CHAPTER 5

2600 Words
SINFUL CEOS SERIES: BOOK 5 PASSIONATE DECEPTION Doukas Damarcus Chapter 5 MENTALLY TEED OFF, the sole legatee of one of Italy's most valuable company by market cap– Doukas Morandi Damarcus blew a heavy breath as he pulled away his firm gaze from watching the calmness of the scenery he could vividly see from the window where he was standing for he doesn't remember how long already. If only his mother was in the right state of mind, the view from the window would surely warm her heart. Cielo Morandi-Damarcus, Doukas’ fifty-nine years old mother grew up and belongs to one of the most prominent and wealthy families way back in Naples, Italy. But Cielo preferred to travel alone and search for different places where she could find peace instead of attending social gatherings. Doukas’ mom had a calm innerside and a kind of person who internally compassion and had an extreme fascination with nature and calmness. His mother is the reason why he doesn't like working at his office without a plant in his sight. Tinatamad siya at pakiramdam niya ay walang buhay ang workplace niya. Ganoon din sa kanyang bachelor's pad, sa kanyang silid, sa living room. He even put a string-of-pearl hanging plant inside his bathroom na kapag nasa bathtub siya ay doon tumatagal ang mga mata niya. But now, Doukas could not remember when was the last time he saw his mother smiled while looking at nature. Hindi niya maalala kung kailan siya huling pinagalitan ng ina sa tuwing nagbibiro siyang sagiin ang mga alaga nitong halaman sa bahay nila. Higit sa lahat ay hindi na maalala ni Doukas ang araw kung kailan siya huling nginitian ng ina. His jaw tightened at the ugliest thought that always made his heart heavy before he silently spun around only to caught the cluttered soil and plant on the floor by his eyes. That kind of plant is one of the most favorite of his mom ngunit nang dalhin niya iyon upang ipakita sa ina ay pinag-ugatan lang tuloy iyon ng malalang pag-hi-hysteria ni Cielo. Mula sa makalat na sahig ay inilipat ni Doukas ang tingin sa inang natutulog. At kahit ang higaan nito ay bahagya nang wala sa ayos dahil sa pag-i-isterismo nito kani-kanina lang. His mother's doctor had to give Cielo a shot just to calm her down from her psychiatry hysteria kaya nakatulog na ngayon ang pasiyente. Napapakuyom ang kamao ni Doukas habang tinitignan ang ina. Kanina ay parang pinupunit ang dibdib niya habang nakikitang nagwawala ang ina na kahit siya ay hindi magawang pakalmahin ito. Fck! His own mother doesn't even remember him or even his name. And everytime Doukas called his mother ay tinataboy siya nito. It's already been four months mula nang ipasok ni Doukas sa isang exclusive mental facility ang ina. His hopeful heart was expecting for his mother's dischargement maybe next month dahil nang nakaraang buwan ay kapansin-pansin naman na tumitino na ito. Kaya laking-gulat ni Doukas na sa kanyang pagdalaw sa araw na iyon ay tila nawala ang ano mang epekto ng mga gamot at psychotherapy na ginawa ng mga doctor sa kanyang ina. “Mr. Damarcus,” isang nurse sa naturang mental facility ang biglang lumitaw mula sa kung saan at palihim na tinawag ang atensiyon ni Doukas nang nasa hallway na siya para lisanin na sana ang lugar. Blanko ang anyo ni Doukas nang pinasya niyang harapin ito. Sa ilang buwan na pagkaka-rehabilitate doon ng kanyang ina ay ni minsan ay hindi nagawang makipag-usap ni Doukas sa alin mang staff ng mental facility maliban sa Psychiatrist at Psychotherapist na umaasikaso sa kondisyon ng kanyang ina. Doukas just slightly tilted his head sideway and expressed his wordless question to the nurse by