Arrogant Billionaire 2

2127 Words
----------- Title: The First Kiss - Note: This is a flashback of Myla, the first time she and Erickson met. - Katulad lang sa malanding tunong ng musika, malandi din sumasayaw ang mga macho dancer na kinuha namin para sa party na ito ng kaibigan ko na malapit nang ikasal. Dati kong itong kasamahan sa night club pero natipuhan ito ng customer nitong kano at niyayang magpakasal, kaya umalis na rin ito sa pagsasayaw sa club. At isinama ko dito si Hera, ang matalik kong kaibigan. Halos isang buwan pa lang ang nakakalipas mula nang nagkakilala kaming dalawa ni Hera pero para sa akin, matalik ko na s'yang kaibigan. Magkaiba kasi ang buhay naming dalawa pero hindi nya hinuhusgahan ang pagkatao ko. Itinuring din n'ya ako bilang kaibigan. Mayaman si Hera, edukada, kaya lang meron s'yang asawa na walang hiya. Fixed marriage lang daw ang dahilan kaya naikasal sya sa asawa n'ya pero bata pa lang daw s'ya ay mahal na n'ya ito. Hindi siya mahal ng asawa niya dahil may ibang babaeng mahal ito at wala itong ibang ginawa kundi saktan lamang ang damdamin niya. At talagang kawawa si Hera, dahil maliban sa sinasaktan sya ng asawa n'ya emotionally, may malala din s'yang sakit. Matagal nang gustong makipaghiwalay ng asawa n'ya sa kanya pero hindi s'ya pumayag sa makipaghiwalay dito at ngayon, pumayag siya pero may kondisyon siya dito. Kailangan nitong magpapanggap bilang mapagmahal na asawa sa kanya sa loob ng isang buwan kapalit ng perma n'ya sa annulment paper nila. Dinala ko dito si Hera para makapag- enjoy naman siya, maranasan naman nya ang maging wild minsan, at magawa ng bucket list niya bago siya pupunta sa ibang bansa, magtago at magpagamot. Alam kong mamimiss ko siya pero para din naman sa kanya ang gagawin n'ya. Kailangang magamot ng sakit n'ya. Halos makapigil hininga ang galing ng tatlong lalaki na nagsasayaw sa harapan namin. Walang suot ang mga ito sa itaas na bahagi ng katawan, kaya kitang- kita talaga ang six packs abs ng mga ito. Tila uminit ang buong paligid dahil sa sobrang hot naman talaga tignan ng mga ito. Hindi naman magkamayaw ang mga kasama kong kaibigan pati na ako sa pagsisigaw habang gumigiling ang tatlong lalaki sa harapan namin. Mga macho dancer ang mga ito na binayaran naming magkakaibigan para sa ikakasal naming kaibigan. Medyo lasing na ako pero malinaw pa man ang isip ko. Si Hera naman, alam kong hindi ito umiinom. Mas makakabuti ito sa kanya dahil bawal sa sakit nya ang alak. Sabay sa indayog ng malanding musika, patuloy sa paggiling ang tatlong lalaki. Hanggang sa hinubad ng lalaking nasa gitna ang suot nitong jeans, napasigaw na naman kami sa tuwa nang tanging brief nalang ang takip nito sa katawan. Kaya pormang- porma talaga ang pagk*lalaki nito nang natatakpan lang ng kapirasong tela. Kahit stripper ako pero hindi pa talaga ako nakakita ng totoong t*ti ng isang lalaki. Aminado ako, na-curious din ako minsan. "Hoy, tumingin ka! Minsan lang ito. Wag mong isipin ang Draeven na yon." bulong ko kay Hera nang ibinaling nya sa ibang direksyon ang paningin niya. Nagi- guilty siguro siya nang naalala nya ang walang hiya nyang asawa. Hindi ko talaga lubos maisip kung bakit nagawang saktan ng asawa niya si Hera. Hera is almost perfect, plus factor na ang ganda at talino nito. Well, baliw nga pala ang asawa nito at walang kwenta. Napangiti ako nang walang nagawa si Hera at napatingin siya sa halos hubad na gumigiling na lalaki. Sobrang panlalaki ng mga mata niya nang humakbang ito, hindi papunta sa bride to be, kundi kay Hera. Kinuntsaba na talaga namin ang macho dancer na ito para mag- enjoy naman ang kaibigan ko at maranasan ang ganito. Napasigaw na naman ang mga kasama namin, tuwang- tuwa kami. Mas lalo itong lumapit kay Hera at gumiling- giling ito halos sa kandungan niya. Naramdaman ko na parang naiilang ang kaibigan ko. Pero blurred na ang paningin ko dahil sa lasing na talaga ako. Hanggang sa tuluyan kong naisara ang mga mata ko, nahihilo kasi ako dahil sa kalasingan ko. Nakarinig ako nang tila kaguluhan. Dahil sa nag- alala ako sa kaibigan ko kaya pinilit kong ibuka ang mga mata