TYRON Kahit wala ako sa baba malinaw kong nakikita ang galaw nila mula dito sa office ko. Bukod sa bakla na laging kausap ni Cassandra. Panay din ang sulyap sa kanya ni Felix. Friends? I doubt it. Lalaki din ako kaya alam kong may pagtingin siya sa fiancé ko sa paraan pa lamang ng tingin niya dito. Nawala sa screen ang attensyon ko nang tumunog ang phone ko. Hindi nakarehistro kung sino ang caller sa kabilang linya. “You must be, Tyron Dela Costa right?” Boses babae ang narinig ko sa kabilang llinya. “Who’s this?” Narinig ko na lamang ang malutong niyang pagtawa sa kabilang linya. “I’m Amanda Fernandez, your fiancé.” Sagot niya na hindi ko inasahan. “I don’t know you, but mabuti naman tumuwag ka.” “Really? Why? Ganun mo ba ako kinasasabikan na makilala?” confident niyang