----------- ***Third Person’s POV*** - “What is this all about mom?” tanong ni Erickson sa ina nang nalaman n’ya na aalis pala ang mga magulang n’ya papunta sa ibang bansa, at doon muna manirahan ang mga ito. “Doon muna kami sa ibang bansa manirahan ng daddy mo. Wala naman sigurong masama doon. Kayang- kaya mo na ang sarili mo. Hindi mo na kami kailangan ng ama mo.” He is frustrated. Bakit ba hindi maintindihan ng mga magulang n’ya ang desisyon n’ya? Matagal na sana n’ya dapat pinakasalan ni Alodia kung hindi lang ito nawala dalawang taon na ang nakakalipas. Pero ngayon, ganito ang naging tugon ng mga magulang n’ya sa engagement nilang dalawa ni Alodia. Pero matagal pa naman ang kasal nilang dalawa, wala pa sa plano n’ya ang mag- asawa. Napilitan lang s’yang magproposed dito dahil sa