ko. Nakita ko si Hera na kinarga ng lalaki, na sa tingin ko ang walang hiya n'yang asawa. Then, teka, bakit parang may mga pulis? Ewan ko. Tuluyan ko nang naisara ang mga mata ko. Hilong- hilo ako at ang huling naalala ko ay parang lumulutang ako at may mga brasong kumarga sa akin. -------- Ano ba ang nangyari? Bakit parang nahihilo ako? Saan na ba si Hera? Sa naalala ko, nandito lang yong kanina at masaya pa nga kaming dalawa habang nakatingin sa macho dancer na nagsasayaw sa harapan namin pero-- Teka, sa naalala ko, bigla nalang bumagsak ang macho dancer at may tumangay kay Hera, na walang iba kundi ang hudas na asawa nitong si Draeven. Kahit mabigat ang talukap ng mga mata ko pero bahagya ko pa rin ibinuka ito. Gusto kong malaman kung ano ang nangyari sa paligid. Maingay kasi at sumasakit ang ulo ko sa ingay. Medyo malabo ang paningin ko. Teka lang-- ano itong nakita ko? Isang katawan? Machong katawan? May nakahubad na lalaki na palapit sa akin at plano akong--- plano akong gawan ng kasamaan. Oh my God! Rap*st yata ito. Sa isipin ito, mabilis kong naibuka ang mga mata ko. Hindi ko hahayaan na magtagumpay ang hayop na ito para halay*n ako. Magkakam@tayan na kaming dalawa bago niya magawa ang plano niya na pags@mantalahan ako. Pagbukas ng mga mata ko, sumalubong sa paningin ko ang lalaking nakahubad at akma nya akong daganan. Nakahiga ako sa sofa. Sisigaw na sana ako kung hindi lang nya mabilis na natakpan ang bibig ko. "Hey miss, relaks! I just want to------" Gwapo ang lalaki. Fine. Napakaguapo niya pero aanhin ko ang guapo kung man*iac naman kaya kinagat ko ang kamay niya. Napabitaw naman sya sa akin nang tila nasasaktan sya sa ginawa ko. Sinamantala ko ito at isang sampal ang pinadapo ko sa mukha niya. Itinulak ko din sya kaya napaalis sya mula sa ibabaw ko. "What the f*ck! Bakit mo ako sinampal?" galit na tanong ng hudas na guapo nga m*anyak naman. "At bakit hindi? Ano ang plano mong gawin sa akin many*k ka! Re- reyp*in mo ba ako?" "Ano?," Laking mata nitong sambit. "Itong hitsura na 'to, napagkamalan mong rap*ist." pagmamalaki nya sa hitsura nya. "Para sa kaalaman mo miss, I don't need to rape the woman for them to open their legs for me. Kusa nilang ibinuka ang mga hita nila para sa akin." Mas lalo akong nainis sa hambog na ito. Halatang womanizer ito. Ito ang klase sa mga lalaking kinamumuhian ko. Yong ginagamit ang hitsura para manloko ng mga babae. "Hindi kalang rap*ist, sinunggaling ka pa. May rap*ist ba na aamin sa kasalanan nya? Kung wala ka talagang planong masama sa akin, bakit ka nakahubad? At balak mong pumatong sa akin?" "Sinukaan mo ako kanina. Magbibihis na sana ako kaya lang bigla kang bumukaka dyan, nalihis nyang maikli mong palda at nakita ko ang panty mo na kulay pula. Aayusin ko lang sana ang palda mo." Tila nag- close open ang ilong ko sa narinig. Ang bastos ng hudas na ito! "Ang sabihin mo tinatayuan ka habang nakatingin sa panty kong pula. At plano mo akong gahasain. Aminin mo na." galit kong sabi. Naniningkit ang titig ko sa hinayupak. Hinampak talaga ang tukmol na ito. "God, paano ko yan gagawin miss? Tumingin- tingin ka nga sa paligid mo!," Tila frustrated nyang sabi, sabay suot ng isang T- shirt. Ginawa ko naman ang sinabi nya at saka ko lang napagtanto na madami pala kaming kasama. Dalawang babae, ang isa ay naka- uniporme ng pulis, ang isa ay may hawak na parang dokumento. Then, may tatlong din lalaki na parang mga pulis. "A-Anong lugar ito? Nasaan ako?" "Nasa presinto ka miss." Ani ng nakakainis na many*ak na lalaki. "Presinto? Anong kasalanan ko? Bakit ako nandito?" "Kanina, wala pa. Pero dahil sinampal mo ako, kaya meron na ngayon. Assault ang lawsuit na kakaharapin mo dahil sa pagsampal mo sa akin." "Aba, ang kapal ng mukha mo noh! You s*exully harassing me, binubusuhan mo pa ako, hinampak ka! Piskaton unta ka kay namboso ka. "nanggagalaiti kong sabi sa kanya. Napakunot ang noo niya. Kasalanan niya kung hindi nya ako naintindihan. Mainit ang dugo ko sa kanya at hindi ito nakapagtataka dahil sadyang mainit ang dugo ko sa mga babaero. (Piskaton- sore eyes) "Inspector, relaks, wag mo nang patulan si