Third Person's POV "Kumain ka na ba?" Narinig ni Hermes ang impit na tawa sa kabilang linya. "Hindi pa nga po, Mr. David eh!" "Mukhang kailangan mo ng kumain, Ms. Cruz. Huwag ka papalipas ng gutom." "Ay! Thankyou po, Mr. David. P-pero hindi niyo po ba ako yayayain ng dinner? Free po ako mamaya." Iyon ang huling narinig ni Hermes ng ibinaba ang cellphone sa table. Hindi na lamang siya nagsalita dahil sa mga pinagsasabi ni Ms. Cruz. Itatanong niya sana dito kung nasaan si Elizabeth ngunit hindi niya na itinuloy. Napagkamalan pa kasi siya nito na interesado siya dito. Hindi pa rin siya mapakali. Ayaw niya lang mapagod si Elizabeth kaya gusto niyang malaman kung nagpapahinga na ba ito? Nagsisi tuloy siyang pinayagan niya ito. "Damn it!" Bigla siyang napatayo mula sa pagkakaupo sa kani