Elizabeth "Mr..." natigilan ako dahil hindi ko alam kung ano na ba ang itatawag ko sa asawa kong bigla na lamang sumulpot sa aming likuran ni Katie. Ayaw ko naman maging makulit na kahit sinabihan niya na akong huwag siyang tawaging Mr. David ay patuloy pa rin ako. "Who's Evan?" kunot ang noong tanong ni Hermes. Humakbang ito palapit sa amin ni Katie. Nagkatinginan naman kaming dalawa ni Katie. Sasabihin ko ba sa kaniyang EX ko si Evan. Baka isipin niyang mahal ko pa din hanggang ngayon ang EX ko kaya nagagawa ko pa rin pag-usapan ito at sa mismong araw pa talaga ng kasal namin. "Mr. David, kayo ho pala. S-si Evan po, EX po siya ni Elizabeth." walang preno ang bibig ni Katie na ibulgar iyon kay Hermes. Sinamaan ko kaagad ng tingin si Katie. Hindi niya man lang naintindihan ang mga