miss beautiful." Nakatawang sabi ng isang police. Inspector? Inspector ito? Hindi ito mukhang inspector. Mukha itong macho dancer. Mukha itong hindi nagso- solve ng case, mukha itong nangwawasak ng puri ng babae. "At isa ka palang police investigator?" Nakangiwi kong sabi. "Anong ginagawa mo?Sigurado ka bang kaso ang hinaharap mo. Sigurado ako na ginagamit mo ang pagiging police mo para manloko. Basang- basa ko sa mga mata mo na yan ang mga ginagawa mo. Magaling akong magbasa ng tao." Rumihistro ang sobrang pagkabanas sa mukha nya. Pakiramdam ko, gusto na nyang pumutok sa sobrang inis. Ang saya ko! Ang sarap inisin ng hinampak na ito. "Be careful what you say, baka, hindi lang assault ang kasong kakaharapin mo, baka pati defamation." Wala akong pakialam sa sinabi nya, hindi ko naman naintindihan ang mga sinasabi nya. "Inspector Montenegro, relaks." Montenegro? Binasa ko ang pangalan na nasa name plate ng mesa nya. At Montenegro nga ito. Police Investigator Erickson Montenegro. Napataas ang kilay ko. "Kaya pala. Kaya pala mainit ang dugo ko sayo. Kadugo mo pala si Draeven Montenegro, ang pinakahudas na lalaki sa paningin ko ngayon. Kilala ko ang mga lahi nyong mga Montenegro. Nananakit kayo ng mga babae. Kasiyahan nyong may mga babae na nasasaktan dahil sa inyo." naalala ko yong kapatid ni Draeven na kasing hudas din nito, nakalimutan ko lang ang pangalan. "Naa moy sakit sa pangutok. Mga baliw kayo. (May sakit kayo sa pag- iisip.) "Miss, hindi ko alam ang pinaggagawa ng mga pinsan ko sa mga babae nila, dahil sa pagkaalala ko, wala pa naman umiiyak na babae dahil sa nasaktan ko. I may be hurt then a little dahil sa malaki naman talaga ako, pero uungol din naman sila sa sarap kalaunan. Hahanap- hanapin pa nga nila. Medyo masakit man daw pero tumitirik naman yong mga mata nila sa sarap." Mas lalong uminit ang ulo ko sa kanya nang tuluyan kong naintindihan ang kabastusan na sinasabi niya. Ang bastos! Masira unta siya. "Ang kapal din ng mukha mo. Bakit malaki ba yang sayo? Paano masasarapan ang babae sayo kung kasing laki lang yan ng siling labuyo?" nakangisi kong sabi "What did you say?" galit na siya pero kinalma din agad niya ang sarili. "Ikulong nyo nga ang babaeng ito bago ako makalimot na----" "Makalimot na ano? Pumapatol ka sa babae? Bakla ka siguro noh! C'mon, aminin mo na bakla ka. Bayot!" nakangisi kong sabi. Nakaigting ang panga, matalim ang titig na humakbang siya palapit sa akin. Medyo nakaramdam ako ng takot pero hindi ako padadaig sa kanya kaya taas noo akong hinintay ang tuluyang paglapit nya sa akin. Pero hindi ko napaghandaan ang susunod niyang gagawin, pabigla nyang hinawakan ang batok ko, hinapit nya ito palapit sa kanya at siniil nya ng halik ang labi ko. Sobrang panlalaki ng mga mata ko sa pagkabigla sa ginawa niya. Hindi ko maintindihan ang maramdaman ko. Sandali lang naman ang halik niya. “You’re lucky that we are here in the precint ‘cause if was not, talagang ipapakita ko sayo ang sinasabi mong siling labuyo at ipapatikim ko sayo ito at nang makita mo kung sino itong tinatawag mong bakla.” Bulong niya sa akin, kinilabutan ako. Inilayo din nya agad ang mukha niya sa akin. Ngumisi siya sa akin. Tila tuwang- tuwa siya sa paninigas ko. Naniningkit ang titig ko sa kanya. Walang hiya siya. Magnanakaw. Kawatan. Ninakaw niya ang first kiss ko. Sana lamunin na siya ng kadiliman! Gusto ko syang sampalin muli dahil sa ginawa nyang kalapastangan. Ipinangako ko pa naman na para sa deserving na tao ang 1st kiss ko. Mayamaya biglang bumaliktad ang sikmura ko, parang masusuka ako. “Saan ang banyo nyo dito?” pigil ko ang tuluyang pagsuka. “Miss, halik pa lang ang ginawa ko sayo, hindi nakakabuntis ang halik ko.” Nakarinig ako ng tawanan. Nakakainis ang hudas. “Alam ko. Dahil nasusuka ako kasi ang baho ng hininga mo. Hindi ka ba nagto- toothbrush?” ani ko na umani ng malakas na tawanan. Halata naman ang pagka- bad trip niya. Pero sukang- suka na talaga ako kaya hinanap ko talaga ang banyo. Akala ko ba masarap ang first kiss, bakit sa akin, hindi? Bakit nakakasuka ang sa akin? 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD