Elizabeth "Uy! Katie, ilang beses na akong pabalik-balik dito sa unit mo pero wala ka. Tinataguan mo ba ako?" Nakahinga ako ng maluwag ng marinig ang boses babaeng bumungad kay Katie. Buong akala ko si Hermes na. Mabuti na lang at hindi siya. "Aling Jucy naman. Alam niyo naman ho na may trabaho ako. Wrong timing naman ho paniningil niyo eh! Wala pa akong sahod." rinig kong sagot ni Katie. May-ari pala nitong inuupahan ni Katie ang bisita niya. Hindi pa pala nakakapagbayad si Katie ng renta niya at ngayon nandito ako nanggugulo pa sa kaniya. "Kailan ka ba magbabayad, Katie?" "Sa sahod ko na ho Aling Jucy. Hindi naman ho ako tatakas. Magbabayad ho ako. Hintayin niyo lang." "Siguraduhin mo lang, Katie. May balance ka pa nga sa akin five hundred. One five na ngayon ang babayaran mo
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books