SINFUL CEOS SERIES: Book 5
PASSIONATE DECEPTION
Doukas Damarcus
Chapter 4
“HINDI PA BA KAYO O-ORDER ng pagkain? Quarter to one na a. Nakakapanibago naman kayo. Ganitong oras ay snack na ang ino-order ninyo ‘di ba?” Hindi na napigilan na itanong ni Chantara sa dalawa niyang co-worker sa clinic. Napapahagikhik pa siya habang nagsasalita.
Nakatuntong siya sa isang monobloc chair dahil inaayos niya ang mga patients record na nasa tuktok na drawer. Kapag lampas tanghali na kasi ay mga may appointment na pasiyente ang karaniwan na pumupunta sa klinika na pinagtatrabahuan niya. Sa umaga ay mga walk-in patients at sa hapon ngang iyon ay maluwag ang oras nila dahil apat na pasiyente lang ang hihintayin nila. Kaya naman ay naisipan na lamang ni Chantara na mag-ayos ng mga file drawer.
Magtatatlong buwan nang nagtratrabaho bilang medical secretary si Chantara sa isang OB-GYNE clinic. Ngunit hindi iyon ang una niyang napasukan na trabaho nang dumating sila ni Lance sa Maynila.
Isang malayong kamag-anak ng matalik na kaibigan ni Lance ang unang nag-alok ng trabaho kay Chantara. Si Mrs. Go at tinanggap niya ang trabaho bilang caregiver sa Chinese national nitong asawa na isa nang bedridden.
Ngunit wala pang isang Linggo ay iniwan ni Chantara ang trabaho na iyon dahil makailang beses siyang hinihipuan ng asawa ni Mrs. Go. Hindi niya ipinaalam sa kinakasama niyang si Lance ang totoong dahilan nang biglaan niyang pag-alis sa trabaho na iyon. Dinahilan na lamang niya na hindi niya kinaya ang stay-in na trabaho at hahanap na lamang siya ng ibang mapapasukan.
Matapos ang sampung araw na pag-a-apply sa wakas ay natanggap si Chantara bilang medical secretary sa clinic na pinagtatrabahuan nga niya sa kasalukuyan. At sa awa ng Diyos ay pinalad siyang magkaroon ng masiglang workplace at mababait na mga employer at mga katrabaho.
“At napapansin kong kanina mo pa ako sinisimangutan, Cille? Siguro ay na-ghost ka naman ng nakilala mong Afam sa dating site kaya sambakol ang mukha mo, ano?” Natatawa pang tudyo ni Chantara sa katrabaho niyang si Cecille.
“Sabi ko naman saiyo baka wala sa Afam ang suwerte mo sa pag-ibig kaya kung ako saiyo ay sagutin mo na ang manliligaw mong si Esoy. Galanti rin namang manglibre ng betamax at walkman ‘yun. Ayos na rin.”
Lalo namang bumusangot ang mukha ni Cecille sa sinabi niya at dramatiko nitong inikot ang mga mata.
Si Cecille ang kadalasang assistant ng Gynecologist kapag may nagpapa-ultrasound. Samantalang siya at ang isa pa nilang co–worker na si Dolor ay siyang umaasikaso sa lahat ng clerical task sa klinika.
Masaya at sapat na kay Chantara ang sinasahod niya sa kasalukuyan na trabaho na mayroon siya. Malaki ang naitutulong sa kanila ni Lance ng perang kinikita niya. Doon siya kumukuha ng pang-upa sa maliit na apartment na tinitirhan nila ni Lance ngayon at pati na rin ang ibang gastusin.
Sa ngayon ay patuloy pa rin na pinoproseso ni Lance ang pagsampa nito sa barko kaya kailangan nilang magtipid ng husto dahil malaking pera ang nahiram nila kay Jordan para sa gastusin ni Lance para sa mga kinakailangan nitong requirements para sa mga seaman sa international trade katulad nito. Lance is going through the traditional method of pure hustle and energy. Kailangan nitong dumaan sa mahirap na proseso dahil wala naman itong backer.
“Esoy ka d’yan! E si Jordan ang type nitong si Cecille.” Pambubuko ni Dolor sa sariling katrabaho.
“Imbento ka rin diyan, gaga!” Kagyat na depensa ni Cecille at inabot ang dulo ng buhok ni Dolor at mahinang hinila.
Noong mga unang Linggo ni Chantara sa klinika ay makailang beses na isinama ni Lance ang matalik nitong kaibigan na si Jordan Palacio sa pagsundo sa kanya. Doon nakilala ang lalaki ng mga katrabaho niya at isang beses din na naisabay nila pauwi si Cecille gamit ang sasakyan ni Jordan.
