--------- ***Third Person’s POV*** - Sila ang unang nag- responde sa tawag na natanggap ng presinto nila. Isang kotse daw ang nahulog sa bangin. Isang tao lang daw ang naligtas at dinala na daw agad sa hospital. Nasa homicide s’ya at kaya s’ya nandito para imbestigahan ang pangyayari kung may deceased casualty sa pangyayari. Mabilis din naiahon gamit ang isang crane ang kotseng nahulog sa dagat at ganun nalang ang panlalaki ng mga mata ni Erickson dahil nakilala n’ya agad ang kotse. Nang nakita n’ya ang plate number, mas lalo syang kinabahan. Hindi s’ya pwedeng magkamali, ang kotseng ito ay pagmamay- ari ng pamilya n’ya. Agad na pumasok sa isip n’ya ang mga magulang n’ya. Ang kotseng ito ay ang madalas gamitin ng mga magulang n’ya. “May problema? Namumutla ka dyan?” tanong ni Javi sa k