frowning. Not too long, his eyes went more intense when he noticed that the woman's face turned paled as a sign that he f*****g scared the poor nurse. Napalunok ang nurse at nasa mga mata nito ang takot at hesitation kung itutuloy ba ang pakay nito kay Doukas o tatakbo na lamang at maglaho. “You already took six seconds of my time. You better speak now, Miss.” Doukas managed to speak, his voice hoarse and dangerously sheer. This woman must have to know that talking nonsense to someone, especially to random women isn't his damn thing! Napakurap ang nurse at aligagang iginala nito ang mga mata sa paligid, tila takot na may makakita rito na kinakausap ang isang Doukas Damarcus. “Ako po si Leah Buenaflor. Marahil ay hindi n’yo na ho ako namumukhaan, Mr. Damarcus pero ako po iyong dating nurse na naka-assign sa private ward ni Ma'am Cielo.” May nginig sa boses ng nurse na nagpakilalang Leah, indikasyon na kinakain ng kakatwang sindak ang loob nito. Doukas’ eyes squinted a little, showing discreet irritation. Sinasayang ng babae ang oras niya. He should be able to get his ass out of that facility and drive back to his empire where lots of files waiting for his final review and sign. “Do you think do I even have to know it, Miss Buenaflor?” “H–huling Linggo ko na ho kasi rito and the asylum head just decided to terminate me gayong maayos naman ho ang serbisyo ko.” Kuwento ng nurse at nagsimulang manginig ang boses nito. Tila pinipigilan ang pag-alpas ng hikbi. “Wait.” Doukas suddenly straightened his back. “You said that your name is Leah and you happened to be Mom’s nurse? Kung ganoon ikaw iyong tinawag niya kanina.” Kanina habang nag-i-isterismo ang kanyang ina ay dalawang beses nitong tinawag ang pangalan na Leah. Mahinang tumango ang nurse, may luhang nagbabadya sa gilid ng mga mata nito. “Marahil nga ho, Mr. Damarcus dahil tatlong buwan mahigit din na nagkasama kami ni Ma'am Cielo at ang bait-bait niya ho sa akin. At inaasahan ko na ho ang tuluyan niyang paggaling hanggang sa...” “Tell me what is it?” Udyok ni Doukas sa nurse nang mapuna niya ang takot sa mga mata nito. “Hanggang sa bumisita si Sir Davino rito kahapon.” Leah declared nervously like she was in a trial court and being asked to state every detail of the crime she witnessed. Tumiim ang bagang ni Doukas nang marinig ang sinabi ng nurse. All he thought that his father is in Italy. Doukas’ father, Davino Damarcus is a pharmaceutical magnate in Italy. Doon naka-base ang mga negosyo nito samantalang si Doukas ay mas piniling magtayo ng sariling negosyo sa Pilipinas that eventually turned into an empire in real estate line. Doukas is a stubborn motherfucker and always impulsive to do the things he wanted in his life at kailanman ay hindi niya hinayaan na diktahan siya ng kanyang ama sa mga desisyon niya sa buhay. Iyon ang dahilan kung bakit hindi siya malapit sa sariling ama. They used to live in Naples but when he turned seventeen ay nagsimula na siyang gawin ang kanyang mga gusto, kasama na roon ang desisyon niyang tumira sa Pilipinas pagkatapos niya ng kolehiyo and he did. The Damarcus ancestors were pure Italians ngunit dekada otsenta ay nakarating sa Pilipinas ang mga magulang ng ama niyang si Davino to expand and introduce their company in the country. Ngunit taong 1994 ay namatay ang grandmother ni Doukas at doon nagdesisyon ang kanilang angkan na bumalik na lamang sa Italya. May iilang malalaking property na naiwan ang ancestors ni Doukas at isa na roon ang dating tirahan ng mga ito na ngayon ay isa nang word-class event venue–ang Damarcus Palace. “Pinalabas ho ako ni Sir Davino nang araw na iyon pero dala ng pag-aalala