CASSANDRA Akala ko makikita ko siya sa loob ng classroom. Ngunit natapos na ang maghapon na subject namin ay hindi ko pa rin siya nakikita. Pinuntahan ko na rin siya sa tambayan niya pero wala din siya doon. Nang makarating ako sa parking lot ay nanduon pa rin ang motor niya. Ibig sabihin nasa loob lang siya ng school. Pero nasaan siya? Sinubukan ko siyang tawagan ngunit out of coverage din ang phone niya. Hindi ko maiwasan ang mag-alala. He’s my friend kaya alam kong may hindi Magandang nangyari. “Kuya Roma, puwede pong maghintay kayo sandali? May hahanapin lang ako.” wika ko sa kanya nang dumating siya. “Ma’am Cassandra, nagbilin kasi si Sir na ihatid kita pauwi on time.” sagot niya sa akin. Inilagay ko ang gamit ko at isinara ko ang pinto ng kotse. “Sandali lang ako!” bilin k