CASSANDRA “Anong ginagawa mo? Bakit ka naglalagay ng mga damit sa bag?” tanong ni Inay Berna dahil naabutan niya akong nag-iimpake ng mga damit ko. Iiwan ko lahat ng mga damit na hindi ako ang bumili. Pati ang kuwintas at cellphone na bigay sa akin ni Tyron. “Bukas ay aalis na po tayo dito. Kaya mag-impake na rin po kayo. ” wika ko sa kanya. “Ano? At bakit?” nagtatakang tanong niya sa akin. Tinigil ko ang pag-aayos ng mga gamit ko at humarap ako sa kanya. “Inay, kailangan nating umalis dito. Magpapakalayo-layo tayo. Magtago tayo kung kinakailangan. Basta lumayo na tayo sa poder ni Tyron. Yun lang ang nakikita kong paraan sa ngayon. Gulong-gulo na po ako sa nangyayari. Sa ipinapakita niya sa akin. Sa nangyari kay Felix. Kapag tuluyan pa akong manatili dito baka mabaliw na ako.” nangin