“Itatanggi mo pa e nakita na kitang ini-stalk si Jordan sa t****k kanina.” Pagtataray ni Dolor kay Cecille. “S-in-ave mo pa nga iyong t****k entry niya doon sa ‘he was big and strong, in his eyes a flaming glow’ tapos sa huli hubaran pala at babakat ‘yung sausage niya. Bumayo pa nga nakita ko.”
“Baliw! Hindi ‘no! Hindi kaya. Napadaan lang ‘yun sa FYP ko pero kaagad ko ring pinindot yung not interested.” Pinanlisikan ng mata ni Cecille si Dolor and her tone went more defensive pero ang pisngi nito ay namumula na at parang gusto na nitong mag-walk–out.
“Hindi na lang kasi aminin. ‘Sus ko naman, Cecelia Paragas.”
Gumanti ng sabunot si Cecille kay Dolor. “E bakit ako ang binubuska mo riyan gayong parehong kumakalam na ang mga sikmura natin? Dapat ay magkakampi tayo rito, Dolor para maiparating sa isa riyan na kailangan niya tayong ilibre ng tsibog. Aba’y kailangan na bongga iyong blowout. Nagpalipas ako ng gutom dahil do’n ‘no.”
Hindi kaagad nakuha ni Chantara na siya ang pinaparinggan ni Cecille at abala pa rin siya sa ginagawa samantalang napadaan sa isip niya kung uuwi ba ngayon sa apartment nila si Lance. Kahapon kasi ay hindi ito nakauwi at sa tawag lang nito nagawang magpaalam na sa condo unit ni Jordan ito matutulog dahil malapit lang ang condo ni Jordan sa Manning agency and maritime company na pinag-a-apply-an ni Lance.
Sana naman ay makauwi si Lance mamayang gabi. Sa maraming araw na nagdaan ay abala kasi ito at kung hindi nagkakamali si Chantara sa pag-alala ay dalawang beses lamang silang nagkasabay sa hapunan ni Lance sa loob ng mahigit isang buwan. Chantara was not aware that she is already sighing at the thought.
“Hoy, ‘Day! Lumilipad na naman ba ang isip mo?”
Napahawak sa kanyang dibdib si Chantara nang gulatin siya ni Cecille.
“Cille, kasi.” She made a complaining sound.
“Hala siya! Talaga bang ca-career-in mo ‘yung pang-iitsapuwera sa ‘min ni Dolor, Chantara?” Tumayo na nga si Cecille at sinundut-sundot ang tagiliran ng bewang ni Chantara. Panay ang pag-irap nito.
“Ano nga kasing kinaaasar mo at panay ang pagsusuplada mo sa akin? P’wede mo rin naman akong derechahin kung gusto mong ilakad kita kay Jordan hindi iyong gumaganiyan ka.” Naiiling na litanya ni Chantara at nakuha niyang ismiran pakunwari si Cecille na masama na ang tingin sa kanya. Parang kulang na lang ay hilain siya nito pababa ng upuan na sinasampahan niya.
Ano ba kasing problema nito at naiirita ito sa kanya? Dala lang yata ng gutom, aniya sa isip.
“Gutom lang iyan, sigurado ako. Um-order na nga kayo ng pagkain.” Natatawa niyang suhestiyon.
“Libre mo?”
“Libre? Bakit ako manglilibre?”
“Ano ba, Chantara! Hindi mo ba talaga kami ili-libre ni Dolor? Wala ka bang balak na i–celebrate iyong pagkapasa mo sa licensure exam, babae ka? ‘Di ka man lang namin nakitaan na masaya kahit nakapasa ka. Nakuha mo na iyong matagal mo nang inaasam. Registered nurse ka na, ‘day dapat—”
“Ano ‘kamo? Ano?” Halos mawala sa kanyang balanse si Chantara sa pagmamdaling makababa sa upuan.
Tama ba ang kanyang narinig? Nahirapan na kumurap si Chantara. Pakiramdam niya kapag kumurap siya ay hindi magtatagumpay ang utak niya na iproseso ang mga narinig.
Hinawakan niya sa magkabilang balikat si Cecille at mahinang inalog ang katrabaho. She suddenly felt the urge to force Cecille to recite every words that she said. “Cille, ano iyong sinabi mo? C–cille...”
Napangiwi si Cecille at sandali pa ay mahinang pinitik ang kanyang noo ngunit hindi kaila na nasa mga mata nito ang labis na kasiyahan para sa kanya. “Girl, ang sabi ko ay isa ka ng registered nurse. Iyon ‘yun! Villaluna, Chantara C. RN, gano’n. Pero ha! Wala kang maririnig na congratulations mula sa amin ni Dolor kapag hindi ka manlilibre.”
