Elizabeth "Humihingi ako ng pasensya sa ginawa ni Tiyang. Hindi mo naman kasi siya kailangan bigyan ng ganoon kalaking halaga na pera. H-hayaan mo kapag nagkapera ako unti-untiin ko na lang babayaran ang isang milyon. Kahit na imposibleng mabubuo ko iyon sa iilang taon." Nabigla na lamang ako ng hawakan niya ang kamay ko. Pinisil niya rin ito ngunit sapat lang para maramdaman kong hinawakan niya ito. Seryoso ang mukha nitong nakatingin sa akin. "You're my wife now." he was staring into my eyes. "Pera ko, pera mo na rin, Elizabeth. Hindi mo kailangan bayaran ang perang ibinigay ko sa tiyang mo." Napatitig lamang ako sa kaniyang mukha. Bakit ba sobrang bait niya? Hindi ako makapaniwalang binigyan ako ni Lord ng ganito kabait na asawa. Sa kabila ng lahat na sakit na naramdaman ko sa hu