Elizabeth "Talaga?" Ang lakas ng tili ni Katie ng ikwento ko sa kaniya ang ginawa ni Mr. David sakin pag-uwi ko kahapon. Hinalikan lang naman kasi ako nito na wala man lang paalam. Hindi ko na alam kung bakit niya ako palaging hinahalikan. Nasasarapan ba siya sa labi ko o trip niya lang talaga na ilapat ang labi niya sa mga labi ko. Ako naman itong napapatulala na lang at hindi makagalaw. Hindi ko man lang nga siya nagawang itulak palayo sakin. Sino ba naman kasi ang mag-aaksaya pa ng oras na itulak siya kung nasasarapan ka na. Hindi ko alam kung bakit kapag hinahalikan ako ng lalaking 'yon. Para akong nagiging tuod na lang sa kinatatayuan ko. Katulad kanina pagkagising ko. Sinadya kung magising ng maaga ngunit pagpasok ko ng kusina nadatnan ko si Mr. David nag-aasikaso ng aming bre