“Oh, God!” Napaatras si Chantara at napatakip sa kanyang bibig. Her hands started fidgeting, her eyes widening like a saucer-wide at tila namanhid ang katawan niya sandali. And for a short moment, words failed her. Nasa scenario siya na katulad sa mga napapanood na pelikula na parang huminto sa pag-inog ang mundo. Ganoon na ganoon ang pakiramdam niya sa mga sandaling iyon.
“Nasaan ba ang cellphone mo at hindi mo man lang naisipan na silipin sa internet ang resulta ng board examination mo?” Nakangusong wika ni Cecille habang siya ay dinadaluhan.
Si Dolor ay naroon na sa kanyang tabi at hinahagod ang likuran ni Chantara. They looked genuinely happy for her achievement. One of her biggest achievement in her life.
Kagabi lang nawala sa isip niya na silipin sa site na maglalabas ng resulta ng recent nursing board examination. Ilang araw na rin niyang hinihintay iyon. Naghihintay siya ngunit walang gaanong inaasahan. Exactly twelve days after the last day of Nurse Licensure examination ay lumabas nga ang resulta at kagabi iyon.
Matapos kasing tumawag ni Lance bandang alas otso y media kagabi ay kaagad nang natulog si Chantara at hindi na nga niya naisipan na i-check kung may result na ba.
Isa pa’y kahit nag-try siyang mag-exam ulit ay inihanda na rin niya ang sarili sa panibagong kabiguan. Nasanay na rin kasi siya sa mga rejection at failure sa buhay kung kaya’t hindi niya lubos na akalain na ngayon darating ang isang malaking suwerte sa buhay niya. Sa madaling sabi ay hindi siya handa sa malaking balita na iyon.
Chantara’s mind was still in the state of shock. Too many emotions abruptly filled her heart at nangunguna na roon ang hindi masukat na kasiyahan sa napakagandang balita na dumating sa buhay niya. At sa sobrang daming emosyon sa sistema niya kung kaya’t hindi niya makuhang mag-react sa loob ng mahabang segundo. But she felt the corner of her eyes getting moist. Parang ano mang oras ay bubunghalit siya ng iyak.
“P–pumasa na ‘ko.” She stated, feeling high from the great news. “Pumasa ako.” Parang sirang plaka na ulit niya sa basag na tinig.
“Tiwala naman kaming maipapasa mo, Chantara.” Buong-pananalig na wika ni Dolor at sinugod na nga siya nito ng yakap. Hindi rin nagpahuli si Cecille at naki-group hug na rin. Halos mahilo siya nang maglumikot sa pagyakap sa kanya ang dalawa at nagawa pa siyang patalunin habang napapahikbi.
God! This is really happening, sa isip ni Chantara ay hindi pa rin siya makapaniwala.
Umaagos na ang luha sa kanyang pisngi nang tantanan siya ni Cecille at Dolor. Nanghihina siyang napaupo. “H–hindi ko ‘to inaasahan.” She said in between her heavy sobs.
Umikot ang mga mata ni Cecille. “Para maniwala ka...” anito sabay dampot ng cellphone nito at mabilis na binuksan ang link kung saan inilabas ang list of passer sa nakaraang Nursing Licensure examination. “Tingnan mo ang pangalan mo, hindi iyan aparisyon, okay? Wala ka kasing bilib sa sarili mo, Chant.”
Growing up in a toxic home and with a family who never believed she could have done good things and get achievement, mawawalan ka talaga ng bilib sa sarili mo.
And she cried harder when she finally saw her name as one of the passers.
At sa mga oras na iyon ay hindi purong ligaya ang lumukob sa puso niya. Despite the fact that she dislike the toxicity of her parents, of her family ay nasa puso pa rin ni Chantara ang pag-aasama na sana ay kasama niya ang mga magulang sa isang napakasayang bahagi ng buhay niya.
How she wished they were there and celebrate with her, laugh and cry with her pero alam niyang niloloko niya lang ang kanyang sarili. They will never be happy for her kahit yata ilan pang accomplishment ang makamtan niya. Maikukumpara at maikukumpara pa rin siya ng mga ito sa kakambal niyang si Chandra.
EARLIER THAN USUAL ay natapos ang work time ni Chantara. Everyone else in the clinic congratulated her.
“Basta hihintayin ko kayo sa apartment, okay?” Pahabol niya kay Cecille at Dolor before they part ways.