ay nanatili ako sa labas mismo ng pinto. Para sa akin ay malaki ho ang kinalaman ng pagbisita ng Daddy ninyo kung bakit sunud-sunod ang hysteria episode ni Ma'am Cielo. Mr. Damarcus, narinig ko ho kasi ang Daddy ninyo na hinihingi kay Ma'am Cielo ang makipag-deborsyo. At ibig mo rin hong ipaalam sa inyo na minsan nang nagkuwento sa akin si Ma'am Cielo sa masakit na pinagdaanan niya kasama ang Daddy ninyo. Sabi niya ay may ibang babae si Sir Davino kaya iginigiit nito ang divorce.” Hindi nakuhang magsalita ni Doukas yet fury ignited in every nerve of him. Hindi siya makapaniwala sa narinig. Bakit wala man lang siyang ideya na nawawasak na ang pagsasama ng mga magulang niya? And when his mother began to show some sign of mental disturbance ay naipalagay niyang dahil lang iyon sa may history ng naturang sakit sa angkan ng mga Morandi. He thought that her mother maybe just inherited the illness dahil wala namang nababanggit ang kanyang ina sa kanya o napuna niyang may dinidibdib itong problema. And the idea that his parents’ marriage is falling down is hard to believe. Ni minsan ay hindi nagkaroon ng infidelity issue sa pagsasama ng mga magulang niya. Iyon ang alam niya. “At, Mr. Damarcus, kilala ko ho ang kabit ng Daddy ninyo.” “Just fcking tell me who?” UGONG NG SASAKYAN mula sa kanyang likuran ang nagpalingon kay Lance Buenaflor habang naglalakad siya patungo sa sakayan. Uuwi siya ngayon sa apartment nila ni Chantara. Gumilid siya ngunit hindi gaanong pinansin ang muling pag-busina ng puting Tesla Model S na sasakyan. “Lance, hey. Ihahatid na kita.” Nagtagis ang ngipin ni Lance nang marinig ang pamilyar na boses ng isang babae. Hindi na nga ikinagulat ni Lance na si Chandra ang nagmamaneho ng magarang sasakyan na sumusunod sa kanya. Nakadungaw ang ulo nito sa nakababang bintana ng kotse. Galit na hinablot pabukas ni Lance ang pinto sa kabilang gilid at pabalyang isinara iyon. “Lance, a–ano ba?” Daing ni Chandra nang maligasgas na hinawakan ni Lance ang siko nito. “Hindi ba at nagkalinawan na tayo, Chandra na hindi mo na ako guguluhin?” Utas ni Lance sa babae ngunit imbes na mapakislot sa mahigpit niyang pagkakahablot sa siko nito ay nakuha pang ngumisi ni Chandra sa nanlilimbang na paraan. “I am a bad liar, ain't I, Lance?” Itinaas ni Chandra ang malayang kamay patungo sa dibdib ni Lance at mainit na humaplos doon. “Sana napansin mong nagsisinungaling lang ako noong gabing nangako akong lalayuan kita. You know I cannot do that.” Bumaba ang kamay nito sa gitnang bahagi ng mga hita ni Lance. “Chandra, putangina! Itigil mo na ‘to!” Lance hissed and tried to slap away Chandra’s hand above his pants when Chandra desperately shoved forward and crashed her lips into his. Sumigaw ang pagtanggi sa utak ni Lance ngunit katulad din ng tatlong gabing may namagitan sa kanila ni Chandra ay nakulong na lang sa utak niya ang ano mang panlalaban niya. He growled and kisses her back through a punishing way. Tila langit pa kay Chandra ang pagiging mabagsik sa paghalik ni Lance. Nahahapong unang nagbawi si Lance at galit na sinabunutan ang sarili habang nagmumura. Identical twins man si Chandra at ang babaeng kinakasama niya ay kabisado ni Lance ang bawat kaibahan ng magkakambal. And Chantara’s smile is only what his mind could recognize kahit si Chandra pa ang kasama niya. Kailanman ay hindi nagbago ang pagtingin ni Lance kay Chantara kahit ilang problema pa ang sumubok sa relasyon nila. And now that he already have her at kasal na lamang ang kulang ay ngayon pa niya nagawang pagtaksilan si Chantara. If only he could kill himself, he f*****g would! “Iwan mo na si Chantara, Lance. Kaunting panahon na lang din naman at ganap na akong doktor. Kaya ko nang iwan si Davino para saiyo. Ikaw pa rin ang mahal ko, Lance. Alam mo iyan. At gagawin ko ang lahat para maging akin ka ng buo.” “Kahit ilang beses mo pang guluhin ang isip ko, Chandra hindi pa rin iyon magiging dahilan upang mabago rin ang tinitibok ng puso ko.” Sa kalmanteng tinig ay sabi ni Lance. “Si Chantara lang ang gusto kong mahalin. Hindi iyon magbabago. Pakakasalan ko siya.” “Stupid!” Chandra furiously puffed. “Sa tingin mo ba’y gugustuhin pa rin ng bobang kapatid ko na iyon na pakasalan ka after I tell her that you slept with me at hindi lang isang beses, Lance.” “Putangina, Chandra! May usapan tayo—” “Oh, shut the hell up, Lance. Kung sa una’y maaari mong gawing excuse ang kalasingan mo pero ang sumunod na dalawang beses na pagniniig natin ay nasa katinuan ka, Lance. Chantara will never believe you na ako lang ang may gusto sa namagitan sa atin. She will surely dump you away, Lance. Nakatitiyak ako.” Madilim ang mukhang binalingan ni Lance si Chandra. “Layuan mo kami ni, Chantara! Hindi ko siya ipagpapalit kanino man, Chandra. Layuan mo kami at binabalaan kitang huwag mong tatangkain na ipaalam kay Chantara ang namagitan sa atin kundi hindi na ako makikipagkita saiyo kahit kailan! Tandaan mo iyan.” “B–but, Lance, I love—” Nahampas na lamang ni Chandra ang steering wheel sa kanyang harapan nang pagalit na bumaba si Lance sa kanyang kotse. Binalak ulit na sundan ni Chandra si Lance out of too much desperation nang makatanggap siya ng tawag. “What?” Singhal niya sa kabilang linya. “Nagawa ko na ang gusto mo, Chandra.” Iyon ang malamig na bungad ng kanyang caller. Mula sa galit ay biglang nabago ang ekspresyon sa mukha ni Chandra. Then Chandra grinned devilishly. “Oh, really, Leah? I told you so. Ganoon lang kasimple ang pinapagawa ko ‘di ba?” Nakatatandang kapatid ni Lance Buenaflor ang kausap ni Chandra. Si Leah. “Nagawa kong sabihin sa anak ni Davino na si Chantara ang kabit ng kanyang ama at kung saan niya ito matatagpuan.” “Great! You did a great job, Leah kaya bakit ganiyan ang boses mo?” “Chandra, alam mong malapit sa puso ko si Chantara at kung hindi lang sa pananakot mong ipapatanggal mo ako sa trabaho ko’y nunkang gagawin ko ang kasamaang ito sa kapatid mo! Kung may pagpipilian lang sana ako ay—” “Well, unfortunately you have none, Leah. Kung hindi ka kakampi sa akin ay mawawala sa inyo ang sakahan na siyang tanging pinagkukunan ng hanapbuhay ng parents ninyo ni Lance bukod sa mawawalan ka rin ng trabaho. So, you just did a smart decision.” Narinig ni Chandra ang pagsinghot ni Leah and that made her roll her eyes inwardly. “Wala ka ba talagang natitirang—” “Tumahimik ka! This damn deal is over. Nakuha ko na ang gusto ko at kagaya ng ipinangako ko ay tutuparin ko iyon.” Chandra said, her eyes fixed ahead and her gaze darkened when he saw Lance rode into a cab. Uuwi na naman ito kay Chantara! Damn him! Chandra saw to it that this will be the last night na magkakasamang matiwasay ang dalawa dahil hindi siya titigil hanggang hindi nagkakahiwalay si Lance at Chantara. “Ngayong nailagay ko na sa utak ng anak ni Davino na si Chantara ang kept woman ng kanyang ama ay malaya ko nang magagawa ang mga gusto ko nang hindi nakasunod sa akin ang anino ng Doukas na iyon because I am sure he'll gonna throw me in blazing hell once he will find me out. At ngayon si Chantara ang sasalo sa galit niya dahil sa pagsira ko sa pamilya nila. Chantara deserves nothing but a messy life dahil sa pang-aagaw niya kay Lance mula sa akin! She doesn't deserve to live peacefully, tinitiyak ko.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD