TYRON Abala ako sa office nang bumungad sa akin si Storm my younger brother. Ang alam ko kasama siya ni dad sa Vince. “What are you doing here?” Inilibot niya ang kanyang paningin sa office ko at bago siya naupo sa harapan ko. “Sa bahay mo sana ako tutuloy dahil balita ko ay may tinatago ka daw na magandang binibini sabi Daven. Kaya lang may kailangan pa akong gawin at wala akong oras na kilalanin ang bago mong kinalolokohan, kuya” nakangising sabi niya na ikina-kiskis ng bagang ko. “Wala akong tinatago, stop messing with me Storm. Kung ano man ang malaman mo tungkol sa akin. Much better not to tell dad or even grandpa. Nagmahal ka din kaya alam mo kung ano ang dapat kong protektahan.” Seryosong sabi ko sa kanya. “Yes, your right. Nagmahal nga ako pero iniwan din niya ako. Soone