She decided to throw a little celebration later tonight. Babawasan niya ang naitabi nilang pera ni Lance. It's once in a lifetime happening and Chantara felt the need to make a memory. Minsan lang kasi siyang makakaranasa ng ganoon. Rare moment kumbaga.
“Darating kami ‘agad.” Si Cecille.
“Sure, ‘day. Alak ha, huwag mong kakalimutan.” Hirit ni Dolor.
”Walang problema.”
Nilakad lang ni Chantara mula clinic patungo sa grocery store na malapit upang mamili ng mga ingredients ng putaheng balak niyang ihanda. Iyong hindi gaanong kakainin ang oras. Dumaan din siya sa madalas na kainan nila ni Lance at nag-take out ng paborito nitong espesyal na Dinuguan at puto. She also went to a pastry shop and bought a small cake. Ang alam niya ay isa sa pinakasikat na pastry shop iyon at hindi na nakakgulat na ang mamahal ng cake. Pero sa isip niya ay once in a lifetime lang naman na mangyayari iyon. She just wants to make that day the most special for her through purchasing an expensive cake. It was illogical she knew pero bakit ba?
Para siyang temang dahil napahikbi siya habang isinusulat sa maliit na papel ang greetings na ipapalagay niya sa cake.
She looked stupid but at least her heart couldn't contain her happiness.
“I–ito na, Miss.” Iniabot niya ang papel sa store attendant and a tear escape from her eye. Kaagad siyang nag-iwas ng tingin, nahihiya nang nalilito siyang tinignan ng store attendant.
“Wait na lang po kayo, ma'am. Just five minutes.”
“Thank you.” Usal niya at nakatungong umatras upang pahirin ang luhang lumandas sa kanyang pisngi.
And that was a careless move dahil may nabangga siya sa kanya pag-atras. Her back bumped into a strong built behind her. Sa insidente ay siya pa ang halos natumba.
It made her gasp aloud as fear crawled in her skin. Mabuti at may nakapitan siya kundi ay tiyak na napatihaya siya.
“I’m so—” Pipihit na sana si Chantara nang mabawi niya ang kanyang balanse upang humingi ng paumanhin sa taong naatrasan niya na tila ba isang matatag na puno dahil ramdam niyang hindi man lang ito natinag nang maatrasan niya ngunit nakita niyang tumuloy na ito sa paglalakad.
Napakagat-labi na lamang siya habang pinapanood ang likod nito and she felt her knees weakened as her heart pumped staggeringly inside her ribcage.
Hindi malaman ni Chantara kung bakit hindi niya nagawang bawiin ang mga mata sa lalaking nabangga niya gayong malapad na likod lang nito ang nakikita niya
Maybe she is just astounded dahil sa tikas na taglay ng lalaki. The man arrested her gaze at pakiramdam ni Chantara na isang kasalanan kung iignorahin niya ang presensiya nito sa loob ng pastry shop.
The man is tall, admiringly taller than the usual Filipino guy and he was wearing a corporate suit. Ngunit malinaw pa rin sa paningin ni Chantara ang pagbakat ng malapad at matigas nitong likod sa suot nito and she could still see how powerful his legs are against the slacks that he's wearing. The man's presence is too powerful and truly attention-seeker for her to just give him a simple glance. His posture is very athletic. Chantara totally had no idea how long she was staring at the man's back until the shop owner met the man halfway.
“Doukas? Holy sht! What a surprise?” Totoong gulat at labis na pagkamangha ang nakita ni Sereia sa mukha ng magandang babae na siyang may-ari ng pastry shop.
Napaiwas na siya ng tingin nang yumakap ang babae sa lalaking hindi niya maintindihan kung bakit tiningnan niya ng ganoon katagal.
She just decided to fish out her cellphone from her sling bag and tried calling Lance. Kailangan na umuwi ito ngayong gabi. Hindi puwedeng hindi.
And while she was waiting for Lance to lift her call ay bigla na lamang kinilabutan si Chantara nang sa unang pagkakataon ay narinig niyang nagsalita ang lalaking nabangga niya.
“Pack all your available sweet baked food, Camila and send it to my office.”
Napaderecho ang gulugod ni Chantara. God! Even his baritone voice is loaded with power. This man is unmistakably a masterpiece of masculine beauty kahit na hindi pa man niya nakikita ang mukha nito.
“Like all, Duke? Everything?” Kahit ang kausap nito ay tila nawindang.
“Yes, Camila. Everything including the cake that that woman purchased. Take it back and send her away.”
Pakiramdam ni Chantara ay parang nahilo siya sa napunang disgusto at galit mula sa tinig ng lalaki lalo na sa gusto nitong mangyari. Including the cake that she paid? Was he serious?