DAVID BOOK 2 - 45 NALAMAN ANG TOTOO/NAHIHIRAPAN

2088 Words

Third Person's POV Tulala na nakatitig sa screen ng CCTV monitor si Hermes ngayong nakikita niya ang nangyari noong araw na may nanloob sa bahay niya. Ganoon na lamang ang paghilamos niya sa kaniyang mukha gamit ang mga palad nang makita ang buong pangyayari sa loob ng kanilang kwarto mag-asawa. Hawak ng isang lalaki si Elizabeth habang ang isa namang lalaki ay nasa crib ng anak niyang si Aliyaah at tinututukan ito ng kutsilyo. Sunod-sunod na pumatak ang luha niya sa nasaksihan niya sa mga oras na ito. Bakit ngayon ko lang naisip tingnan ang CCTV footage? Bakit? Nanlumo siya sa kaniyang nasaksihan at napanuod. Kaawa-awa ang sinapit ng kaniyang mag-ina sa kamay ng dalawang lalaki na nakasuot ng bonnet. Mas lalo pa siyang naawa ng sikmurahan ng isang lalaki si Elizabeth at walang nagaw

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD