusto itong sabihin na hindi nito matuloy- tuloy. She saw a guilt from his eyes. "Let me go, Erickson. Don't be guilty. Please, don't make this hard for us. Even harder for me." Kumawala siya mula dito. Binitawan naman sya nito at nagpatuloy na siya sa paghakbang. Nang medyo nakalayo na siya. Hindi na nya napigilan ang kanina pa nya pinipigilang luha. Napahaplos sya sa tiyan nya. Buong akala nya, magiging masaya sila ni Erickson. Sasabihin sana nya ngayon dito na buntis sya. Pero hindi na pala mangyayari ito. Hindi na n'ya makikita ang magiging reaksyon nito pag malaman nitong buntis na pala s'ya sa magiging anak nilang dalawa. Excited pa naman sya sa magiging reaksyon nito. Hindi nya alam kung paano, kung bakit ang bilis naman ng pangyayari. Nung isang araw, napag- usapan pa nilang dalawa ang tungkol sa kagustuhan nito na mabuntis na sya pero ngayon, tinapos na nito ang lahat sa kanila dahil sa pakakasalan na nito ang babaeng tunay na nagmamay- ari ng puso nito. Pinangako nya sa sarili niya na hindi siya iibig, na hindi sya magkamaling magpakatanga sa isang lalaki. Nerendahan niya ang puso nya para hindi mahulog kay Erickson pero natutunan pa rin nya itong mahalin. But she won't beg for love. Hindi siya tutulad sa mga babaeng nagpapakatanga sa pag- ibig, nagmamakaawa sa pag- ibig. Kaya ipinangako niya sa sarili na ang luha niya ngayon ay ang una at huling luhang ipinapatulo nya dahil sa pagkabigo nya sa unang pag- ibig.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD